NAKATANAW lang ako sa bintana at pinanonood ang pagsikat ng araw habang malayang lumilipad ang mga ibon sa himpapawid. Ngunit ganoon pa man, ramdam ko pa rin ang lamig na nanggagaling sa aircon ng buong classroom. Kaya susubukan ko sanang ipagkrus ang magkabilang hita nang marinig ko ang professor namin na binanggit ang apelyido ko.
“Miss Quinn!”
Napalunok ako at tumuwid ng pagkaka-upo. Binalingan ko ng tingin si Professor Camua na ngayon ay inaayos ang pagkakalagay ng kaniyang salamin sa mata. Inilagay niya ang magkabilang kamay sa likuran at marahang lumapit sa direksyon ko.
The Black Lady. Iyan ang bansag sa kaniya ng mga estudiyante dahil sa pananamit niya na parang laging may lamay. Aaminin ko, sa tindig at aura niya ngayon ay mas lalo akong kinakabahan ngunit pilit ko itong isinasantabi. Who knows. Baka bukas o makalawa, ako na ang paglamayan o ‘di kaya, ang grades ko.
“Stand up,” utos nito na muntik ko nang ikatawa.
A lot of people dared to command me. Pero bilang lang sa kanila ang sinunod ko. Why? Because I’m the boss of my own life. I rule for myself. Pero dahil may respeto naman ako, sige.
Tinatamad akong tumayo.
“You don’t act like a student here, huh? Why, Miss Quinn? Can you now prove yourself to the others?” pataray niyang tanong. “Can you now compare yourself with me? With the professors here?”
Mula sa gilid ng mga mata ko ay kitang-kita ko ang reaction ng mga kaklase ko. May iba pang nakanganga na parang bago lang sa kanila ang ganitong eksena. Napangisi ako habang nakatingin diretso sa smart board.
“What are you smirking at? You don’t take this seriously, do you? Oh,” napahinto si Professor Camua nang parang may napagtanto, “you want to be kicked out easily. By the way, isa kang candidate. Kaunting pagkakamali pa ay talagang ipapatalsik ka na rito–“
“I decide for myself,” putol ko at tumingin sa kaniya.
Natawa siya. “But you don’t have a power here. Sa loob ng paaralang ito, estudyante ka lang, Miss Quinn. Suit yourself.” Saka siya nagpa-dismiss at iniwan kaming lahat na parang nagtatampo pa yata at gustong magpasuyo.
Iniligpit ko na lang ang gamit ko — or should I say — bag ko na wala namang laman. Dumaan ako sa gitna para tuluyang lumabas ng room. Pero tulad ng nakagawian, bakas pa rin sa mga mukha nila ang pagkamangha na hindi ko alam kung saan nila nahuhugot.
I don’t like the stares since before. I don’t like others admiring me. It sucks. Really.
Sa corridor ay marahan lang akong naglalakad. Isinalpak ko ang earphone na nakakonekta sa phone ko kahit na ipinagbabawal ito sa loob ng building. We are allowed to use electronic gadgets only in the gymnasium, waiting shed, parking lot, cafeteria, garden and outside the school. But I’m Anastacia Quinn. No one can judge me right at my face.
Ang mga nakakasalubong kong estudyante ay napapatingin sa akin. Partikular sa cord ng earphone ko na halatang-halata dahil sa kulay. It’s rainbow.
Dumiretso ako sa escalator para makababa sa first floor. Good thing, nasa second floor lang ang room ko kaya hindi na ako mapapagod kalalakbay. May 6th floor pa kasi ang building ng Business Ad. Pero kung tutuusin, ang sampung buildings na mayroon ang Universidad de Anglo ay may kaniya-kaniyang six floors.
Iniisip ko pa lang, nakakatamad na. The absence of the adventure there makes me want to just go to my bed. Bawal mag-slide sa mga hagdan. Oh, childish?
Naw. It’s an adventure.
Saktong pagbaba ko sa escalator ay may namataan akong grupo ng mga lalaking nagkukumpulan. Nasa pinakasulok sila ng first floor kaya hindi gaanong mapapansin. Lalo pa’t kakaunti lang ang mga estudyanteng dumadaan.
Dala ng kuryosidad ay tumungo ako sa kinaroroonan nila at tinapik ang isa sa balikat.
“Ano’ng meron?” balewala kong tanong habang sumisilip-silip sa dahilan ng kanilang pagkukumpulan.
Napabalikwas naman ang lalaking hinawakan ko. Kunot-noo akong napatingin sa kaniya. Nanlaki ang mga mata nito. Nang sinubukan ko pang pagmasdan ay may piercing siya sa labi at sa kaliwang tainga.
Umpisa pa lang, I hate boys wearing piercings.
“Takte, may nakakita!” sigaw nito at tumungo sa isa pa niyang kasamahan na malayo sa puwesto niya.
Sabay-sabay na naghanap ang mga mata nila. Pagkatapos ay dumako sa akin.
