NANG lumabas sa kaniyang kuwarto si Jilliane at nagtungo sa coffee shop para mag-breakfast ay luminga-linga siya. Napatuon din ang kaniyang mata sa malaking villa na kinakitaan niya noong isang araw kay Derek.
Napalunok siya. Hindi niya maamin sa sarili na si Derek ang hinahanap ng mga mata niya kaya siya lumilinga-linga pero hanggang sa nakatapos siyang mag-almusal, hindi niya nakita ni ang anino nito.
Nang lunch time ay sa restaurant naman siya nagpunta. She stayed there for more than an hour pero hindi pa rin niya nakita si Derek. Bumalik siya sa kaniyang kuwarto na parang hungkag ang kaniyang pakiramdam.
Sa refreshment parlor naman siya nagtungo bandang alas tres ng hapon para mag-meryenda. Pagkuwa’y nag-ikot-ikot siya sa paligid ng resort. Palinga-linga siya. She had silent hopes that she would see Derek but she did not. Nagtungo siya sa fitness center, sa Spa, sa malawak na garden, sa recreation area, sa infinity pool at kung saan-saan pa pero wala si Derek.
Gusto na niyang mainis sa kaniyang sarili. Bakit ba kasi kailangan niya itong hanapin?
Hanggang sa sumapit ang gabi at bumalik siya uli sa restaurant para maghapunan, hindi pa rin niya nakita si Derek.
Naisip niya, marahil ay nag-check out na ang lalaki. Mas naging hungkag ang pakiramdam ni Jilliane sa naisip. Kung sana ay binigyan niya ng pagkakataon ang sariling mas kilalanin pa si Derek, hindi sana ganoon ang kaniyang nararamdaman.
Hah! Pakiramdam niya’y mas bumigat pa ngayon ang kaniyang dibdib. Pagbalik sa kuwarto niya ay nagtungo siya sa verandah. Tumanaw siya sa villa na kinakitaan niya kay Derek noong isang araw, madilim iyon. Umalis na nga ito marahil.
So? Ano naman sa kaniya?
Para malibang ay nagbasa na lang siya uli ng libro. Magpapa-antok siya. Nang napasulyap siya sa cellphone niya na nakapatong sa ibabaw ng lamp table sa tabi ng kama ay naisipan niyang i-turn on iyon. Tatawagan niya si Aling Dading para mangumusta.
Nakakadalawang ring pa lang ay may sumagot na sa kabilang linya. Pero hindi si Aling Dading ang sumagot kung hindi ang daddy niya.
“Hello?”
Nahawakan niya ang mouthpiece ng cellphone niya.
“Jilliane…Jilliane…is that you? Kausapin mo ako Jilliane. Narito kami ng mommy mo. Go home and we’ll talk.” Basag ang boses ng daddy niya. Sa background ay naririnig niya ang boses ng mommy niyang si Aling Mercedes.
Maya-maya’y ang mommy na niya ang nagsasalita. “Jilliane anak…patawarin mo kami ng daddy mo. Umuwi ka na please.” Humagulgol na ito.
Tinanggal niya ang kaniyang kamay sa mouth piece. Pigil ang kaniyang luha ng nagsalita. “Mommy…uuwi rin po ako but not now.”
“Oh, Jilliane anak. Umuwi ka na. Kailangan nating pag-usapan ang lahat. Please anak. We need to talk.”
“I need time, Mommy. N—nasaktan po ako.”
“I know. We know Jilliane at sana’y mapatawad mo kami ng daddy mo sa pagtatago namin ng katotohanan sa iyo. Nagkamali kami. Pero sana…sana ay isipin mo na wala kaming hinangad kundi ang kabutihan mo.”
“A—alam ko po ‘yon. What I’m asking now is a little more time. Gusto ko munang mapag-isa, Mommy. Please try to understand.”
“Anak…anak…” Humahagulgol ang mommy niya. “Just tell us where you are right now. Pupuntahan ka naming ng daddy mo.” Humahagulgol na ang mommy niya.
“I’ll…I’ll be fine mom. Don’t worry about me. Kailangan ko lang ng panahon.” Agad na niyang pinindot ang end call button ng cellphone para hindi na marinig ng mommy niya ang kaniyang hikbi. Hikbing nauwi sa paghagulgol.
She needed someone to talk to right that very moment. Gusto niyang umiyak sa isang balikat.
