Eh?
Nakayuko lang si Julia habang nakasunod sa lalaking wala pa rin imik simula ng pumasok sila sa loob ng sasakyan nito kanina.
“Good Afternoon Sir.” Masiglang bati ng mga empleyado nito.
Ngumiti pa ang dalawang receptionist pero nang makita siya ag naguluhan ang mga ito at tila nagbulungan pa.
“Dont mind them, just follow me.” Napapitlag pa si Julia ng sandaling mahawakan ng binata ang kanyang braso upang hilahin.
Sumunod nalang siya dito ng lumakad ito at lumiko papunta sa isang tagong silid sa loob ng building.
“Teka Sir, saan po tayo?” nagugulantang na tanong niya kase ang pagkakaalam niya ay buburahin niya ang isinulat sa elevator.
“Maintenance.” Simpleng sagot nito at binuksan ang silid doon nakita niya ang isang matandang lalaki at ngumiti ito.
“Magandang hapon po Boss Richard.”Bati nito at yumuko pa.
“Manong Ernie, naihanda niyo po ba yung itinawag ko kanina?” Tanong nito.
Sinundan ng tingin ni Julia ang dinampot ng Matanda.
“Ito ho Sir.” Iniabot nito ang pang spray at basahang bilog.
“Sa kanya mo ibigay Manong.” Inginuso ni Richard sa matanda si Julia.
“Ito na.”Kinuha naman ng dalaga ang mga gamit panlinis.
“Come on.” Tapos nauna na uling lumabas si Richard.
Ngumiti naman ang matanda kay Julia na nagmamadaling humabol kay Richard.
Hindi alam ni Richard kung anong pumasok sa kanyang kokote at pinaglalaruan niya ang dalaga. Nais niya lang din asarin ito tulad ng pag kaasar na naramdaman niya nang makita niya ang isinulat nito. Napailing na lamang siya. Naisip niyang para siyang bata.
“Sir teka po.” tawag ng matanda sakanila at nagmamadaling humabol.
Lumingon naman sina Julia at Richard.
“Yung gloves po pala, medyo matapang po ang kemikal na nasa sprayer eh.” paalala nito. Tumango naman ang binata at inabot ito.
Medyo madami ang nakapila sa elevator pero nang makita ang boss ay nagsi tabihan ang mga ito.
Yumuko pa ang ilan at bumati. Tanging tango lamang ang ginawa ni Richard.
“Wala munang sasakay.” Sabi nito nang bumukas ang elevator ay hinila na niya si Julia papasok sa loob.
Naguluhan naman ang mga empleyado ngunit hindi nalang umimik.
“Simulan mo na.” Utos ni Richard kay Julia matapos pindutin ang button upang sumara at umakyat pataas sa 8th floor.
“Okay.” Nahihiyang winisikan ni Julia ang salamin. Nakikita niya ang repleksyon ng binata. Naka tingin ito sa ginagawa niya at medyo nakangisi.
“Wait.” Saglit na inawat siya nito.
“Bakit?” takang tanong niya.
Kinuha nito ang spray bottle saknyang kamay at isinuot ang isang gloves.
Tumango naman siya at kinuha na ang isa pang gloves upang siya ang mag suot sa sarili dahil nakaramdam siya ng pag iinit ng pisngi.
Bawat tunog ng elevator ay nagugulat siya.Bumubukas ito. Nakita niyang may ilang nagtangkang sumakay ngunit hindi natuloy dahil tinaasan ito ng kilay ng Boss at umiling.
“Im not evil.” Sabi ni Richard ng nasa fifth floor na sila.
“Alam ko, sorry.” nahihiyang binubura niya ang sungay ng stick figure.
Muli ay wala nanaman silang imikan. Kaya naman panay ang spray niya sa salamin at mabilis na binubura ang sinulat.
Saktong paakyat na sila nang 8th floor nang matapos niya ito.
“Sa office tayo.”Deklara nito at nauna nang lumabas.
Sumunod nalang siya.
Habang naglalakad ay nagsalita si Richard. “Ikaw na ang magbigay ng para sa hospital bills ng student mo.”
“Bakit ako?!” Medyo napalakas ang boses ni Julia.
Sasagot sana si Richard ngunit pagpasok niya ng Opisina ay natigilan siya.
“Wo xiangnian ni. (I miss you.)” Isang maputi at singkit na dalaga ang agad yumakap kay Richard, kaya naman natigilan din si Julia.
“Ai, ni zai zheli zuo shenme? (Ai, what are you doing here?)” Naguguluhan si Julia hindi niya maintindihan ang sinasabi nang dalawang singkit.
“Oh my, Ta shi shui? (Oh my, who is she?)” Bumaling ang babae saknya.
Nailang naman si Julia.
Ngunit nagulat siya ng biglang tumabi si Richard saknya at bigla siyang inakbayan.
Eh? bakit may akbay?
“Ta shi wode nu pengyou. (She’s my girlfriend)” Nakita niyang nabigla ang babaeng singkit at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
“Sir.Ano po yun?” tanong niya at pilit inaalis ang pagkakaakbay nito. Pero humigpit lang lalo.
“Ni zai kaiwanxiao ba? (Are you kidding me?)” Galit na ngayon ang babae.
Nagulat si Julia nang hinapit siya lalo ni Richard bago muli itong nagsalita “Dangran bushi. (Of course not.)”
“Ni zenme keyi? (How dare you?)” At nagpapadyak pa ito sa sahig. “Wo hui gaosu gei ni de mama. (I will tell this to your Mother.)”
“Wo buzaihu duzi likai women. (I don’t care, leave us alone.)” Sagot ni Richard.
Habang si Julia ay naiinis na, at gustong sabihin sa dalawang singkit na wala siyang maintindihan.
Nakita niyang nagtagis ang mga bagang ng babae at dinampot agad ang bag na nasa ibabaw ng table bago nagmartsa palabas ng opisina at binangga siya ng malakas.
Dinig na dinig sa buong floor ang malakas na yabag nito dahil sa takong na suot.
Agad naman bumitaw si Richard saknya at bumuntong hininga nang makalayo na ang babaeng singkit.
“Sir, ano po ba yun?Naguguluhan po ako.” Tanong ni Julia.
Nakita niyang umiling si Richard at kinagat ang pang ibabang labi. At hindi agad makasagot sa tanong niya
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





