Ilang saglit pa nga lang ay tuluyan ng nahimbing ang pagtulog ni Adira.
Hating gabi ay tahimik na sa loob ng palasyo at sa labas, tanging ang mga kawal na lang ang gising na nakabantay sa paligid ng palasyo. Nang may isang misteryosong tao na nagpakita sa tuktok ng bakod ng palasyo habang nakasuot ng itim na may saklob sa kanyang ulo. Tumalon ito sa loob ng tarangkahan ng palasyo mula sa bakod. Ang bilis niya ay hindi makikita ng kawal dahil ilang segundo lang ay nasa beranda na siya ng kwarto ni Adira.
Sa pagkakataon na iyon ay hindi nasarado ni Adira ang pinto papunta sa beranda dahil sa kurtina, kung hindi titingnan mabuti ay aakalain na nakasarado ito dahil sa kulay itim na kurtina.
Lumapit ang misteryosong lalaki sa pinto at hinawi ang kurtina. Nakita niya na mahimbing ng natutulog si Adira. Hindi pa ito nakuntento at pumasok pa sa loob ng kwarto at sa mismong tabi ng higaan ni Adira huminto.
Tinitigan nito si Adira nang bigla nitong inangat ang isang kamay papunta sa mukha ng binibini. Mabagal niyang inalis ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ni Adira at nang okay na ay tumitig ito muli sa mukha ng binibini, ngunit nagising si Adira at sa pagdilat ng mata nito ay isang misteryosong tao ang nasa harap niya ngayon.
Bahagya inangat ni Adira ang katawan niya at lumayo sa taong nasa harap niya ngayon.
“Sino ka?” matapang niyang tanong, pero nakatitig lamang ito sa kanya. Hindi nakikita ang buong mukha nito dahil sa itim na tela sa mukha, pero ang dalawang mata nito ay kitang-kita na may pares na kulay brown.
Pasimple niyang kinukuha ang dalawa niyang kahoy sa ilalim ng unan. “Ang sabi ko sino ka? Anong kailangan mo?”
Hindi ito sumagot o kumilos man lang. Nakatitig pa din ito sa kanya, pero naalarma siya ng hawakan nito ang dulo ng armas nito na nasa bewang, kaya nilabas niya na din ang dalawang kahoy niya at tinutok dito.
“Subukan mong bunutin ‘yang nasa bewang mo nang makita mo ang pulang liwanag,” seryosong saad niya, pero napakunot ang noo niya ng lumakad lang ito at pumunta sa paanan ng higaan niya at muling humarap sa kanya.
Base sa suot nito parang ito ang nakita niya noon sa gate ng palasyo na nakamasid sa beranda ni Dylan, pero hindi pana at palaso ang armas nito ngayon, base sa nakikita niya ay espada ang armas nitong dala.
“Anong kailangan mo at nandito ka sa kwarto ko at sa palasyo ng Stalwart Castle? Ang lakas ng loob mong pumasok dito, may binabalak ka ba?!” Wala siyang nakuhang sagot sa misteryosong tao sa harap niya at hindi talaga ito pumipikit habang nakatitig sa kanya. Sa isip niya, “Baliw ba ang tao na ‘to at ayaw man lang sagutin ang tanong ko?”
Napatayo siya ng tuwid nang hinugot nito ang espada mula sa bewang nito at tinutok sa kanya. Ilang segundo ang tinagal ay nagsimula itong gumalaw, mabilis ito at tila bihasa sa pag gamit ng espada at sa bawat pagtira nito ay may kalakasan kaya may pagkakataon na hindi niya nasasangga ang espada gamit ang dalawang kahoy niyang nasa ordinaryo pang anyo.
Nang may pagkakataon ay nagawa niyang ilabas ang especial na katangian ng dalawang kahoy niya at bahagyang napa-atras ang misteryosong tao. Nakipagtitigan ito sa mata niya at biglang tumingin sa dalawang kahoy niyang hawak. Dinig niyang mahinang tumawa ito at base sa pag-tawa nito ay lalaki ang misteryosong tao na nakatayo sa harap niya ngayon. Nagtaka siya sa inakto nito at handa na sanang siyang sumugod ulit ng inangat nito ang espada at tinutok sa mismong mukha niya.
“Nalalapit na ang katapusan, malalaman na ang katotohanan. Sa susunod na mga araw ang katotohanan ay unti-unti ng lalabas. Mag-ingat hanggang sa huling laban,” saad ng misteryosong lalaki bago tumakbo at tumalon sa beranda ng kwarto ni Adira.
Naiwan naman si Adira na nagtataka habang nakatulala at nakakunot ang noo.
