Baryo Tahimik (Chapter 13) – Sugod Mga Uod

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

MAS LUMALALIM na ang gabi.

At mas lumalaki ang pagkakataon ng mga panganib na nakapaligid.

“Har..Har..”

Nakatanaw ang isang matandang babaeng nanlilisik ang nag-iisang dilat na mata na may lapnos ang mukha.

” Hmm.. Bakit— bakit di ko na maamoy ang masasarap na mga paslit na iyon..”

May ilang dipa lamang ang kanyang layo sa kubo kung saan naroon sina Elena ngunit wala siyang masimsim kahit kaunting bango ng mga ito.

Ito ay dahil sa kanilang asin na may bulong pamproteksyon.

Habang ang kalaban ay pilit na sumisinghot sa labas ay siya namang abang ni Elena sa loob.

“Hihi.. Nariyan na siya..” Napapahagikgik pa ito habang tila may sayad na umiikot-ikot pa ang mga tumitirik na mata.

“Kiliti lang muna.. hehe..”

Muli niyang hinaplos nang marahan ang mga hibla ng buhok na inilatag sa lamesa at saka sinabay-sabay na pinagapang ang kanyang mga piling uod.

“Hmm.. mag-simula kayo rito sa dulo, magkarera kayo papasok sa kanyang utak tulad nang nangyari sa aming tatlo kanina..”

“Hehe.. sige lang..”

Ipinikit ang kanyang mga mata at nagsimula nang umusal.

Hawak-hawak sa magkabilang dulo ang mga hibla ng buhok na nagsisilbing gapangan ng mga tila nagkakarerang uod.

Hassi..”

Umusal nang paulit-ulit.

“Huh?”

Naalimpungatan ang natutulog na si Abel nang makaramdam ng tila malamig na hanging dumadapo sa kanyang mga paa.

At laking gulat niya nang madapuan ng tingin si Elena.

“Hah.. E— Elena..”

Nakita niya ang isang maitim na aninong nakasaklob sa buong katawan ni Elena, at isang tila bunganga namang nakanganga ang nasa tapat ng itim na kandila ng buhay.

“Na— nakakatakot..” bulong ni Abel.

Hindi niya na ninais pang tumitig ng matagal. Muli siyang tumalikod at namaluktot.

SAMANTALA…

“Anong meron sa mga paslit na iyon?”

Nasa labas pa rin pala ng kanilang kubo ang matandang babae at nagmamasid pa rin.

Nang biglang…

“Ugh!”

“Ugh! Harrrr!”

Bigla na lamang siyang napahawak sa kanyang ulo. Ipinilig-pilig pa ito na tila isang asong nagpapagpag ng pulgas.

“Herr.. Ugh! Ang ulo ko! Kumikibot!”

Muli nitong ipinagpag ang kanyang ulo.

“Ugh! Parang—  parang may kumakagat, parang may mga pilit sumisiksik! Ugh!”

At sandali pa nga ay..

“Haar! Aaar!”

Napahiyaw na siya at napayuko paluhod hawak ang kanyang ulo.

Wala siyang kaalam-alam, na nag-uumpisa na pala ang kalbaryo niya.

Dahil sa..

“Isa..”

“Isa-isa kong babawasan ang mga hibla ng buhok mong nakalatag diyan, at habang mas papaunti sila ay mas lalong papahadi naman ang sa iyo.. hehe..”

Marahang hinatak ni Elena ang isang hibla ng buhok, at pagtapos ay inilagay sa isang garapon kung saan naroon ang bahay na lupa na gawa ni Ben.

“Pagtapos maagnas ang iyong utak ay patutuyuin naman natin sunod ang iyong katawan.. mawawalan ka ng lakas na iyong ginagamit sa pagpaslang.. hehe.. At matapos nilang kainin ang iyong utak ay gagapang na sila sabay-sabay pababa sa iyong lalamunan papunta sa iyong sikmura para isuka mo ang mga karne ng tao na kinain mo.. hehe.. Ngunit huwag kang mag-alala, makauuwi ka pa naman at sa mismong tahanan mo na susunduin ni kamatayan.. hehe.. Si kamatayang— bukas ay kasama mo na.. ahaha!” Nakapangingilabot na halakhak. Nakangingilong mga hagikgik.

At ang biktima naman ay..

“Haar! Aaaaaaaar!!”

“Ano itong nararamdaman ko!”

Gumugulong na ang matandang babae sa damuhan. Hindi malaman kung ang ulo ba ang kakapitan o ang magkabilang tengang tila nabibingi.

Nabibingi dahil naririnig niya at pilit sumisiksik sa kanyang utak ang bulong ni Elena kasama ang mga nagpipintugang mga uod.

“Aaaaaaaaahhh!!”

