Besties (Chapter 29) A Good Day At The Mall

2 pregnant women leaning back against each other

Author's Note

Hello po sa mga readers ko, sana po nandyan pa kayong lahat kahit na sobrang napatagal ang ups ng kwento ni BESTIES, pasensya na po sa lahat. Maraming salamat po sa pagbabasa at paghihintay. Sana po huwag kayo mainip. Thanks much po..

――*☆*――*☆*――*☆*――

MASAYANG naglilibot ang dalawa sa pinakamalaking mall sa lugar kung nasaan sila nagbabaksyon. Luluwas na kasi sila papuntang Maynila mamayang gabi kaya at naisipan ni Carlo na ipamili si Emi kung ano man ang magugustuhan niya.

Sa ilang stores na dinaanan ay may isang hinintuan na umagaw ng kanyang atensyon at; nakangiti pang tumayo sa tapat no’n.

“Ah.. May— may nagugustuhan ka?” tanong agad ng binata kay Emi.

Hindi naman kumibo si Emi na tuloy lang sa pagsilip sa loob mula sa kinatatayuan niya sa labas.

“Ang ganda Carl,” bulong ni Emi. Isang malapad na ngiti ang ibinato sa binata, pagtingin.

Isang store na pang-infants ang mga naka-display ang tinapatan ni Emi. At ang ternong tila pambinyag na damit pambababe ang tinititigan.

Tiningnan ng binata. Naroon ang tuwa at pasimpleng kilig nang maisip niya ang kalagayan ni Emi.

“Ah! Halika, pasok tayo…” Hinawakan niya ang kanang kamay nito at inakay papasok sa store.

Hindi naman nagpapilit ang Emi at pumasok din. 

Sa mga panahong iyon; tila nagmistulang isip-bata na naging masyadong maramdamin, maging ang mga kilos na mas lalo pang pinabagal ng nararamdaman ay naroon, ngunit matibay naman ang binata. Handa siyang unawain ang bawat kilos at sumpong ng sinisinta lalo pa at nalaman niya na ang totoong kalagayan nito, ngunit kahit naman nang una pa lamang ay kanya na itong inalagaan kahit na lingid sa kaalamang; ito ay nagdadalang tao.

Nang makapasok sa loob ng store ay hindi na naalis ang ngiti na nakaguhit sa mga labi ni Emi. Isa-isa niyang hinahaplos ang mga naka-hanger sa girl’s section habang ang binata naman ay sa boy’s luminya.

At sandali pa at..

“Tingnan mo—”

Nagkasabay pa sa pagpapakita ng mga damit pang-baby na natipuhan nila. Ang kay Emi ay pambabae; habang ang kay Carlo naman ay panglalake.

At..

“Ahaha!”

Sabay ding nagkatawanan.

Lumakad palapit kay Emi ang binata bitbit ang cute gray ternong jersey sando at short na panglalake. “Check mo ‘to, astig! Pang-praktis ng basketball! Ahaha!” Hindi mapigilan ni Carlo ang malakas na pagtawa. “Aha! Grabe— ang kyuut!”

“Ito maganda! Pang-fairy princess! Ahaha!” Tuwang-tuwa na ipinakita ni Emi ang fluffy pink cutie gown na pangbinyag na may katerno pang magic wand. Ang damit na umagaw ng atensyon niya.

Hinawakan ng binata ang damit na hawak din ni Emi, sabay… “Gusto mo yan? Sure bagay na bagay ‘yan sa kanya,” wika ng binata. “Lalo na maputi ta’s kulot! Ahaha!” Tawa na naman nito.

“Sas— sa kanya?” tanong ni Emi.

Tinitigan siya ng binata, matapos ay… “Oo, sa kanya…” Walang ano-ano na inilapat ni Carlo ang kanang kamay sa tiyan ni Emi.

“Ugh! Ca—- Carl?” Mabilis na namula ang magkabilang pisngi ni Emi.

Agad namang bumawi ang binata para mawala ang hiya. “Ugh! O kaya— ito? Sa tingin mo? Bagay sa kanya?” Ngiti nito sabay pakita sa hawak na damit.

Matamlay na ngiti ang iginawad ni Emi bilang tugon.

“Aah.. Emi…” Inihanda ni Carl ang sarili. “Emi, alam mo ba na—” hindi na siya makapagpipigil pa. “Emi, alam mo bang—”

Siyang putol ng Emi. “Alam ko Carl..”

“Huh?” Mabilis na nanubig ang mga mata ng binata. “So— so alam mo na may—”

“Oo Carl… May fairy princess ka rito,” wika ni Emi sa mahinang boses lamang habang tuloy sa pamimili ng damit.

