Bitter or Better 1: #FirstLoveSyndrome – Chapter 5: The Deal

I don’t know kung paano ako magre-react sa rebelasyon ni Kai. Matutuwa ba ako? Magagalit? Kikiligin? O aawayin siya? But in the end, puso ko pa rin ang sumagot sa lahat ng katanungan sa isip ko. Yes, my heart screams for joy dahil sa wakas ang matagal niyang hinintay ay bumalik na. Yuri is back but not as Yuri anymore but as Kai. Hindi nga ako namamalik-mata. Ilang beses kong binasa ang text ni Kai just to make sure that I wasn’t mistaken. Totoo ang lahat, si Kai at si Yuri ay iisa. Himbis na magalit ay naglulundag pa ang puso ko sa tuwa dahil never pala siyang nawala. Never niya akong iniwan. Kaya pala kampante siyang sabihing huwag akong mag-alala kasi Yuri is fine, don’t think about Yuri dahil malaki na ‘yon, kasi siya rin pala ‘yon. He never leaves me just a single bit.

1 Message received

Kai

Galit ka ba?

No. Hindi ako galit.

Masayang-masaya nga ako e

kasi hindi pala nawala si Yuri

sa tabi ko at bumalik siya

kagaya ng pangako niya.

Message sent.

1 Message received

Kai

Buti naman hindi ka galit.

Hindi ko kasi alam kung

paano sasabihin.

Thank you dahil tinupad

mo ang promise mo sa akin.

Message sent.

Dahil dun natigil ang paglalaro ko ng basketball. Napagpasyahan kong umuwi na ng bahay at doon ilabas ang kilig ko. Narinig ko pang tinawag ako nila Lee pero sinabi kong mamaya na lang kahit wala na akong balak lumabas. Nakakatawa lang na ganoon ako kakilig habang ka-text si Kai, kasi naman kaya pala ganoon na lang kabilis nahulog ang loob ko kay Yuri ay dahil sa katotohanang iisa lang pala sila. Natatawa na lang ako sa mga nangyayari. Para kasi akong nasa isang teledrama e, pang dramahan kasi ang datingan ng kwento ko.

Habang nasa kwarto ay naroo’t napapangiti ako ng sobrang lapad habang ka-text ko siya. Pero kahit ganoon ay parang nagdadalawang isip pa rin akong i-open sa kaniya ang mga nasabi namin noon – na mahal ko siya at mahal niya rin ako. Paano ko nga ba sisimulang itanong kung kababalik niya pa lang bilang si Yuri?

1 Message received.

Kai

Kakain muna ako.

Kumain ka na rin.

Opo. Eatwell.

Message sent.

Syempre, para sabay kaming kumain ay bumaba na ako at naghanap ng makakakain. Kahit hindi ko siya kasama at least the imagination is still there na kunwari magkasama kami at sabay na kumakain. Yes, para akong nababaliw. It was something like na pakiramdam ko nasa isang mala-fairy tale na mundo ako kung saan ako ang prinsesa at siya ang prinsipe ko. Hindi ko pa rin maiwasang kiligin habang kumakain.

“Hala! Nabaliw na siya. Bakit ka ngumingiti diyan?” tanong ng kapatid ko nang mapansin niya ang malapad kong ngiting halos umabot na hanggang kisame namin.

“Wala. May naalala lang ako,” tugon ko.

“Ano naman?” Minsan talaga ugali niya ang mang-urirat.

“Basta hahahaha!” Tumawa na lang ako para kunwari nakakatawa ang throwback memories sa utak ko kahit na ang totoo ay hindi naman talaga siya alaala kung hindi kasalukuyang nangyayari sa akin.

“Baliw!” tanging nasabi niya bago nagpatuloy sa pagkain.

Lumipas na ang maghapon at gabi na pero syempre magka-text pa rin kami ni Kai. Nonstop nga talaga. Ang kulit-kulit ko kahit na pakiramdam ko ay nababato na siyang kausap ako hanggang sa…

1 Message receive

Kai

Tungkol sa sinabi mo noon,

totoo ba ‘yon?

Biglang nanginig ang kamay ko, nag-aalala ako sa isasagot ko. Paano kung sabihin kong totoo ‘yon tapos joke lang pala sa kaniya? Paano kung sabihin niyang hindi niya naman talaga ako gusto? Ang daming negative thoughts ang pumasok sa utak ko but still I managed to answer him.

Totoo ‘yon.

Message sent.

1 Message received.

Kai

Ano bang nagustuhan mo

sa akin? Hindi pa naman

tayo nagkikita?

Kailangan bang makita muna

kita bago kita magustuhan?

Message sent.

1 Message receive.

Kai

Hindi naman.

Puso naman ang nagmamahal

hindi ang mata. At saka ‘di

naman kailangan ng dahilan

para magustuhan mo ang isang tao.

Basta mahal kita ‘yon ang

nararamdaman ko.

Message sent.

1 Message received.

Kai

I love you too.

Nang mabasa ko ‘yon syempre naglulundag ako sa kwarto. Nandoon pa at tumitili ako sa isip ko. Party-party ang mga paru-paro sa tiyan ko. Halos hindi ko alam kung paanong gulong ang gagawin ko sa kama ko sa sobrang kilig. Alam mo ‘yon, after all this 10 months na naghintay ako sa pagbabalik niya, sa wakas nabasa ko ulit na mahal niya akong talaga. The long wait is over.

Paano na tayo ngayon?

Message sent.

1 Message received.

Kai

Ganito pa rin. Bestfriends.

