Billy And The Bully (Chapter 13)

Man playing guitar

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Billy’s POV

“Billy? Billy? Do you want to have breakfast with us downstairs?”

Nagising ako nang marinig ko ang boses na ‘yon. It’s Chester’s voice and he’s waking me up. When I opened my eyes, I saw his genuine smile and it’s making my senses alive.

“Good morning. Sorry if I woke you up, I just wanted to have breakfast with you downstairs,” wika niya.

Nginitian ko siya and my heart suddenly felt energetic. Ang sarap kaya sa pakiramdam kapag gigisingin ka ng taong mahal mo dahil gusto niyang sabay kayong kumain at nang idilat mo ang mata mo ngiti niya ang bubungad sa ‘yo. Hayyy! Kahit di pa ‘to nagpopropose, YES na agad sagot ko – isang malutong at malinamnam na YES.

“Ahh, okay lang ‘yon. Mabuti nga’t ginising mo ‘ko dahil baka maabutan ako ng tanghali,” I said and he laughed.

“Daig mo pa ang buong gabing pumarty niyan,” he said while supporting me to stand. “Oopss! Dahan-dahan lang baka mahilo ka,” pag-aalala niya.

“Para naman akong galing nanganak nito. Okay lang ako, promise!” wika ko. “Wag mo na akong masyadong alalahanin, baka kasi nagiging pabigat na ako sa inyo.”

“Practice lang, malay mo dadating tayo sa point na ‘yan and I’ll be by your side during and after you give birth to our baby,” biro niya at ngumiti ng kay tamis. Jusko naman! Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o iiyak sa tuwa. Ang sarap namang pakinggan ‘yon. Isa na lang talaga at ako na ang magpopropose dito.

Nang makatayo na ako, I tried reaching for my jacket pero nahihirapan ako dahil andoon nakalagay sa pinakasulok ng kama. Pinilit kong abutin ‘yong pinakasulok but he stopped me.

“Ako na, baka mapagod ka pa,” he said and reached for my jacket then gave it to me. Isinuot niya ito sa akin at hinawakan ako sa beywang sabay alalay sa akin palabas.

I could feel his warm touch and his hands were like electric irons slowly heating up. I stared at his face and it was bubbly, blooming and seducing. He was looking at the floor kaya nagkaroon ako ng pagkakataong titigan siya ng malapitan. His face was truly… perfect – thick dark eyebrows, tantalizing eyes, pointy nose, perfect jaw line and pinkish lips. Parang gusto ko na siyang gahasain. Char lang! Relax Billy, relax. Huwag kang masyadong makati!

Watch your steps, baka mahulog tayo,” paalala niya sa akin nang makarating na kami sa hagdanan.

“Di na kailangan dahil nahuhulog na talaga ako sa ‘yo!” sigaw ng corny kong isipan. Napatango na lang ako dahil talagang kinain na ako ng kilig system.

Kahit nasa taas pa kami ay dinig na dinig ko na ang mga maiingay kong barkada. Kahit nagsasalita lang eh sintunado pa.

“Isusumbong talaga kita kay Billy kapag nakababa na ‘yon,” anang Alex na may malakas na boses.

“Sinong isusumbong mo bess?” tanong ko nang makarating na kami sa baba. Agad namang nagsitayuan ang mga barkada ko habang inalalayan pa rin ako ni Chester.

“Oyy oyy oyy! Kayo ha. Ano yan ha?” anang Shane na may pakindat-kindat pa. “Bakit may pahawak-hawak na sa beywang ha? Naku naku naku! Parang may tinatago kayo ha,” dagdag niya.

“Mukhang may namumuong love team ah,” pang-aasar ni Thalia.

“Naku bess, huwag mong kausapin ‘yang si Thalia,” tugon sa akin ni Alex na animo’y isang paslit na nagsumbong sa kanyang ate. “Alam mo bang chinichismis ka niya na nangongopya ka lang sa kanya noong nasa grade one pa tayo?” aniya na may pangiwi-ngiwi pa ng nguso at labi. Naghiyawan ang lahat at kitang-kita ko ang mga ngiti nilang lahat, maliban kay Jameson. Parang may iniisip siya. Nasa gilid siya and he’s looking somewhere.

