A Love Story in Isla Samaniego (Chapter 1)

KAHIT nasa Isla Samaniego na si Jilliane, mabigat pa rin ang kaniyang dibdib. Tinanggap niya ang alok ng kaibigang si Kitty na gamitin ang membership ng boyfriend nito sa pribadong island resort na iyon para mag-unwind at mag-soul searching.

Last week had been a tough and painful week for her. Pakiramdam niya ay nawindang ang buo niyang pagkatao sa pagkatuklas sa isang bagay na noon pa man ay malaking tanong na sa likod ng kaniyang utak.

Now, all the questions she had in mind for so many years were answered.

Muling nanakit ang kaniyang lalamunan at nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata pagka-alala sa mapait na natuklasan. Sino ba namang hindi magdadalamhati kung malaman mo na dalawampu’t anim na taon ka nang nabubuhay sa isang kasinungalingan? Sa kaniyang paglaki, maraming tanong ang hinihingan niya ng sagot pero sa tuwing susubukan niyang mag-usisa sa kaniyang mga magulang, sigurado ang sagot ng mga ito.

Sina Mr. and Mrs. Francisco Silvano ay hindi pala niya totoong mga magulang. Iyon ang pinakamasakit na bagay na nalaman niya.

All these years, lumaki siya sa isang kasinungalingan. Kapag nagtatanong siya noon kung bakit nag-iisa siyang anak, sinasabi ng mga ito na delikado daw magbuntis ang mommy niya. Kaya nga raw apat na taon muna pagkatapos ng kasal ng mga ito siya ipinanganak  ay dahil nahirapan itong mag-conceive. Sa tanong kung bakit hindi siya kamukha ng isa man sa mga ito, dahil daw may pinaglihian sa kaniya. Mga bagay na pinaniwalaan naman niya.

Subali’t noong isang linggo lang, biglang gumuho ang kaniyang mundo nang napatunayan niyang hindi siya totoong anak ng mga ito. Kaya labis siyang nasasaktan ay dahil pinalipas ng mga ito ang maraming taon na nagmukha siyang tanga. Sa kaniyang paglaki ay may naramdaman siyang kahungkagan sa kaniyang pagkatao sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kapag may pagtitipon sa alinman sa pamilya ng mommy at daddy niya, pakiramdam niya ay may hindi tama. They had all the time to tell her the truth. Marahil kung noong mga panahong nagtatanong siya ay ipinagtapat na ng mga ito ang katotohanan, hindi siya marahil nasaktan nang ganoon katindi.

Gaya na lamang ng kaibahan ng hitsura niya sa kaniyang mga kinilalang pinsan. She was always told she was the most beautiful among her cousins in either side of her parents. Mestisa kasi siya, maganda at matangkad samantalang halos lahat ng pinsan niya ay katamtaman lamang ang taas at masasabing average din ang mga hitsura. She could still vividly remember the times wen she was young na palagi siyang tampulan ng tukso kapag naglalaro silang magpipinsan. Na siguro raw ay ampon siya kaya siya ang pinakaiba ang hitsura sa kanilang magpipinsan bagay na kaagad na sinasaway ng daddy at mommy niya.

Sa kabila ng paminsan-minsang pagbibiro sa kaniya ng mga pinsan, naramdaman naman niya ang belongingness sa angkan ng mommy at daddy niya. In fact pareho siyang close sa dalawang angkan. Growing up, she would remember spending Christmas sa side ng mommy niya sa Bicol while they spent New Year in Bulacan. Alam niyang mahal siya ng mga ito pero hungkag nga ang kaniyang pakiramdam kahit ganoon. Back in the days, she would always feel they were always talking secretly about her. Marahil ay dahil sa sulok ng kaniyang utak ay may mga tanong na naghihintay ng kasagutan. Now, she knew exactly the reason why.

Kaya siya naroon ngayon sa Isla Samaniego ay para maibsan ang sama ng loob. Walang poot sa kaniyang dibdib sa mommy at daddy niya. Mahal niya ang mga ito. Ang sa kaniya lang, hindi maiaalis na magtampo siya sa mga ito dahil sa matagal na paglilihim ng mga ito sa kaniyang pagkatao gayong maraming beses naman na puwedeng ipagtapat ng mga ito sa kaniya ang lahat.

