Ang Love Story ni Betchay (Chapter 6)

“HI, BABY!” masiglang bungad ni Camille kay Ivo.

Pareho silang napatingin ni Gilbert sa direksyon nito. At gaya ng dati ay nakasuot ito ng damit na talagang makapagsasabing biniyayaan ang babae ng perpektong hubog ng katawan. It is a colour beige pencil dress that has a low v-neckline. Litaw sa damit nito ang korte ng mayaman at nagmamalaking dibdib nito. Masyado ring hapit sa katawan nito ang suot na pencil dress and he doubts if she still can manage to walk easily. May mahabang buhok ito at kulot ang mga dulo. Mestisahing babae rin si Camille. Sa madaling salita ay napakaperpekto nito sa pisikal na aspeto. But not his very type.

“Pinuntahan na kita, babe para sabay na tayong mag-lunch.” Dumiretso ito sa kanya upang halikan siya sa pisngi. Huli na upang maiiwas pa niya ang mukha sa babae.

“Oh! Hello, Gilbert,” masayang bati nito sa secretary niya na ginantihan naman nito ng ngiti kasunod ang pagtapon ng makahulugang tingin sa kanya.

“Pero may isaʼt kalahating oras pa bago ang lunch time.” Lihim siyang nagdasal na sana ay magbago ang isip nito at umuwi na lamang. “Saan na nga ba tayo ulit, Gilbert?” baling naman niya sa isa.

“Okay lang, babe. I will wait here.” Kumikendeng na umupo ito sa sofa malapit sa mesa niya at nagsimula nang tumingin-tingin ng mga magazines.

Mabilis siyang nag-isip ng maidadahilan. “I have a lunch meeting with my new investors. I bet you wouldnʼt want to be there. Baka ma-bored ka lang.”

Muli itong tumayo at lumapit sa kanya. Hindi niya alintana ang bahagyang pagngiwi. Mukhang mali pa yatang iyon ang kanyang sinabi.

Pumwesto ito sa likuran ng kanyang swivel chair at ipinulupot ang dalawang braso sa kanyang leeg. “Baby, alam kong nagdadahilan ka lang. Gilbert told me yesterday that you are free today, exactly at lunch break, right?” baling nito sa lalaki.

Alanganing tumango si Gilbert. “But that was yesterday. P-puwede pang magbago.” Kaagad ang pagpukol niya ng masamang tingin sa kaibigan.

Pilit siyang tumawa. “T-tama. Emergency ang meeting ko mamaya.

Humiwalay ang dalaga sa kanyang leeg at saka naglakad pabalik sa sofa. “Babe, alam kong nagdadahilan ka lang. And I donʼt know why you keep avoiding me. I thought you like me.” Nasa tinig nito ang pagdaramdam.

Si Gilbert naman ay napatikhim. Mukhang gusto nang tumakas palabas ng silid na iyon.

Marahan siyang umiling sa kaibigan. Ayaw niyang maiwan mag-isa roon kasama si Camille. Nakuha naman ng lalaki ang kanyang iling.

“Bakit mo naman kasi sinabi sa kanya ang lahat ng tungkol sa schedule ko ngayong araw? Did I havenʼt told you?” galit na pabulong niya sa kaibigan.

“W-wala,” sagot naman nito na pabulong din at sinabayan pa ng pagsensyas.

Mariin siyang napapikit. Oo nga, tama si Gilbert. Nakalimutan nga niyang pagsabihan ito na huwag ipapaalam sa babae ang kanyang mga schedule lalo na ang mga libreng oras niya.

“I-itʼs just that… Iʼm busy and I canʼt be with you right now,” muling sabi niya kay Camille at feeling at home sa kanyang opisina.

“Iʼm willing to wait, babe. Donʼt mind me.”

Oo. Ganyan ka tindi ang kakulitan ng babae pagdating sa kanya at talagang pinagsisisihan niya na nakilala ito. Daig pa kasi nito ang linta kung dumikit sa kanya. Para bang wala na itong ibang ginagawa sa buhay bukod ang pagsunod palagi kung nasaan man siya.

Nakilala niya si Camille sa isang bar kung saan siya madalas noon dahil kaibigan din niya ang may a*i ng naturang lugar na iyon. Kaagad naagaw nito ang kanyang atensyon pagpasok pa lang sa bar. Bakit hindi? Nakasuot kasi ito ng long sleeve maong at tight fitted jeans. Wala ring gaanong make up ngunit maganda pa rin. Simple kumbaga. Kaya walang pagdadalawang isip na nilapitan niya ito at nakipagkilala.

