Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. Matutuwa ba ako dahil mahal niya rin ako, o malulungkot dahil sa katotohanang aalis na siya? Kahit ako ay nagulat na iyon ang masasabi ko ngunit wala akong pinagsisisihan. Ang sigurado ko lang ay nagustuhan at minahal ko siya ng walang dahilan. Hindi ko inisip na mamahalin ko siya ngunit nangyari pa rin despite the fact that we haven’t met yet. Sa text lang kami nagkakausap at ang masaklap pa ay tatlong araw ko pa lang mula nung unang beses na makilala ko siya. Kahit ako mismo ay naguguluhan sa sarili ko pero anong magagawa ko kung iyon at iyon ang itinitibok ng puso ko?
Bilang ano? Bilang kaibigan lang?
Message sent.
Oo na, ako na ang pabebe but you can’t blame me. Malay ko ba kung paasa lang siya? Malay ko ba kung talagang bilang kaibigan lang ang pagtingin niya sa akin?
1 Message received
Kai
More than a friend
In that moment, para akong mababaliw na hindi ko maipaliwanag. Naghalo-halo na kasi ang tuwa, lungkot at kilig ko, to the point na nakangiti ako, gusto kong maglulundag sa kilig and at the same time naiiyak ako sa katotohanang aalis na siya and that breaks my heart. Ano pang silbi ng mahal ko siya at mahal niya ako kung iiwan niya rin ako? Pero ganoon siguro talaga ang pag-ibig, you should know how to take the risk. He is my first love, my unseen first love. Sino nga bang makakapagsabi na ang isang gaya ko na hindi naniniwala sa pag-ibig will suddenly fell in love to someone that I haven’t met yet. Katwiran ko nga, hindi naman mata ang nagmamahal, kung hindi puso ‘di ba? Kaya bakit kailangang makita muna ang isang tao bago mo malamang nagmamahal ka?
Kung pwede lang na ‘di ka umalis.
Kaso wala akong magawa.
Message sent.
1 Message received
Kai
Alis na ako.
Mag-text ka kapag may
cellphone ka na ha?
Message sent
1 Message received
Kai
Oo.
Promise?
Message sent
1 Message received
Kai
Promise.
Nayakap ko na lang ang unan ko sa labis na lungkot. Ngunit sa kabilang banda hindi ko rin maitago sa sarili ko ang kilig at tuwa na mahal din ako ng first love ko. Pero bahala na siguro ang tadhana sa amin. Kung kami, kami talaga hanggang sa huli.
Kinabukasan, nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa bintana. Tiningnan ko ang cellphone ko para malaman ang oras, tanghali na pala. Wala ring text si Kai. Marahil wala sa mood mag-text.
Good morning.
Message sent.
Ilang minuto rin ang lumipas at wala siyang reply. Siguro wala ng load, sa isip-isip ko. Nagtungo na ako sa banyo upang magmumog at maghilamos bago ako magpasyang bumaba. Pagkababa ko ay pagkain kaagad ang hinanap ng katawan ko. Anong magagawa ko kung nagugutom talaga ako? Isa pa naisip ko ang mga bilin ni Yuri bago siya tuluyang umalis kahapon.
1 Message received.
Kai
Ingat ka palagi. Alagaan
mo ang sarili mo.
Oo, I treasured every words he said. Napakahalaga sa akin ng bawat salitang binibigkas niya at ipinararating kahit na sa text lang iyon. Susundin ko siya, I’ll take good care of myself. Ayokong mag-alala siya sa akin.
Naupo na ako sa upuan sa harap ng lamesa at nagsimulang kumuha ng nilutong tocino at sinangag. Nakasanayan na kasi sa bahay na kanin ang laging agahan namin. Minsan namimiss ko na nga ang kumain ng pandesal. Mula kasi nang lumipat kami rito sa Cavite ay panay kanin na ang almusal namin. Dati naman noong nasa Malabon pa kami ay panay pandesal ang kinakain namin para sa agahan. Ewan ko ba kung bakit nagkaroon ng pagbabago? Siguro kasi hindi pa namin alam kung saan ang bilihan ng pandesal.