Her parents were in Canada when she found out the truth. May business trip ang daddy niya roon at kapag magtatagal ito ng mahigit isang buwan sa mga business trips nito ay sumasama ang mommy niya.

She incidentally saw her mother’s old journal.  May hinahanap siya sa bodega na maaring gamitin sa renewal of vows ng mga ito na gaganapin sa ikatatlumpong taong anibersaryo ng mga ito nang napukaw ang atensiyon niya ng isang brown box. Nakita niya roon ang mga lumang photo albums ng mommy niya noong dalaga pa ito, mga lumang cards at love letters ng daddy niya sa mommy niya na akmang-akma sa pagtitipong siya mismo ang nag-o-organisa. Gusto niyang sorpresahin ang mga ito pagbalik mula sa business trip sa Canada pero hindi niya akalaing siya ang labis na maso-sorpresa.

Biglang nag-flashback sa utak ni Jilliane ang nabasa niyang iyon.

I was so devastated when I learned na kailanman ay hindi ako maaring magkaanak. Isang malaking dagok ito para sa amin ni Francisco. Matagal naming pinangarap na makasal at magkaroon ng mga anak pero kahit isa ay hindi ko pala kayang bigyan si Francisco. Kaya pala apat na taon na kaming naghihintay, wala pa rin. Wala palang silbi ang pagiging babae ko ay hindi ako magiging ina kailanman….

Kinusot ni Jilliane ang mata nang naramdamang may tumulong luha roon. Ibinalik niya ang malaking antipara para matakpan ang luhang pinipigil pero umaagos nang kusa.

Para siyang pinagsakluban  ng langit at lupa ng mga oras na iyon lalo na nang nabasa niya ang pinakahuling pahina ng journal….

            Dininig na ng Diyos ang panalangin namin ni Francisco. Isang magandang bata ang nakatakda naming maging anak. Sobrang saya namin nang nakita namin siya sa ospital. She was very pretty. Sa wakas, magkakaroon na rin ng katuparan ang matagal na naming pangarap na magka-anak. Kapag naayos na ang  adoption papers, we will finally have a child. Mabubuo na ang aming pamilya. May naisip na kaming pangalan niya—Jilliane.

Namalayan na lamang ni Jilliane na bumabalong na ang luha sa kaniyang mata. Halos ay sumabog na rin ang kaniyang dibdib sa sobrang paninikip niyon. It wasn’t hatred but she was deepy hurting. All her life, she was living in a lie. Na parang isang istorya sa telenobela ang buhay niya.

Hanggang ngayon ay nasa Canada pa rin ang kaniyang mommy at daddy.  Hindi niya alam kung nakahanda na ba siyang harapin ang mga ito. She could have had called them but she opted not to. She deactivated all her social media accounts. She put her phone in airplane mode nang sa gayon ay walang maka-kontak sa kaniya. By this time, baka alam na ng mga ito na umalis siya sa bahay at sigurado niyang nag-aalala ang mga ito. Ang matagal na nilang kasambahay na si Nanay Dading lang ang napagbuhusan niya ng sama ng loob. Si Nanay Dading ang nagsilbing yaya niya magmula noong maliit pa siya pero maging ito’y hindi alam ang lihim sa kaniyang pagkatao. Ngayon din lang nalaman ni Nanay Dading ang lahat at naunawaan nito na gusto niyang mag-isip-isip. Nangako naman siya kay Nanay Dading na hindi siya gagawa ng anumang desisyon na makakasama sa kaniya.

Naalala niya, noong nasa ikalimang taon siya sa elementarya ay minsang tinanong niya ang mommy at daddy niya tungkol sa pagbibiro ng mga pinsan niya na ampon daw siya, ipinakita ng mga ito sa kaniya ang authenticated birth certificate niya. Sinabi rin ng mommy niya na una’t huling tanong na raw niya iyon dahil imposibleng mangyari ang bagay na iyon.

