Billy And The Bully (Chapter 6)

Billy’s POV

“We’re here!” anunsiyo ni Thalia.

At last! After billions of years, sa wakas nakarating na kami sa Playa de Gertrudes. Ang sakit na ng puwet ko sa kakaupo. Alas dos na ng umaga and I can see these b*tches’ tired faces. Nagmumukha na kaming zombies na naka-summer dress.

“Hayyy! Sa wakas! Alam niyo, mabuti pa magpahinga na tayo kaagad. I’m drained,” wika ni Alex habang nakatihaya dahil sa pagod.

Naramdaman ko kaagad ang preskong hangin mula sa baybayin. Ang tunog ng hampas ng mga alon ay bumabalot sa buong paligid. Matapos kunin ang mga gamit namin, agad na kaming tumungo sa loob habang si Thalia ay naghahanap ng puwesto para i-park ang sasakyan.

“Dahil sa pagod parang nabibigatan na ako sa dalawang unan na ‘to,” anang Shane na matamlay na dinadala ang dalawang maliliit na unan.

Bitbit ko naman ang mga gamit ko. Iniwan muna namin ang mga maletang dala namin dahil hindi namin madadala ‘yon lahat. Nang makapasok na kami sa loob agad namang may sumalubong sa amin na mga staffs sa lugar.

“Eduardo, Francis! Tulungan niyo sina ma’am!” sigaw ng isang babae na nasa terrace at tinulungan din naman kami kaagad ng dalawang bata.

Sumama sina Alex at Shane sa dalawang bata habang ako bumalik sa sasakyan para kunin ang ibang mga gamit. Napansin kong napakapayapa ng lugar. Parang walang masyadong mga turista. Siguro nga hindi pa masyadong kilala ang lugar na ‘to.

“Wow. Nice place. Ang sarap namang mamuhay dito – payapa, sariwa ang hangin at malayo sa ingay ng syudad.”

Napatingin ako kay Thalia nang bitawan niya ang mga salitang ‘yon. Noong mga bata pa kami, pangarap ni Thalia na tumira sa syudad, pero tila nagbago ang ihip ng hangin ngayong malalaki na kami.

“Di ba pangarap mong mamuhay sa syudad noon?” tanong ko sa kanya at ngumiti siya ng bahagya. Hindi ko mawari ang emosyon na pinapahiwatig ng kanyang mga mata.

“Siguro nga masaya sa syudad dahil malapit sa mga malls at ibang establishments. Pero as I grew up, narealize ko na, sometimes in our life kailangan talaga nating pumunta sa mga lugar kagaya nito. Malayo sa stress, malayo sa gulo, ‘yong makakapag-isip ka talaga ng maayos,” sabi niya.

She’s lying. Kilala ko si Thalia . Sabay kaming nagtapos ng elementary at halos araw-araw kaming magkasama noon, kaming apat. Sa tono ng kanyang pananalita, masasabi ko talagang hindi siya nagsasabi ng totoo.

“You’re lying,” pagkontra ko sa kanya at agad din naman siyang napatingin sa akin. Nagpatuloy ako sa paghahakot ng mga gamit palabas ng sasakyan and I saw her staring at the stars.

“Ang suwerte ko talaga sa inyo. Napakasuwerte ko dahil kayo ang naging kaibigan ko,” wika niya.

“You do have a problem, don’t you?” I looked at her at napatingin naman siya sa akin.

“My mom had cancer and it really affected us,” sabi niya at napayuko siya. Her eyes started getting teary and I can see her trying to stop it. “And now that she’s gone, kami na lang dalawa ni papa ang naiwan. I thought na sasamahan niya ako ngayong wala na si mama, but I was wrong. Naghanap siya ng ibang babae and started his new family. Ako na lang mag-isa ngayon, trying to be strong and trying not to be carried away by this pain.”

“So-sorry bess. I shouldn’t have asked,” I said while tapping her back, and hugged her.

“No, it’s okay. May karapatan kang malaman ‘yon kasi kaibigan kita.” Kinuha niya ang dalawang maleta at sabay na kaming pumunta sa loob ng resort.

Hindi ko alam na may sakit pala si Tita Anne. Ang akala ko noon talagang payat lang ang pangangatawan niya. She was such a good woman back then, at nagmana si Thalia sa kanya. Magkamukha rin sila. I can really say na si Thalia ay carbon copy ni Tita Anne. But what I like about Thalia is her bravery and strength. Kinakaya niya ang lahat kahit siya na lang mag-isa.

