A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Against All Odds (Chapter 10)

“MA’AM, SIR, maupo po muna kayo rito. Sumaglit lang po sa CR si Judge Carpio,” nakangiting wika ng babaeng nag-assist sa kanila.

“Judge? Is he a real judge?” takang tanong ni Jay.

“Yes, Sir. Siya rin po ang owner ng TFA Aquatic Deli. Halos lahat po ng putahe sa Deli ay recipe ni Judge,” nakangiting wika ng babae.

“So, possible na magiging totoong kasal ito?” ani Jay.

“Nasa inyo po kung gusto ninyong maging legal ang inyong kasal ngayong araw. Lahat po ng pipirmahan ninyong papel mamaya ay as good as legit. Magiging valid ito kapag may consent mula sa inyo na ipapa-register namin sa NSO. You will have your own copy of your signed papers. This papers contains wavier that you’re both single and of legal age, a certificate of marriage, and certification stating that you joined TFA Aquatic Deli 2018 Valentine Celebration. Clarification lang po uli na ang marriage certificate will not be valid unless you agree that we have it register at NSO. Kapag sumang-ayon po kayo, kami na ang mag-po-process nito. Ipapadala po namin thru important mail ang copy ng inyong marriage certificate. Each of you will recieve a copy of registered marriage certificate if ever,” paliwanag ng babae.

[mycred_sell_this]

“Ibig sabihin kapag sumang-ayon kami na ipa-register sa NSO ang marriage certificate ay magiging secret marraige ito?” tanong ni Love.

“Yes, Ma’am,” tugon ng babae.

“Is it possible, kahit walang singsing?” wala sa loob na tanong uli ni Love.

“Yes po uli, Ma’am. But you can use the ring that you are wearing,” na-a-amuse na sagot ng babae. “Or you can select a ring available outside of our booth. We are in partnership with a newly opened jewelry store. They have affordable rings. They’re  specially made just for today. Every designs are available for just one pair. And they can adjust the size right away for each couple.”

“Well planned!” tatango-tangong bulalas ni Jay.

“You are correct, Sir. This is our way of giving back to our customers. Anyway, Sir, this marriage is free of charge, except for the rings which is optional.” Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ng babae habang nagpapaliwanag sa dalawa. May inabot itong tablet sa kanila, may nakadisplay na singsing dito. “Ito po ang catalogue ng mga singsing na available. Kapag nakapili na po kayo ng design, kaagad naming aasikasuhin ang singsing. Within fifteen minutes po ay ready na ang napili ninyong singsing.”

Sabay silang napalingon sa pinto nang bigla itong bumukas. “Sila ba ang next client natin?” nakangiting wika ng baging dating.

Halos 5’7″ ang tangkad nito. Katamtaman ang laki ng katawan, medyo chubby ang pisngi, bilugan at maiitim ang kulay ng mata nito. Sa tantya ni Love ay nasa late fifties na ito.

“Yes, judge. Sila ang ika-sampung kliyente natin ngayong araw, nakangiting sagot ng babae. “Ma’m, Sir, this is Judge Hernan Carpio.”

Kaagad na tumayo ang dalawa at nagpakipagkilala sa judge. Kinausap ito ni Jay habang si Love naman ang pumili ng singsing nilang gagamitin. Pagkaraan ng sampung minuto lang ay dumating na ang singsing at sinimulan ng judge ang seremonyas.

“I now pronouce you husband and wife. You may kiss your bride,” pagtatapos ng judge sa seremonyas nito.

“Miss Kate, please register our marriage. This is my calling card,” pabulong na wika ni Love sa assisstant ng judge bago sila lumabas ng booth. Pagkatapos kasi ng seremonyas ay nagsabi si Jay nakakausapin muna nito ang judge.

“Sure po, Ma’am Love. Tatawagan po kita kapag dumating na ang copy ng inyong marriage certificate mula sa NSO,” nakangiting tugon nito sa kaniya.

“THAT’S THE whole story Ma, Tita,” malayo ang tinging wika ni Love.

Nasa sala silang tatlo nang kausapin ni Love ang dalawang ginang. Ikinuwento niya kung bakit niya nasabing kasal sila ni Jay.

“Pero. . . bakit wala pa ring ginagawa si Jay hanggang ngayon?” aniya Anabel.

“Hindi niya alam na ipina-register ko ang kasal namin, Tita. Sasabihin ko sana sa kaniya sa araw ng kasal namin sa simbahan.”

ABALA si Jay sa paglalagda ng mga mahahalagang papeles nang tumunog ang cellphone ni Love. Nagtatakang inabot niya ito at tiningnan ang caller.

“TFA Aquatic Deli?” Bakas ang pagtataka sa kaniyang boses. Pilit niyang inaalala kung saan niya nabasa ang mga salitang nakikita sa screen ng cellphone ng dalaga.

