UNTI-UNTI nang sinusundo nang mga magulang ang mga batang tinuturuan ni Julia sa Daycare Center.
“Bye Teacher.” Kaway pa nang bibo niyang estudyanteng si Maymay.
“Bye. Ingat.” AT inayos niya na rin ang mga naiwang kalat ng mga bata, ang mga ginupit na papel at mga pinagkainan.
Wala siyang masahan dahil siya lang naman ang nag-iisang guro nila sa Daycare na ito.
Habang ginagawa niya yun ay naubos na ang mga bata na kinukuha nang mga nanay nila upang makauwi na.
Kukunin niya dapat ang walissa gilid nang pintuan nang biglang may pumasok na matandang babaeng Singkit at maputi. Natigilan siya at ilang sandal lang ay nasa tabi na nito ang babaeng nakita nila ni Gracie sa Mall nung nagkape sila.
Agad niyang naalala ang sinabi ni Gracie.
[mycred_sell_this]
Nakita niyang tinignan siya nang matanda mula ulo hanggang paa nang may ubulong ditto ang kasama nitong babae.
“Excuse me what do you need Ma’am?” Tanong niya na at tumigil sa ginagawa.
“Kàn tā de āyí, wǒ bùnéng xiǎngxiàng lǐ chá dé tā xuǎnzéle wǒ.” (Look at her Auntie, I can’t imagine Richard choose her over me.) Muling bulong ng babae. Wala siyang maintindihan.
Napailing pa ang matanda bago nagsalita nang Ingles ngunit hindi malinaw ang pagkakasabi nito.
“Can i please talk to you? If your not busy.” Pinilit intindihin ni Julia ang Ingles nito dahil medyo iba ang tono nito.
“Why Ma’am?” Tanong niya muna dahil wala siyang nakikitang rason para kausapin niya ang mga ito.
Magsasalita n asana ang matanda nang magulat sila pareho sa biglaang pabalibag na bumukas nang husto ang pintuang screen ng daycare.
Humahangos na si Richard Chen ang dumating.
“Mom? What are you doing here?” Gulat na gulat ang itsura nito maging siya ay nagugulat din sa mga nangyayari.
Tinignan siya nang lalaki at mukhang nahihiya.Nagtatanong naman ang kanyang mga mata.
“Wǒ zhǐshì xiǎng hé tā tán tán.Wèishéme?” (I just want to talk to her. why?) Mataray ang pananalita nang matanda sa lenggwaheng wala siyang maintindihan.
“Wait. Hindi ko po kayo naiintindihan. Ano po bang kailangang niyong lahat?” Naiinis na siya at naguguluhan.
“Ràng wǒmen qù māmā.” (Lets go Mom.) Pilit na hinawakan ni Richard ang kamay ng Ina.
Ngunit tinapik ito nang matanda.
Ang babae naman na kasama nito ay nakahalukipkip lang at nakasimangot habang nakatingin sakanya.
“Kàn tā, shēzú bùshì zhōngguó rén de érzi. Hé lǎoshī?Fāshēngle shénme shì ya?” (Look at her, Shes not Chinese Son. and a teacher? what is happening to you?) Galit na galit ang mukha nang matanda at sinusulyapan pa siya.
“Please Mom, Lets go home.” Ulit ni Richard at mukhang hiyang-hiya na.
“Teka lang. Wala po akong naiintindihan Ano bang problema po?” Nagtanong siyang muli.Umiling naman si Richard at yumuko.Nagulat siya nang lumapit sakanya ang babaeng kasama ng matanda.
“Realy? You don’t know why are we here?” Tumaas pa ang kilay nito.
“Ai.” Pigil ni Richard ditto.
Lumakad ito upang hilahin ang babae at si Julia naman ay nakasimangot na talaga.
“Hey People, wala akong alam sa issue niyo at pwede po ba madami pa akong trabaho. Itigil niyo na to at ipaliwanag sakin kung anong kailangan niyo.” Pinakatitigan niya ang namumutlang binata.
