KASALUKUYANG tinitingnan ni Necisto ang kanyang email. Nakaupo siya sa likurang bahagi ng sasakyan habang nasa kandungan ang kanyang laptop. Isang oras na lang ay flight na niya pabalik sa Maynila. Ginamit niya ang isang linggong bakasyon sa trabaho upang asikasuhin ang pagpapatayo niya ng apartment. Tatlong taon niyang pinag-ipunan ang budget sa pagpapatayo ng negosyong nais niyang i-regalo sa kanyang ina.
May mga pinapatapos din na program sa team nila at siya ang nakatoka sa pag-code ng functions ng graphical elements. Paminsan-minsan ay ginagawa niya ito ngunit mas priority niya ang lupang tatayuan ng apartment na nais niya. Idagdag pa ang pangungulit ng kasintahan niyang naiwan sa Maynila.
Tumunog ang phone ni Necisto at agad napangiti nang makita ang pangalan ng tumatawag. Sinagot niya agad ito.
“Baby ko!” Nailayo niya ang phone sa tainga dahil sa pagsigaw ng ina. “Na-miss kita!”
“Ma, hindi ako bingi.”
“Anak, hindi ka ba dadalaw dito sa Catarman? Sabi ni Hannah nasa San Isidro ka ngayon? Hindi mo na ako nadadalaw.” Naiisip ni Nes ang pagtatampo-tampuhan ng ina at ang pagsusungit nito sa walang kabuluhang dahilan.
“Ma, dinalaw na kita last month. Pabalik na ako sa Maynila ngayon.” Itinabi niya ang laptop saka sumandal ng maayos. Sinilip niya ang bintana habang hinihintay ang tugon ng kausap.
“Hindi ba pwedeng dalawin mo ako every week, anak? Alam mo ba, si Manang Cathy, ‘yong katulong dito sa bahay, umalis na kanina. Namatay ang asawa niya kahapon at kailangan niya nang manatili sa Cebu.” Pansin ni Nes ang lungkot sa boses ng ina niya. Matagal ng naninilbihan si Cathy sa kanila magmula pa no’ng kapapanganak pa lang ng ina niya.
Hindi na siya nagulat sa binalita nito dahil naunang magpaalam sa kanya ang matanda. Nag-aalala rin kasi ito sa kalagayan ng ina niya.
“Ma, give me a week. Hahanapan kita ng bagong kasama sa bahay.”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Inilagay ni Necisto ang isang daliri sa labi dahil iniisip niya kung paano aayusin ang gusot ng kanyang pamilya ngunit napapikit na lang din dahil napagtanto niyang sila ng kanyang ina ang naging gusot sa pamilya Sy.
“Anak, hindi ko naman kailangan ng ibang kasama. Hindi mo pa naman papakasalan si Tasha, ‘di ba? Bakit hindi ka muna tumira kasama ako?”
Napahawak sa sentido si Necisto. “Ma, alam mo namang walang kaso sa’kin kung magkasama tayo pero hindi pwedeng d’yan sa Catarman tayo tumira.”
“Anak, pwede ka naman kasing mag-apply dito sa–”
“Ma, I have to go. Tawagan mo lang ako kapag nagbago na ang isip mo, okay?”
Pinatay niya na ang tawag kahit pa nagsasalita ang ina sa kabilang linya. Ilang beses na rin nilang napag-uusapan ang pagtira sa iisang bubong ngunit ayaw nang bumalik ng ina niya sa Maynila dahil natatakot itong makaharap ang pamilyang Sy. Sa halip ay nais ng nanay niya na sa Samar na lang din maghanap ng trabaho.
Marangal ang trabaho ni Necita, ina ni Necisto, nang magawi ito sa Maynila. First year college lang ang natapos nito ngunit natanggap pa rin bilang staff ng isang branded shop. Doon siya unang nakita ni Agusto Sy, ama ni Necisto, na siyang may-ari ng branded shop. Mula noon ay tila ba nabighani ang ama niya kay Necita dahil palangiti ito at magiliw kausap. Ngunit dahil walang tinapos ang babae, hindi ito matanggap ng pamilyang Sy at ipinagkasundo si Agusto sa legal niyang asawa ngayon na si Olivia.
