Billy And The Bully (Chapter 9)

Billy’s POV

“Alam mo bess, mukha kang pato kanina. Akala ko ba marunong ka na lumangoy,” pang-aasar sa akin ni Alex habang naglalakad kami papunta sa guest area, dumating na daw kasi ang pamangkin ni Nanay Felly galing Italy.

“Ang sassy namang pato ‘yon, naka-red two piece pa. Was she some kind of a new duck species?” sambit ni Shane at tumawa ng napakalakas.

“Siguro. I guess domesticated duck ‘yon,” anang Thalia at sabay akbay sa akin.

“Sige pagtulungan niyo ako. ‘Pag ako natutong lumangoy, who you talaga kayo sa akin. Lalanguyin ko ang buong pacific ocean at dadalhan ko kayo ng piranha bilang pasalubong,” I said after I pulled their hair. “At saan pa kayo niyan? Out of billions of people sa buong mundo, kayo lang ang nabigyan ng prebelehiyo na makita ang pinakamagandang pato sa balat ng crazy world,” I added while spreading my arms na parang nagde-declaim.

They laughed at me like I was the worst swimmer ever existed. Habang pinagtatawanan nila ako, naalala ko kung paano halos mamatay sa kakatawa ‘yong buwesit na Jameson na ‘yon nang makita niya akong nalulunod. I know he don’t like me at all pero parang ang saya-saya niyang nakikita akong nahihirapan at halos mamatay na. Whatever his reasons for that are, I don’t care anymore. Ang dapat ko lang gawin sa ngayon ay ang hindi siya pansinin. I know that bastard at alam ko ring may iniipon na siyang mga plano para i-bully na naman ako.

We continued walking to the guest area at nang nasa tapat na kami, may napansin kaming mga flaglets na nakalagay sa mga puno sa labas ng guest area.

“Are those flaglets? Para saan naman ‘yan?” Thalia asked.

“Ewan, siguro ‘yan ‘yong gagamitin para sa activity na sinabi ni Nanay Felly,” Alex answered.

“I don’t know what we’ll be doing but I’m super excited,” Shane said.

Pumasok na kami sa loob at sinalubong kami ni Nanay Felly. Niyakap niya kami and her hugs were warm, parang talagang sabik na sabik siyang makita kami ulit.

“Mabuti naman at andito na kayo iha. Ipapakilala ko kayo sa pamangkin kong galing Italy. Kasing-edad niyo lang siya at alam kong magkakasundo kayo,” masayang sabi ni Nanay Felly. “Nag-iisang anak siya ng pinakabunso kong kapatid na si Estrella,” she added.

Dinala niya kami sa loob and we can see how everything was arranged. May decorations na and there’s a banner saying WELCOME HOME CHESTER!

“Oh, andito na pala sila. Halikayo mga iha at nang makapagsimula na tayo,” bungad sa amin ni Ate Lilia.

Andoon na sina Jameson sa loob at kami na lang pala ang hinihintay. Nang lumapit na kami sa sala kung saan nakaupo silang lahat, parang naramdaman ko kaagad na may masamang elementong nakatitig sa akin, at ayon nga, tinititigan na naman ako ng buwesit na lalaking ‘yon. Para siyang halimaw na nag-aabang sa likod ng mga damuhan at naghihintay ng pagkakataong sunggaban ako. Ginantihan ko siya ng titig at tinaas ko ang kilay ko. Pero ‘di ako sure kung sapat na ba ‘yon para matakot siya.

Nang eksaktong nakaupo na kami, agad namang bumaba ang pamangkin ni Nanay Felly. I saw his build, he was well-toned, and his chest… parang matutunaw ako sa ganda ng katawan niya. Parang gusto kong yakapin siya agad-agad. Charot!

“Now look at that hottie!” wika ni Alex habang kinakalabit ang hita ko. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Chester.

“Ito nga pala ang pamangkin kong si Chester. Galing siyang Italy at umuwi muna siya dito para magbakasyon,” pagpapakilala ni Nanay Felly.

Ngumiti sa amin si Chester and damn… nakakatunaw ‘yong ngiti niya. Parang mahal ko na siya agad. Lol! Nilapitan niya si Nanay Felly and he’s really a tall guy, hanggang dibdib lang si Nanay Felly nang yakapin niya ito. And his face… he’s like an angel.

