Ang Love Story ni Betchay (Chapter 5)

HINDI na mabilang ni Primitivo Magsaysay kung ilang beses na siya bumuga ng hangin sa umagang iyon. Kung bakit kasi ngayon pa nagsabay-sabay ang mga problema niya.

Una, paggising niya kaninang umaga ay ibinalita na lang sa kanya ng kasambahay nila na umalis na raw sa mansion ang kambal niyang si Porfirio, ang huling isinilang ng kanilang ina at isang minuto lang ang pagitan nila. Alam naman niyang may plano talaga itong umalis at bumukod pero ang hindi niya alam ay mapapaaga pala iyon. Ang dahilan ng pag-alis nito ay hindi rin lingid sa kanya.

Sinubukan din naman niyang pigilan ang kambal sa plano nito ngunit talagang buo na ang pasya nito na bumukod mula sa kanila. Kahit ang posisyon ng kapatid sa kanilang kompanya ay inalisan din. Naiintindihan naman niya kung bakit ginagawa iyon Rio. Nais nitong maging independent. Nais din nitong mag-ipon ng lakas ng loob upang sabihin sa kanilang ama ang malaking sekreto ng kambal.

Ang pag-alis ng kanyang kambal ay hindi naman tinutulan ng kanilang ama. Tanging ang alam lang kasi ng kanilang ama ay gusto lang maging independent ni Rio.

Pangalawa, ay kung sino na ang magbabantay sa ama nilang diabetic. Tanging ang kapatid lamang niya ang nakapagpapasunod sa kanilang ama na huwag kainin ang mga bawal.

Ang ama nilang si Eusebio Magsaysay III ay animnapu’t lima na. Ang ina naman nila ay sampung taon nang hiwalay sa kanilang ama. Kung anoʼng dahilan ay hindi na nila inalam pa. Para saan paʼt alamin nila? Hindi naman na magbabalikan pa ang kanilang mga magulang gaya ng sinabi ng ama nila nang minsan nilang kumbinsihin itong kausapin ang kanilang ina.

Sa edad niyang tatlumput dalawa ay napaka-succesful ng buhay niya. May malaking kompanya at marangyang buhay. Maraming babae rin ang nagkakandarapa, magustuhan lang niya.

At ang pangatlo niyang problema ay ang biglang pagkakaroon ng ama nila ng lovelife. Nagulat siya nang dumulog ito sa hapag kainan kanina at hindi nag-iisa si Eusebio. Akbay nito ang isang babae na hula niya ay doble halos ang tanda ng ama nila sa edad nito.

Hindi tuloy siya nakakain nang maayos dahil sa harutan ng mga ito sa harapan niya. Kung bakit naman kasi sa ganoʼng panahon at edad pa nito naisipang magkajowa— pakilala ng ama niya sa babae.

Hindi siya makapaniwala sa inaakto ng ama niya habang nasa harap ng grasya. Pero parang ang tanging nakikitang grasya lamang ng ama ay ang babaeng daig pa ang sanggol sa iksi ng damit. Kulang na lang ay bulsa na lang ng maong short nito ang maging saplot sa ibaba. Masasabi rin niyang hindi kagandahan ang babae na overdo pa ang make up. Nagmukha tuloy itong saleslady na masyadong makapal ang blush on. Hindi rin nakaligtas ang talukap nito sa makapal na eye shadow.

Nagpakilala ang babae sa kanya at sinundan pa ng kindat. Kung hindi siya nagkakamali ay naramdaman niya ang panghihilakbot ng kanyang katawan. Sa totoo lang ay hindi niya narinig ang binanggit nitong pangalan o mas tamang sabihing hindi talaga niya pinakinggan kasi hindi naman siya interesado.

Hindi siya naniniwala sa mga milagro pero sa mga oras na iyon ay gusto tuloy niyang ipaalbularyo ang ama sa nasaksihan niya nitong umaga lang at baka nagayuma lang. Kung noong bata-bata pa ito nagka-girlfriend ay baka maintindihan pa niya.

Hindi naman sa ayaw niya sa mga babae. Talagang pihikan lang siya sa mga babaeng natitipuhan niya. Tipo niya ang mga babaeng mala-Maria Clara. But not totally the Maria Clara type. Iyon bang virgin as ever. Tipong siya ang mahihirapan upang masungkit ito. At sa panahong ngayon ay bibihira na ang ganoon and heʼs willing to wait kahit umedad pa siya ng daan-daang taon.

Pero syempre nagkaroon din naman siya ng girlfriends noon o mas tamang sabihing flings. At hindi naman din talaga halos matatawag na girlfriend. Ang gusto niya ay tamang babae lamang ang seseryosohin niya at dadalhin sa pamamahay nila. Kumbaga, pangangailangan lamang ng kanyang katawan ang dahilan upang mapalapit siya sa isang babae.

Kahit naman kasi sabihing maraming naugnay sa kanyang babae ay ni isa sa kanila ay walang nakabingwit ng puso ni Ivo. Pangkama lang, ika nga. At willing naman ang mga ito na ibigay sa kanya ang kailangan.

Ni isa sa mga ito ay walang nagtagal. Dahil madalas sinasabi ng mga babaeng nahuhumaling sa kanya na wala siyang puso. Madalas, ang ending niya sa mga ito ay sampal.

Bakit pa ba dadaanin sa matiwasay na hiwalayan kung alam naman talaga niyang hanggang s*x lang ang pakay niya?

“Ivo? Are you with me? Pare?” pukaw sa kanya ni Gilbert. Ang best friend/assistant niya. Kumatok pa ito sa mesa nang sabihin iyon.

“Iʼm sorry, pare. W-what is it again?”

Matiim siya nitong tiningnan at nagsalubong ang mga kilay. “Pare, is everything okay?”

“Ah, yeah,” then he waves his hand to tell him to continue.

“Malaking pera ang nawala sa atin dahil sa nasulot ng mga competitors ang ilan sa mga investors natin.”

Ah, isa pa iyon. Awtomatikong napahilot siya sa sariling sentido. Wala na ba siyang maririnig na magandang balita sa araw na iyon at panay na lang problema?

“How about the meeting with the other new investors, tuloy pa ba?” pagkaraaʼy tanong niya.

“Yes— yes. Tuloy na tuloy ʼyon.”

“Sir, nandito na po si Miss Camille,” ani ng kanyang sekretaryang si Miss Buenaventura sa kabilang linya ng intercom.

Mariin siyang napapikit sa pagkakarinig pa lamang ng pangalang iyon.

‘Help me, Jesus Christ.’

Aktong magsasalita na siya nang bigla ay ang pagbukas ng pinto ng kanyang opisina.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Ang Love Story ni Betchay (Chapter 5)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.