Pitong taong gulang si Necisto nang malaman ni Agusto na nagkaanak siya kay Necita kaya naman nagkaroon sila ng patas na oras kay Nes, isang buwan kay Agusto at ganoon din kay Necita. Ngunit hindi ito matanggap ni Olivia at nagsampa siya ng kaso kay Necita na hindi naman natuloy dahil nagkasundo si Agusto at Necita na susuportahan niya ang dalawa kahit na sa malayo sila nakatira.
Isa sa tulong ni Agusto ay ang ipasok ang anak sa kompanyang hawak ng pinakamatandang miyembro ng pamilyang Sy na si Herbert. Hindi boto ang buong pamilyang Sy sa tinahak ni Necisto na buhay bilang programmer. Nais ng pamilya na maging eksperto siya sa medisina, arts, o business. Ngunit ayaw ni Necisto na hayaan ang ibang taong magdesisyon para sa kanya gaya ng ginawa sa kanyang ama nang ikasal ito sa ibang babaeng hindi naman nito mahal.
“Bernard Ramsey! Kanina ka pa,” gigil na sambit ng isang tinig na siyang nagpabalik kay Necisto sa kasalukuyan. Sinilip niya ang dalawang kasama na kinse minutos nang nagtatalo.
“How dare you call me a slut?”
Napatingin siya sa may-ari ng boses na iyon. Si Hannah Muñoz, kababata niya ito mula pa gradeschool at nang malamang nawalan ito ng trabaho sa dati nitong kompanya, inalok niya ito na mag-asikaso ng finances niya. Ini-refer niya na rin ito sa isa pang kompanya kung saan kilala niya ang HR Manage. Accountancy ang natapos ni Hannah at nais nitong mag-aral sa pagka-abogado. Bata pa lang ay pumanaw na ang ina ni Hannah. Baon sa utang ang babae dahil biglaan ang pagkamatay ama nito, kaya naman tinanggap kaagad nito ang inalok niyang trabaho.
“Hindi ko sinabing slut ka, I said you dressed like a slut. Pakilinisan po ng tainga, nabibingi ka na,” sambit ni Bernard. Naging kaibigan niya ito sa college at nang malamang nag-top 2 ito sa board exam noon ay kinuha niya itong engineer sa proyektong itatayo niya sa lupang binisita niya kaninang umaga.
“Masyado ka kasing makaluma! Just like your name, Bernard. Ew! It’s like Bernardo. Pang-sinaunang tao,” mataray na depensa ni Hannah. Hindi talaga conservative ang babae. Wala naman siyang problema sa mga nais nitong suotin. Alam niyang naging model ito sa isang brand ng mga damit ngunit umalis ito roon kahit mataas ang sahod dahil sa nanamantalang manager. Bagay rin naman sa balingkinitan nitong katawan ang kahit na anong klase ng damit.
“Because I’m a gentleman, Hannah. Ikaw, dapat kang maging dalagang pilipina. I don’t understand why you have to expose too much of your skin. Kayo kasing mga babae, masyado kayong nadadala sa uso ngayon, nakakalimutan niyo na ang klase ng mga dalaga noon. Mga maria clara pa. Mahinhin at ‘di makabasag pinggan.”
Nais matawa ni Nes sa sinabi ni Bernard. Batid niya na ang pagiging sensitibo ng lalaki sa labas kaluluwang kasuotan ng mga babae sa kasalukuyang panahon. Kahit nasa daan ang mata ng kaibigang lalaki, halatang nakikinig pa rin sa babae.
