Disaster
“Okay mga kids, walang hihiwalay sa parents niyo ha? Mag-eenjoy kayo doon maraming rides.” Nasa loob na sila Julia ng Bus para sa field trip nang tinuturuan niyang day care.
“Teacher Jules maganda po ba doon?” Tanong ng isang bata.
“Oo naman. Sige na magpahinga muna kayo kase baka dalawang oras pa ang biyahe natin. Mga Mommy paki double check po kung suot nang mga bata ang ID nila.” Nang matapos magsalita ay umupo na rin siya sakanyang pwesto.
Dise-otso anyos lang si Julia nang makapagtapos bilang isang guro sa isang public school bilang scholar. At itong mga bata sa loob ng bus ang mga kauna-unahang estudyante niya. Likas na mabait at gustong-gusto niya ang mga bata kaya mas pinili niyang maging isang day-care teacher.
“Ang ganda.”Narinig niyang sabi ng isang batang babae.
“Mga bata walang lalayo ah.Pumila ng maayos para lahat mkasakay.” Muli niyang paalala bago siya pumunta sa Opisina ng amusement park upang makipag-usap sa in charge doon para sakanilang discount.
Public school lang ang tinuturuan niya, karamihan ng mga bata ay pumapasok na walang baon. Ang field trip nila na ito ay sinagot pa ng isang pulitiko. At siya bilang isang guro ginawa naman ang lahat para makatipid sakanilang lakad pero sinigurad rin niyang dapat ay maging masaya ang mga bata.
“Carl, anong sunod na meeting ko?” Tanong ni Richard saknyang personal secretary.
“Sir, in two hours po dapat nasa Shang na tayo. Doon po yung next meeting.Para po iyon sa ialalabas na bagong product.” Tumango naman si Richard at nagsimula nang maglakad papunta saknyang sasakyan kung saan kasunod niya ang dalawang bodyguard at ang sekretarya.
Ngunit napahinto siya sa paglalakad ng makarinig ng sigawan, nagkakagulo ang mga tao sa isang rides.
“Utang na loob, tulungan niyo ang anak ko.” Umiiyak na sabi ng isang Ginang.
Tiningala rin ni Richard ang tinitignan nito sa itaas. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
Isang bata ang sumabit ang paa sa mini roller coaster at nakabitin ito ngayon.
Nagkakagulo na at umiiyak na ang iba pang bata doon.
Kaya naman agad siyang tumakbo sa pinangyayarihan ng gulo.
“Ano pa bang hinihintay ninyo? Ialis niyo na ang estudyante kodiyan. Hindi na kaya ng bata. Baka mapano pa siya.” Pakikipagtalo ni Julia sa isang empleyado ng Park.
“Ma’am, ginagawa nap o namin. Nakaalalay na po ang iba pang medic. Pero naipit po kase yung paa niya kailangan pa po ng mga tools para maicut ang bakal.” Paliwanag nito.
“Bakit nasaan ba yung mga tools na yan? Ang tagal-tagal. Alam niyo nandito kami para mag enjoy sana. Ngayon lang nakarating ang mga estudyanrte ko rito pero ganito pa nangyari.” Himutok ni Julia.
“What’s happening? Bakit ang tagal maialis ng bata dun?” Napalingon si Julia sa nagsalita.
Isang singkit na binata ang nasa harapan niya na ngayon at nakasuot ito ng gray na suit.
“Sir, tumawag na po kami ng technical wala po kaseng tools.”Paliwanag ng empleyado.
“What the hell? Were’s Shino? Hindi dapat ganito.Dapat handa tayo sa lahat ng owedeng mangyari.” Galit na sabi ng binate.
“Opo sir, pero aksidente po to.”Mahina ang boses ng empleyado.
“Bullshit!” Nakita ni Julia na niluwagan ng lalaki ang suot nitong tie at saka pumasok sa loob ng mini roller coaster ride. Sumunod naman siya rito ng mapansinghindi na ganoon kahigpit ang mga guard.
Nang makalapit siya sa lugar ay naiyak siya sa nakita.
Nangingitim na ang paa ng kanyang estudyante, kung tutuusin mababa lang ang pinagsasabitan nito ngayon pero hindi magawang alisin dahil sa pagkakaipit ng paa nito.
“Teacher.” Umiiyak na tawag ng bata saknya.
“Anong lagay?” Narinig niyang tanong ng binatang singkit sa isang medic.
“Sir, kapag po pwersahan pwedeng maputol ang paa ng bata.Kailangan po nating putulin ang nakaipit sakanya pero inaantay pa po namin yung mga gamit.”Paliwanag nito.
“Bakit saan ba mangggaaling ang mga gamit na iyan?Hindi ba tayo handa sa mga ganitong senaryo?”Tanong nanaman nito.
“Teacher, masakit na po ang paa ko.” Umiiyak na sabi ng bata.
Nilapitan niya ito at pilit na inaabot ang Ulo, dahil nakabaliktad ang bata.
“Ano pa bang inaantay natin? Hindi pwedeng matagal nakasanit diyan si Marky, masama sa bata iyon baka magdugo na ang ilong niyan. Maawa naman kayo.” Sigaw niya sa mga taong parang hindi alam ang gagawin.
“Miss calm down. Aalisin po natin siya diyan.”Sabin g binatang singkit.
“Paano ako kakalma? Buhay ng estudyante ko ang nakataya dito Sir.” Nangingilid na ang luha niya dahil sa tagal ng pagrescue sa bata.
Ilang saglit lang ay dumating na ang ilan pang empleyado. Dahil nakikialam siya at natataranta sa tuwing lalakas ang iyak ng bata sa pagtanggal ng mga ito sa paa nitong naipit ay hinila siya ni Richard.
“Miss, hayaan niyo pong magawa nila ang trabaho nila hindi po kayo nakakatulong.”Sabi pa nito.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masaya dapat tong lakad na ito. Hindi ganito. Nasaan ba ang may ari ng Amusement Park? Kakausapin ko dahil hindi na maayos ang mga gamit niyo dito hindi na rin safe ang mga rides.” Tanong niya pa.
“Im the owner.”Simpleng sagot nito.
“So ikaw pala iyong may ari dito? Pwes kausapin mo mga empleyado mong makukupad at ang mag rides niyo pakiayos dahil hindi pwedeng ganito na himbis na mag enjoy nagging disaster ang lakad naming.” Reklamo niya pa.
“Im sorry about that, ang management na po naming ang bahala sa lahat ng expences ng bata kumalma po kayo Miss.”Magalang parin ang binata.
Ilang sandal pa ay natanggal na ang paa ng umiiyak na si Marty. Agad itong sinakay sa ambulansya. Kaya naman umalis na si Julia sa harap ng may-ari ng park upang sumunod saknyang estudyante kasama ang Ina nitong umiiyak rin.
“Carl, nasaan na si Shino? Paki handle ang nangyari dito. I have to go.” Tumango lang ang sekretarya at kinausap ang isang empleyado doon upang ipaliwanag ang mga dapat gawin.
Habang nasa loob ng sasakyan si Richard pilit niyang inaalala kung saan niya nakita ang babaeng iyon, napaka pamilyar ng mukha nito. Isang mukhang alam niyang madalas niyang Makita noon.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





