Arleigh (A Time Travel Story) Chapter 7

po bang magkaroon ng kaugnayan ang isang patay sa mga buhay?” tanong ni Arleigh habang nakamasid sa propesor na nakaupo sa harap nilang magpinsan.

“Aba’y oo. Kumbaga sa cellphone, can be reached pa din.” Umalog ang balikat nito nang tumawa.

“I mean Sir, ‘yung mga namatay noon, puwede ba silang magparamdam at magpakita sa mga tao ngayon? In what form? Kaluluwa o may katawan?”

“They can do both. They can travel through time, remember. Nandiyan lang sila sa tabi-tabi. Ang ilan ay mabuti at ang ilan naman ay naiinggit dahil may katawan tayong puwede panahanan hindi tulad nila na wala na. The worst that they can do is to scare us.”

Marahan siyang napatango. “May napapanaginipan po akong lalaki. Nagtataka lang ako dahil noong una, parang nanonood lang ako sa mga nangyayari sa loob ng panaginip ko pero nang lumaon, biglang kasali na ako. Bakit ganoon?”

“Kinausap ka nila?”

She nodded. “One man called me Isabel. It was weird. Pero sa panaginip ko, parang ako nga ang kausap niya. Parang naiintindihan kong hindi mawari ang mga nangyayari. May mga binabanggit na pangalan na hindi ko kilala pero tandang-tanda ko lahat ng mga pangalang iyon.”

“Drop some names.”

Saglit siyang nag-isip saka sumagot. “Margarita, Esperanza…Segismundo…Carlos. Carlos ang pangalan ng lalaking kasintahan ko raw sa panaginip.”

“Carlos…Carlos what?”

“Carlos Valderama.”

Napaunat sa kinauupuan ang propesor. “Carlos Valderama? His name sounds so familiar.”

“I think he’s famous in his time. Kahapon ay may nakita akong tulang nakapaskil sa itaas ng tren. The title was Until Then and it was written by—”

“C.V?” agap nito sa sinasabi niya.

“Nabasa niyo rin sa tren?”

Umiling ito. “I remember it now. I’ve got a copy of that piece. That was indeed written by Carlos Valderama in year 1936.”

Namilog ang mga mata niya sa narinig. Nang tumayo ang propesor at tinungo ang isang file cabinet sa sulok ng opisina nito ay nakasunod ang paningin niya rito. May kinuha itong isang folder doon at saka iyon saglit na binuksan. Hinubad pa nito ang suot na salamin bago muling tinitigan ang hawak. Mayamaya ay napangiti ito at saka tumingin sa kanya. “This is one of the good signs that you are bound to meet this guy.”

“Huh?”

“I don’t collect poems but someone gave it to me last month. Isang matandang nakilala ko nang manood ako ng play. Hindi ba napaka-coincident naman yata?”

“What do you mean?”

“Sa tingin ko ay sinasadya ang mga pangyayari. Alam ng taong iyon na sa akin ka hihingi ng tulong kaya sa akin niya ito ipinagtiwala.”

Nang iabot nito sa kanya ang hawak na folder ay saglit na tila tumigil ang puso niya sa pagtibok. Napakunot ang noo niya sa sinabi nito at nagtaasan na naman ang kanyang mga balahibo. Ang hawak niyang papel ay katulad na katulad ng nakita niya sa tren. Maging ang kulay at anyo ng pagkaluma ng papel ay ganoon din. Binasa niya ang nakasulat sa papel at tulad nang una ay nangilid ang luha niya. Ang kaibahan lang, ngayon ay nabuo niya ang tula. Dahil sa pagmamadali kasi noong unang araw na makita niya iyon ay hindi niya nagawang tapusin ang pagbabasa.

Will it take you years to take the road? Will it take you decades?

It might take you eons to remember your promise,

But hey, I’ll be waiting still…

“My God, very touching!” bulalas ni Jing na nakikibasa rin.

Standing at the end of the rainbow,

Patiently, lovingly waiting for you,

Until then, my Love,

I will be waiting, still.

“A poem written by C.V. in May, 1936,” malakas niyang basa. Kasabay niyon ay ang paggapang na naman ng kilabot sa kanyang katawan. “Maestro, bakit kailangan kong pagdaanan ang mga ito? May gusto bang ipahiwatig ang mga kaluluwang iyon sa akin? Bakit parang pakiramdam ko ay kasama ko lang sila sa araw-araw at ayaw nila akong patahimikin?”

“Hindi ko rin alam. Sila lang din ang makakasagot sa mga tanong mo.”

Doon siya lalong kinilabutan. Ang isiping makikipag-usap siya sa mga taong patay na ay isang nakakakilabot na isipin.

“Huwag kang mag-alala, hindi sila patay sa panahon nila. Ganito lang din ang hitsura nila, parang tayo,” wika nito na nakalahad pa ang mga kamay. “Hindi ka dapat matakot, kung hindi ay hindi ka makababalik.”

“Ano ang mga dapat kong gawin?”

Nahulog siya sa malalim na isipin nang marinig ang mga hakbang na kailangan niyang isagawa.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Arleigh (A Time Travel Story) Chapter 7

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

  1. Sa totoo lang kung totoo talaga Ang time travel nais ko din makabalik sa nakaraan hahahaha kahit sa panaginip lang hahaha well Ang panaginip Kasi halos Isang libro Ang ganap pero saglit lang pag nagising ka napakahiwaga talaga Ng binigay sakin Ng Diyos astig

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.