“Ano ang ibig sabihin ng lalaki na iyon? May dapat bang mangyari sa mga susunod na mga araw, at isa pa, siya din kaya ang misteryosong tao na nasa gate ng palasyo noong nakaraan?” litong-lito at sobrang naguguluhan siya sa mga taong nakasuot ng mga itim na kasuotan.
Samantala ang misteryosong lalaki ay nakalayo na sa palasyo ng Stalwart Castle, pero tumigil ito sa isang malaking puno at sumandal. Hinawi nito ang suot hanggang braso at nakita niya ang sugat na dumudugo pa hanggang ngayon.
“Magaling, binibini. Hindi ko naramdaman na tumama na pala ang armas mo sa katawan ko. Hindi nga ako nagkamali,” sambit nito bago tumakbo palayo at pumunta sa madilim na parte ng lugar na halos hindi na ito makita dahil sa itim nitong suot.
Habang si Adira ay tinago muli ang dalawang kahoy niya sa ilalim ng unan. Kumunot ang noo niya sa gawing paanan ng higaan nang makita niya ang isa na namang pulang rosas. Nagtaka siya at kinuha ito kaagad, binuksan niya ang drawer sa tabi ng higaan niya, pero nandon pa din naman ang rosas na nakita niya kanina.
“Ibig sabihin may nakapasok sa kwarto habang natutulog ako, pero hindi naman siguro ang lalaki na iyon ang naglagay dahil siya lang naman ang biglang pumasok dito? Hindi ko din maisip na si Heneral Agustin ‘yon, imposible.”
Muli niyang nilagay ang rosas sa drawer at wala siyang paki-alam kung malanta o mabulok ang petals dahil hindi niya alam kung sino ang naglalagay sa higaan niya no’n.
“Ang daming puwedeng paghinalaan, iba’t-ibang katulong din ang labas-pasok sa kwarto ko, at hindi ko din batid kong safe bang hawakan dahil baka malingat lang ako saglit ay may lason na pala ang hawakan ng rosas.”
Guguluhin sana ni Adira ang buhok niya, pero naalala niya na hindi pala niya nailugay ang buhok bago matulog, kaya naman inalis niya ang pang tali sa dulo ng buhok niya at sinuklay ito. Halos hanggang hita na niya ang straight niyang buhok na kulay brown, hindi ito itim na itim, natural na kulay brown ang buhok ni Adira, pagkatapos sinarado niya muna ang pinto palabas ng beranda bago humiga at natulog na parang walang nangyari.
Samantala kung ai Adira ay matutulog muli, si Prince Dylan naman ay hanggang ngayon ay gising pa. Nakahiga lamang siya at nakapikit, pero hindi siya dinadalaw ng antok, kaya naman tumayo siya at sumilip sa ilalim ng kanyang higaan, pero nang hinahanap na niya ang mga sulat ay wala siyang makita kahit isa.
Kumunot ang noo niya at muling hinanap ang mga sulat pero hindi talaga niya makita. “Nasaan na ang mga sulat na nandito? H-hindi maaaring mawala iyon,” hindi siya mapakali at kahit pa ang daming kalat sa ilalim ng higaan dahil sa paghahanap sa sulat ay wala ng siyang paki-alam.
Umupo siya, at ang mga mata ay hindi mapakali sa sobrang kaba. “Sino ang kumuha?”
Ang mga sulat na nakuha ni Adira ay itinago talagang mabuti ni Prince Dylan dahil sa mga mensahe nito. Noong una siyang nakatatanggap ng sulat mula sa hindi niya kilala, dahil nakikita na lamang niya ito na nakapatong sa higaan niya. Binalewala niya ito noon at hindi masyadong pinagtuunan ng pansin, pero ng tumagal ay nagpasya siyang itago ito sa ilalim ng kanyang higaan. Lahat ng mga nakasukat sa sulat ay puro pagpapa-alala na mag-ingat at iyon talaga ang pinagtataka ni Prince Dylan dahil wala namang gustong saktan siya, pwera na lang kay Prince Damon na hindi masyadong magkasundo ang dalawa, pero hindi sumagi sa isipan ni Prince Dylan na baka ang pinahihiwatig ng sulat na kung bakit mag-iingat ay dahil kay Prince Damon.
“Dadagdag pa sa isipin ko ang mga sulat na nawala at hindi ko alam kung sino ang kumuha.” Pumikit siya at ginulo ang buhok.
Makikita sa mata ng prinsipe na pagod na ito at kailangan na niyang matulog dahil sa namumula nitong mata, patong-patong na problema ang kinakaharap niya ngayon na parang pinagkakaisahan siya ng lahat ng tao sa paligid.
