Bawat isa sa atin ay may kinakatakutan. Maliit man ito o malaki, mahaba man o mataas, nakikita man natin o hindi. Bakit tayo natatakot? Iyan ang isa sa mga tanong na hindi ko alam ang sagot. Bakit nga ba? Paano mo mapapaliwanag ‘to? Ako kasi hindi ko alam. Maraming mga tanong na naglilibot sa utak ko na hindi ko alam ang sagot. Katulad na lang ng tanong na ito, ‘Anong purpose mo sa mundo?’ Wala kang masagot? Pareho tayo.
Still wondering on the things that you’ve been doing? Kung para saan ito at kung kailan ito matatapos? Sa mga bagay na gumugulo sa utak mo?Kung kailan ito matatapos ulit? Sa pagtakbo ng buhay natin, nare-realize mo ba ang mga bagay-bagay? Kung saan at kailan ito nagsimula? Kung kailan ito matatapos?
Sa 18 years of existance ko sa mundo, isa lang ang totoo at proven na bagay ang alam ko. Nagsisimula ang buhay mo pagkatapos mong mamatay. Magtatapos din ito sa kamatayan.
“Eishra Pangilinan! Matulog ka na! May trabaho pa ako bukas, sarilinin mo na lang ‘yang mga nasa isip mo. Anak naman, inaantok na si mama.” Napangiwi ako. Hindi ko namalayan na sinasabi ko na pala lahat ng nasa isip ko. Makatulog na nga lang.
Next to: Kamatayan (One Shot Story)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