“You can sit beside me Billy,” wika ni Chester na siyang pumukaw sa diwa ko.

“Si-sige,” sabi ko.

Bumalik na sa kani-kanilang upuan ang mga barkada ko at umupo na rin ako katabi ni Chester. Naiba ang arrangements namin at kaharap ko na si Nanay Felly.

“Kumusta ka na iha? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?” pag-aalalang tanong sa akin ni Nanay Felly.

“Opo Nay. Maraming salamat sa inyo at… at kay Chester,” sagot ko at bigla namang nagtagpo ang tingin namin ni Chester. We both stared each other for a while at nagsitilian naman ang mga bruha kong kaibigan. Naging G7 at C8 ang mga boses nila nang makita nila kaming nag-eye to eye. Ngumiti si Chester sa akin and I melted. Bakit ba panay ngiti ‘tong anghel na ‘to? Dahil sa kilig pinagpawisan ako ng caramel. Charot!

“What? May muta pa ba ako sa mata?” tanong ko kay Chester habang hinahagod-hagod ko ang mga mata ko. Napakawalang-hiya ko talaga, sa hapagkainan pa talaga ako nag-ani ng muta.

“Wala lang. I just can’t stop staring at your face,” sagot niya tapos ngumiti ulit. Hayyy JUSKO! “You’re… you’re beautiful,” dagdag niya.

Teka lang, sana nirecord ko ‘yon at ng mai-play ko sa malaking speaker. Jusmiyoo! Am I hearing things correctly? Mahinahon akong gumanti ng ngiti sa kanya pero deep inside nagiging acrobat na ang puso at mga laman ko. Nagsiliparan din ang mga paru-paro sa loob ng aking tiyan na animo’y may hardin sa loob.

“Mukhang may napupusuan na ang pamangkin ko,” anang Nanay Felly na tuwang-tuwang nakatingin sa amin.

“Meron na po Tita,” sambit ni Chester at hinawakan ako sa kamay.

I was like floating in cloud nine when he touched my hand. Ito ‘yong lagi kong hinihiling – ang makatagpo ng lalaking katulad ni Chester.

“Oh siya, mabuti pa’t kumain na tayo at sabay-sabay tayong mag-enjoy sa dagat mamaya,” masayang anunsiyo ni Nanay Felly.

Pinangulohan ni Nanay Felly ang pagdadasal at nagkanya-kanyang kuha ng pagkain ang lahat. Nang makapagsimula na silang kumain, ikinuha ako ni Chester ng mga hiniwang prutas at mainit na sabaw.

“Eat these fruits first para magiging maganda ang digestion mo. Then after eating fruits, saka na ‘yong main meal at sabaw,” he said.

“Thank you,” I said.

“Alam mo ba kung bakit dapat unang kainin ‘yong mga prutas?” he asked me.

“Yup, pero hindi naman lahat ng prutas dapat kainin bago kumain ng main meal. Ang pwede lang gawing first food ay ‘yong mga watery fruits o light fruits dahil it will prepare your stomach for heavy intakes of food, at nililinis din nito ‘yong loob para mas may space para sa bagong pagkain. At mas mabuti ring bago tayo mag-intake ng solid foods, dapat muna tayong uminom ng tubig to dilute the acids in our stomach needed for digestion,” sagot ko.

“Wow! I’m… I’m amazed,” puri niya sa akin habang nakangisi. “You really are an intelligent woman Billy. That’s why I like you,” dagdag niya.

“Naku Chester, hindi lang yan intelligent, talented pa ‘yan. She can paint and sing at nagsusulat din siya ng stories,” pagmamalaki ni Shane.