“Huh? Its that what you like about her son? Tsk. No Manners.” Sabi pa nang matanda.
“Anong manners pinagsasabi niyo po? Excuse me. Nagtatanong po ako.Anong problema niyo?”Kanina pa siya nagpapakahinahon ngunit wala yatang planong magpaliwanag ang mga taong ito sakanilang pakay.
Nagpakawala nang isang malakas na buntong hininga ang binata at marahas na ginulo pa nito ang buhok at mabilisan siyang hinila sa braso na ikinagulat niya.
“Aray. Ano to?” Nagulat siya nang tuloy-tuloy lang siyang hinila palabas. Palayo sa dalawang babae sa loob nang kanyang silid aralan.
Narinig niya pa ang sigaw nang matanda.
“Richard! Come back.” Ngunit nakalabas na sila.
Hindi pa rin binibitiwan ng binata si Julia kahit na panay ang palag hanggang sa huminto sila sa isang sasakyan na agad binuksan nito.
“Please. Pumasok ka muna.Mag-usap tayo.”Pakiusap nito.
“Bakit?Anong problema?”Naguguluhan pa rin siya.
“Il explain to you later please.” Nakita niyang dinungaw pa nito ang pinto kung saan papalabas na ang dalawang babae.
Kaya naman sumakay na rin siya at ang binata ay agad naming umkot para makasakay sa drivers seat.
“Don’t worry about your classroom maiiwan dito ang driver ko.” At may tinawagan agad ito bago inistart ang sasakyan.
“Maiwan ka dito make sure na bantayan mo muna yung room.” At iyon lang tinapos nito ang tawag pinasibat ang sasakyan kahit na ba lumapit na ang ina nito at mukhang kakatukin pa sila.
“Ano bang problema niyo sakin? Alam mo natatakot na ko ah.” Sabi ni Julia at nilingon pa ang matandang babaeng nagpapadyak sa inis nang makalayo na sila. Dinaluhan ito nang kasama.
“To be honest I don’t know how to explain this. Please let me drive first.” Sabi nito sakanya.
Umirap naman si Julia sa kawalan.
Malayo-layo na rin ang narating nila sa halos trenta minutong pagmamaneho nang binata, panay rin ang tunog nang cellphone nito at mukhang wala siyang planong sagutin.
“Care to explain now, what is happening? Naguguluhan na ko. Ano bang atraso ko sa inyo?” Tanong niyang muli. Huminga nang malalim ang binata at sandal siyang tinignan at kinagat ang pangibabang labi bago muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.
“Isa. Sabihin mo na sakin. Natatakot na ko ah. Ano to? DAhil bas a pagpasok ko dati sa building niyo? My gosh dahil bas a sinulat ko dati? Nabura ko naman na iyon. Ano ba?”Muli niyang tanong.
Nagulat siya sa biglaang pagapak nang binata sa preno at ung hindi ito naging maagap upang iharang ang kamay sa harap niya ay malamang nsubsob na siya dahil hindi niya naisuot ang seatbelt.
“Oh. Im sorry. Im sorry. Are you okay?” Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at tinitignan.
Nanlaki ang mata niya dahil muntikan na siyang mauntog kanina lang.
“Ano bang problema mo ha?” Inalis niya ang kamay nito sakanya at nag aantay ng sagot. “Magsalita kana at nang maihatid mo na ko. Kase sa totoo lang wala akong dalang kahit ano. Hindi ako makakauwi maliban nalang kung lalakarin ko pabalik sa school. Ang dami kong trabaho utang na loob.”
Alam niyang napaka daldal na niya pero wala siyang pakialam. Kailangang ipaliwanag na nang binata ang dahilan kung bakit at anong dahilan nang pagpunta nila sakanya.
Muli itong huminga nang malalim at yumuko tapos ay tinignan siya sa mga mata bago kinagat ang pang ibabang labi.
Ayaw man niyang madistract ay hindi niya maiwasan.
Shemay ang gwapo.
[/mycred_sell_this]
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