Tila may sumasagitsit na tunog siyang naririnig. Mga ingay ng sagitsit ng mga uod ni Elena.

Habang nagdurusa na ang matanda ay tila naglalaro lamang ang  paslit na mambubulong. “Gagawin kitang tila isang patay na agnas na daga.. hehe.. dahil doon galing ang kalaban mong iyan! ahaha!” muli siyang humagalpak nang tawa.

“Hah!”

Sa kabila ng nangyayari sa matandang babae ay tila naulinigan niya pa ang malakas na tawa ni Elena.

“Nasa loob ang paslit!”

“Aaaah!”

Ngunit ‘di niya na magawa pang makatayo ng maayos.

“Ugh! Aaaah! Anong! Anong klaseng nilalang ang mga ito!”

Tila mas tumitindi pa ang sakit na nararamdaman at suray-suray na lamang na humakbang. Kinalimutan na lang muna ang kanyang pakay at lumayo nang tuluyan sa kubo nila Elena.

HALOS LUMUWA na ang kanyang mga mata kapipiga sa ulo at tenga niyang sumasakit. Nagmamadaling gumapang  papasok sa kanyang kubo at halos ibalya na ang buong katawan sa pintuan.

“Aaaaaaaaaaaaar!!!”

Nang makapasok sa kanyang kubo ay ‘di nagawang makarating pa sa kanyang higaan at sa kanyang kawayang sahig ipinagpatuloy ang  paggulong.

“Aaaaaaaaaaah!!!”

Mariin ang kanyang matigas na sigaw habang nangangatal na ang buong katawan. Hindi niya malaman kung anong puwesto ang kanyang gagawin. Nariya’ng siya ay bumaluktot at tumuwid, tumagilid at dumapa mapigilan lamang ang kanyang tila sasambulat na utak.

“Raaaaaaaaaaaaar!!! Bakit ganito!!”

Paulit-ulit ang kanyang nakapangingilabot na hiyaw.

At sandali pa ay..

Natigil ang kanyang paghiyaw, humupa na ang kirot..

Ngunit..

“Hah! A— Ano ‘to?!”

Nang alisin ang kanyang dalawang kamay na nakahawak sa ulo ay..

“Ha? Aaaaaaaah!!”

“Aaaaaaaaaah!”

Nanlalagkit ang mga ito, nanlalagkit sa tila naaagnas niyang ulo.

“Ano ‘to?”

Sabay-sabay na nalalagas ang kanyang mahahabang buhok na naglalawa sa malagkit na likidong malaputik ang kulay.

“Aaaaah!”

Sa kanyang sobrang  pagkagimbal ay sinabunutan na ang sarili.

Pumalibot sa kanyang dalawang kamay ang kanyang mahahabang buhok dahilan upang bigyan niya pa nang puwersa ang paghatak dito.

“Agh! Aaagh!”

Nanginginig ang kanyang buong katawan kada hahatakin ang mga kamay na nakapagkit na sa kanyang mga buhok, dahil walang kasing sakit ang kanyang nadarama kada hila.

“Aaah!”

Nalalagas na ang kanyang mga buhok dahil sa pagka-agnas ng kanyang ulo. Nakakadiri ang itsura ng ulo niyang tila sinabuyan ng kumukulong langis. Idagdag pa ang mabahong amoy na mula sa patay na hayop.

Mabilis ang naging epekto sa kanya ng mga bulong ni Elena.

At kung akala niya ay tapos na ang lahat, ngunit..

“Uwark! Aak! Ahak!”

Gamit ang kanyang mga kamay na may mga nakabalumbon pang buhok ay ang lalamunan naman ang kanyang sinapo.

“Ahak! Aark!”

Napaluhod siyang sapo ang kanyang lalamunan dahil sa sobrang pagduwal.

At isang mahabang pagduwal pa at malalim na  paghinga niya ay..

“Ahark! Aaaark! Hah? A— Ano ‘to?”

Nang matigil ang kanyang pagduwal ay sabay-sabay na naglalabasan sa kanyang bunganga ang mapipintog na mga uod. Umaapaw na lamang ito at tumatapon na akala mo ay isang dakot ng bigas na kanyang isinubo at ngayo’y iniluluwa.

“Ahak!”

Halos mabulunan siya sa sobrang dami ng mga nag-uunahang uod sa paglabas sa kanyang bunganga. Umaapaw at walang tigil.

At sandali pa rin ay nawala ang kanyang atensyon sa mga nagrerebeldeng uod at napakapa naman sa kanyang sikmura.

“Hah!”

Nararamdaman niyang tila umaalon ang loob ng kanyang tiyan.

“Haah..”

Nanginginig pa ang mga kamay na marahan itinataas ang kanyang suot na damit upang silipin kung ano ang mga ito.

