Two
“Mukhang gising na siya.” Narinig kong sabi ng kung sino sa tabi ko at mukhang may kausap siya.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata just to find out na hindi pala panaginip ang lahat ng nangyari sa akin dahil narito pa rin sila. Ang anghel ko at ang demonyong buntot ng buntot sa akin.
“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang sabi ng anghel habang inaalalayan akong maupo sa kama.
“Ano bang kailangan niyo sa akin? Bakit ayaw niyo akong lubayan?” inis na tanong ko.
“Huwag mo kaming sigawan! Baka gusto mong isalaksak ko sa lalamunan mo itong tinidor ko. Tamang-tama at nagugutom ako. I feel like I want to eat something special,” sabi ni Hell habang nakadekwatro pang nakaupo sa upuan sa gawing paanan ng kama.
Natahimik naman ako dahil doon. Baka mamaya ay totohanin niya pa ang banta niya.
“Talagang tinototoo ko kung ano ang sinasabi ko,” sabi niya. Okay fine! Siya na ang nakakabasa ng iniisip ko. Malamang demonyo nga pala siya.
“Huwag kang matakot sa kanya. Mananatili ako rito sa tabi mo para protektahan ka,” sabi naman ni Heaven.
“Wow!” sabi ni Hell sabay tayo at pumalakpak pa. Nang-aasar ba siya? “As if she will listen to you. Humans are born to be bad. Mas marami pa nga silang nagagawang kasalanan kaysa sa kabutihan,” sabi ni Hell. Bigla ko namang naalala ang mga huwad na propeta. Eto na ba ang simula ng paghuhukom?
“Then let’s see,” nakangiting sabi ni Heaven.
Tumayo na ako at nagpuntang banyo para maligo. Iniwan ko na lang silang dalawa sa loob ng kwarto. Bahala silang magbangayan doon.
“Sigfrid, I miss you,” bulong ko bago inilublob ang kalahati ng aking mukha sa tubig ng bathtub.
“Your boyfriend doesn’t miss you.”
“Ay butiki!” Nagulat na lang ako sa biglang pagsulpot ni Hell sa loob ng C.R. Bigla ko naman naalala ang kasarian niya. He is a guy kaya naman nag-panic ako at pasimpleng naghanap ng maaaring ibato sa kanya.
“Heaven don’t exist so better not to–” ibinato ko sa kanya ang nahawakan kong sabon dahilan para hindi niya matapos ang sasabihin niya at dahil alerto siya, ang sabon ngayon ay nakatusok sa buntot niya.
“Masyadong mabigat ang tinidor ko at mahaba para sa napakaliit mong banyo,” sabi niya sabay pakawala ng isang malalim at nakakatindig balahibong buntong-hininga. Paano ba naman, umuusok ang bunganga niya na parang nakalunok ng apoy.
“Wala akong pakialam! Get out!” sigaw ko bago ko pa maalala ang banta niya.
Muntik na akong malagutan ng hininga kung hindi kaagad dumating si Heaven sa tabi ko. His arrowed tail is an inch away on my neck. Nanlalaki ang mata ko habang tinitignan ang buntot niyang muntik ng tumarak sa lalamunan ko. Hawak ito ngayon ni Heaven at mukhang nasorpresa naman si Hell sa pagsulpot nito.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng lumuwag na ang kanina’y deretsong buntot ni Hell. Binitawan na rin ito ni Heaven. Buti na lang alerto ang anghel ko.
Bigla namang naglaho si Hell kasabay ng isang itim na usok at ganoon din si Heaven na naglaho naman sa putting usok. Sana lang hindi na sila ulit magpakita sa akin.
Matapos maligo ay kaagad akong bumaba sa kusina to see Heaven na naghahain para sa pananghalian. Wow instant maid! Masaya naman akong naupo sa isa sa mga upuang naroon sa harap ng mesa at nagdasal ng marinig kong parang may sumasabay sa pagdarasal ko kaya napahinto ako at nakitang nakaupo si Hell sa tabi ni Heaven na seryosong nakayuko. My God, kailan ba ako lulubayan ng demonyitong ito?
“O ano? Tapos ka na magdasal sa Diyos mo?” tanong niya na hindi natitinag sa pagkakayuko.
Napabuntong-hininga na lang ako bago ipinagpatuloy ang pagdarasal.
Kaagad na kumuha si Hell ng mga nakahain sa hapag at itinago rin niya ang sungay at buntot niya. Sakto naman pagtunog ng doorbell kaya tumayo ako upang buksan ang pinto.
