Billy’s POV
Alas tres pa lang ng madaling araw nang magising ako dahil sumakit ang aking tiyan, parang kinakabag ako na ewan. Kahit takot ako sa dilim, lumabas ako para mag-cr. Ilang hakbang lang ang CR naming mga babae mula sa kwarto namin kaya mabilis akong nakatakbo para magdeposito. Matapos ang halos isang oras kong pakikipaglaban sa inidiro, ay matagumpay kong nailabas ang lahat ng hangin at dumi sa loob ng aking tiyan.
Nang buksan ko ang pintuan at akma na sanang lalabas, nakita ko si Jameson na lumabas mula sa kanilang kwarto. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero may dala siyang maliit na plastic ng mineral water. Hindi ko mawari kung nasa tamang pag-iisip pa ba ang hinayupak na ‘yon.
Bumalik ako sa pagtulog pero hindi na ako inaantok. Ilang minuto rin akong nagpagulong-gulong sa higaan pero hindi na talaga ako makatulog, so I decided to go outside and take a walk. Hindi pa sumisikat ang araw kaya medyo madilim pa. Naisip ko na wala naman sigurong aswang malapit sa dagat, maalat yung hangin eh, kasing-alat ng pagmumukha ni Jameson.
Habang naglalakad ako sa buhangin na abot ng maliliit na alon, nararamdaman ko ang lamig ng tubig dagat at ang preskong hangin ay nagpapagaan ng loob ko. I continued walking hanggang sa nakarating ako sa tapat ng mansiyon. Bukas na ang mga ilaw and I saw a man standing at the terrace, watching the dusky sky slowly turning into bright yellow-orange. He’s holding a glass of wine and I can see his tears sparkling from afar.
It’s Thompson, at nakikita ko na hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya sa nangyari sa kanya. I suddenly felt like talking to him pero hindi ko alam kung paano lumapit sa kanya. Halos hindi na makilala ang mukha niya dahil medyo mataas na ang kanyang buhok at mahaba na ang kanyang balbas. I saw his head moved to the direction where I was standing kaya umiwas agad ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad, at nang tingnan ko siya ulit, wala na siya.
Sumikat na ang araw nang makabalik ako sa kwarto namin. Gising na ang mga kaibigan ko and they’re getting ready for breakfast.
“Huy sinaunang aswang! Saan ka inabutan ng umaga?” tanong sa akin ni Thalia.
“I was out for a walk, hindi na kasi ako makatulog kanina,” I answered. “Nakita ko si Thompson kanina. He was standing at the terrace, and he was… he was crying,” dagdag ko na siya namang dahilan kung bakit napatingin ng biglaan sa akin si Thalia.
“Iba talaga ang lalaki kapag nagmahal ng totoo, ang tagal nilang magmove on,” anang Thalia.
I stared at the ceiling for a while habang nakahiga. “Siguro mahal na mahal niya talaga yung babaeng nang-iwan sa kanya,” wika ko. “Akalain mo ‘yon? Parang nawala na siya sa katinuan.”
Hindi ko man kilala ng lubusan si Thompson at hindi ko man naranasan ang mga nararanasan niya, pero parang ramdam ko ang sakit at lungkot na nararamdaman niya. Sana bago kami umalis dito sa Playa de Gertrudes, matulungan namin siya.
“Hey b*tches! Bakit pa kayo nakatunganga diyan? Ayaw niyo bang manalo sa treasure hunting?” sigaw ni Alex matapos batuhin si Thalia ng tuwalya. Agad namang tumayo si Thalia at hinila ang buhok ni Alex at naligo na pagkatapos.
I prepared my clothes at naligo na pagkatapos ni Thalia. Matapos naming maghanda, pumunta na kami sa guest area para mag-agahan. The boys were already there and they’re super ready for the activity.
“Mga babae talaga ang tagal maligo,” bulyaw ni Red.
“Eh kasi nga may mini-concert pa kami sa loob ng banyo,” tugon ni Alex.
