Lumingon siya kay Prince Damon at tumingin dito na bahagyang ngumiti. “Sabi mo ay matigas ang puso mo sa ibang tao. Ako naman ay may malambot na puso para sa iba, kung kaya mong manakit, ako naman ay hindi ko kaya.” Tumingin siya sa kalangitan. “Ako nga ang prinsipe na pinakamahina sa lahat, ngunit may dahilan naman ako kung bakit. Oo, kailangan kong matutong lumaban, pero kailangan ko ding paganahin ang puso ko para maintindihan muna kung bakit mayroong digmaan na magaganap at malaman ang dahilan para sa ganon mabigyan ko ng solusyon sa paraan na walang masasaktan. Kung hindi naman madaan sa ganong solusyon saka palang ako hahawak ng espada at haharap sa kalaban.”
Nakatitig lang si Prince Damon sa mukha ni Prince Dylan na nakatingin sa kalangitan. Bahagya itong napangiti bago nagbaba ng tingin. “Kung doon ka magiging panatag ay hindi na kita kokontrahin pa, ngunit huwag mong masyadong pairalin ang puso mo dahil minsan hindi mo nalalaman na ang kakampi pala ay iyo din palang kalaban.” Tinalikuran na siya ni Prince Damon at tuluyan ng umalis ng Paradise Castle. Sinundan lang ng tingin ni Prince Dylan si Prince Damon, pero may isang katulong ang lumapit sa kanya.
“Paumanhin, prinsipe ng Stalwart Castle. Ipinatatawag kayo ng mahal na reyna.” Tumango naman siya at sumunod din kaagad sa katulong.
Sa isang pasilyo na walang bisita ay nakita ni Prince Dylan si Queen Alice at ang prinsesa. Paglapit niya ay yumuko siya at nagtanong, “Pinatatawag niyo daw po ako, Queen Alice?”
Ngumiti naman ng malaki si Queen Alice. “Mabuti at dumalo ka ngayong gabi, Prince Dylan. Pasensya na at hindi kita nakita kanina, pero gusto ko sanang makilala mo na agad ang aking prinsesa.”
Inalalayan ni Queen Alice si Princess Francesca papunta sa kanyang harapan. “Anak, siya nga pala si Prince Dylan ang prinsipe ng Stalwart Castle.”
Maliit na ngumiti naman si Princess Francesca, “Kinagagalak kong makilala ka, prinsipe.”
Tumingin siya kay Queen Alice, bago sa prinsesa. “Masaya ako na nakita niyo na siya Queen Alice.” Matagal bago iniwas ni Prince Dylan ang mata niya sa prinsesa.
“At alam mo na kung bakit pinakilala ko na siya ngayon dahil sa mga susunod na araw ay dapat niyo ng makilala ang isa’t-isa.”
Napakunot ang noo ng prinsesa. “Bakit kailangan na naming makilala ang isa’t-isa, Ina?”
Napatingin agad si Queen Alice kay Prince Dylan. “Malalaman mo din, pero hindi pa ngayon aking prinsesa.” At pagkatapos ay ngumiti. “Siguro ay puwede na tayong bumalik sa loob, may mga bisita pa tayo at nakakahiya kung wala tayo, lalo ka na Princess Francesca.” Tumango lang ang prinsesa at sumama na sa loob ng palasyo, pero bago pa sila makapasok ay lumingon ito kay Prince Dylan at ngumiti bago tuluyan makapasok sa loob ng palasyo.
Si Prince Dylan naman ay walang naging sagot sa pagngiti ng prinsesa.
Nagpatuloy ang kasiyahan sa palasyo ng Paradise Castle, at bago sumapit ang gabi ay bumalik na sila sa kani-kanilang palasyo maging si Prince Dylan.
Kinabukasan ay maagang nag-bayad si Adira ng bill sa ospital. Mabuti na lang at may laman ang bangko niya pagkatapos ay naglakbay na sila pauwi.
Dalawang oras ang naging biyahe nila bago huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Simon. Inalalayan naman ni Adira si Simon sa pag-baba ng sasakyan hanggang sa harap ng bahay, ngunit nagtaka sila na may tao sa harap ng bahay ni Simon.
Nang nakalapit sila ay humarap ang tao na iyon. Isang matandang babae ito at mukhang ang edad ay nasa 60 years old na.
“Bakit nasa tapat ka ng bahay ko?” tanong ni Simon.
Tumingin ang matanda sa kanya. “Pasensya na, ngunit ikaw ba ang gumagawa ng mga misyon at binabayaran para doon?”
Nagkatinginan si Adira at Simon. “Paano mo nalaman na dito ako nakatira?”
“May nakapagsabi sa akin na nasa lugar na ito nakatira ang lihim na gumagawa ng misyon, kaya ako naparito. Walang sumasagot sa telepono, kaya pumunta na ako.
Pinakiramdaman ni Simon si Adira na hindi nagsasalita. “Hindi muna tumatanggap ng misyon ang taong tinutukoy mo, kaya maaari ka ng umalis.”
