Ang Manunulat (Chapter 7) – Ang Krimen

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

“AYOKO na! Hindi ko na kaya,” sigaw ni Briana. Nanginginig ang buong katawan niya habang nakatitig kay Red. Mula nang banggitin ni Red ang pangalan ni Marie, hindi na natahimik ang konsensya ni Briana. Parang may boses na bumubulong sa tenga niya. Lumapit si Briana kina Red at Zer. Pinaghiwalay niya sila dahil sa isang pagtatalo.

“Let’s stop hiding everything from Red. Malalaman at malalaman niya ang totoo, kung totoong nagpapakita sa kanya si Marie,” pakiusap ni Briana kina Zer at Drew habang naluluha ang mga mata.

“Tama ako! May tinatago kayo sa akin. Ano ang kinalaman niyo sa pagkamatay ni Marie? Magsalita kayo, iba ang pakiramdam ko ngayon!” sigaw ulit ni Red sa lahat. Nanghina ang mga tuhod ni Briana at napaupo ulit. Nagsimula na siyang magkwento tungkol sa nakaraan. Lahat ng nasaksihan niya.

Nakangiti ang mga labi ni Marie habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Lalo na, makikita niya ang lalaking mahal ng puso niya, si Red. Talagang pinaghandaan niya ang araw na iyon. Nagbihis siya, bumili siya ng mga bagong damit, nilagyan niya ng light makeup ang mukha niya at naglagay siya ng pabango. Napagdesisyunan din niyang magtapat ng nararamdaman kay Red. Balewala kay Marie kung tanggapin o balewalain ni Red ang kanyang iniaalay na pagmamahal. Tuwing may meeting sila, tuwang-tuwa si Marie dahil doon lang niya nakakasama si Red.

 Gayunpaman, ang masayang araw na dapat sana ay inaasam ni Marie ay isang araw na kukuha ng kanyang buhay. Naluluha ang kanyang mga mata habang naglalakad sa hallway ng gusali patungo sa isang conference room. Si Red ang nasa isip niya. Tinulak siya ng lalaki sa likod niya. Hindi pa sila nakakapasok sa loob ng conference nang biglang itulak siyang muli ng binata sa pader. Nagtagumpay sina Briana at Drew sa plano nilang linlangin si Marie, ngunit hindi nila nagustuhan ang nakita nila sa loob ng gusali. Unti-unting gumapang ang hintuturo ng lalaki sa noo ni Marie at dumaan sa ilong at labi ng dalaga. Hinawakan ng lalaki ang baba ni Marie at pilit na hinalikan ang malambot na labi ni Marie. Nang mapaatras ang dalaga ay sinuntok niya ito sa sikmura.

 Napaluhod si Marie at namilipit sa sakit. Naging parang korte ng hipon ang kanyang katawan dahil sa pagbaluktot. Tinakpan ni Briana ang sariling bibig para hindi siya makagawa ng anumang ingay. Nagtago sila ni Drew sa isang sulok habang pinapanood nila ang nangyayari. Sinipa pa ng lalaki si Marie sa tagiliran na naging dahilan ng paghina ng katawan ng dalaga. Napalingon ang kawawang Marie sakto sa kinaroroonan nina Briana at Drew. Kahit nanghihina na ang dalaga ay nagawa niyang sumenyas ng kamay na pinaalis na niya sina Briana at Drew. Umiling si Briana. Nang sinubukang tulungan ni Briana si Marie ay tumigil ang mga paa niya nang makita ang mukha ng lalaking nananakit kay Marie.

 Pinilit ni Marie na gumapang sa ibang posisyon para magpalit ng pwesto para hindi mahalata ng lalaki sina Briana at Drew. Kahit na napakahirap ng sitwasyon ni Marie, kaligtasan ng kasamahan ang nasa isip niya kahit alam niyang pinagkakaisahan siya ng mga ito. Biglang hinila ng lalaki ang buhok ni Marie at sabay bunot ng maliit na kutsilyo sa likod ng bulsa ng pantalon niya saka mabilis na dumaan sa leeg ni Marie. Dumaloy ang dugo at sumirit mula sa leeg ni Marie.

 Binitawan ng lalaki ang buhok ni Marie at bumagsak ang pisngi ng dalaga sa sahig. Umagos ang dugo sa sahig. Habang unti-unting pumipikit ang mga mata ni Marie, nakangiti ang mga labi nito at nakatutok ang mga mata sa kinaroroonan nina Briana at Drew. Nasalsal si Briana sa sahig at mabilis siyang hinila ni Drew. Hindi na napigilan ni Briana ang pag-iyak dahil sinisisi niya ang sarili. Natulala lang si Drew dahil nawawala na rin sa katinuan ang isip niya.

 “Ayoko sa mga tao, lalo na sa isang tulad mo!” wika ng lalaki.

 “Ma—-” hindi na nakapagsalita si Marie dahil tuluyan na itong binawian ng buhay.

 Biglang nanghina ang tuhod ni Red nang marinig niya ang buong kwento ng malagim na trahedya na sinapit ni Marie. Umupo siya sa upuan. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata dahil mahal niya si Marie. May nararamdaman pa rin ang puso ni Red kahit na ang tawag sa kanya ng mga ka-edad niya ay walang puso. Muling nabuhay ang puso ni Red sa pagdating ni Marie. Alam niyang may gusto sa kanya ang dalaga, pero hindi rin niya maipagtapat ang totoong nararamdaman. Hindi alam ni Red kung ano ang pumipigil sa kanya.

Nang biglang tumayo ulit si Red. Pinagmasdan niya sina Briana, Drew, at Zer. Napuno ng luha ang mga mata ni Briana. Napayuko si Drew dahil umaalingawngaw ang lungkot sa kanyang pagkatao. Ganun din si Zer, nakatingin siya sa daan at halatang iniiwasan niya ang mga mata ni Red.