“Mukhang handa na akong maging parte ng pamilya,” wika ni Shane habang nakatitig kay Chester. Halos tulo-laway silang tatlo nang mas lumapit si Chester sa amin.

“Ahhm… Hello everyone. I’m Chester and I will be facilitating your activity for tomorrow. Pero as of now, idi-discuss ko muna sa inyo kung ano ang activity natin para bukas. By the way, you can just call me Chester, magka-edad lang naman tayong lahat,” wika sa amin ni Chester at nakanganga lang akong nakikinig sa kanya. I can’t deny his handsomeness and I can’t resist his charisma. Pero bakit ganoon? Kahit naka-reading glass siya ang hot pa rin niyang tignan, samantalang ako nagmumukhang tanga.

“Magkakaroon kayo ng treasure hunting bukas and you’ll do it by pair. So we prepared papers and pens here para maisulat niyo ang pangalan niyo, and we’ll do it in raffle draw system kung sino ang partner niyo,” Chester added.

Kumuha kami ng tig-iisang ballpen at papel, at sinulat na namin ang aming mga pangalan tsaka nilagay sa isang glass bowl. Habang busy kami sa pagsusulat, nag-uusap sina Chester at Nanay Felly at hindi ko sinasadyang marinig ang kanilang pinag-uusapan.

“Kumusta ka na iho? Ang laki mo na. Kumusta naman ang kapatid kong si Estrella?” tanong ni Nanay Felly sa kanya.

“Okay lang po si mama Tita Felly. Andoon, nagpakabusy sa negosyo. Pero we made sure naman po na we are prioritizing her health, minsan nga lang matigas ang ulo,” Chester answered.

“Naku ‘yang babaeng ‘yan talaga, kahit kailan matigas talaga ang ulo,” wika ni Nanay Felly. “Kumusta na ang love life ng pamangkin ko? May napupusuan ka na ba sa Italy?” dagdag niya.

Tumawa si Chester and he blushed. Tumingin siya sa amin at agad ko namang inalis ang tingin ko sa kanila. Mahirap na, baka isipin pa nilang chismosa ako.

“Sad to say po Tita, single pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko muna po iniisip ang mga ganyang bagay,” sagot ni Chester.

“Bakit naman? Wala ka bang natitipuhan sa Italya? Huwag mong sabihing ang papangit ng mga dalaga doon,” pabirong tanong ni Nanay Felly.

“No Tita, it’s not like that. Marami pong magaganda doon, pero Pilipina po talaga ang gusto ko, but as of now focused po muna ako sa pag-aaral,” Chester answered.

Kahit hindi na ako nakatingin sa kanila, dinig na dinig ko pa rin ang pag-uusap nila. At nang marinig ko na Pilipina ang gusto ni Chester biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Feelingera na kung feelingera pero natutuwa ako dahil may chance pa pala ako na maging jowa niya. Oh yeah!

“We’re done!” anunsiyo ni Jameson matapos niyang ihulog sa bowl ang sinulatan niyang papel. Magkaiba ng bowl ang lalaki at babae, which means walang chance na isa sa mga kaibigan ko ang makakasama ko sa treasure hunting.

Lumapit na sa amin sina Chester at Nanay Felly. He took the bowl and placed it in the table in front of us.

“Alright, bubunot na ako ng magiging pares. Our first pair will be… Alex and Red,” anunsiyo ni Chester matapos siyang bumunot. “Your color is blue, please get the blue flaglet over there,” he added, pointing his fingers on the table. Agad namang tumayo si Red at kinuha ang blue na flaglet. Umupo siya sa tabi ni Alex at agad naman silang nagkasundo.

“Ang pangalawang pares ay sina… Billy and Jameson,” Chester announced.”Pink is your color.”

Gumuho ang mundo ko nang marinig ko ‘yon. Parang nanghina ako at bumigat ang katawan ko. Sa tatlong natira, bakit ang demonyong Jameson pa ang magiging partner ko? Ewan ko lang kung talagang nagkataon lang o sadyang malas lang talaga ako. Tiningnan ko si Jameson at nakangisi lang ang bwesit. Nagmumukha siyang ulol na aso sa kakangisi niya. ‘Yong tipong mababasa mo agad na may masamang binabalak ang bwesit.

Nagpatuloy sa pagbunot si Chester at ang naging partners ay sina Shane at Ion, and Thalia at Zach. After getting our respective flaglets, bumalik kami sa pag-upo dahil may pahabol na announcement si Chester.