Habang nasa bar sila ay napakahinhin nito. Pino kung kumilos at magsalita. Hindi talaga ito makikitaan ng kilos na taliwas sa gusto niya.

They spend the night together having fun, talking about their selves and end up in a hot scene. Sinabi rin ng binata na gustung-gusto niya ang babae.

Kinabukasan, nagpantanto ni Ivo ang tingin niya ay mali. Camille was not a virgin anymore. Doon nagsimula ang pagkadismaya niya sa dalaga. The moment na mas lalo silang nagkakasama at nagkakakilala nito saka lamang niya naiintindihang mali siya ng pagkakakilala sa babae.

She was a fan of every kind of makeups and sexy fashionable outfits. Higit sa lahat ay ang napaka-party goer nito. Masyado rin itong madikit sa mga kaibigang lalaki and it makes him turn off.

Isang araw, kinompronta niya ang babae at tinanong kung bakit nagkakaganoon.

“Hindi mo ba nakikita? This is me,” sagot ni Camille habang itinuturo nito ang sarili.

Napahawak siya sa batok. “Iba ka, Camille. Hindi ka ganyan noong magkakilala tayo sa bar ni Frederick,” tukoy niya sa kaibigang nagmamay a*i sa bar kung saan una niyang nakilala ito.

Mahinang natawa ang dalaga. Magkahalong inis at disbelief doon. “Alin ba? ʼYong pahinhin effect?”

“Oo. Hindi ka rin ganyan kung manamit. Ngayon, halos ipakita mo na lahat ng itinatago mo.”

Muli ay tumawa ito nang mahina. “Hindi ko pa pala nasasabi sa ʼyo. That was just a bet.”

“Ha?”

“My friends and I made a bet. Sinusubukan nila kung kahit hindi ako maglagay ng make up at hindi magsuot ng sexy ay mayroon pa kayang magkakagusto sa akin. Pero—”

“Pero nagkagusto ako sa ʼyo? Nanalo ka hindi ba? Magkano napanalunan mo?” Isang malaking sampal para sa kanya na naloko siya nito.

“Ikaw. Ikaw ang napanalunan ko. Balewala na sa akin kung anuman ang naging premyo ko. I love you. Thatʼs the only important thing right now.”

“Oh, really? And do you think I would believe that f*cking nonsense?”

“I know. Iʼm sorry sa pagpapanggap. Hindi ko naman akalain na magagalit ka kapag nalaman mo ang totoo. I thought it wasnʼt a big deal.”

And from that day, he chose not to give her more hope that they would end up in something serious relationship. Dahil inihilera niya na rin si Camille sa mga babaeng hindi na dapat paglaanan pa ng mahaba at seryosong oras. How could he trust her kung sa simula pa lang ay niloko na siya nito.

Hindi lang iyon ang dahilan. Kung minsan, kapag hindi siya mapilit nitong sumama makipag-date, maghahanap ito ng ibang lalaki at syempre pa, alam niyang hindi lang basta date ang ginagawa ng mga ito. He knew all along that sheʼs not true. Minsan niya na kasing nahuling may kinakalantari ito kapag wala siya. He saw them kissing. And to be honest, he doesnʼt mind it at all. Pabor pa nga sa kanya iyon.

Pero hindi niya alam kung saan kumukuha ng kapal ng mukha ang babaeng ito na magpakita pa sa kanya. Lihim siyang napailing. Dala lang ng kagandahang asal ay pinakitutunguhan niya nang maganda si Camille.

Nang sulyapan niyang muli ang babae sa sofa ay tahimik na itong nagbabasa ng magazine.

“Ivo?” napatingin siya sa kaibigan. “Papaalisin ko pa ba?”

“H-hindi na. Hayaan mo na lang.” Bumuga siya ng hangin bago muling nagsalita. “Hindi rin naman siya makikinig.”

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Ang Love Story ni Betchay (Chapter 6)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

  1. Grabeeee yung para sa katuparan ng panaginip ko kaso semplang men sakit nun ngangawa ka talaga ng sobra hahahaha lalo ako naeexcite sa mga susunod na kabanata salamat ms. Thale🥰😘 ganda nito hahaha

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.