Chester was amazed by what Shane said. Napatitig siya sa akin and I was shy. Hindi ako sanay na ipagmalaki at hindi ko rin ugaling magmalaki ng mga kakayahan ko.

“Wow Billy! You can do all that? Nasa’yo na talaga ang lahat, you make me like you more,” anang Chester habang kumuha ng salad para sa akin. Nakayuko lang ako dahil nahihiya akong tumingin sa kanilang lahat gayung pinupuri nila ako. Maliban kay Mama at Jess, ngayon lang ako pinuri ng ganito karaming tao.

“Sa-salamat,” mahinhin kong sambit.

Naging masaya ang agahan namin. Matapos nila akong purihin, naging pulutan naman si Chester ng asaran dahil sinimulan ni Nanay Felly ang ibulgar ang mga nakakatuwa niyang mga sekreto.

“Naalala ko pa noon iho, ‘yong kinuha mo ang red lipstick at nail polish ng mama mo tapos ipinangligo mo. Nagmukha kang pulang tiyanak na nakadiaper noon,” wika ni Nanay Felly. Bigla namang namula si Chester dahil sa hiya and our breakfast was filled with laughter.

We were so happy, but when I saw Jameson, he wasn’t laughing with us. Parang may gumugulo sa isipan niya. Yung mga kaibigan niya ay tuwang-tuwa habang siya ay nagpatuloy sa pagkain na may malungkot na mga mata. I wanted to talk to him pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang kumustahin pero di ko kaya. Wait! Why am I being like this? I used to hate him for what he did to me pero bakit hindi ko kaya? Am I feeling sorry for him? Naaawa na ba ako sa kanya? Or am I feeling something that I can’t explain? Ewan ko, biglang nag-iba ang nararamdaman ko nang makita ko siyang malungkot.

 

Jameson’s POV

“Let’s go dude. Tinatawag na tayo nina Mang Arthur,” anyaya sa amin ni Ion. Sabay na kaming pumunta sa guest area para mag-breakfast. Medyo nahihilo na ako dahil di ako nakatulog ng maayos.

“Siya nga pala James, pag-uwi natin we wanted to spend a night at your house kung okay lang sa ‘yo,” wika ni Zach.

“No problem,” I said.

“Wag niyo nga munang isipin ‘yong pag-uwi. Ang dapat nating isipin ay kung paano tayo makabawi sa mga girls. Dahil nagi-guilty rin ako sa nangyari kay Billy eh,” anang Red na inaayos ang suot niyang floral polo.

“Oo nga. I guess we should plan a surprise for them,” Ion suggested and we all came up with different ideas.

“What if we’ll pick some flowers for them?” I suggested.

“Paano kung haranahin natin sila? Napaka-romantic no’n para sa mga girls,” sabi ni Zach.

“Ganito na lang, haharanahin natin sila at bibigyan natin ng flowers,” I said and they smiled.

“Ayus ‘yon ah. Sige ‘yan ang gagawin natin mamayang gabi. Let’s invite them tonight for a bon fire party,” Red said.

After that “planning” session, nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa guest area. Andoon na rin ‘yong mga babae pati sina Nanay Felly. Nagkukwentuhan sila and they were laughing while talking weird stuffs.

The food is already prepared at sina Chester at Billy na lang ang hinihintay para makapagsimula na. Tatayo na sana ako para umihi sandali pero nakita ko sina Billy at Chester na magkasama. He was holding Billy’s waist and assisting her steps. Naghiyawan naman ang mga kaibigan ni Billy na para bang tuwang-tuwa na magkasama silang dalawa. I can see Billy’s eyes and they were… happy. I looked at Chester’s face at wala akong nakitang kakaiba.

“Huyy! Titig na titig ka sa kanila ahh, inggit ka?” pang-aasar sa akin ni Zach.

“Hell NO! Bakit ako maiinggit?!” sabi ko na may medyo galit na boses.