“Genie! I hate you!” Bigla kong naalala ang usapan namin ni Vienna kagabi. Hindi nga pala ako nakasipot.
“Oh I’m sorry Vienna. Sumama kasi ang pakiramdam ko kagabi e,” paliwanag ko pero parang wala siyang nakikita. Nakatuon lang ang atensyon niya sa ibang tao, or should I say sa feeling tao.
“Hindi mo sinabing may kasama ka pa lang gwapo rito sa bahay mo,” sabi niya.
“Hello Ms. Vienna Austria. It’s a pleasure to meet you,” sabi ni Hell sabay abot sa kamay ni Vienna at dinampian pa ito ng halik. “By the way, I’m Hell.”
Bigla namang lumapit si Heaven kay Vienna at binigyan ito ng matamis na ngiti.
“Vienna, ako nga pala si Heaven.”
“Hindi ka nagsasabi sa akin Genie na may mga kasama ka na pala rito sa bahay mo ha,” may halong tampo na sabi ni Vienna.
“It is a long story Vienna.” I rolled my eyes. Naaalala ko na naman kung paano napadpad sa buhay ko ang dalawang ito. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay sa akin ni Heaven at Hell. Hindi ko rin alam kung padala ba siya sa akin ni Sigfrid. Siguro pwede pa si Heaven pero si Hell, mukhang malabo.
“Make it short,” sabi niya kaya naman hinawakan ko na lang ang kamay niya at pinagtulakan siya palabas ng bahay. Alam niyang ayoko na kinukulit ako and yet patuloy niya pa rin iyong ginagawa.
Kinabukasan, as usual may pasok na naman sa school so kailangan ko na namang gumising nang maaga to prepare everything that I need for school lalo na today, exam pa naman.
“Himala wala yata sila,” nasabi ko na lang sa sarili ko nang mapansing tahimik ang buong kabahayan at wala sina Heaven at Hell.” Sa wakas tinantanan din ako ng dalawang iyon.
Nagsimula na akong mag-asikaso dahil baka ma-late pa ako. Terror pa naman ang teacher na magbabantay sa amin sa exam.
After ilang minutes I am done with my morning routines at kaagad na nagtungo sa eskwelahan. Naramdaman ko na naman ang pagyanig ng lupa. The end is near na nga yata. Napapadalas kasi ang lindol and lately nagkalat ang mga propeta na ewan ko kung nagsasabi ng totoo at yong bulalakaw na pabagsak, hindi ko talaga alam kung dapat pa ba akong maniwala na may Diyos.
Pagpasok ko sa classroom ay kaagad akong naupo sa upuan ko sa may bandang likuran nang pumasok ang adviser namin.
“Class good morning! Huwag na kayong tumayo, napadaan lang ako para ipakilala sa inyo ang inyong dalawang bagong kaklase,” sabi ng adviser naming kaya naman napatingin ako sa gawi ng pinto at napatayo nang mapagsino ko ang dalawang pumasok mula roon.
“Hello! I am Heaven Blue. Sana maging kaibigan ko kayong lahat,” pagpapakilala ni Heaven bago ito yumuko at nagbigay galang.
Parang kung sino namang pumasok si Hell bago nagsalita. “Hell Red. Just call me Hell.” Iyon lang ang sinabi niya pero grabe ang tilian ng mga kaklase naming babae. Oo inaamin ko na gwapo talaga si Hell pero hindi lang nila kasi alam na demonyito ang lalakeng iyan.
“You may take your seats,” Sabi nung adviser namin bago lumabas nang wala man lang paalam man lang.
Kaagad namang naglakad palapit sa akin ang dalawa at kaagad na naupo si Heaven sa kaliwang bahagi ko kung saan bakante ang upuan at walang nakaupo.
Samantala…
“Alis diyan uupo ako,” si Hell ‘yan. Sabi niya lang naman sa katabi kong si Hendrix na nakaupo sa aking gawing kanan.
“Teka, ang yabang mo ha. Akala mo kung sino ka makapag-utos,” matapang na sagot ni Hendrix at tumayo pa para magyabang.
“Aalis ka diyan o susunugin kita ng buhay? Mamili ka,” seryosong sabi naman ni Hell.
“At sinong tinakot mo? Ak–” bigla namang napatigil si Hendrix sa sasabihin at kaagad kinuha ang bag niya at lumipat sa pinakadulong upuan sa likuran. Kung anong nangyari? Hindi namin alam.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Masyadong nasasapawan ni Hell ang presence ni Heaven. Palibhasa, siya yung masyadong maingay 😅
Edi nagpakita sa anyong demonyo SI hell bwahahaha nakakatawa