“Aaaaah!”

Hindi na halos siya nakagalaw pa nang makita ang panay ang along tiyan, may mga gumagalaw sa loob ng kanyang tiyan at kitang-kita niya ang pagkakagulo nito sa pamamagitan nang pag-alon paikot ng kanyang sikmura.

“Waaaaaaaaaaa!! Ano ang mga ito? Saan galing ang mga ‘to!”

Gimbal na gimbal siya sa kanyang nasasaksihang nangyayari sa sarili.

At habang tuloy lamang sa pag-alon ang loob ng kanyang sikmura ay nararamdaman niyang may mga lumalabas na ring uod sa kanyang mga mata.

“Haa…ahahaa!”

Halos pasayawin na ng mga insektong nasa loob niya ang kanyang katawan, umuuga na ito nang kusa na tila siya ay dinuduyan.

Nakaluhod na lamang siya at ‘di na magawang maigalaw pa ang dalawang kamay. Dahil kusa na silang idinuduyan ng mga nilalang na nasa loob ng kanyang katawan.

Umaalon pa ang kanyang balikat kada maduduwal.

“Uwaaar!”

At ang kasunod na lumabas ng mga nagpipintugang uod ay ang mga piraso na ng kanyang lamang-loob.

“Uwaark!”

Hindi niya na mapaglabanan pa ang tuloy-tuloy na pagsuka niya, nahihirapan na siya sa paghinga dahil sa bumabara sa kanyang lalamunan, kaya at sinapo niya na lamang at laking gulat niya ng kanyang hatakin ang mga lamang lumalabas dahil sa ito na pala ang kanyang bituka.

Halos lumuwa na ang mga mata sa sobrang pigil niya sa sakit na nararamdaman. Sunod-sunod niyang hinatak ang mga iniluluwa niyang bituka.

Ang sarili niyang mga bituka.

Sunod-sunod na paghatak ang kanyang ginawa hanggang sa maglawa na ang kanyang katawan ng sarili niyang dugo at maging siya ay nagugulat sa kanyang nakikita— ang kanyang mga bituka ay nagtumpukan na sa harap niya ngunit tila walang katapusang paghatak ang kanyang ginagawa dahil sa di ito maubos-ubos.

Nangangatal na ang kanyang buong katawan at nag-uumpisa nang humumpak ang lahat sa kanya. Ang kanyang mukha, ang kanyang sikmura at higit sa lahat ay ang kanyang buong katawan.

Unti-unting tumutuyot ang kanyang buong katawan dahil sa walang humpay na pagsuka ng kanyang mga bituka. Kitang-kita rin ang maliit na nilalang na gumagapang sa kanyang ugat na tila namamasyal.

Kaya naman pala ay..

“Hihi.. Mag-uumpisa ka ng maging kahoy, kakainin na ni Ben ang buong katawan mo.. susuot siya sa iyong mga ugat at walang minutong aabutin ay kaya ka niyang patuyuin.. Habang ang iyong mga laman naman ay magmimistulang karne ng bulok na hayop na pag-aagawan ng aking mga uod.. hehe.. Kung dati rati’y ikaw ang tumitikim ng sariwang karne, ay ngayo’ y ang karne mo naman ang kanilang titikman.. hmm.. ahehe.. At sandali na lamang ay wala ng matitira pa sa iyo— tulad ni Mila! Ahah! Ahaha!” sabay hagalpak nang tawa ni Elena.

Sa sobrang takot naman ng nagtutulog-tulugang si Abel ay sumiksik na lang sa ilalim ng mahabang kahoy na bangko.

“Nakakatakot talaga.. ramdam ko ang mga bulong niya, nakapangingilabot ang aming mga kasama rito sa loob ng kubo.. A— ang—- ang mga— itim na ispiritu.. Ang mga ninuno nilang pumapabor sa husay ni Elena… Nakakabilib— nakakatakot…” bulong ni Abel.

Hindi makuhang ibuka ni Abel nang matagal ang mga mata dahil sa kanyang nakikita, isa rin kasi siyang mambubulong kung kaya at ramdam niya ang lahat. Maging ang mga itim na elementong nakasaklob sa pagkatao ni Elena ng mga sandaling iyon. Mga elementong; hindi lamang nag-iisa.

At tila ang mga mata ng itim na ispiritong kanyang nasisilayan ay nakatingin sa kanya at tumatawa.

Ilang nakakikilabot pang tawa, ilang tumutusok pang bulong at..

“Hehe.. tapos na..”

Namatay na ang sindi ng kandila ng buhay, at ang tanging kahulugan lamang nito ay tapos na ang kanyang paglalaro.

Tapos na ang buhay ng matandang babae.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Baryo Tahimik (Chapter 13) – Sugod Mga Uod

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.