Nang dumilat siya ay may bahid na ng pangingilid ng luha sa mata niya. “Ama, puwede bang gumising ka na sa pagkakahimbing. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari, at ayokong isipin na hindi ka na gagaling dahil ayokong maiwan mag-isa kahit pa ang daming tao na nakapaligid sa akin dito sa palasyo.” Tuluyan ng tumulo ang luha sa mata niya habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo at nakayuko. “Paki-usap huwag ngayon, k-kailangan ko ng tulong mo.” Ang luha sa mata niya ay unti-unting pumapatak sa sahig.
Hindi alam ng prinsipe na nakasilip sa pintuan si Heneral Agustin. Nakatitig ito sa prinsipe na may bahid din ng luha sa kanyang mata, bago sinarado ang pinto ng kwarto.
Kinabukasan nagising si Prince Dylan na namamaga ang mata dahil sa labis na pagluha kagabi. Nakatulog din siya ng wala sa ayos sa higaan dahil sa labis na kalungkutan na nadama niya.
Lumabas siya ng kanyang kwarto at nagpunta sa hapag-kainan. Kumain na wala na namang siyang kasama bago pumunta sa kwarto ng kanyang ama. Nakita niyang mahimbing na natutulog pa din si King Stephen.
Lumapit siya at napansin na ang laki na ng nabawas sa timbang ng kanyang ama, halos humpak na din ang pisngi nito dahil hindi naman ito nakakakain ng pagkain. Tanging ang laman ng dextrose na lang ang dumadaloy sa katawan nito. Napakunot ang noo niya ng mapansin na nagkukulay ube ang labi ng kanyang ama. Nilapit pa niya ang mukha niya at sinuri itong mabuti at nagtaka dahil ngayon lang niya napansin ang labi ng kanyang ama. Kung dadalaw man siya sa kanyang ama ay laging sa paanan na lang nito siya tumitigil, kaya hindi niya napansin kaagad ang nagiging ube nitong labi.
“Kakausapin ko na lang ang doctor sa susunod niyang pagpunta dito,” saad ng prinsipe sa sarili bago umalis ng kwarto ni King Stephen dahil kailangan na din niyang maghanda para sa pagdating ni Prince Damon.
Habang si Adira ay antok na antok pa habang sinusuot ang kasuotan ng kawal dahil kailangan nilang humilera habang naglalakad si Prince Damon papunta sa trono ni King Stephen at magbigay pugay dito.
“Kung puwedeng matulog na lang ay gagawin ko kaysa magbigay pugay sa prinsipe na ‘yon,” ang aga ay kumukulo na ang dugo niya sa tuwing naiisip niyang si Prince Damon ang napili ni Dylan para pansamantalang humawak ng Stalwart Castle, kung puwede niya lang konprontahin si Dylan ay ginawa niya na, pero hindi naman puwede.
Umugong ang malakas na tunog mula sa labas, kaya naman bago lumabas ng tuluyan si Adira sa kwarto niya ay tiningnan niya muna ang pasilyo at ng walang Dylan sa paligid ay lumabas na siya at pumunta sa tanggapan ng bisita kung saan nandoon ang trono ng hari. Pasimpleng humilera si Adira sa mga kawal dahil siya na lang ang wala, kapansin-pansin din kasi na may space pa na pang isang tao, kaya kung sakali na hindi humilera si Adira sa mga kawal ay paniguradong magtataka si Prince Dylan.
“Mag bigay pugay sa prinsipe ng Valiant Castle!” saad ni Heneral Agustin na malapit sa pintuan ng palasyo.
Bahagya umabante si Adira at tumingin sa pinto ng palasyo na tanging ang mga mata niya lang ang gumalaw at kitang-kita niya ang prinsipe ng Valiant Castle. Ang suot nito ay kung paano magsuot ng kasuotan ang hari habang may suot itong korona, pero hindi iyon ang korona ni King Stephen, kaya naman kumilos na naman ang mata niya para tumingin kay Dylan at nakita niya ang korona ng hari na nasa isang babasagin na box na transparent habang nasa gilid ng trono.
“Ibig sabihin hindi din pinagamit ang korona kay Prince Damon,” napangiti siya sa isipin na iyon. Itinaas ng mga kawal ang espada at medyo nahuli pa siya, sana naman ay hindi mapansin iyon.
Lumakad na si Prince Damon ng mabagal habang seryoso ang mukha, pero ng nasa kalagitnaan, sa mismong tapat ni Adira ay huminto ito. Kumunot naman ang noo ni Prince Dylan sa ginawa ni Prince Damon dahil hindi dapat siya huminto sa paglalakad papunta sa trono.
Lumingon si Prince Damon kay Adira mismo. Nakipagtitigan ito at biglang maliit na ngumiti kay Adira na kinagulat niya kaya ilang beses siyang napapikit dahil hindi siya puwedeng mag-react dahil hindi ugali ng isang kawal iyon.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