Nakarating na kami sa loob ng kwarto namin at nadatnan naming tulog na sina Alex at Shane. Inayos namin ang mga gamit and we decided to have a walk at the beach. The nightsky was starry and the moonlight was bright.

“Sorry about lately bess. Nadamay ka pa sa pagiging emosyonal ko,” anang Thalia habang sinisipa-sipa ang mga buhangin.

“Ano ka ba? Magkaibigan tayo kaya okay lang ‘yon. Basta kung may problema ka, ‘wag mong solohin, andito kami para damayan ka,” I said at tinulak ko siya ng bahagya. “Ewan ko rin sa ‘yo. Minsan may sariling mundo ka. ‘Kala mo naman ang ganda-ganda mo na.”

“Eww! Feeling ka. Ako ang pinakamaganda sa ating lahat no!” wika niya habang sinasabuyan ako ng buhangin. Sa paglalaro naming dalawa, napadpad kami sa tapat ng isang malaking mansiyon na nakaharap sa dagat. May nakita kaming isang malaking karatula na may kalumaan na at may nakalagay na ” Pla de rtru”.

“Bess, hindi kaya haunted mansiyon ‘yan? ‘Yong nasa pelikula?” sabi ni Thalia habang nakahawak sa mga braso ko. The light at the top was blinking, yung parang sa mga horror movies. Nagsitayuan ang mga balahibo ko at napaatras kami ng bahagya.

“Sa tingin ko nga bess,” sambit ko at agad naman kaming nagsitakbuhan ng napakibilis. Sa bilis ng aming pagtakbo, agad kaming nakarating sa guests area at napasigaw kami nang tumambad sa amin ang isang matanda na may napakahabang buhok. Mas napahigpit ang pagkapit sa akin ni Thalia at napapikit kaming dalawa.

“Mahal naming Panginoon, patawarin mo kami sa aming mga kasalanan at pakiusap alisin mo ang mga masasamang espiritu at aswang sa aming paligid,” napadasal ako ng biglaan dahil sa takot.

“Ha?! Nasaan ang mga masasamang espiritu at aswang?!” napadilat ako ng aking mga mata nang magsalita ang matanda.

“Hi-hindi po pala kayo…aswang. Pasensiya na po kayo,” pagpapaumanhin ko sa matanda. Akala kasi namin na aswang siya dahil mahaba ang kanyang buhok at bigla na lang siyang tumambad sa aming harapan. “Patawarin niyo po kami manang. Hindi… po namin sinasadya na masabihan kayo ng ganyan.”

“Ay ayos lang ‘yon iha. Madalas nga akong mapagkamalang aswang dito ng mga turista. Nasanay na ako,” wika ng matanda at tumawa siya ng malakas. “Siya nga pala, kapag may kailangan kayo, huwag kayong mahiyang pumunta sa amin ha. At may hinanda kaming mga pagkain para sa inyo, mukhang pagod kayo sa biyahe,” dagdag niya.

Napabitaw si Thalia sa pagkakahawak sa akin at tumingin ulit sa direksiyon kung saan kami nanggaling.

“Ahh manang… ‘yong mansiyon na ‘yonn ba, may nakatira pa?” tanong ni Thalia sa matanda.

Biglang nalungkot ang masayang mukha ng matanda nang marinig niya ang tanong ni Thalia. Pumunta siya sa loob at umupo.

“Oo iha, at hanggang ngayon hindi pa lumalabas ang apo ko simula noong hindi siya sinipot ng babaeng mapapangasawa niya sana. Labis siyang nasaktan sa pangyayaring ‘yon at halos isang buwan namin siyang naririnig na sumisigaw gabi-gabi. Naaawa ako sa apo ko pero wala akong magagawa dahil hindi siya nakikinig sa akin,” pagsasalaysay ng matanda. Nakaramdam kami ng lungkot nang makita namin ang emosyon ng matanda at nang marinig namin ang sinabi niya. Hinaplos-haplos namin ang likod ng matanda at kitang-kita namin kung paano niya pigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.

“Limang taon pa lamang siya noon nang mamatay ang mga magulang niya dahil sa pagsabog ng sinasakyan nilang yate. Ako na ang nagpalaki sa kanya at habang lumalaki siya, pinangalanan niya ang lugar na ito na Playa de Gertrudes, alinsunod sa pangalan ng kanyang ina na si Gertrudes, na anak ko. Nang magretiro ako sa pagiging isang guro, mas napagtuonan namin ng pansin ang pagpapaganda sa lugar na ito, pero nagbago ang apo ko nang iwan siya ng babaeng mahal niya,” dagdag ng niya.