“Fairy— princess?” wika ni Carlo sa papahinang boses.

Sumagot ang Emi pabulong, “Oo, Carl, fairy princess nga siya…”

Napakagat-labi ang binata sa narinig. Mabilis na lingon kaliwa’t kanan ang ginawa na sa sobrang pigil ng tuwa ay nagbu-blush na todo ang kabilaang pisngi. Halos tumalon na siya sa sobrang kagalakan. Hindi niya inakala na inilihim lamang pala talaga ito ni Emi sa kanya.

Hanggang sa…

“Bilin na natin ‘to! Pati ‘yan!” Kinuha ni Carlo ang mga damit na bitbit ni Emi at ibinalik lahat ng bitbit niyang panglalake. “Saka na lang ang pang-basketball player ko!” Kumuha ng basket at.. “Baka may mga gusto ka pa?” Isang ngiting tagumpay ang inilabas pagtapos. “Kunin natin lahat ‘yan!” Natataranta pang hablot sa mga hanger ng damit.

“Ahaha!” Malakas na tawa naman ni Emi. “Pasaway ka Carl! Ang mamahal niyan!”

“Wala akong pakialam kahit magkano pa ‘yan, Emi! Ahaha!” wika uli ng binata. “Basta para kay fairy princess ko bibilihin ko pati mundo!”

Walang pagsidlan ang kagalakan ng dalawa habang namimili pa ng ibang damit. Kabilaan ang dampot ni Carlo, basta matipuhan. Ngunit kahit kailan ang labis na kagalakan ay napapalitan sa huli. Dahil sa…

“So— napakaliit talaga ng mundo?”

Sabay na napalingon ang dalawa nang marinig ang mataray na boses mula sa kanilang likuran. At…

“Isha?”

“Shopping for a baby na ba, Carlo?” may pagkaantipatikang sabi ni Isha.

Si Isha ay ang dapat na pakakasalan ni Carlo. Siya ang isa sa mga dalagang inireto ni Vicky na sa una ay tinanggihan pa ng binata. Isang mayaman at sopistikadang dalaga na mas bata nang dalawang taon sa kanya.

Natigilan si Emi sa ginagawang pagpili na maging ang sigla ay humupa.

“So you’re with Tita Emi pa? Now I know the reason— kung bakit ka nag-back out sa last minute proposal mo sa akin!” Maarte pa na inarko ang kanang kilay sabay crossed-arm. “May baby na pala!”

Hindi naman siya pinansin ni Carlo, tila nagsalita sa hangin. “Aah… Doon tayo sa kabilang banda tumingin, marami pa roon.” Kinapitan na ng binata sa kanang braso si Emi. Ngunit…

“Anyways…” Harang ni Isha sa dalawa na papaalis na sana. “Nasaan ang asawa at maswerteng maaanakan mo Coach Carlo? Can I meet her? Can I meet the girl who made me look like a f*ol in front of my family and friends? Hmn?” mas mataray na pagkakasabi na ni Isha. Naningkit pa lalo ang mga mata sa inis. “Iyung babaeng— isinusumpa ko sa sobrang galit na magkasakit sana at mam*t*y na?”

Nagkatinginan ang Carlo at Emi. 

“Carl…” bulong ng Emi. “Grabe— grabe ka naman magsalita, Isha…”

Mataray siyang tiningnan ng dalaga. “Baket?” Nameywang sa harapan ni Emi. “May TINAMAAN ba?” mariing pagkakabigkas nito.

Kalmado namang kumibo ang Carlo, “Yeah! Yeah! Whatever, Isha…” Inayos ang salamin sa mata. “Wala akong time…”

Sa gawa ng binata ay mas lalong nagngalit ang panga ng kausap. Isang mabigat at malakas na hingang malalim ang ibinuga sabay ikot ng mata kay Carlo.

At muli..

“LET ME MEET HER, CARL!” pagigil na mando ni Isha sa binata. Pinandilatan niya pa ito ng mga mata.

Nanatiling alalay ng binata ang braso ni Emi, hanggang sa…

“So eager to meet her?” Marahang ipinagapang ang kamay pababa sa braso ni Emi patungo sa palad nito. “Well, hindi pa sana time para— MAS lalo kang pumutok na parang bulkan, pero— mapilit ka!”

Tila nakukuha naman ni Isha ang ibig ipahiwatig ng mga kilos ng binata. Maging siya ay napasulyap sa ginawang pagpapagapang ng kamay nito.

At…

“Isha— meet Emi, my soon to be wife.” Ngiti ni Carlo sabay angat sa kamay ni Emi at isang malambing na halik pa ang idinampi rito habang nakakalokong nakatingin pa sa dalaga.