Napataas ang kilay ko. “What?”
Isa-isa kong pinag-aralan ang mga ekspresyon nila. Madilim ang mga aura na nakatago sa pagkangisi. Masama ang kutob ko.
“Ano’ng ginagawa ng isang Anastacia Quinn dito?” tanong ng lalaking may kulot na buhok at may mahabang hikaw sa magkabilang tainga.
“Bago ko sagutin ‘yan, kayo, ano bang pinagdidiskitahan ninyo–” Akmang lalapit ako sa pinakagitna ng grupo nang may apat na kamay ang humila sa akin palayo roon. Nagpumiglas agad ako.
“Huwag mo nang tangkain pa kung gusto mong humaba pa ang buhay mo,” tinig ng lalaking may kulot na buhok. Marahil, siya ang leader ng mga lalaking ito dahil nasa likuran niya ang iba— tila mga alagad.
“Pakialam ko kung makita ko ‘yan o hindi? Hindi mo pa rin hawak ang buhay ko, lalaking curly spaghetti,” pabalang kong sagot.
Tuluyan nang nanlisik ang mga mata niya. Sumenyas ito at doon ko naramdaman ang paghigpit ng hawak sa akin ng dalawang lalaki.
Pesteng mga estudyante!
Agad kong tinadyakan sa ari ang isa at umikot sa likuran ng isa pa. Dahilan kaya nabaluktot ang braso nito na nasa likod niya. Binigyan ko ito ng puwersa paitaas kaya napa-“aray” ito.
Saka ko napagtanto na bumagsak ang phone ko kasama ng rainbow kong earphone.
Muling sumenyas si Curly Spaghetti saka sumugod ang nasa sampung mga lalaki. Anak ng– kapag ito hindi nakita sa CCTV, sisirain ko ang eskuwelahang ito!
Sinalubong ako ng sipa ng dalawang estudyante sa magkabilang gilid pero agad akong yumuko at umalis doon. Narinig ko silang napahiyaw sa sakit ngunit, wala na sa kanila ang atensyon ko kundi nasa iba pa nilang mga kasamahan. Ilag, suntok, tadyak. Ito lang ang mga pinapakawala ko hanggang sa lahat sila ay nagsitumbahan.
Akmang haharapin ko ang Curly Spaghetti na iyon nang makita ko siyang may akay na matandang babae. Balot ng itim ang kasuotan pero may puting belo sa kaniyang ulo. Hinabol ko sila pababa ng first floor.
Gumawi ang tingin sa akin ng lalaki at nang makitang tumatakbo ako ay binilisan niya ang paglalakad.
Stupid! Alam naman niyang maaabutan ko pa sila.
Nang makalapit ay hinablot ko ang braso ng lalaki at pinilipit ito sa likuran niya. Paimpit siyang sumigaw.
Lalo ko pang pinilipit ang braso niya. “Ano’ng ginawa ni’yo sa matanda?” tanong ko.
Humalakhak lang ito. “Nagtagumpay ang plano,” saad niya at gumawi ang tingin sa matandang babae.
Pabalibag ko siyang binitiwan at agad na tinungo ang kinaroroonan ng matanda. Ch-in-eck ko ang mga braso niya at mukha. Walang galos.
Ngumiti ito sa akin. “Salamat sa pagligtas. Hindi ka pa rin nagbabago. May mabuti ka pa ring puso,” wirdong pagkasabi niya kaya naguluhan ako.
Hindi ko naman talaga ugaling mangialam sa buhay ng iba. Kaya napatanong din ako sa sarili. Kahit hindi ko alam ang nangyayari kanina sa grupo ng mga lalaking iyon, parang may tumulak sa akin na alamin ang ginagawa nila.
Bakit?
“Dahil ikaw si Anastacia Quinn. Nasa dugo mo ang pagiging kuryoso sa mga bagay kahit na pilit mo itong nilalabanan. Nasa dugo mo ang pagiging mabuting nilalang,” biglang saad ng matanda.
Tinitigan ko ito. May kulay tsokolate siyang mga mata, matangos na ilong at nanunuyot na labi. Naningkit ang mga mata ko. Parang nagkita na kami noon. Parang kilalang-kilala na niya ako?
Ngumiti ito nang kakaiba. Hinubad niya ang silver na kuwintas. May kulay asul na bilog itong pendant. Marahan niyang hinablot ang braso ko saka inilapag sa palad ko ang kuwintas.
Hindi ko sana ito tatanggapin nang isinara na niya ang palad ko at sinabing, “Sa panahon na magbabalik ka, hindi ka na muling mangungulila pa.”
At dumating ang liwanag na siyang bumalot sa amin.
Next to: Anastacia Quinn (Chapter 2)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Why i feel na siya din yung matanda hahaha
Sino kaya iyong mahiwagang matanda? Lalo akong naku-curious sa story… So, kahit locked chapters ang mg sumusunod, okay lang. I find this story very interesting…