Maglalakad na sana ulit sila Simon ng pigilan sila ng matanda. “Sandali lang!” Napahinto naman sila. “Magbabayad ako ng malaki para lang magawa ang gusto ko mananakot lang siya, gusto ko lang malaman kung mahal na ba ng anak ko ang asawa niya.”
Napakunot naman ang noo ni Adira pero nanatiling tahimik.
“Ano ba ang gusto mong mangyari?” tanong ni Simon.
“Gusto kong kidnapin niya ang asawa ng anak ko.”
Nagtaka naman si Simon. “Bakit kailangan pang kidnapin ang asawa ng anak mo?”
“Hanggang ngayon kasi ay hindi ko alam kung nahulog na din ba ang loob niya sa asawa niya na pilit kong pinakasal noon dahil may anak silang dalawa. Ngayon na parang nagkakaroon na ng linaw ang lahat saka naman umiiwas si Carina kay Sebastian.”
Mabilis na napatingin naman si Adira sa matandang babae na halos magdikit na ang kilay niya sa sobrang pagkakakunot ng noo. “Hindi naman siguro si Mrs. Torres ang tinutukoy niya?” tanong niya sa sarili.
“Kaya kung maaari baka puwede mong kausapin ang kasama mo. Kahit kayo pa ang magbigay ng presyo para sa gagawin niyo sa mag-asawa.”
Pasimpleng tumingin lang si Simon kay Adira. Nakita niyang kunot na kunot ang noo nito.
“Anong araw puwede gawin ang misyon?”
“Mamayang gabi.”
Napa-isip si Simon. “Maaari ko bang makuha ang phone number mo. Tatawagan na lang kita kung pumayag siya.”
Ibinigay ng matandang babae ang number nito na sinulat sa maliit na papel. “Nawa’y pumayag siya sa gusto ko. Salamat, pero kailangan ko na ding umalis. “Tumango lang si Simon at hinintay na tuluyan ng maka-alis ang matandang babae.
Nagpatuloy sila sa pagpasok sa loob ng bahay at pagka-upo ay nagtanong kaagad si Simon.
“Narinig mo naman ang sinabi ng kausap ko. Gusto mo bang gawin?”
“May flight na ako pabalik ng Stalwart Castle mamaya.”
“Anong oras?”
“Mga 12 am.”
Bumuntong-hininga si Simon. “Baka gusto mo munang pagbigyan ang hiling ng matanda at naalala ko din na sila din ata ang dahilan ng huli mong misyon. Si Mrs. Torres ‘di ba?”
“Hindi ko sigurado kung sila ‘yon o baka kapangalan lang nila.”
“Sabagay na sa iyo ang desisyon kung tatanggapin mo o hindi, pero alalahanin mo may anak sila.”
Pinaningkitan niya ng mata si Simon. “Konsensya ba kita Simon?” Ngumiti lang siya sa kanya. “Sige gagawin ko. Okay naman na ang schedule ng flight ko.”
Tinawagan ni Simon ang matandang babae at sinabing tinanggap na ni Adira ang gusto nito. Nagtagal ang pag-uusap nilang dalawa dahil sa haba ng plano, pero mamaya na gagawin.
Ibinaba ni Simon ang tawag at tumingin sa kanya. “Ang dami mong gagawin sa ilang oras na misyon, Adira. Maghanda ka dahil hindi ka puwedeng makilala ni Mrs. Torres. Sigurado akong makakakita ka ng maraming luha sa mukha niya. Ang anak nila ay mananatili sa matandang babae habang ginagawa mo ang misyon. Ang plano ay kuhanin mo sila parehas at iwan sa sasakyan ang bata at si Mrs. Torres lang ang dadalhin mo sa isang lumang warehouse.”
Napangiwi siya sa plano. “Parang ang role ko dito ay maging kontrabida kahit pa isang misyon lang naman ang gagawin ko.”
Nagkibit-balikat si Simon. “Mahilig sigurong manuod ng movie ang ina ni Mr. Torres kaya ganon.”
Ilang oras lang ang lumipas si Adira ay nasa bahay na niya at naghahanap ng puwede niyang isuot na hindi kita ang buong mukha niya. Kung sa ibang misyon ay kalahati lang ng mukha niya ang nakatakip. Ngayon ay buong mukha puwera lang sa mata. Nang nakakita na ng puwede niyang suotin ay agad na niya itong kinuha at nagpalit ng damit.
Pagbalik sa kwarto ay nakasuot na ng all black outfit si Adira mula ulo hanggang paa. May cap sa ulo, isang itim na damit na nakatali sa buong mukha niya puwera sa mata, isang turtle neck na damit na naka tuck-in, fit pants, at boots. Hindi niya din dadalhin ang dalawang kahoy niya dahil may ipagagamit sa kanyang pekeng baril.
Nang okay na ang lahat ay umalis na sa kanyang bahay si Adira at nagtuloy na sa isang lumang warehouse kung saan dadalhin si Carina. Bahala na ang ibang tauhan ng matandang babae sa pagkuha kay Mrs. Torres.
).push({});






2 Responses
Bakit walang search o next button tsk
Kulit anu, eto Yung mag Asawa na maloko Yung lalaki