“Are you there? You saw everything, bakit hindi mo tinulungan si Marie?” sigaw ni Red. Nanginig na naman ang buong kalamnan ni Briana.

“Sino? Sino siya? Sino ang pumatay kay Marie? Sabihin mo sa akin!” Lalong lumakas ang tono ng boses ni Red na napansin ng ibang mga customer na kumakain doon. Sasagot na sana si Briana pero may dumating na crew kasama ang manager.

“Excuse me! We are begging you to be calm. May customer na nagreklamo sa inyo,” paliwanag ng manager. Sila ang inaway ni Drew.

“I’m sorry! Aalis na kami,” mahinahong paliwanag ni Zer. Pinigilan ni Red ang galit sa kanyang damdamin. Gusto niyang sumigaw at umalis sa kanyang kinalalagyan. Nagsisimula na ring maningkit ang kanyang mga mata. Naikuyom din niya ang sariling kamao. Hanggang sa biglang tumalikod si Drew sa kanila. Mabilis na naglakad ang mga paa ni Drew pababa ng hagdan. Hinabol siya ni Briana para pigilan siya.

“Where are you going? Don’t leave me,” bulong ni Briana kay Drew, pero parang walang narinig ang binata. Diretso lang ulit na naglakad ang mga paa ni Drew pababa ng hagdan. Hinila ulit ni Briana ang braso ni Drew.

“Ano bang problema mo? Bakit hindi mo ako pinapansin?” Medyo napalakas ang boses ni Briana at naiirita na siya kay Drew. Sinundan sila nina Zer at Red. Nakita nilang pinipilit ni Briana si Drew na humarap sa kanya. Biglang hinawakan ni Drew ang kamay ni Briana at nang humarap si Drew sa kanya ay napasigaw nang malakas ang dalaga. Hindi niya nakita ang mukha ni Drew kundi ang babaeng putikan na umatake sa kanya sa ospital. Pulang-pula ang mga mata nito. Ang mga ngipin ay itim. Putik ang lumalabas sa bibig nito. Lumalabas ang mga bulate sa mga mata nito, maging sa ilong at tainga nito.

“Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!” sigaw ni Briana at tinulungan siya ni Zer. Agaw pansin ang eksenang nangyayari sa kanila sa loob ng Jollibee.

“Umalis na lang po kayo dito, pakiusap! Iniistorbo niyo na po talaga ang mga ibang customer,” hindi napigilan ng manager na yayain silang umalis.

“I’m really sorry!” simpleng sagot ni Zer. Hinila ni Zer ang kamay ni Briana mula sa pagkakahawak ni Drew. Muling gumalaw ang mga paa ni Drew palabas ng Jollibee. Agad naman siyang sinundan ni Red dahil may napansin si Red sa kanya. Naiwan sina Briana at Zer sa loob ng fast food restaurant. Nang tuluyang makalabas si Drew, mas bumilis ang paglalakad ng mga paa niya. Mabilis na umakyat si Drew sa overpass na nakaturo sa exit ng Jollibee dahil may kalsada agad sa labas. Maraming sasakyan ang dumadaan. Ang tambutso ng mga sasakyan ay gumagawa ng iba’t ibang ingay.

Walang pakialam si Drew kung may nabangga siya. Si Red lang ang palaging humihingi ng tawad sa mga taong nakakabangga nito. Nang makarating si Drew sa taas ng overpass ay bigla siyang huminto at tumingin sa ibaba. Napangiti siya nang makita ang sariling nakahandusay sa kalsada habang nasasagasaan ng iba’t ibang sasakyan. Kinabahan ng husto si Red.

Nanlaki ang mata ni Red nang sumampa ang mga paa ni Drew sa dingding ng overpass. Balak ni Drew na tumalon at wakasan ang kanyang buhay. Buti na lang hindi mataas ang pader at sinundan siya ni Red. Mabilis na tumakbo ang mga paa ni Red sa kinaroroonan ni Drew at hinila niya pababa ang binata. Sabay silang nahulog at napahiga sa sahig ng overpass. Pinagkaguluhan sila ng mga taong dumadaan. Tinulungan silang tumayo.

“Baliw ka ba?” malakas na sigaw ni Red kay Drew.

“Ano’ng problema? Ano’ng ginagawa ko dito? Bakit ako nandito? Nasaan sina Briana at Zer?” diretsong tanong ni Drew kay Red habang nakatalikod at pinagmamasdan sila ng mga tao. Hindi alam ni Red ang mararamdaman. Gusto niyang suntukin si Drew sa mukha dahil pakiramdam niya ay niloloko siya nito. Pero, iba ang gumuhit sa mukha ni Drew. Nagkaroon ng kalituhan at parang nagising sa panaginip. Ang ibang tao sa paligid nila ay nagbubulungan na tungkol sa kanilang dalawa. Ang iba ay walang pakialam sa kanila.

“Tumigil ka! Hindi ito ang tamang oras para lokohin mo ako, Drew. It’s not a good joke na umakyat ka doon at balak mong tumalon,” galit na sabi ni Red.

“Ako?” Tinuro ni Drew ang sarili.

“I can’t commit suicide, I love my life,” dagdag ni Drew. Sasagot na sana si Red pero dumating na ang magkasintahang sina Zer at Briana. Nagkatitigan lang silang apat at pinakiramdaman kung sino ang magsasalita at kung ano ang susunod nilang gagawin.

 

Next to: Ang Manunulat (Chapter 8) – Ang Simula ng Lagim


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Ang Manunulat (Chapter 7) – Ang Krimen

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.