Santa In The Mirror

Santa In The Mirror (Teaser)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

 

Bisperas ng pasko nang maisipan kong bisitahin sa old mansion ang lola ko. Balak kong dito mag-celebrate ng pasko kahit natatakot ako kasi bukod sa nakamamatay ang kaguwapuhan ko, nakakaramdam din ako ng kakaiba. Naalala ko kasi yung sabi ni Mama na simula raw ng namatay si lolo, maraming beses na raw itong nagpaparamdam sa mga caretaker ng mansion. Minsan pa nga raw ay nagpapakita ito kaya wala ni isang nagtatagal sa mansion bukod sa lola ko.

Sa katunayan nga niyan, pinilit ko ngang sumama si Ate rito pero ayaw talaga niya. Palibhasa alam niya na mga pangit lang ang tinatakot ni lolo, buti na lang talaga hindi ko siya kamukha. Salamat kamo sa lahi ni lolo pero honestly, hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila. Kilala ko si Mama, alam kong pinagti-trip-an n’ya lang ako. However, kailangan ko pa ring alamin ang katotohanan.

Totoo nga ba ang mga sinasabi nila? Hayst, pa’no kung totoo? Natatakot ako baka kasi isipin ni lolo na caretaker din ako. Tsk, bahala na.

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Santa In The Mirror (Teaser)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

Leave a comment to earn D2

3 Responses

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Use the form below if there is a problem in accessing this chapter

Need Help?