Sa pagitan ng kaniyang mga hikbi ay naisip niya kung itinuloy kaya ni Derek ang pangungulit sa kaniya, magkaroon kaya ng tsansa na maiyakan niya ito sa balikat?
Nakatulugan na ni Jilliane ang pag-iyak.
DALA ng matinding pag-iyak kagabi, mabigat ang pakiramdam ni Jilliane paggising kinabukasan. Subali’t kahit paano ay panatag naman ang kaniyang kalooban dahil nakausap na niya ang mommy at daddy niya. At least ay nabuwag na sa pagitan nila ang mas makapal na pader. It would not be easy pero kapag nag-usap na sila sa susunod, alam niyang hindi na ganoong kabigat. Madali na niyang masasabi sa mga ito na gusto niyang malaman ang kaniyang pagkatao. Gusto niyang alamin ang kaniyang ugat—kung sino ang kaniyang mga magulang. At siguro naman, kapag ready na niyang kausapin ng masinsinan ang mga ito, ready na rin ang mga itong sagutin ang mga katanungan niya.
She was hoping that all would end up just fine. Ang kinilala niyang mga magulang ay mananatiling magulang niya pero kailangan niyang makilala ang nagbigay sa kaniya ng buhay. Kailangan niyang malaman kung bakit siya ipinamigay ng mga ito sa iba. Iyon ang makakapagpa-kumpleto ng kaniyang pagkatao.
Kahit maaga pa, she wore her dark glasses in going to the coffee shop para mag-breakfast. Nang nakabalik na siya sa kuwarto ay muling bumalik ang pamimigat ng kaniyang pakiramdam. Hindi nakatulong ang pagsa-shower niya.
Para medyo ma-relax siya ay naisipan niyang magtungo sa beach tutal ay hindi pa naman matindi ang sikat ng araw. Pang-apat na araw na niya roon pero hindi pa siya nakakapaglangoy. Sayang naman ang malinaw at asul na asul na tubig kung hindi siya makakapaglangoy. Maganda rin ang infinity pool na napapaligiran ng naglalakihang mga villa. Kahapon nang namasyal siya ay nabighani siya sa sul na sul na tubig niyon.
Isinuot niya ang kulay maroon na two-piece swimwear. She brought four pairs of swimsuit pero ngayon lang niya magagamit ang isa sa mga iyon. Kabilin-bilinan pa naman ni Kitty na maglangoy siya sa dagat para raw ma-relieve ang stress niya.
Bitbit ang malaking beach towel, naglakad na siya patungo sa beach front. Palibhasa’y weekday pa kaya madalang ang tao sa resort at maging sa beach mismo. Namataan niya ang isang mag-partner na nasa lilim ng malaking beach umbrella. Nilalagyan ng lalaki ang babae ng sunblock lotion sa likuran nito. Sa gawing dulo naman ay nakakita siya ng young couple na may akay na anak. Isa pang magkaparehang lalaki at babae ang nakita niyang naghahabulan patungo sa beach. Bukod sa kaniya at sa Lifeguard on duty na nakamasid sa kanila, ang mga ito lang ang nag-o-okupa ng malawak na beach ng Isla Samaniego.
Ipinatong niya sa wooden bench ang kaniyang towel bago tinungo ang malinaw na tubig. Napapikit siya nang dumampi sa kaniyang paa ang malamig na tubig. Maya-maya pa’y nagsimula na siyang lumangoy. It was so ironic na nag-iisa siyang naglalangoy sa isang romantikong lugar na iyon.
NAPALUNOK si Derek nang mula sa kinauupuan niyang open cottage ay natanaw si Jilliane na lumusong sa tubig. She was damn sexy in that maroon swim suit. Pakiramdam niya ay natuyo ang kaniyang lalamunan. May naramdaman din siyang kung anong pagpitlag sa pagitan ng kaniyang mga hita na agad niyang binalewala.
“Damn!” pabulong niyang mura sa sarili.
Maghapon niyang hindi nakita si Jilliane dahil sinamahan niya si Dax na mag-island hopping dala ang yate nito kahapon. Balak kasi nitong bumili ng sariling isla. Pinigil na rin niya ang sariling isipin pa si Jilliane dahil tingin niya’y in-a-avoid siya nito talaga. Pero ngayong nakita niya itong muli, hindi niya mapigilan ang sarili. He felt his heart pounded. Bakit ganoon ang kaniyang pakiramdam? Babae lang ito. He was used to having women around him to play with after the heartbreak with Celina. He never had serious relationship after that heartbreak. Higit sa lahat, hindi siya ang tipong nanunuyo. Ngunit ang tipo ni Jilliane ay tila masarap alagaan, masarap suyuin. Never in her wildest dream did he realize he would do such things over a woman.