“Who cares? 2025 na ngayon, it doesn’t matter now! Isa pa, hindi mo rin alam ang tunay na ugali ng Maria Clara na sinasabi noon. Malay ko ba kung masama ang ugaling tinatago niya sa likod ng balot na balot niyang damit.” Kulang na lang ay hambalusin ni Hannah ng dalang bag ang nagmamanehong lalaki. Sa tuwing pinapakialamanan at pinapangaralan siya ni Bernard ay hindi niya talaga mapigilang mairita rito.
“Hey, hey, you two, stop it,” sabat niya sa pagtatalo ng dalawa. Maaari silang madisgrasya kapag naubos na talaga ang pasensya ni Hannah. Baka masabunutan na nito ng tuluyan si Bernard.
Nakita niya pang inirapan ng babae si Bernard bago sumalampak sa passenger’s seat. Hinugot nito ang cellphone at doon na lang itinuon ang pansin. Minsan lang magkita ang dalawa pero kung magtatagpo man, palagi ring nag-aaway.
Binalik niya na ang tingin sa screen ng laptop. Hindi pa man niya natatapos basahin ang email ng kasama niya sa trabaho ay napatigil na siya dahil sa malakas na singhap ni Hannah. Tinapunan niya ito ng tingin.
“What’s wrong?” tanong ni Bernard na tila kinalimutan na ang nangyaring pagtatalo. Hindi siya pinansin ni Hannah bagkus ay lumingon it okay Necisto. Nasa mukha nito ang pagkagulat.
“You won’t believe this,” sambit nito iniabot sa kaniya ang cellphone. Tinanggap niya iyon at pinanood ang naka-play na live video.
Malakas ang hiyawan sa video, inuutusan ng mga lalaking naroon ang isang babae na gumiling at sumayaw sa harapan nila. May nakita siyang basketball court sa likod at napagtantong isa itong gymnasium.
Tinitigan niya ang babaeng nasa gitna. Pamilyar ang suot nito. Nangunot ang noo niya nang makilala kung sino ang pinalilibutan ng mga lalaki doon. Ito ang isa sa dalawang babaeng ibinilin niya kay Chief Atlas.
“Sige na! Hindi ba sabi sa’yo ng pulis na makakauwi kayo sa pinanggalingan niyo kapag sumunod kayo sa utos namin?” Natatabunan ng hiyawan ang sigaw na iyon ngunit dinig na dinig pa rin ni Necisto dahil malapit lang ang boses sa cellphone na ginamit sa live.
Pinanood niya kung paano nagdalawang-isip ang babae at halata ang pagtataka sa mukha nito. Hindi niya na maalala ang pangalan nito tanging ang berdeng suot lamang nito ang naalala niya.
Huminto ang sasakyan nila nang umilaw ang pulang sign ng traffic light. Lumingon si Bernard kay Necisto na nangingisi. “Don’t tell me,” makahulugang komento niya na naririnig lang ang nangyayari sa video, “Illegal ‘yan, ano?”
Babarahin na sana siya ni Hannah ngunit natigilan sila dahil lalong lumakas ang hiyawan sa video. Hiyawan na parang may nagkagulo bago ito naputol dahil pinindot ni Necisto ang pause button. Nakatingin si Hannah sa kanya na tila ba hinihintay ang reaksiyon niya.
Nagtaka naman si Hannah nang mapansin ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan. Ibinalik nito ang cellphone sa kanya sabay sabing, “Saang gym ‘yon?” Tinutukoy nito sa lugar kung saan nangyayari ang live video. Umiling si Hannah sabay tingin kay Bernard ng makahulugan. Ibinigay niya ang phone niya rito. Tiningnan saglit ni Bernard ang video at napailing lang din nang hindi makilala ang lugar.
“Si Isko. Dito nakatira ‘yon. Malamang alam niya kung sa’n ‘yan,” sagot ni Bernard.
“Call him,” utos ni Necisto na may dina-dial na sa sariling phone. Nagkatinginan muna ang dalawa na parehong naguguluhan. Nais nilang malaman kung ano ang nakita nito sa video.