“Ang sama ng panaginip ko.” Napalingon ako sa kapatid kong kasalukuyang kumakain din nang mga oras na ‘yon.
“Ano na naman ‘yang panaginip mo?” tanong ko naman.
“Natanggal daw ‘yong ngipin ko,” tugon niya.
“Ikagat mo sa puno. Masama talaga ‘yong ganyang panaginip. Babala ‘yan na mag-ingat ka. Kaya ikagat mo sa puno para malipat daw sa puno ‘yong epekto sa’yo.” Ayon iyon sa kasabihan ng mga matatanda. Ewan ko lang kung totoo pero wala namang mawawala sa kaniya kung maniniwala siya.
Matapos kumain ay nakarinig ako ng mga palakpak mula sa labas.
“Tawag ka na nila Lee,” sabi ng kapatid ko kaya naman lumabas na ako at nagtungo sa malapit na court na itinayo lang ng kapitbahay namin.
Araw-araw isa na yata sa routine namin ang tumambay sa basketball court. Syempre naroon din na maglalaro kami at dahil mga bata pa sila at ako ang pinakamatanda syempre ako rin ang pinakamatangkad kaya ako ang rebounder at lagi lang ako sa ilalim ng ring. Nakakatawa nga e kasi kahit anong gawin nilang talon ‘di nila makuha ang bola. Ibang kaso na nga lang kapag kasali si Aya, ang nakatatandang kapatid ni Lee. Mark ang real name niya, pero dahil sa Aya ang tawag nila Lee sa kaniya ay nakigaya na lang din ako. Iyon pala, kuya pala ang ibig sabihin no’n sa chinese. May lahi kasing chinese itong sila Lee kaya gano’n.
Inabot din kami ng tanghali bago ko narinig si mama na sumipol.
“Pasok na ko. Kakain na yata kami. Kayo rin kumain na muna,” sabi ko.
“Sige maya na lang ulit. Mga 4 or 3 ng hapon,” sagot naman ni Lee.
At dahil magkapit bahay lang naman sila ni Ruther na isa rin sa kalaro namin ay nagpasya na silang sabay na umuwi. Samantalang si Patrick naman ay humiwalay na sa kanila at kumanan pagkarating sa kanto ng chrysanthemum. Sa kaliwa naman kasi sila Lee at Ruther.
Matapos mananghalian ay kaagad kong tiningnan ang cellphone ko. Wala pa ring nagte-text. Napakatahimik kapag hindi nagte-text si Kai. Pakiramdam ko may kulang sa araw ko kapag hindi tumutunog ang cellphone ko. Siguro nga tama si mama na naaadik na ako kaka-cellphone. Minsan nga hindi na ako nakakatulog ng maayos dahil kakadutdot ng cellphone ko kahit wala naman akong ka-text.
“Wala na talaga siyang load.” Pabagsak akong nahiga sa kama dahil sa sobrang antok. Kaso patulog na sana ako nang tumunog ang cellphone ko kaya kaagad ko itong dinampot.
1 message received
Kai
Kumusta?
Aba may load na siya. Sa wakas may ka-text na ako.
Ayos naman. Ikaw ba?
Message sent.
1 Message received
Kai
Ayos lang din. Kumain ka na?
Opo. Ikaw ba?
Message sent.
1 Message received
Kai
Tapos na rin.
Ay naku! Eto lang ang nakakainis kay Kai. Text ender talaga siya. Napapaisip tuloy ako kung ano ba dapat kong i-text sa kaniya para humaba naman ang chikahan namin. Lagi kasi siyang ganito mag-reply. Kung hindi matipid madalas text ender. ‘Yong text na masasabi mong tapos na kasi wala ng sunod na tanong. Nakakaasar.
May balita ka ba kay Yuri?
Message sent.
Nagbakasakali na lang ako na baka nga may communication pa rin sila.
1 Message received
Kai
Don’t worry. Ayos lang ‘yon.