“Mukhang handang-handa na kayo sa activity niyo. Galingan niyo at ng makapag-celebrate tayo pagkatapos,” wika ni Nanay Felly habang inaayos ang hiniwang prutas sa kanyang plato.
“Oo nga Tita. Excited na rin akong malaman kung sinong mananalo,” Chester said and then looked at me.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang mahuli ko siyang nakatitig sa akin. Parang gusto kong lumundag, tumalon, magpagulong-gulong at mag-otso-otso dahil sa kilig. His eyes were captivating, parang nagsasalita at pangalan ko ang sinisigaw. Charot!
“Naglagay na kami ng mga hints sa buong Playa de Gertrudes pati na rin sa kakahuyan. Medyo malaki-laki ang set up ng activity kaya patalasan ng isip at pabilisan ng kilos ang labanan,” sabi sa amin ni Mang Arthur.
Excited na sana ako dahil magaling ako sa mga puzzles and riddles, pero naalala ko na demonyo pala ang kasama ko kaya napalitan ng kaba ang excitement ko. Parang nanganganib ang precious life ko sa araw na ito.
“Naku, malaki ang chance nina Billy at Jameson na manalo dahil magaling si Billy sa ganyan. Consistent top one ‘to sa klase eh,” anang Shane na tinatapik-tapik ang likod ko na animo’y pinagmamalaki ako sa buong mundo.
“Really? Wow, how reassuring,” sarkastikong tugon ni Jameson na nasa harap ko at panay ang titig sa akin. Parang masusunog na ako sa mga titig ng g*gong ‘to. Sarap sabuyan ng -500 degrees Celcius na tubig.
“Wow, Billy, pareho pala tayo ng hilig. Mahilig din ako sa mga puzzles and riddles. I spent most times reading books too,” sambit ni Chester.
Naku ewan ko talaga! Kahit anong pigil ko halatang namumula na ako sa kilig. Isipin mo ‘yon, pareho kami ng hilig. Oh tadhana, kay bait mo sa akin!
“Ta-talaga? What genres do you usually read?” I asked.
“Hmmm, I love science fictions and contemporary romance, pero everytime na malungkot ako I’d open pages for mystery and thriller. Naaalis kasi lungkot ko kapag nacha-challenge ang utak ko,” sagot niya, and I was amazed. What an ideal man! Parang gusto ko ng magpropose sa kanya. Char!
Nakita ko si Jameson na masama ang tingin kay Chester. Ano na naman kayang problema ng hayop na ‘to? Siguro naiinggit siya dahil talagang di hamak na mas gwapo si Chester sa kanya at mas matalino. I mean, kahit kailan hindi naman talaga naging gwapo ang tukmol na ‘to.
“Ang galing mo naman. Siguro ang talino mo,” puri ko kay Chester and he blushed. Nginitian niya ako and there I was, natutunaw na dahil sa kilig.
“Relax lang bess, ‘wag masyadong pahalata. Halatang kinikilig ka eh,” bulong sa akin ni Alex. I cleared my throat and then sat straight.
Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko eh. Sino ba namang hindi kikiligin sa lalaking ‘to? Sobrang gwapo tapos ngingitian ka ng napakatamis. Jusko! Pwede mamatay saglit?
After having breakfast, we had a rest for an hour and then proceeded to the starting point of the activity. Lahat ay handang-handa na to win the game. Chester gave the signal and then every pair went to their respective first destination.
Jameson’s POV
Gumising ako ng maaga kanina para lang manguha ng mga insekto at marami akong nakuha. Nang makabalik na ako, tiyempo namang mag-aagahan na kaya naligo ako agad and then proceeded to the guest area. Sabik na sabik na akong gawin kay Billy ang plano ko.
We had our breakfast, and as usual, nagmamayabang na naman ang pasikat na Chester. He’s always looking at Billy na parang may gusto siya sa nerd na ‘yon, at halata namang kinikilig ang bwesit. Lol! Akala na niya siguro na ang ganda niya eh mukha naman siyang salagubang na nahuli ko kanina.
