HINDI pa rin mag-sink in sa dalawa ang nangyari; tatlong araw na ang nakalipas.
“Binigay talaga ni Mama ‘yung account ko, ayun! Add friend inabot ko!” Iling pa ni Carlo.
Nasa tattoo shop ni Nikko ang dalawa. Katatapos lang ng isang client ni Nikko kaya free silang magkwentuhan.
“Nasaan ba sila Mama?” Naghubad ng gloves.
“Si Mama?” Pinupunasan ang mga dulo ng plastic ink bottles. “Umalis si Mama, ang alam ko—- sila na naman ni Jocas eh!”
Nabitiwan ni Nikko ang hawak na ink.
“Ano ba ‘yan!” Lumuhod at sinapo agad ng tissue ang sahig para huwag kumalat ang tinta.
“Sila na ule?” Kunot-noong tanong ni Nikko. “Paanong—-“
“Kagabi kasi—- pumunta sa bahay si Jocas!” Itinapon ang tissue sa basurahan. “Tapos—”
Biglang putol ni Nikko. “Lumabas sila? Sumama ba siya?” Magkasalubong na ang kilay nito.
Napasulyap si Carlo. “Oo! Ayaw umalis sa tapat ng gate namin ee!”
Napahigit ng hininga si Nikko. Umakyat agad ang dugo sa ulo kaya at namumula ang mukha. Nag-init ang magkabilang tenga niya sa pagkabigla.
“Nasaan siya ngayon?”
“Sabi—– may birthday daw siyang pupuntahan, swimming ba!” sagot ni Carlo.
Hindi na kumibo si Nikko. Dinampot ang kaha ng pulang sigarilyo sa counter at saka mabilisang humugot ng isa para sindihan.
Tumayo siya sa harap ng pintuan ng shop, malalim agad ang tinatakbo ng isip. Nakasalubong ang kilay at halatang naiinis.
Lumapit ang Carlo. “P’re, nasaan si Mama mo?”
Ibinaling ni Nikko ang tingin sa kaibigang nagtatanong. “Bakit?” Matigas na salita nito kasunod ang matalim na titig.
Napaatras si Carlo. “Aah… Wala naman..” Inayos ang salamin sa mata. “May mga deliveries kasi kami bukas, itatanong ko sana kung anong oras.”
Hindi kumibo si Nikko. Sunod-sunod na humithit ng sigarilyo sabay malakas na ibubuga.
Nilayuan muna ni Carlo ang kaibigan. Napansin niya kasi na parang naiinis ito.
Tinapos na muna niya ang pagliligpit sa mga gamit na naiwan ni Nikko. Sadyang tumitiklop talaga siya kapag dama niyang hindi na maganda ang mood ng kaibigan, mainitin kasi talaga ang ulo nito at madaling magalit.
Sandali pa at nang natapos na siya ay…
“Alis na ako p’re.” Isinukbit na ang itim niyang sports bag. “May tutorial pa ako sa West Uni.” Tumango na lang.
“Ugh! Sige— sige p’re,” tugon ni Nikko.
Hindi pa man nakakalayo ay may dalawang client na agad si Nikko na dumating.
KASALUKUYANG katatapos lang ng mag-inang Emi at Nikko mag-dinner. Nagliligpit pa si Nikko ng mga plato habang si Emi naman ay panay ang kwento.
“Anak alam mo ba, nagkabalikan na si Jocas at si Tita Vicky mo!”
Natigilan si Nikko sa ginagawang pagsalansan ng mga platong pinagkainan nila.
“Pinagbigyan niya lang naman daw kasi makulit at ayaw siyang tantanan! Halos magsuntukan pa nga raw sila ni Carlo dahil doon!” muling kwento ni Vicky.
Hindi naman nakibo ang anak.
“Nagalit nga ako! Sabi ko—-“
Biglang binagsak ni Nikko ang mga hawak. “Ma! Please!”
Napanganga si Emi sa ginawa ng anak. “Ba— Bakit?”
Hindi sumagot si Nikko. Dinampot ang kaha ng sigarilyo at lumabas ng bahay nila.
Sinundan naman ni Emi nang tingin nag anak at nakita niyang may kausap sa cellphone. Hindi niya nga lang maulinigan dahil sa may kalayuan si Nikko na halos nasa labas na ng gate.
Nikko: Hello?
Kabilng linya; Vicky: Uy?
Nikko: Nasaan ka? (galit)
Vicky: (walang sagot)
Nikko: Nasaan ka? Kasama mo ba si Jocas?
Vicky: (walang sagot)
Nikko: Put— nasaan ka Vicky??
Toot! Toot! Toot!
Nag-busy na ang kabilang linya; kay Vicky.
“Hmph! —- babasagin ko talaga mukha niyang—”
“Anak, anong problema?”