“Ugh— Carl—” Halos magkulay suka ang mukha ni Emi sa gulat. Hindi niya inasahan na ganoon siya ka-proud ipakikilala ng binata. Hindi niya malaman kung hahatakin ba ang kamay o ano.

“Uhuh! You— you mean—-” Nagsalubong tuluyan ang mga kilay ni Isha. Isang matalim na tingin ang ibinato kay Emi. “You mean— siya ang—”

Biglang sabat ni Carlo. “YES!” pinagkadiinan pa ang salita. “Siya nga!” Ipinihit ang tingin kay Emi. “She’s the WORTH IT one,” muling diin nito. “Na may dala ng first born ko. And I’m so proud of her…”

“Ugh! Carl— ano ka ba?” pabulong na saway ni Emi sa binatang; tila nasa alapaap pa sa sobrang saya sa ginagawa niyang pambubuska kay Isha.

Ngunit…

“AHAHAHA!” Isang malagapak na tawa ang ginawa ni Isha. “Don’t tell me na sa kanya mo isinuot ang singsing na para sa akin?”

“Nope!” kalmadong sagot ni Carlo. “She deserve to wear a much better and expensive one, Isha…”

“Really? AHAHA!” Tawang muli ng dalaga. “See her girls?” Itinuro pa si Emi sa tatlong babae pang kasama nito. “She’s the perfect definition of— AHAS! SNAKE etc! AHAHA!” 

Nagkatawanan silang apat na magkakaibigan. Natuon ang atensyon ng mga kostumer at buong staff sa store kung nasaan sila dahil sa lakas na halata namang nag-eeskandalo siya at nais na mamahiya.

Lumakad-lakad palibot sa kanilang dalawa si Isha. “Iyung— tipong— acting concern tita tapos—- siya pala kasi ang may gusto! D*mn! Why I didn’t see that comin’? AHAHAHA!” muli niyang pang-iinsulto. “Ha? TITA EMI? Masarap naman kasi talaga si Carlo, hindi ba? Bata, mabango at gwapo! AHAHA! So pathetic, nagpabuntis ka sa anak ng bestfriend mo na parang anak mo na rin, Tita Emi! I mean— EMI!” 

Hindi kumibo si Emi, bagkus ay ibinaba lamang ang tingin kasunod ang pagyuko ng ulo. Lumulubog siya sa sobrang hiya sa inaasal ng dalaga at mga sinasabi sa kanya.

Ngunit…

“Stop being a b*tch, Isha… Have some manners, sweetie,” malumanay na sabi ni Carlo. “Alam mo sa sarili mo ang totoo, at sumakto naman ang pag-atras ko, so it’s definitely called fate,” mahinahon pa ring wika ni Carlo kasabay ang pagbaba ng tingin sa tiyan ng dalaga na tila may ibig sabihin. Iniayos ang salamin sa mata matapos ay sumulyap kay Emi sabay hawak nang mahigpit sa kamay nito na kumakawala na. 

Nangiwi si Isha sa tinuran ni Carlo, panakaw na sumulyap sa mga kaibigan at simpleng inabangan kung ano ba ang magiging mga reaksyon sa narinig.

“Talaga? So— what d’ya mean, coach? Nasarapan ka rin naman sa akin ah!” pagtataray pa ng dalaga. “And— Please! Don’t you ever accused me that kind of issue— baka—”

Sumabat ang Carlo, “Baka mapahiya ka at malaman ng mga kaibigan mo na hindi ka pinanagutan ng nakabuntis sa ‘yo dahil sa may pamilya siya?”

“Carl—” Hatak ni Emi sa kamay ng binata upang putulin na ang usapan dahil sa pinagtitinginan na sila ng mga tao sa loob ng store. “Huwag ganoon…”

Nasulyapan ni Isha ang mga kaibigan na sabay-sabay pa halos napatakip sa kanilang bibig.

“So now— bigyan mo ako ng magandang rason para pakasalan kita? And— mabuti na rin pala na nagkagusto sa akin ang kaibigan mo na siyang nagsabi sa akin lahat, tungkol sa taong hindi ka kayang panagutan na kasosyo ng daddy mo sa negosyo,” mahabang salaysayin ni Carlo sa pinakamahinahong pananalita na simpleng nangingiti pa. Pirmi nitong kapit-kapit pa rin ang kamay ni Emi. “So— you’re more likely a snake too… Hmn?”

Nanahimik na ang dalaga. Inobserbahan ang buong paligid nila.