“Bukas tayo magsisimula sa activity na ‘to. Kung sino ang unang makabalik na may dalang tamang sagot sa mga bugtong at katanungan na ilalagay namin sa kung saan-saan ay may secret reward. Good luck and thank you for cooperating. We hope that you’ll enjoy,” wika ni Chester.

Matapos ang mga anunsiyo, naghapunan kaming lahat at bumalik na kami sa room namin at nang makapagpahinga na. While walking, napansin ni Thalia na matamlay ako.

“Billy, bakit parang tumamlay kang bigla? Aren’t you excited for tomorrow’s activity?” she asked.

Ayokong sabihin sa kanila na hindi ko gustong makasama ang Jameson na ‘yon at ayoko ring sabihin sa kanila na binubully ako ni Jameson sa school. Baka kasi they’ll end up hating him. Problema namin ‘to ni Jameson at ayokong mandamay pa ng iba.

“Ahhm… wa-wala lang. Siguro napagod lang ako sa kakatampisaw ko sa dagat kanina,” pagsisinungaling ko.

“Ganoon ba? Don’t worry, matutulog na din naman tayo kaya makakapagpahinga ka na,” she said. “Excited na talaga ako. Sino kayang mananalo and, ano kaya ‘yong secret reward na ‘yon?” tanong niya.

Hindi na ako kumibo and we continued walking hanggang sa makarating na kami sa kwarto. Nagpahinga na kami kaagad. At habang naghihintay ako na dalawin ng antok, naisip ko kung ano ang mangyayari sa akin bukas. Makakauwi kaya akong buhay ngayong si Jameson ang magiging kasama ko? Hayyy naku! Hindi na sana magising ang buwesit na ‘yon. I closed my eyes at hinayaan ko na ang sarili ko na malunod sa mga panaginip ko.

 

Jameson’s POV

Tapos na kaming maghapunan kasama sina Nanay Felly. Nauna ng bumalik sa kanilang kwarto ang mga babae at nagpaiwan muna kami dahil gusto pang makipagkwentuhan ni Chester sa amin kasama si Mang Arthur. They brought two cases of beer at maraming yelo.

“Kumusta ang buhay Italy Chester? Siguro ang dami mo ng chicks dun no?” pabirong tanong sa kanya ni Mang Arthur.

“Ayus lang naman po. Nasasanay na rin ako at habang tumatagal nagiging komportable na ako sa buhay namin ni mama doon. Kung chicks lang po ang pag-uusapan, hindi naman sa pagmamayabang pero nakukuha ko lahat ng natitipuhan ko doon ng isang gabi lang, and I had s*x every night,” wika ni Chester at binuksan ang isang bote ng beer.

Ang akala ko mabait ‘tong mokong na ‘to, pero hindi pala. And what bothers me most is the fact that he lied to Nanay Felly. Pa-as if lang pala ‘tong hinayupak na ‘to.

“Matinik ka pala sa mga chicks doon. Iba talaga ‘pag may artistahing anyo,” sambit ni Mang Arthur.

“Ang swerte mo naman tol. Kami inaabot pa ng ilang buwan bago namin makuha ‘yong mga natitipuhan namin,” wika ni Red habang inaabot ang basong hawak niya kay Chester.

“Paraparaan lang ‘yan tol. Ang mga babae doon ang bilis makuha sa mga matatamis na salita. Kapag nahulog na sila sa mga patibong ko, ayon na, sa kama ko ang bagsak nila,” Chester said.

What the f*ck! I know I am not a good man pero kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na gawing s*x toy ang mga babae. Tumingin sa akin si Ion na halatang naiirita rin sa kahambugan ng bwesit na Chester.

“Then what happens next? Jinojowa mo ba ‘yong mga na-kama mo?” I curiously asked. He grinned and laughed.

“No way! Pagkatapos ko silang k*ntutin, di ko na sila kilala. I’m not into that kind of childish stuffs. Ayokong mabuhay sa puro kadramahan lang. I want to live with sexual excitements. And to tell you honestly ‘tol ha, may natitipuhan na ako sa mga babaeng kasama niyo,” he answered.

I looked at my friends after hearing Chester’s answer. Tumingin din sila sa akin na para bang naiintindihan agad kung ano ang ibig kong sabihin sa kanila.