Pero ‘di ba, mahal mo ko tapos

mahal kita?

Message sent.

1 Message received.

Kai

Ganito muna tayo. Kung tayo,

tayo talaga.

Bumagsak bigla ang balikat ko sa sinabi niya. Ibig bang sabihin, ayaw niyang maging kami? Ayaw niya na maging girlfriend niya ‘ko?

Bahala na. Basta, I’ll make

you mine.

Message sent.

Wait! Tama ba ang sinabi ko? So ibig sabihin parang nililigawan ko siya? Teka, ako ata ang babae rito pero ewan ko ba hindi ko na ata naisip ‘yon dahil isa na lang kasi ang gusto ko, for him to be mine.

Napabuntong-hininga na lang ako sa isiping our feelings are mutual. Ganito pala ang pakiramdam ng ma-in-love. Kung alam ko lang na ganito kasarap sa pakiramdam ang ma-in-love sana pala noon ko pa sinubukan. Natawa na lang ako nang maisip kong paano ko pala susubukan kung ngayon ko lang naramdaman? Niyakap ko ang katabi kong unan bago tuluyang nilamon ng antok.

Kinabukasan ay kaagad akong bumaba dahil narinig ko na ang sigaw ni mama.

“Paulit-ulit ko na lang sinasabi sa inyo na huwag kayong mag-iiwan ng hugasin sa lababo pero daig ninyo pa ang mga bingi na hindi makaintindi!” Nagbubunganga na naman siya. Kasi naman naturingang may kasambahay nga kami pero ewan ko ba at nagtatambak pa ang hugasin.

“Ikaw naman senyorita, tanghali na! Tirik na ang araw!” Alam ko namang ako ang tinutukoy niya pero himbis na sumagot ay nanahimik na lang ako. Alam ko naman kasing mamaya huhupa na rin ang galit niya. Basta talaga may pinagmulan ang init ng ulo niya, damay-damay na lahat.

Good morning!

Message sent.

Pumasok pa ako sa banyo para lang mai-text si Kai. Syempre gusto kong maramdaman niya na special talaga siya sa akin at kilig na naman ako dahil feeling ko lagi niyang inaabangan ang text ko. Ang bilis niya kasi laging mag-reply e.

1 Message received

Kai

Same to you.

Lumabas na ako sa C.R. dahil baka mabungangaan pa ulit dahil sa pagtambay ko sa banyo. Naupo na ako sa bakanteng upuan sa harap ng lamesa at nagsimulang kumain. Buti na lang din at nakalatag pa ang platong para sa akin at ang ulam naman at kanin ay nakatakip ng pinggan. Hindi pa man ako nakakasubo ng kanin ay narinig ko na ang mahinang pagtunog ng aking cellphone. Malamang ay nag-reply na si Kai at dahil highblood pa rin ang aking butihing mama ay minabuti ko na lang na huwag muna itong basahin at simulan na lang ang pagkain. Nilagang baka ang ulam ngayon, kaya panigurado mahirap na naman tanggalin ang sebo nito sa plato. Hindi pa man nagtatagal ay nalalasahan ko na ang mamantikang nilalaman ng baka. Mabilis akong nakatapos dahil na rin sa sarap ng ulam at dahil sa pagmamadaling ma-reply-an kaagad si Kai.

Kaagad akong natungo sa kwarto at doon tumambay. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at nagsimulang magdutdot ng mga letra sa reply message nito.

Kumain ka na ba?

Message sent.

Ilang minuto rin ang lumipas bago siya nag-reply. Akala ko nga ay hindi na siya magre-reply pa ngunit umasa pa rin ako sa sagot niya at hindi niya ako binigo.

1 Message receive

Kai

Oo. Ikaw?

Tapos na. Katatapos lang.

Message sent.

As usual, dahil hindi na ako nagtanong pa ay hindi na siya nag-reply. Ganoong klase kasi siya ng tao pero once naman na nag-open ako ng topic ay kaagad naman siyang sumasagot sa mga text messages ko.

Lumipas pa ang mga araw hanggang sa abutin na kami ng dalawang buwan sa estadong M.U. o iyong tinatawag nilang Mutual Understanding. Walang humpay pa rin ang text fever namin ni Kai at habang tumatagal ay nakikita kong nagkakaroon ng improvement sa status naming dalawa until this day comes, ang araw na pinakahihintay ko sa lahat.

1 Message received

Kai

Anong ginagawa mo?

Nandito lang ako sa labas.

Walang magawa sa loob e.

Message sent.

1 Message received

Kai

Let’s make a deal.

Anong deal?

Message sent.

1 Message received

Kai

Kapag nag-away tayo ng

3 beses, break na tayo.

Ibig sabihin ba niyan

tayo na?

Message receive.

1 Message received

Kai

Oo

Sa sinabi niyang ‘yon ay nagtatatalon talaga ako sa kalsada at hindi ko alam kung paano ako magre-react kasi bonggang-bongga to the highest level ang kilig ko. Nandoon pa nga na hinampas ko ang poste, niyakap ang sarili ko, ngumiti na abot hanggang pluto. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang saya ko dahil after 1 year sa wakas, he is finally mine.



Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Bitter or Better 1: #FirstLoveSyndrome – Chapter 5: The Deal

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

3 Responses

  1. Haha natatawa ko Sayo rei Kasi napaglalaruan ka ni Kai/Yuri hahahahha Ang boring niya kausap puro same to you haha well iba iba Naman Ang tao e ibaba din pag approach sa kausap bwahaha

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.