Ang Laban ni Faith Book Cover

Ang Laban ni Faith (Teaser) – COMPLETED

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

“I serve the Lord but the devil always finds a way to tempt me.”

Kilalanin si Faith Morales. Musmos pa lang ay sigurado na siya kung ano ang nais niya paglaki  – pagmamadre. Hirap sa buhay ang kanyang pamilya sa lalawigan ng Bulacan kaya’t pabor sa kanyang mga magulang na pumasok siya sa monasteryo. Labing-walong taong gulang siya nang tuluyang mawalay sa pamilya upang magserbisyo sa Panginoon.

Naranasan niya na ang iba-ibang klase sa temptasyon. Pag-ibig, pamilya, pisikal at emosyonal na sakit, negatibong pag-iisip, at marami pang iba. Ang akala niya’y sapat na ang ilang taong pagsubok ng Diyos sa kanya. Ang akala niya’y kakayanin niya na ang ibibigay pa dahil wala na siyang itinira para sa sarili. Lahat ay inialay niya na sa Panginoon ngunit lahat ng iyon ay maling akala niya lang pala.

Mabilis ang paglipas ng ilang taon, isang buwan na lamang ay magiging ganap na madre na siya. Isang buwan na lamang ay makakamit niya na ang matagal niyang pangarap – ang maikasal sa Panginoon. Ngunit kakaiba maglaro ang kampon ni satanas. Ang inakala ni Faith na lakas niya ay ginamit upang maging kahinaan niya.

Matitibag ba ng laro ng demonyo ang pananampalatayang matagal nang binuo ni Faith?

 

Next to: Ang Laban ni Faith (Unang Kabanata)

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Ang Laban ni Faith (Teaser) – COMPLETED

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

Leave a comment to earn D2

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Use the form below if there is a problem in accessing this chapter

Need Help?