He shrugged shoulders. Mabilis ang desisyong pumasok sa isip niya. He went to his villa and changed. Nagsuot siya ng swimming trunk saka mabilis na bumalik sa beach.
BIGLA ang pagragasa ng kaba sa dibdib ni Jilliane nang nakita kung sino ang palapit sa kaniya. Katatapos lang niyang maglangoy. Napagod siya agad kaya nagpahinga muna siya. She was sitting in the white sand. Ang mga paa niya’y nakalubog sa tubig.
Derek was like a Greek God walking towards her. He had perfect muscles everywhere. Hindi man bukol-bukol sa laki ng muscles ang katawan at hita nito, he was perfectly fit. Halatang alaga ang katawan nito sa ehersisyo. Iniwasan niyang mapatingin sa umbok sa harapan nito.
Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya habang palapit ito nang palapit sa kaniya. She could not contain the emotion and tension building up on her.
“Hi,” bati nito sa kaniya.
“H—hello.” Diyos na mahabagin. Para yatang sasabog na ang kaniyang puso sa lakas ng tibok niyon. Literal na hinanap-hanap niya ito kahapon. She was hoping against hope na sana’y hindi pa ito nakakaalis sa isla. And he was there now, in the flesh! Sexiest man he had ever laid her eyes on. She was looking for someone to talk to last night and it was Derek in her mind. And here he was infro of him – in the flesh!
“Do you mind if I join you?” tanong nito.
She stammered. “O—of course not. Hindi naman sa akin itong resort,” nagawa niyang isagot kasunod ang isang kiming ngiti.
Ngumiti rin ito pagkuwa’y walang imik na tumabi ito sa kaniya.
Kinailangang magnakaw ng buntong-hininga ni Jilliane dahil tila napuno ng hangin ang kaniyang dibdib nang nasanggi ng balahibuhing hita nito ang hita niya.
“It’s good to see you outside,” ani Derek. Nakalingon ito sa kaniya.
Sinulyapan din niya ito pero agad ding binawi ang kaniyang tingin at ibinalik sa dagat ang kaniyang mga mata. “Sayang naman kung hindi ako makakapaglangoy sa dagat. Sabi ng friend ko, dapat masulit ang ibabayad ko sa room ko kaya kailangang gamitin ko ang mga amenities.” She was trying to make things light between them. Para kasing hindi siya makahinga sa tindi ng kabang nararamdaman niya.
“That’s correct. Exactky what I told you, right? Kaya nga mali ang ginagawa mo na lagi ka na lang nagkukulong sa room mo. There are many places to go here and things to do and enjoy. In case you don’t know, may mga sports activities dito na maari mong gawin like rapelling. There’s an spa to relax, a salon…”
“I know. May mga brochures sa room ko.”
“Jilliane…”
Napalingon siya rito.
“Are you okay?”
“Y..yeah. Bakit?”
“Tingin ko’y hindi.”
“Bakit mo naman nasabi?”
“Namamaga ang eyebags mo. Did you cry last night?”
Napalunok siya. Hindi siya agad nakasagot.
“Haven’t you gotten over the heartache yet?” tanong nito. Pilit na hinuhuli ang mga mata niya. “Bakit masyado mong pinahihirapan ang sarili mo sa pag-iyak? Do you think he deserves those never-ending crying and loneliness?”
“H—he?” untag niya.
“’Yung nagpapaiyak sa iyo. Ang suwerte naman ng boyfriend mo para iyakan mo nang ganyan na namaga nang sobra ang mata mo.” He teased her.
Gusto niyang matawa pero pinigil niya ang sarili. “Alam ko na mahilig magpaiyak ang mga lalaki pero hindi lalaki ang dahilan ng pag-iyak ko. Besides, I’m single kaya walang dahilan para iyakan ko ang sinomang lalaki.”
“Oh? Eh…sino?”
Did she see glow in his eyes? She shrugged her shoulders. “W—wala. Too personal to share.” Gusto niyang pagsisihan ang huling sinabi na single siya. Baka kung anong isipin nito sa kaniya. Baka isipin nitong sinadya niyang sabihin ang gayon.