“Not to burst your bubble bro ha, pero hindi ka ba naaawa sa kanila? I mean, what if those girls you had s*x with ay mahal na mahal ka na?” Ion asked.

“Come on bro! There is no such thing as love. Lahat ay bunga lang ng libog at pantasya, kaya tayo nahuhumaling sa mga babae ay dahil sa hitsura at katawan nila,” he answered.

Hindi ko talaga inasahan na may mas masahol pa pala sa akin. I don’t know if this guy is human enough to treat girls like that. I mean, hindi ba siya nagsasawa sa ganyan? Normal lang naman na malibogan pero, ‘yong halos gabi-gabi na lang iba-ibang babae ang kinak*ntot niya, that’s never normal for a real man.

After having drunk talks with them, naubos namin yung dalawang case and Chester went back inside para matulog na. Kami nalang ni Mang Arthur at mga kaibigan ko ang naiwan sa labas.

“Alam kong naiirita kayo sa pinagsasabi ni Chester, pagpasensiyahan niyo na ang batang ‘yon. Lumaki siyang nakukuha lahat ng gusto niya kaya nagkakaganyan siya. Pero kahit ganoon, ayaw niyang nasasaktan at nag-aalala si Nanay Felly sa kanya kaya nagsisinungaling siya,” Mang Arthur said that made us listen to him attentively.

Kahit na ganoon, it’s not a good reason na tratuhing s*x toys ang mga babae. Siguro he’s just making that as an excuse to clean his dirty intentions to girls. And now that we know na may natitipuhan siya sa mga babaeng kasama namin, we have to make sure na hindi matutupad kung ano man ang binabalak niya.

Matapos ang inuman ay bumalik na kami kaagad sa kwarto namin para makapagpahinga na. We have to prepare for the activity tomorrow.

“Kailangan nating maprotektahan ang mga babae. Ngayong alam na natin na may balak si Chester sa isa sa kanila, dapat tayong gumawa ng paraan para hindi mangyari ‘yon,” Ion said habang naglalakad kami.

“Mukhang mali siya ng kinakalaban dude. Hindi pa man tayo close sa mga girls, pero dahil tayo ang magkakasamang pumunta dito, tama lang na protektahan natin sila,” wika ni Red.

Sumang-ayon kaming lahat sa plano and we will make sure that the girls will be safeguarded.

Nakarating na kami sa kwarto namin at natulog na kaagad ang tatlo. Dahil sa kakaisip ng mga bagay-bagay, nahirapan ako sa pagtulog. Naisip ko kung paano ako tignan ni Billy kanina. Parang alam na niya na may plano akong gawin sa kanya bukas. Kapag sinuswerte ka nga naman. Tadhana na ang gumagawa ng paraan para magawa ko ang mga plano ko sa kanya. Pero something’s bothering me. Parang unti-unti ng nawawala ang galit ko sa kanya. Siguro dahil lang ito sa dami ng nainom ko kaya nagkakaganito ako.

“Aren’t you gonna sleep dude? Patayin mo na ‘yang ilaw, it’s blinding me,” Zach said while fixing his position.

Tumayo rin naman kaagad ako at pinatay ang ilaw, but I still can’t sleep. Nakaisip ako ng paraan kung paano paiyakin ‘yong Billy na ‘yon. I know girls are afraid of insects kaya siguro naman mapapaiyak ko na ‘yong nerd na ‘yon kapag hahagisan ko siya ng maraming insekto. And for that, kailangan kong gumising ng maaga para makakuha ako ng maraming insekto.

Kinuha ko ang cellphone ko para maka-research kung ano-anong insekto ang pwede kong makuha sa lugar na ito, but I failed. Nakalimutan kong wala palang signal sa lugar na ‘to.

“Di bale na. I’m sure naman na maraming insekto na umaaligid sa lugar na ‘to,” I whispered to myself.

Sinubukan ko ng ipikit ang aking mata para makatulog na ako. Then after a few minutes, dinadalaw na ako ng antok. Bago ako makatulog, nai-imagine ko na ang pagmumukha ni Billy na sumisigaw dahil sa takot. I can hear her screams like a sweet melody inside my head.

“Tomorrow will be the start of your worst summer experience Billy,”I said in my head. And then I slept with nothing but the urge to make her cry in front of me, making her tears fall down to my feet and make her beg for her life.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Billy And The Bully (Chapter 9)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.