Napalingon si Nikko nang may magsalita.
“Anak, sino kaaway mo? Parang kanina pa kita napapansin na wala sa—-“
“Pagod lang po, Ma… Pasok na po ako..”
Walang lingong lumakad papasok sa loob ng bahay si Nikko.
KINABUKASAN…
Maagang nasa coffee shop ang tatlo.
“Ma, tigilan mo naman kaiinom,” sabi ni Carlo.
Nakatalungko na naman kasi ang Vicky at malakas ang hung over.
“Vicks! Saan ka ba nagpunta kagabi?” tanong ni Emi habang iniaayos ang mga cakes na ide-deliver.
Sumagot ang Vicky. “Sakeet! Hindi ako nakawala kay Chi, eeh! Nag-bar kami!”
“Hindi mo man lang ako sinama para naka-relax!”
Nang sabihin ni Emi ‘yon ay kaagad siyang binato nang masamang tingin ni Carlo.
Sandali pa at…
“Ma!” Biglang dumating si Nikko.
“P’re!” Nag-fist bump ang magkaibigan.
Hindi makatingin si Vicky.
“Anak— may lakad ka?”
“Ah! Baka po bukas na ako umuwi, may service po ako, dumaan lang po ako para ibilin sa inyo ang mga parcel ko, baka po kasi dumating na..” sabi ni Nikko. Hindi rin niya tinatapunan ng tingin si Vicky.
“Malayo ba p’re? Kasama mo ba ‘yung ka-chat mo kagabe?” sabi ni Carlo.
Sa pagkakataong iyon ay nagtama ang paningin ng Vicky at Nikko.
“Sino? Si Chesca? Akala ko—- ayaw mo sa kanya?” Kunot-noong sabi ni Emi.
Biglang nalukot ang mukha ni Vicky. Sabay isang malalim na buntung-hininga ang inilabas.
“Bibigyan na kita ng apo, Ma! Tumatanda na ako ee!” Ngisi pa ni Nikko.
Sa sandaling ‘yon ay naging makislot si Vicky. Nariyang iuunat ang likuran, kakamot sa boy cut niyang buhok sabay magbubuntung-hininga. Hindi na siya naging komportable.
Napansin ng anak. “Ma, okay ka lang?”
Napatingin tuloy sa kanya si Nikko.
“Ugh! Oo—- masakit lang ang ulo ko!” sagot ni Vicky.
Nagtama ang mga mata nila ni Nikko at inirapan niya ito.
Sandali pa at..
“Alis na ‘ko, Ma!”
“Yoss! Huwag mo paghintayin si Chesca baby!” asar pa ni Carlo.
Sumagot ang Nikko na kay Vicky nakatingin. “Syempre naman! Ganda siguro ng lahi namin!”
Mas lalong nalukot ang mukha ni Vicky. Nagngalit ang panga nito.
Umalis na si Nikko.
“Bakit— Carl? Akala ko— ayaw niya kay?” Hindi maipinta ang mukha ni Emi sa sobrang pagtataka.
“Ayaw mo no’n ‘ta! Magkakaapo ka na! Ahaha!” Tawa pa ni Carlo.
Hindi pa rin nakibo at nanatiling nakalukot ang mukha ni Vicky na nakapangalumbaba at nakatingin sa labas. Sa labas; kung nasaan nakita niyang nagkakalkal ng cellphone si Nikko na sigurado siyang may ka-chat.
Ilang segundo lang at biglang tumunog ang cellphone niya, may message.
At nang kanyang tingnan…
“Huh?” Napasulyap pa muna siya sa dalawa na abala naman sa ginagawa.
Dalawang magkakasunod na messages pa at…
*Hihintayin kita mamaya sa apartment natin! Humanda ka talaga sa ‘kin Vicky!*
“Ugh! Sira ka talaga…” Simpleng nangiti ang Vicky. “Kahit kailan ka talaga Nikko!”
Napawi bigla ang inis sa binata nang malaman na nagdadahilan lang pala ito. Kahit kailan kasi ay gumagawa talaga ito ng paraan para magkaroon sila ng quality time, na maging sariling apartment ay kumuha para sa kanila ni Vicky.
At sa huli…
*Mananakit talaga katawan mo sa akin mamaya!*
Napakagat-labi pa ang Vicky. “Umn! Sira-ulo ka talagang bata ka…” kinikilig na bulong niya.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





2 Responses
Sakit sa ulo noh…. Sa dinami dami kc ehhhh bkit anak pa ni best na hlos anak mo na rin
Hahahaha grabe Yung anak mo na din pero tinikman mo pa din grabeee ika nga nila 40s Ang stage Ng mga babae na muling namumulaklak hahahahaha bwisit