“Ang lungkot po pala ng nangyari sa apo niyo. Pero huwag po kayong mag-alala, makakayanan ng apo niyo ang lahat ng ito,” wika ni Thalia sa matanda para gumaan ang loob nito.

“Maraming salamat sa inyo,” anang matanda na pinupunasan ang kaunting luha sa kanyang mga mata.

“Walang anuman po manang,” sabay naming sabi.

“Felly… Felly ang pangalan ko. Pwede niyo ako tawaging Nanay Felly, matagal ko ng hindi narinig ang tawagin ako ng ganyan,” wika ni Nanay Felly.

“Sige po Nanay Felly,” sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya. Napangiti naman siya at sumaya rin ang aking puso nang makita siyang ngumiti. Ang gaan ng loob ko sa kanya at nararamdaman kong napakabait niya.

“Oh siya, papasok na ako sa loob at ng makapagpahinga na ako. Huwag kayong mahiyang pumunta sa amin kapag may kailangan kayo,” bilin ni Nanay Felly sa amin.

“Opo Nanay Felly. Ingat po kayo,” sabi ni Thalia. Agad na kaming bumalik sa kwarto namin nang makapasok na sa loob si Nanay Felly.

Nang marinig ko ang kuwento ni Thalia at Nanay Felly, naisip ko na siguro kaya tayo may problema dahil kaya natin itong lampasan. Si Thalia ay humuhugot ng lakas sa amin na mga kaibigan niya at si Nanay Felly ay nagpapakalakas dahil alam niyang kailangan pa siya ng apo niya. Siguro nga kaya ko nakakaya ang pambubully sa akin noon ay dahil may mga kaibigan at pamilya akong nagmamahal sa akin at kahit na nasasaktan ako, mas nananaig pa rin ang pagmamahal nila sa akin, at kaya siguro hindi tumitigil ang Jameson na ‘yon sa kakabully sa akin noon ay dahil alam niyang may pinaghuhugutan ako ng lakas…na wala sa kanya.

 

Jameson’s POV

“And we’re here!” sigaw ni Ion at nagising kaming lahat sa lakas ng bunganga niya.

“F*ck that annoying voice bro!” reklamo ni Red na nakapikit pa.

Sa wakas, nakarating na rin kami. Grabe ang layo pala ng lugar na ‘to. Hindi ko inaasahang ganito ‘to kalayo. I stretched my arms while yawning at sinipa si Zach.

“Huy mga hampaslupa! Andito na tayo! Bumaba na nga kayo!” I said and everyone was stretching their arms. “Damn Red! Are you f*cking someone in your dreams?” wika ko at pinitikan ang bumabakat na *ri ni Red.

“Hahaha! T*ng’na ka Red! Sinong k*nak*ntot mo sa panaginip mo?” pang-aasar ni Zach at pinalo ang matigas na ari ni Red.

“Aww! Sh*t! Ang sakit nun ah! Bwesit kayo! Tumigil nga kayo diyan, di pa ako tapos sa dalawampong babae,” sigaw ni Red.

“Hanep ka talagang hayop ka! Bumaba ka na nga diyan at ng mahakot na nating ‘tong mga gamit natin papuntang kwarto,” anang Ion na nasa labas na ng sasakyan. Agad din namang lumabas si Red at inunat-unat ang kanyang katawan.

Nang makalabas na ako, napansin kong napakatahimik ng lugar. Walang katao-tao at may isang sasakyan na nakaparada sa gilid. It’s the girls’ car.

“Are you sure we are in the right place? Bakit ang tahimik? ” tanong ko sa kanila.

“Of course bro. Malapit ng mag-alas tres ng madaling araw kaya wala ng masyadong tao. Hindi naman kasi ‘to katulad ng ibang resorts,” sagot ni Zach.

“I thought maraming chicks, mukhang tayo-tayo lang andito ah?” tanong ko ulit.

“Relax bro. May bukas pa, I mean, may mamaya pa,” sagot ni Red.

We started getting our stuffs and moved it to our room. Sinalubong kami ng dalawang bata at tinulungan kami sa mga dala namin papunta sa kwarto. Nang tapos na naming hakutin lahat ng gamit namin, I decided to rest dahil talagang pagod ako sa biyahe.

“Alright! It’s time to take a rest now,” pag-aanyaya ko sa kanila.