Tinawagan naman ni Hannah si Isko gamit ang cellphone ni Bernard. Nang malaman nila na malapit lang sa water district ang gym na iyon ay pinatigil ni Necisto ang sasakyan. Nakalingon sa kanya ang dalawang kasama.
“Tell Isko to check that gym,” utos nito kay Hannah. Napaawang lamang ng labi ang huli dahil hindi niya maintindihan ang kanyang boss. Bumaling si Nes kay Bernardo sabay sabing, “Get out, Ben. I’m driving.”
Walang nagawa si Bernard nang buksan ni Nes ang pinto ng kotse. Pumasok siya driver’s seat at binuhay ang sasakyan.
Napanganga si Hannah sa kanyang nasaksihan. “Nes, anong plano mo?” Hindi pinansin ng lalaki ang tanong niya. Napansin niya ang pag U-turn ng sasakyan na isa lang ang ibig sabihin: Babalik sila sa station.
Kaagad na umangal si Hannah.
“Nes, stop this. Anong binabalak mo? Please remember na may flight tayo!”
“Let him be, Hannah,” pigil ni Bernard. Sinamaan niya ito ng tingin. “What? Wala ka na namang magagawa kung gusto niyang bumalik do’n,” dagdag ng lalaki na nag-aakusa ang tingin. Bumagsak ang balikat niya dahil alam niya namang totoo ang sinabi ni Bernard. Sayang kasi ang binayad nila sa flight ticket pabalik sa Maynila. Agad na binuksan ni Hannah website kung saan siya nagpa-reserve. Kailangan niyang i-cancel ang flight nila at ilipat sa ibang petsa.
“Isa pa, ikaw ang nagpakita sa kanya ng video,” rinig niyang sambit ni Bernard na may himig ng paninisi ang boses.
“Shut up, will you?” asik niya nang lingunin ito.
“Hannah,” seryosong tawag ni Necisto sa kanya na siyang nagpatigil sa umuusbong na pagtatalo nila. “Gawin mo na ang inutos ko,” patuloy nito. Kaagad na tumalima si Hannah, tinawagan niya si Isko at inutusang puntahan ang gym. Nagtanong pa ito kung bakit pero wala naman siyang maisagot na maayos na dahilan.
“Papunta na si Isko, Nes. Pwede naman sigurong siya na lang ang mag-asikaso sa mga naligaw sa property mo, ‘di ba?” sambit niya matapos maibaba ang tawag. Hindi umimik si Necisto.
“Ano bang nakita mo sa video, ‘tol?” puno ng kuryosidad na tanong ni Bernard sa likuran. Naghintay silang dalawa ni Hannah ng sagot ngunit hindi pa rin umimik si Necisto.
“Check your phone,” utos nitong muli kay Hannah. Napairap na lang si Hannah sa pagiging snobber ng lalaki. Binuksan ang phone niya. Sinilip niya ang live video at nakitang tapos na ito.
“It’s done,” sagot niya.
Napamura sina Bernard at Hannah at naghanap ng kung anong maaaring hawakan dahil biglang bumilis ang takbo ng sasakyan.
Nanlalaki ang matang tiningnan ni Hannah ang boss niya. Kalmado lang ang tingin nito sa kalsada kahit namumuti na ang kamao sa mahigpit na pagkakahawak sa manibela. Ngayon niya lang nakitang ganito ang lalaki.
“Hinay-hinay lang, brad!”
Napapalunok si Hannah sa tuwing naririnig ang busina ng mga sasakyang pinag-o-overtake-an nila. Panay mura si Bernard sa likuran na mahigpit ang kapit sa headrest ng upuan ng dalawang kasama.
Hindi alam ni Hannah kung ano ang nakita ni Necisto sa video ngunit alam niyang may kinalaman iyon sa biglaang pagbago ng mood at desisyon nito.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