Ngayon niya napagtanto na wala namang imposible sa mga papeles. Maari iyong ayusing lahat. When she found her mother’s journal, hinalughog niya ang lahat na puwedeng paghanapan ng adoption papers niya pero wala siyang mahanap. Marahil ay nawala sa isip nito ang lumang journal na naglalaman ng lihim sa kaniyang pagkatao. Atleast, ipinagpapasalamat niyang naging sagot iyon sa matagal na niyang kinikimkim sa kaniyang dibdib. Subalit kung hanggang kailan niya magagamot ang sugat na nilikha ng pagkatuklas na iyon, hindi niya alam.

Ngayong alam na niya ang lihim ng pagkatao niya, gusto na rin niyang alamin ang kaniyang pinagmulan. Kung makikilala niya kung sino ang kaniyang tunay na mga magulang, baka matahimik na siya. She just wanted to know her roots. Gusto niyang tanungin ang kaniyang magulang kung bakit siya ipinamigay ng mga ito. Finding the truth would not mean she would leave the people who showed her love and affection. There was no reason for doing that. But she had all the reasons to find her parents.

Iyon lamang ang nais niya sa ngayon—ang hanapin ang kaniyang pinagmulan. Pero bago niya gawin iyon, kailangan muna niyang magmuni-muni. Gusto niyang payapain ang kaniyang puso sa napakapait na katotohanang iyon. Gusto lang muna talaga niyang mag-soul searching. Gusto rin niyang makapag-isip-isip ang parents niya. She hoped that they were ready to tell her everything kapag nagkita na sila uli.

She left her business—ang Hers Boutique—to her assistant, Kylie. Maging ito’y hindi alam ang totoong dahilan ng kaniyang pansamantalang paglayo. Ang bestfriend niyang si Kitty na sa malas ay hindi niya personal na madaingan ng problema ngayon dahil nasa ibang bansa rin ito para sa isang modelling stint ang nag-suggest na mag-stay siya sa tahimik na islang iyon. Humigit-kumulang isang daan lang ang miyembro ng pribadong island resort na iyon. Ang boyfriend ni Kitty na si Stephan ang personal na tumawag sa resort para sa kaniyang pagtungo roon. Members were given privileges to let their friends or relatives use their membership card kapag hindi nagamit iyon ng miyembro mismo sa loob ng isang taon. Bagama’t may kamahalan ang accommodation, ang magamit ang membership ni Stephan ay ipinagpapasalamat na ni Jilliane. It was a paradise away from home. Mas masarap sanang manatili roon kung pagsasaya ang pakay niya—kung may kasama siyang boyfriend para mag-enjoy. Subalit kabaligtaran ang lahat. She was there to console herself. She was there to ease the pain she thought was the deepest wound she ever had in her life.

Pangalawang araw na niya roon ngayon. Kahit paano ay nakagaan naman sa kaniyang pakiramdam ang katahimikan at kagandahan ng paligid. Mangilan-ngilan lang ang guests na nakikita niya. She occupied the cheapest room in the dormitory. May hotel na malapit sa beach front pero mas minabuti niyang manatilinna lamang sa dormitory total ay spacious din naman iyon. She didn’t want to spend that much in accommodation. May mga villas din na puwedeng rentahan pero mas doble ang presyo niyon sa hotel rooms. Tutal ay magagamit naman niyang lahat ang amenities ng isla, nagkasya na lang siya sa maliit na kuwarto sa island dormitory. Siya nga lang ang guest na nag-o-okupa ng twelve room dormitory. Pinili niya ang pinakadulong kuwarto kung saan nakaharap sa beach ang verandah.

Doon siya palagi nakaharap sa dagat. Gusto niyang sa pamamagitan ng pagtitig sa asul na tubig-dagat ay mabura ang lahat ng pait at hapdi sa kaibuturan ng kaniyang puso pero imposibleng mangyari iyon. May mga dala siyang libro pero hindi rin siya makapag-concentrate sa pagbabasa. Sa unang umaga niya roon at kaninang umaga ay devotional book ang binasa niya. She thought the Bible verses she read yesterday and today enlightened her at least. Salamat kay Aling Dading na nagbigay sa kanya ng libromg iyon. Born Again Christian si Aling Dading. Noong araw na nalaman niya ang katotohanan at nag-open up siya rito ay ipinag-pray siya nito. She cried her heart out. Aling Dading also told her to read the Bible. She didn’t have a Bible but she downloaded an application. She started that very day to read a verse in the Bible. Undeniably, it helped her at least to feel better.