After having breakfast, we continued to the starting point of the game and prepared there. When Chester gave the start signal, we proceeded to our respective starting point. Ang nakalagay sa papel na nabunot ko ay “fountain” kaya pumunta na kami sa tapat ng mansiyon kung saan naroroon ang fountain. The mansiyon was a bit messy, mukhang hindi na masyadong nabigyan ng pansin.
“Huy pangit! Wag ka ngang mauna, halatang desperada kang manalo,” sigaw ko kay Billy na ang bilis kung maglakad.
“Oh really? Hindi ba pwedeng ayaw ko lang talaga makasama ang demonyong katulad mo?” wika niya habang huminto saglit.
“Talaga ba? Hindi ka ba nagagwapohan sa akin?”
” Tss! Are you even listening to yourself? Narcissistic ogre!” she said na halatang naasar na.
“Oh please, don’t lie. Alam kong matagal mo na akong gusto. Wag ka na kasing mag-deny, I can see it in your eyes,” I said habang pinipigilan ko ang tawa ko. Her pissed-off-face makes her look like a cursed rat.
“Iba ka rin eh no? Hindi ka lang pala bully, may deperensiya ka rin pala sa utak. Alam mo, why don’t you visit a psychiatrist sometimes. I know you need it badly,” wika niya habang patuloy pa rin sa paglalakad. “At isa pa, sino namang magkakagusto sa isang demonyong kagaya mo na walang pakialam sa nararamdaman ng iba? Kung may magkakagusto man sa ‘yo siguro sarili mo lang. Narcissistic ka, remember?” she added.
Her words were convicted, talagang may pinaghuhugutan. Mas binilisan niya ang paglalakad hanggang sa marating na namin ang mansiyon. Hinanap niya kung ano man ang nakasulat sa papel na nabunot namin. It says “Sometimes, shiny things came from dull origins.”
“So how do we find what we are looking for?” I asked.
Hindi niya ako pinansin and she stared at the paper for a moment, and then looked around.
“The SHINY THINGS here signify the thing that we are looking for, so basically, it is covered in soil or somehow hidden with something dirty or dull,” she murmured and then hovered around.
May nakita siyang isang maputik na jar na natabunan ng damo malapit sa fountain. She opened it and found another paper. “Whoooo! I found it!” she shouted like a crazy little kid.
“Great. So what’s in it?” I asked pero hindi pa rin niya ako pinansin. Naglakad siya ulit at wala na akong ibang nagawa kundi ang sundan siya. Bwesit na babaeng ‘to, pinagmukha akong aso na buntot ng buntot sa kanya.
We headed to the forest at the back of the mansion and it’s a perfect place para gawin ko ang binabalak ko sa kanya. Nang makarating na kami sa kakahuyan, hinablot ko ang dala-dala niyang papel and I read it. “People with battle scars are the bravest, and they possess the greatest treasure – love.”
“Seriously? I don’t f*cking understand all of these!” I muttered.
“Eh kasi nga bobo ka di ba? Magaling ka lang naman mambully eh, tapos akala mo ikaw na ang pinakaangat sa lahat,” she said while acting like a monkey finding the perfect tree to climb on.
“Wow, ang tibay mo doon ah, parang angat ka na,” I said while preparing the insects inside my satchel.
Ibabato ko na sana ang mga insekto sa kanya nang tumakbo siya patungo sa malaking kahoy na may bakas ng pagtotroso. She looked around the tree and found a small piece of paper. Binalik ko ang isang plastic na insekto sa loob ng satchel. Tsaka ko nalang ‘to ibabato sa kanya kapag medyo malayo-layo na kami, baka kasi marinig nila kami.
“And now we have to go deeper down the forest,” sabi niya.
We walked for a few minutes and reached the part of the forest where the big rocks were lying. She jumped into it and stood up.
“Ano na namang hinahanap mo diyan? Are you looking for your fellow monkeys?” I teased her.