Bumuntong-hininga ako dahil mukhang wala ring balita si Kai sa kaniya. Kamusta na kaya siya?
Oo naman. Si Yuri pa.
Message sent.
Nagkwentuhan na lang kami ni Kai sa bagong palabas ng channel 2. Hindi naman talaga ako nanonood sa channel 2 dahil nakasanayan kong sa channel 7 nanonood pero kapag cartoon kasi at anime okay na okay sa akin ang mga palabas ng dos.
Naglalaro ka rin pala ng Yu-Gi-Oh.
Message sent.
1 Message received
Kai
Oo. Ang astig kasi.
Napag-usapan namin ang kung anu-anong cards ang naroon sa larong ‘yon – mga spell cards, trap cards, summoning cards. Nakakatawa nga na nagkakasundo kami sa maraming bagay. Ang kulit lang isiping gusto rin ni Kai ang ibang bagay na gusto ko.
Gusto ko si Yugi. ‘Yong binatang
Yugi. Ang gwapo kasi.
Message sent.
1 Message received
Kai
Si Kaiba naman ang gusto ko.
Ang lakas kasi ng blue eyes
white dragon niya.
Ilang text pa ang ang napagpalitan namin bago sumuko ang cellphone ko at tuluyan na ring naubusan ng load kaya ang resulta tahimik na naman ang maghapon ko.
Mabilis lumipas ang mga araw. Isang beses sa isang buwan na lang ako bilhan ni mama ng call card na P300 para magka-load ako. Ganoon din si Kai, isang beses na lang din siya mag-load kaya lumalabas na 2 weeks na lang kami kung magka-text. Tipid-tipid na lang talaga kami sa pagte-text para tumagal ang usapan pati na ang buhay ng load namin. Sa mga panahong iyon, hindi rin nagmintis na kamustahin ko si Yuri. Miss na miss ko na siya pero habang tumatagal ay nasasanay na rin akong wala siya. Hindi na rin ako umaasang tutuparin niya ang pangako niya sa akin, ang pangako niyang babalik siya.
Sampung buwan ang mabilis na nagdaan, dating gawi, nasa labas ako kasama ang mga tropa ko habang naglalaro ng basketball.
“Pahinga muna,” sabi ni Ruther. Nakaramdam din sila ng pagod sa wakas.
Dinampot ko ang cellphone ko na nasa damuhan sa tabing kalsada nang mga oras na iyon. Hindi ko naman kasi pwedeng ibulsa habang naglalaro at baka malaglag mawalan pa ako ng cellphone.
May nag-text at dahil si Kai lang naman ang nagte-text sa akin ay alam ko na kaagad na siya lang iyon o kaya ang globe.
1 Message received
Kai
Hi
Ang tipid niya talaga mag-text nako pero sanayan lang siguro talaga.
Hello. Kumusta?
Message sent.
1 Message receive
Kai
Ayos naman din.
Dating gawi rin ay hindi ko syempre pinalampas na kumustahin si Yuri. Baka sakali nagkaroon na siya ng balita. Pakiramdam ko nga ay nagsasawa na siya sa akin sa katatanong ko sa kaniya about kay Yuri. Lagi na lang kasing si Yuri ang bukang bibig ko sa kaniya.
Kumusta si Yuri? May balita ka
na ba sa kaniya?
Message sent.
1 Message received
Kai
May gusto pala akong sabihin.
Tama bang hindi sagutin ang tanong ko? Pero may sasabihin daw siya, curiosity strikes my head.
Ano ‘yon?
Message sent.
1 Message received.
Kai
Promise mo muna hindi
ka magagalit.
Oo na promise. Hindi
ako magagalit.
Message sent.
And in that moment, tila tumigil ang mundo ko, bumilis ang tibok ng puso at umabot hanggang outer space ang ngiti ko nang magkaroon na ng resulta ang matagal kong paghihintay.
1 Message received
Kai
Ako at si Yuri ay iisa.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






One Response
Hahahhaa Sabi na e bwahahaha🤣🤣🤣