Mula kasi nang araw na iyon ay palagi na niyang dala-dala ang cellphone ni Love. Nagbabaka sakali siyang maisipan nitong hanapin ang cellphone nito kapag nagising na ito at maisipang tawagan ang sariling numero nito. Ngayon niya lang napagtanto na halos isang taon na pala ang lumipas. Sa dami nang nangyari, pakiramdam niya ay maraming taon na ang nagdaan buhat nang mangyari ang trahedyang iyon.

Muli siyang bumalik sa reyalidad nang marinig ang muling pag-ring ng cellphone. Iyon pa rin ang caller. Hindi kasi niya namalayang tumigil pala ang pagtunog nito kanina nang mahulog siya sa malalim na pag-iisip.

“Hello, goodmorning,” aniya.

“Hello, goodmorning po. May I speak with Miss Love?” Boses babae ito.

“She is not available at the moment. You can leave your message to me. I am her partner. May I know who’s the line?” pormal na turan niya.

“Sir, are you Mister Jay Torres?”

“Yes, I am.”

“Sir, this is Kate from TFA Aquatic Deli. I just want to inform you that your marraige certificate was sent back to our office. I have been trying to reach Miss Love about this for sometime now. I am not supposed to tell you about this. But I guess there’s no other way to reach here out.”

Walang maapuhap na sasabihin si Jay sa narinig. Hindi niya inasahan ang bagay na ito. At dito ay naalala niya ang araw na nagpropose siya kay Love. Iyon din ang araw na nagpakasal sila sa isang marriage booth sa MOA.

“Sir, shall I send you your marriage certificate thru mail?” narinig niyang wika ng babae na nagpabalik sa kaniyang kamalayan.

“No, Miss Kate. I will personally get it from your office. Just give me the address.”

“No problem, sir.” Kaagad niyang isinulat ang address na ibinigay ng babae. Pakiramdam niya ay nabuhay ang natutulog niyang cells sa katawan.

“Miss Santos, please cancel all of my appointments this afternoon. Kindly reschedule it for tomorrow. Something very important came up,” aniya sa sekretarya sa pamamagitan ng intercom.

“Right away, sir,” anito. “Sir, you have a diner meeting with Mister Almonte. Shall I cancel it?”

Gumuhit ang pagtataka sa kaniyang mukha. Wala siyang maalalang meeting mamayang gabi.

“Sir, this diner meeting was scheduled a while ago. I am just about to inform you.” Wari ay nabasa ng kaniyang sekretarya ang kaniyang isipan.

“Okay, don’t cancel that one. I will go. Just cancel all the afternoon meetings. And inform the board that I will meet them tomorrow. The agenda is all about the incoming monthly meeting.”

“Will that be all, sir?”

“Yes, that’s all. It’s about lunch time. Call every department and ask what do they want for lunch. It will be on me.  It is a celebration for something that came up just now. The whole company must celebrate this,” aniyang nakangiti.

Biglang-bigla ay gusto niyang ibahagi sa lahat ang kasiyahang nararamdaman. Ngayon lang nagsink-in sa kaniya ang sinabi ni Kate.

“Sir, ano po ang sasabihin ko sa kanila kapag nagtanong sila tungkol sa something na sinasabi mo?”

Napatawa siya nang malakas nang marinig ang pagtataka sa boses ng sekretarya. Wari ay nakikinita niya ang pagkunot ng nuo nito.

“It is a secret. Basta today’s lunch is on me,” aniya at ibinaba ang intercom.

Siya namang pasok ng sekretarya niya. Hindi siya nagkakamali, bakas nga ang pagtataka sa mukha nito.

“Sir, ang something po bang iyan ay tungkol kay Miss Love?” anitong may nawala ang pagtataka at napalitan ng excitement ang ekspresyon nito sa mukha.

“Yes,” nakangiting aniya.

“Okay, sir. Right away po gagawin ko ang bilin ninyo.”

“I am going out now. Just email me the location for my diner meeting,” aniya. “You don’t have to go to that meeting later.”

“Iyan nga po ang sasabihin ko rin, sir. Mister Almonte’s secretary told me that you must go alone,” anito.

“Okay, I am off now. Call every single  department and have them choose where to order their lunch, and you too.”

“Copy, sir.”

Hindi maalis-alis sa kaniyang mukha ang saya. Bawat nakasasalubong ng binata ay tila nahahawa sa ganda ng kaniyang ngiti. Tuloy-tuloy siya sa parking lot ng kompanya.

“I love you, Love. Ikaw lang, wala nang iba. Tanging ikaw lang ang puwedeng magmamay-ari sa akin, sa buong ako,” aniya habang nagmamaneho.

Dumiritso na siya sa TFA Aqua Deli sa MOA. Ayon kay Kate ay katabi lang ng kainan ang opisina ng amo nito. Naisipan niyang kumain muna bago tumoloy roon. Tutal tanghali na at sigurado siyang lunch break na rin nito.

━━━━━━ ◦ ❖ ◦ ━━━━━━

Next to: Against All Odd (Chapter 11)


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Against All Odds (Chapter 10)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.