Nang matapos ng magdasal si Nany Felly, nagsimula na kaming kumain. I suddenly lost my appetite and I don’t know the reason. Pero kahit wala akong ganang kumain, pinilit ko pa rin ang sarili ko. Habang abala sila sa pagtatawanan, naisip ko na naman ang sinabi sa akin ni Billy kagabi.

” I still don’t know kung ano ang pinag-iisip mo. Hindi ko pa rin alam kung bakit ang laki ng galit mo sa akin.”

Her voice was echoing in my mind and I can’t stop it.

“I saw how miserable your life was and I know why you are here.”

My heart suddenly felt weak and hurt. Di ko alam kung bakit ako sobrang affected sa mga sinabi niya.

“You chose to remain weak at mas pinili mong magpakontrol sa lungkot at galit mo.”

F*ck! Bakit ba nasasaktan ako sa mga sinasabi niya? Am I this weak na ba talaga to be vulnerable?

” Ganyan ka ba talaga ka-manhid? O sadyang wala lang talagang lugar ang awa diyan sa puso mo?”

I was in the middle of deep thoughts when Red tapped me in the shoulder and asked me if I am okay. Medyo matagal akong nakasagot dahil nag-iisip pa ako kung ano’ng isasagot.

“Are you alright bruhh?” he asked.

” Uhh yeah… yeah I’m alright… I’m just… I’m just thinking about something,” pautal-utal kong sagot.

“Wag ka na kasing mag-overthink. Masisira lang ‘yang araw mo. Remember why we are here dude, let’s make the best out of it. Chill ka lang and enjoy every moment,” wika ni Red at siniko ako dahilan ng pag-usog ko ng kaunti.

Overthink? Siguro nga I was just overthinking. Siguro nga tama siya – kaya hindi ko magawang sumaya at mag-enjoy dahil nag-ooverthink ako.

“Oh… okay. Sorry for that dude,” I said. Nagpatuloy ako sa pagkain and I was able to finish my food.

When I looked at Billy and Chester, they were staring at each other’s eyes and Nanay Felly was happy seeing them like that. I don’t know if I was just being compulsive or talagang nasesense ko na nagsisimula na si Chester sa kanyang plano and Billy was his first target. I can’t even tell the real reason behind everything but everything just seemed so weird.

They were laughing and I can’t relate to what they’re talking about. Masyado akong nalunod sa mga iniisip ko kaya di ko narinig ang mga sinasabi ni Nanay Felly. Yumuko ako saglit and when I raised my head, nakita kong tinignan ako ni Billy. Sa kanyang mga tingin naramdaman ko ang… awa at… at isang hindi maipaliwanag na emosyon.

F*ck! Why am I thinking like this? Why am I being like this? Hindi naman ako ganito mag-isip. Bakit bigla akong lumambot? I mean, hindi na ako ang dating Jameson na punong-puno ng galit at kasamaan. Sa tuwing naiisip ko ang mga pinaggagawa ko kay Billy noon bigla na lang nalulungkot at nanghihina ang puso ko. Am I starting to regret everything?

“Tapos na ba kayong kumain?” tanong sa amin ni Nanay Felly.

“Tapos na po.”

” Opo Nay.”

“Yes Nanay.”

“Mabuti naman. Pumunta na tayo sa dagat at gusto kong magsaya kasama ninyo,” masayang tugon sa amin ni Nanay Felly. Nagsitayuan naman ang lahat maliban kay Ate Lilia at Mang Arthur na naiwan upang magligpit ng pinagkainan.

Inalalayan ni Chester si Billy at hinawakan sa beywang. Billy was comfortable with him and even gave him the sweetest smiles.

When I saw how happy Billy was with Chester, alam kong hindi galit ang naramdaman ko. I was…jealous.

Pero bakit? Bakit ako nagseselos? I don’t feel something or anything for Billy but something inside me is controlling me – pinching my heart to and fro. Wala ba talaga akong nararamdaman para kay Billy? Or am I just denying that…

.

…I am starting to like her.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Billy And The Bully (Chapter 13)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.