“C’mon! Ang weak niyo naman. Let’s have a drink muna bago tayo magpahinga,” wika ni Red habang hawak-hawak ang isang cooler na may mga canned beer.

“Mabuti pa nga. Tara, dun tayo sa labas,” Zach said.

Wala na rin naman akong choice kundi ang sumama sa kanila. Pumunta kami sa tabing-dagat and we arranged some log para upuan. Gumawa naman ng bon fire si Ion at nagsimula na kaming mag-inuman.

“I guess the girls are asleep now,” Ion said habang nakatingin sa isang kwarto malapit sa maliit na sign board.

Napatingin din ako sa kwarto kung saan may nakaandar na ilaw and stared at it for a while. I opened my beer and started drinking while feeling the heat from the bon fire. They were talking habang nakatitig lamang ako sa sumasayaw na apoy.

“What’s the matter f*cker?” tanong ni Red sa akin at tinapik ang balikat ko. Agad naman akong napatingin sa kanya.

“Wala, may naisip lang ako,” I said.

“C’mon dude, ‘wag mo munang isipin yang mga problema mo. Kaya nga tayo andito diba, para mag-enjoy and to unwind,” Red said while holding a beer. Napatango na lang ako and started drinking my beer as well.

I looked at their happy faces and thought if ever one of them has the same problem as mine, pero alam kong wala. There’s a certain point of me na naiinggit sa kanila kasi kumpleto ang pamilya nila, laging masaya at hindi nila naranasan ang naranasan ko. Pero nagpapasalamat na rin ako dahil naging kaibigan ko sila, kahit papaano ay nalilimutan ko ang lahat ng problema at insecurities ko dahil sa kanila.

“Kampay!” sigaw ni Zach.

We tossed our canned beers and Ion took his guitar. Nagkantahan kaming lahat habang kumuha si Red ng dagdag na beers.

“Alam niyo pare, dahil andito na tayo, let’s make this an experience worth remembering for life. Kaya hangga’t maari, sulitin natin ang isang linggo na nandito tayo,” wika ni Ion matapos naming kumanta.

“Oo naman. And to start making this a worth remembering experience, let’s do spin the bottle,” anyaya ni Zach.

“Ulol! Wala tayong bote,” Red yelled. Pumunta naman si Zach sa isang puno at kumuha ng isang bote.

“Taran! Worry no more!” sabi ni Zach. Naghiyawan ang lahat and we started doing the game. Zach spun the bottle and it pointed Red.

“Okay pare. Truth or Dare?” tanong ni Zach.

“Dare na pare, baka ano pang itanong niyo sa akin,” sagot ni Red.

” Hmm, okay. Sayawan mo kami ng Macho dance,” sabi ni Zach.

Agad namang tumayo si Red at sumayaw. Unti-unti niyang hinubad ang damit at short niya hanggang sa brief nalang ang matira. Nagpatuloy siya sa pagsasayaw na animo’y isang professional macho dancer.

“Damn dude! You’re gross!” sabi ko sa kanya at sinabuyan siya ng buhangin. Naghiyawan ang lahat and our laughters filled the silent sea breeze.

Zach spun the bottle again and it pointed Ion. Dare ang pinili ni Ion at inutusan siya ni Red na maghubad at umikot sa amin ng tatlong beses. And he did it. Hinubad niya ang kanyang damit, short at brief. We can see his d*ck bouncing while he’s running around us. Kinunan siya ng video ni Zach at parang mamamatay na kami sa kakatawa.

After such moment na punong-puno ng tawanan, lasing na lasing na kami and we decided to keep all the things. Nilinis namin yung kalat namin and we plunged into the sea. Nagtampisaw kami sa dagat to relieve some stress. And after a couple of minutes, we took a shower and changed our clothes.

Nauna ng humiga silang lahat while I decided to stay outside para magmuni-muni. I realized na siguro kung wala ‘tong mga kaibigan ko, hindi ko na nakayanan ang lungkot sa buhay ko. Kahit hindi man ako masyadong pinagpala sa pamilya, at least I have friends like them. Alam ko, balang araw makakayanan ko rin ang lahat ng ito, at balang araw malalaman ko rin ang lahat tungkol sa pagkatao ko. And when that time comes, siguro hindi ko na mararamdaman ang pagiging miserable at magkakaroon na ng kabuluhan ang buhay ko.

I know hindi perpekto ang buhay ko, but I still hope that someday I will find meaning to live again – to live without being haunted by hate and to have purpose.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Billy And The Bully (Chapter 6)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.