Ngunit madalas na nalulunod pa rin siya sa kaniyang natuklasan. She had so many things in mind. Langong-lango siya sa mga isiping hindi niya alam kung kailan matatapos. Payo ni Aling Dading na magbukas at magbasa siya ng Bibliya sa oras na nakakaramdam ng ganoon.

By this time, alam niyang sinusubukan siyang tawagan ng mommy at daddy niya pero sinadya niyang ilagay sa airplane mode ang kaniyang cellphone. She had to gather her wits before talking to them. Ang gusto niya’y handang-handa siya emotionally kapag hinarap ang mga ito. Being spiritually ready would be a greater help, she knew.

Napaiyak na naman siya. Walang kapantay na sakit ang kaniyang nararamdaman. It was more painful when she had her first heartache two years ago when she found out that her boyfriend was cheating on her. Madali lang niyang nalimutan ang sakit na iyon. Isa lang ang inisip niyang gamot—ang hindi basta magtiwala sa sinumang lalaki at hintayin ang pagdating ng tamang lalaki.

Subalit ang sakit na lumalatay sa kaniyang puso at buong pagkatao ngayon, hindi niya alam kung paano lulunasan. Ni hindi nga niya alam kung kailan niya kakayaning harapin ang mommy at daddy niya.

Napahikbi na naman si Jilliane. Tinanggal niya ang kaniyang shades at isinubsob ang mukha sa dalawang palad. Ang hikbi niya ay naging hagulgol.

DEREK had been watching the woman in the verandah of the dormitory for half an hour already. Kung gusto ng guest ng affordable rate na maaring matuluyan habang nasa isla, the rooms in dormitory was what the management always suggested. Karaniwan ay pamilya ang nag-o-okupa ng dormitory.

He got his attention back to the woman in the verandah. What was up with that woman? tanong sa likod ng kaniyang utak.

Mataman niyang sinisipat mula sa kinauupuan niyang hammock sa kaniyang private villa ang babae. Kahapon ay nakita na rin niya ito roon at natawag na rin ang kaniyang atensiyon.

He thought she was alone and she was lonely. Nakita rin niya ito kagabi sa restaurant ng isla na kumakaing mag-isa. Kung hindi lang niya kasama si Meryl, baka hindi niya napigilan ang sariling lapitan ang malungkot na babae.

Umalis na umiiyak si Meryl kaninang umaga. Alam niyang dina-dramahan lang siya nito. Hindi siya maaring daanin sa drama ng sinomang babae. Hindi naman niya inimbitahan si Meryl doon. Nagtungo ito roong mag-isa. He wanted to be alone at the moment at isa si Meryl sa mga babaeng gusto na niyang iwasan.

Ipinahatid niya ito sa kaniyang pribadong yate pabalik sa Maynila. The woman was getting to his nerves. Sa lahat ng kaniyang mga nagiging dates, una niyang nililinaw na hindi kasali ang commitment. Nagalit siya nang tinawagan siya ng kaniyang kaibigang si Dax na nasa Lifestyle section daw ng isang broadsheet ang larawan nila ni Meryl nang dumalo sila sa isang social event kamakailan. It turned out na ang bestfriend ni Meryl ang nagpa-publish niyon bagay na labis niyang inaayawan.

Derek didn’t want his name to be dragged in newspapers and magazines lalo pa’t may involved na pangalan ng sinomang babae. He would never want to be in a serious relationship anymore.

Sa naisip ay umantak ang kaniyang puso. It had been three years since the most painful thing happened to him. Isang pangyayaring siya lamang at ang kaniyang pamilya ang nakakaalam. Isang kontrobersiyang siguradong sisira sa pangalan ng kanilang angkan at negosyo kapag may ibang nakaalam at kumalat sa media at business world.

Napatiim-bagang siya sa muling pagka-alala sa unfaitfulness ng namatay na asawang si Celina. Her wife and unborn child died. Celina tried to abort his child that also caused her death. Nasa business trip siya sa Europe nang nangyari iyon. Ang pinakamasaklap, nalaman niya na may ibang lover ang kaniyang asawa kaya ginusto nitong patayin ang kaniyang anak.