“Sorry. Masyado yata akong nagiging pakialamero. But let me correct your statement na mahilig magpaiyak ang mga lalaki dahil minsan, pinaiiyak din ng mga babae ang mga lalaki.”
Isauling ng tipid na ngiti ang isinagot niya sa sinabi nito. Ang puso niya’y ahon-lusong ang pakiramdam.
“Kung anuman ‘yang dahilan ng pag-iyak mo, lunurin mo na lang sa pagsu-swimming.” Tumayo ito. Inilahad ang kamay sa kaniya. “C’mon…”
Kung anong mahika ang nagtulak sa kaniya para iabot ang kamay niya rito at hayaan siya nitong hilahin siya para makatayo ay hindi niya alam. Basta ang alam niya, nakakaliyo ang sensasyong dumaloy sa kaniyang kaibuturan nang muling napaloob ang kamay niya sa kamay nito. Hindi niya hinila ang kamay niya hanggang sa narating nila ang malalim na bahagi ng dagat. Binitiwan lang nito ang kamay niya nang naglalangoy na sila.
Natagpuan na lamang ni Jilliane ang sarili na nakikipaghabulan sa paglangoy kay Derek. She found herself laughing. God, hindi niya mapaniwalaang napapatawa at napapasaya siya ni Derek. And she could not believe herself that she had forgotten the pains in her heart for a while.
Tama nga yata si Kitty. It was time for her to find someone to make her smile. Subalit paano siya nakakasiguro na si Derek nga ang tamang lalaki? Wala pa siyang kaalam-alam dito kung hindi ang first name nito. Ni hindi niya alam kung anong trabaho nito o kung taga-saan ito.
Napangiti si Jilliane. Things had their proper time. Kailangan muna niyang linisin nang tuluyan ang mga nakabarang alalahanin at lungkot sa kaniyang puso bago pagtuunan ng pansin ang tawag ng pag-ibig. She would just let someone like Derek to fill the emptiness she had in her heart the normal way. She just needed a companion. She was a woman of wisdom. Umabot siya sa edad na dalawampu’t anim na hindi nagkaroon ng seryosong relasyon dahil may sarili siyang pamantayan sa pagpili ng lalaking mamahalin. Kung sakali na umabot si Derek sa puntong magugustuhan siya nito, kailangang taglay nito ang mga katangiang hanap niya. She had to know him better.
Masakit na sa balat ang sikat ng araw kaya nagyaya na siyang umahon. Magkasabay silang naglakad ni Derek pabalik sa dormitory. Inihatid pa siya nito hanggang sa tapat ng room niya.
“Thanks,” aniya.
“For what?”
“For making me laugh. Nag-enjoy ako.”
Nakatitig ito sa kaniya. “I enjoyed your company more.”
Isang maikling buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hinawakan niya ang doorknob. “I’ll get in na. Bye.”
“W..wait…Jilliane.”
“Yes?”
“Ahm…invite sana kita for lunch.”
“Now na?”
“It’s almost twelve.”
“Magsi-shower at magbibihis lang ako.” Wala nang pag-aalinlangan sa kaniyang sarili. Kung gusto niyang kilalanin si Derek, ngayon na ang simula. Sa mahigit tatlong oras nilang magkasama at magkausap, hindi naman niya ito nakitaan na nag-take advantage ito sa kaniya. He held her hands and sometimes their body touched but she never felt he took advantage of her. She could sense that he kept his distance physically. Marahil ay naninimbang din ito sa kaniya. And she secretly admired him for that. Atleast hindi ito presko.
Nakita niya ang tuwa sa mata ni Derek. “I’ll take shower too. Balikan kita rito.”
“Hindi na. Magkita na lang tayo sa restaurant.”
“No. I’ll fetch you.”
“Bakit pa? Malapit lang naman ang restaurant.”
“I insist I want to fetch you.”
“S..sige. Bahala ka.”
“Alright. Bye. See you later.”
Nginitian niya ito bago pumasok na sa kuwarto. Sumandal muna siya sa dahon ng pinto matapos isara iyon bago pumikit ng mariin. What was happening to her? Hindi niya alam kung saan nagmumula ang kilig na nararamdaman niya.
Maya-maya’y nagmamadali na siyang pumasok sa banyo para mag-shower. She was more than excited for her lunch date with Derek.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





