Clara Buenavista, Leandro Villanueva, Enrie Liccardo, at Milandro De Mesa, ang buhay ng apat na taong ito ay kontrolado ng sarili nilang emosyon.
Natatakot si Clara para sa kanyang buhay dahil sa kanyang mga traumatikong karanasan sa nakaraan. Hinahayaan naman ni Leandro ang kanyang nakaraan na kontrolin ang kanyang hinaharap. Hindi niya namamalayan na pinaparusahan na niya ang sarili niya dahil minamanipula siya ng sarili niyang masasakit na alaala. Samantalang si Enrie naman, niyayakap lang niya ang sakit na nararamdaman ng kanyang puso at hindi niya ito kayang pakawalan. Nabubuhay siya sa galit at sama ng loob. At si Milandro, kontrolado siya ng mga opinyon ng iba. Lagi siyang naghihintay ng pag-apruba.
Hindi magiging simple ang kanilang mga buhay. Sila ay papunta sa maling direksyon. Gagawa sila ng mga desisyon at plano na hindi nila dapat gawin. Hanggang sa tinanong na nila ang kanilang mga sarili…
“Saan hahantong ito? Ano ba talaga ang dapat kong gawin? Ano ba talaga ang layunin ng buhay ko?”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Lahat sila broken ge basahin na natin
Lahat sila broken