Ang pagiging mag-asawa nila ni Celina ay kagustuhan kapuwa ng mga magulang nila para sa ikauunlad ng kani-kanilang mga negosyo. Gayunman, madali niyang natutunang mahalin si Celina lalo na nang nalaman niyang buntis na ito sa kanilang panganay. Inakala niya na gayon din ang nararamdaman ni Celina sa kaniya. Lingid sa kaniyang kaalaman ay nagkaroon pala uli ito ng ugnayan sa lalaking talagang mahal nito. Labis siyang nasaktan hindi lamang dahil sa natutunan na nga niyang mahalin si Celina kundi lalo’t higit ay sa pagkamatay ng kaniyang anak.

After his wife’s death, he promised himself not to be seriously involved again. He  dated countless women  but none of them made him love again. Hindi na mabilang ang babaeng naghangad na maangkin siya subali’t sa huli ay malinaw na higit na hangad ng mga babaeng ito ang mataba niyang bank accounts. But most ofd all, he lost trust and confidence in women.

Kagaya ni Meryl. Nalaman niyang ginawan nito ng paraan na mailabas ang larawan nilang dalawa. Narinig pa ng kaibigan niya na ikinukuwento raw nito sa mga kaibigan nito na sa oras na pakasalan niya ito ay magbubuhay-reyna daw ito.

Bakit ba ganoon ang mga babae? Wala na bang matino ngayon? Masisisi ba siya kung maging siya’y maglaro na lang sa pakikipag-relasyon?

And that woman he saw crying? Ano naman kaya ang drama ng babaeng iyon sa buhay? Was she a member of the resort? He doubted it. He knew almost every member of Isla Samaniego. Baka naman anak ito, kapatid o girlfriend ng isa sa mga miyembro. O baka mistress kaya? Pero bakit ito nag-iisa? At bakit sa dormitoryo lang ito tumuloy at hindi sa Samaniego Hotel o sa isa sa labing-anim na villas na marami namang available dahil hindi peak season ngayon at weekday being a Tuesday, madalang ang tao sa isla.

Damn him! Bakit ba masyado niyang pinag-aaksayahan ng panahon at atensiyon ang babaeng iyon? He was used to be given attention by women. Hindi siya ang pumapansin sa mga ito ngunit ang babaeng iyon, kahapon pa nito nakuha ang kaniyang atensiyon. Hindi ba’t ayaw niya sa maarte at iyaking babae dahil feeling niya nagda-drama lang ang babae kapag umiiyak?

But since he saw the woman yesterday, he thought she was sexy and beautiful. Hindi pa man niya ito nakikita ng malapitan, sigurado siya sa bagay na iyon. He had a keen eye for beautiful and sexy women. After Celina’s death, he got used to play games with them. Sinisiguro niyang hindi mai-involve ang kaniyang puso sa sinoman.

Tinanggal niya ang kaniyang shades nang nakita niyang sumulyap ang babae sa gawi ng villa niya. He stood from the hammock. He smiled at her with hopes that she would smile back. Pero hindi siya nginitian ng babae bagkus ay tumayo ito at pumasok sa loob ng dormitory.

Damn! The woman snobbed her. Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis sa nangyari. Ngayon lang siya nakaranas na isnabin ng isang babae and worst, tinalikuran pa siya nito. If the girl only knew who he was! Baka magkandarapa pa itong lumapit sa kaniya.

Well…malayo naman kasi ang puwesto niya. Baka hindi nito nakitang nginitian niya ito. O baka naman problemado lang talaga ito at wala sa mood. If she was with someone or a group, he would know.

He stayed in the hammock for a while but the woman did not show up again.

Muling isinuot niya ang kaniyang shades. He needed to know who that woman was. He would not be Derek Samaniego if he could not get information about her. Gusto niyang murahin ang kaniyang sarili. Hindi ba’t siya ang nilalapitan ng mga babae? Bakit gagawa siya ng paraan ngayon para makilala ang babaeng pumukaw ng kaniyang atensiyon?


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

A Love Story in Isla Samaniego (Chapter 1)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.