“Carlo, stop it…” Awat naman ni Emi. Nahabag din siya kay Isha na sa isang iglap ay tumupi na kanina lamang ay tila isang tigreng napakatapang. “Isha—- pasensya na… Sorry—” Hahawakan sana ni Emi ang dalaga, ngunit.

Mabilis na tinabig ang kamay niya, sabay… “D*mn! Don’t touch me! Ang dumi ng balat mo! Nakakadiri!” bulalas nito. Tinapik pa si Emi sa kanang balikat.

“Stop it Isha.. Stop it!” Tinitigan siya nang masama ng binata. “Mahiya ka naman sa inaasal mo,” pahabol pa nito. 

Halos mapunit ang mukha ni Isha sa sobrang inis. Napahiya siya sa mga kaibigan. Kaya at… “Umn!” 

PAK!

Isang malakas na sampal ang ibinagay niya kay Carlo na halos malaglag ang salamin nito sa mata.

“Ugh! Isha!” Bulyaw ni Emi sa labis na pagkagulat. “Bakit mo ginawa ‘yun?”

Sasampalin sana ni Isha si Emi ngunit mabilis siyang hinarangan ni Carlo, sabay sapo sa kamay.

“Nakakadiri ka! Pumatol ka sa halos parang nanay mo na! Magsama kayo!” Marahas niyang hinablot kay Carlo ang kamay matapos ay mabilis na inagaw ang malaking cup size ng milkshake na hawak ng kaibigan sabay..

“Umn!” Ibinuhos ni Isha sa damit na suot ni Emi.

“Uhuh!” Halos mangatog naman ang Emi sa sobrang lamig. “Aaagh!”

“Iyan ang dapat sa ‘yo! Kulang pa ‘yan sa pagkapahiyang ginawa mo sa akin! Umn! Umn!” mataas na boses ni Isha. “Kung mas maaga ko nga lang nalaman ay baka sinugod na kita sa bahay mo!”

Pinagkukuha niya ang mga damit ng baby na nasa basket na hawak ni Carlo sabay sunud-sunod na pinaghahampas kay Emi na kung saan na lang tamaan.

Galit na galit ang dalaga na kahit pa si Carlo ay walang magawa sa kanya. Nariyang itutulak siya para makalayo kay Emi ngunit babalik ulit, aawatin ng mga kaibigan ngunit matapang na tatabigin ang mga ito at babalikan na naman si Emi.

Nagkagulo na sa loob ng store. Nagkalat na ang mga damit-pambata na maging mga displays ay nagkandahulog na. Malaki na ang nagiging damage sa walang ayos na pagwawala ni Isha. 

Lumapit na ang mga staff upang makialam dahil sa nakakawawa na si Emi at malaking eskandalo na ang nagaganap. Pilit namang sumasalag si Carlo na hinaharangan si Emi at niyayakap ngunit matapang ang dalagang naagawan ng reputasyon. Hindi rin nila magawang makalabas sana ng store dahil sa malayo sila sa exit nito.

“Ipararamdam ko sa ‘yo kung gaano kasakit ang mapahiya! Mal*ndi kang babae ka!” muling bulyaw ni Isha. Halos mangiyak na siya sa sobrang galit.

Muli siyang humablot ng mga damit na naka-hanger pa at iyon naman ang pinaghahambalos niya kay Emi na sa likod ni Carlo lahat tumatama dahil sa akap-akap nito si Emi.

“Wala akong pakialam kahit bayaran ko lahat ng damit dito maihambalos lang sa ‘yong mal*ndi kaaaa! Aaaaagh!” Isang huli at malakas na hampas ng hanger ang ginawa ni Isha.

Narinig ni Carlo na napasinghap ang mahal sa sakit ng pagtama nito sa braso niya, kaya at…

Humarap. “Tumigil ka na!!” Akmang susuntukin na niya ang dalaga..

Nang biglang…

“EMI?”

Natigilan ang lahat.

Isang malakas at matapang na boses ang umalingawngaw mula sa entrance ng store.

“Uhuh! Si—” Mabilis na nanubig ang mga mata ni Emi nang masulyapan kung kanino galing ang matapang na boses.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Besties (Chapter 29) A Good Day At The Mall

5 Responses

  1. Gigil much k isha…. Kpal ng mukhang mag iskandalo mtapos magpabuntis sa iba… Maninisi ng ibang tao mapagtakpan lng pagkakamali nya…. Wag gnun

  2. Naku otor mas Lalo Ako naexcite sa kaganapan hahaha more updates pa Po salamat,,,masyado mabait SI emi hahaha sakin Yan nangudngod q na yang iskandalosang palaka na Yan sa sahig hahaha malanding kabit na sa iba ipapaako juskooo hahahaha 🤣

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.