“Alam mo, kung wala ka rin namang ambag, pwedeng-pwede ka manahimik. Ang sakit mo sa tenga, wala ka namang ibang ginawa kundi ang dada ng dada,” she said and then dropped the paper. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat. “The smallest soldiers can be the carriers of the biggest heart.” I don’t really f*cking understand what this passage is trying to point out.
I moved around and stepped on the smallest rock formation, nasira ko ito and a small piece of paper came out. Pinulot ko ito and it has the next step written on it.
“Siguro may silbi na ako ngayon,” I said habang inabot sa kanya ang papel. Hindi siya kumibo at binasa kung ano ang nakasulat sa papel.
“What?! Bakit palayo ng palayo ang dapat nating puntahan?” reklamo niya matapos basahin kung ano ang nakasulat. Bumaba siya mula sa pagkakapatong niya sa malaking bato and headed deep to the forest.
Wala kaming kibuan ng ilang minuto at nakasunod lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa medyo madilim na part ng kakahuyan. We continued walking habang unti-unti kong binubuksan ang plastic sa loob ng satchel, and when I got nearer to her, binato ko sa kanya ang apat na salagubang at dumikit ito sa damit niya, nilagay ko rin sa leeg niya ang ilang uod na nakuha ko sa likod ng room namin. Nagsusumigaw siya at talagang nakakatawa ang takot niyang mukha.
She was shaking her body na para bang sumasayaw while screaming. Tumakbo siya na parang baliw habang niyuyugyog ang kaniyang damit. Naiwan ako sa aking kinatatayuan at para bang mamamatay na sa kakatawa. Hindi ko talaga mapigilan ang pagtawa ko kapag nakikita ko ang mukha niya na takot na takot. Hindi ko na alam kung saan siya napunta and I tried following her track.
Ilang minuto rin akong naglalakad pero hindi ko siya makita. I looked around but I didn’t see signs of her.
“Billy! How’s my surprise for you?”sigaw ko. Walang sumagot at tanging echo ng boses ko lamang ang naririnig ko. I continued walking straight until I reached the big Mahogany tree. Huminto ako saglit at tumingin sa paligid.
“Billy?! Where are you? Come out, come out, wherever you are! Little Jameson wants to play with you!” I shouted like a character from the horror movies. Wala pa ring sumagot and only the chirps of the birds were audible. I was about to walk nang makita ko ang isang tsinelas niya sa unahan. Pinuntahan ko ito at pinulot.
“Tsss! Ang hina naman pala ng babaeng ‘yon. Pati tsinelas naiwan pa. What a lame woman?” I murmured to myself. “Siguro nakauwi na ‘yon agad dahil sa takot,” I added at tumawa ako ng bahagya nang maalala ko ang pagmumukha niya.
I took my way back pero medyo nawawala na ako. Sinundan ko lang yung mga bakas ko kahit medyo malabo, but it seemed leading me to a different place. I tried listening to the sound of the sea and followed it. Medyo natagalan ako sa pagtunton ng daan kaya medyo sumasakit na ang mga binti ko. I looked around and there was still no signs of Billy.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa likod ng mansiyon. I continued to the starting point but nobody’s there, even Billy. I checked the guest area and tried sneaking the girls room pero wala pa ring tao.
“Hello? Anybody here?” sigaw ko habang naglalakad-lakad sa paligid. Walang sumasagot at walang ni-isang sinyales na may nakabalik na.
Payapa ang paligid at tanging ingay ng hampas ng maliliit na alon lamang ang naririnig ko. Tumigil na ako sa pag-iikot-ikot at napagdesisyunan kong bumalik na lamang sa kwarto namin at doon nalang maghintay sa kanila. Matalino naman yung nerd na yun kaya for sure malapit na ‘yong matapos. I’ll just let the hours pass at saka na ako lalabas kapag nakabalik na sila. Humiga ako sa kama and while waiting for them to be back, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako, and I was drowned in my deep dreams — dreams that I always wanted to understand, but it remained part of my fantastical abstraction.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





