Masayang-masaya ako na nararamdaman ang pagmamahal ni Kai. Napaka-sweet niya at bukod pa roon ay ramdam ko rin ang pagiging caring niya sa akin. Eventhough hindi pa kami nagkikita ay alam ko naman at sigurado akong mahal niya ako, beyond distance. Katunayan, ngayong mas malapit na ako sa kaniya ng lokasyon ay plano ko na talagang makipagkita sa kaniya para naman mas maiparamdam ko na seryoso ako sa kaniya. I am ready to face the consequences ng pagmamahal ko sa kaniya. Handa akong ipaglaban siya sa family ko kung kinakailangan. Ganoon ko siya kamahal.
Lahat sa akin bago. Etong nararamdaman ko, napaka-unique. Hindi ko akalain na sa tanang buhay ko ay darating pa rin pala ang time na maiin-love ako ng totoo sa isang tao, the sad part nga lang ay ang katotohanang hindi pa kami nagkikita ng personal but I am 100% sure that we have the same feelings, we do love each other.
Hi! Kumusta?
Message sent.
Minsan ang boring na talaga namin mag-usap kasi walang kamatayang kumustahan na lang pero ano nga bang magagawa ko? E ilang oras ko pa lang hindi nakakausap si Kai pakiramdam ko ay may kulang na kaagad sa akin kaya naman from time to time kinukulit ko talaga siya ng bongga kahit na minsan walang kakwenta-kwenta ‘yong mga text ko sa kaniya.
1 Message received.
Kai
Ayos naman. Ikaw?
Ayos lang din. Miss
lang kita.
Message sent
1 Message received.
Kai
Haha! Ka-text mo lang ako
kanina tapos miss mo na
kaagad ako?
Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ganoon na lang ang attachment ko sa kaniya. Nami-miss ko siya palagi kahit na lagi naman kaming magka-text at kung minsan pa nga kapag wala si Mama rito sa Sampaloc at umuuwi ng Cavite ay sa telepono ako tumatawag para mas mahaba ang kulitan at usapan namin. Bonus na lang na nakatitipid kami pareho ng load.
Ewan ko ba. Basta nami-miss
kita. Pakiramdam ko may kulang
sa araw ko kapag hindi kita
nakakausap.
Message sent.
1 Message received.
Kai
Ikaw talaga hehe!
I love you.
Message sent.
Ang sarap lang ulit-ulitin ng salitang ‘yon lalo na kung para sa taong mahal mo.
1 Message received.
Kai
Same to you.
Iyon nga lang hindi ko alam kung tinatamad ba siyang sabihin sa akin ‘yon ng buo kasi lagi na lang ‘same to you’ lang ang nire-reply niya. Favorite niya na yata ang word na ‘yon.
Dahil gabi na rin naman ay nagpasya na akong magsara ng tindahan namin.
1 Message received.
Kai
May friendster ka?
I kind of kinilig naman kasi pakiramdam ko, interested din siyang mas makilala ako in a way of asking my social media account. Kasi naman nandoon ako sa thinking na, why would he bother to ask kung wala naman pala siyang pakialam? Pero at some point, siguro baka talagang curious lang siya dahil halos lahat ngayon ay may Friendster na.
Oo meron. Ikaw?
Message sent.
1 Message received.
Kai
Meron din. Add mo ‘ko.
Sige. Pa-testi ha…
Message sent.
Sa unang pagkakataon nakausap ko siya sa Friendster. Sikat na sikat kasi ang social media na ito sa internet dahil sa testimonials na pwede mong i-post sa account ng taong natitipuhan mo. Maaari mo ring i-personalize ang account mo. Tuwang-tuwa pa nga ako noong unang beses na ginawa ko ang aking Friendster account at ayusin ito na parang nasa outer space ka. Black ang background at ang wallpaper niya ay mga stars. I really love stars, and any kind of heavenly bodies. Amaze na amaze ako tuwing makakakita ako ng new testi sa wall ko or should I say testimonials. Naroon at may mga stickers ng teddy bear na may hawak na heart. Meron pa ngang mga marquee words na gumagalaw pa papuntang kanan saying hello. Syempre gusto ko rin makatanggap ng testi kay Kai so I asked him one kaso hindi niya ako sinendan pero ngayon na ata ang pinakamasayang araw ko sa Friendster history ng buhay ko dahil sa wakas nakita ko na rin ang itsura ng pinakamamahal ko. Napakatagal na panahon na rin ang lumipas na magkakilala kami and yet ngayon lang ako nagkaroon ng chance makita ang itsura niya dahil ngayon ko lang din nalaman na may Friendster din pala siya. Oo na ako na ang late lagi mag-isip dahil ngayon ko lang naisipang itanong. I ran to the nearest computer shop to see his looks and I was like OH MY GOD! ANG GWAPO NIYA. Para akong pinagpala sa babaeng lahat dahil nagkaroon ako ng gwapong boyfriend na seryoso at bihira ngumiti. Matangos ang kaniyang ilong, may tamang pungay na mga mata, mapupulang labi at makinis na mukha. May katamtamang kapal din siya ng kilay na bumagay sa kaniyang mukha. Iyon nga lang gaya ng sabi ko bihira siya ngumiti.
[Talaga bang hindi ka
ngumingiti?]
[Hindi pero may picture ako
na nakangiti ako. First smile.
Pakita ko sa’yo.]
Kaagad niya namang isinend sa akin ang picture niya na nakangiti siya at ang masasabi ko lang hindi pa man siya nakangiti gwapo na siya, paano pa ngayong nakangiti siya? Grabe, as in sobrang kinikilig ako. Hindi ko alam pero makalaglag panty ang ngiti nga. Ultimo mga paru-paro sa tiyan ko ay parang naging kitikiti na sa sobrang kilig. Wala akong masabi. Para siyang si Adonis na hinubog sa perpektong pagkatao at itsura.
Gwapong boyfriend ✔
Sweet boyfriend ✔
Loving boyfriend ✔
Caring boyfriend ✔
Understanding boyfriend ✔
Ano pang hahanapin ko kung lahat nasa kaniya na? Para na akong tumama sa lotto. Pwede na nga akong mamatay kasi nagkaroon ako ng one of a kind boyfriend pero syempre joke lang ‘yon. Ayoko pang mamatay dahil gusto ko pa siyang makita sa personal at makasama nang mas matagal. Gusto ko pa na makatuluyan siya, pakasalan at magkaroon ng maraming anak na kasing gwapo niya. Oo, lahat na gusto ko basta siya ang kasama ko at wala na akong mahihiling pa.
[Piture ka naman ngayon
para makita kita.]
[Huwag na. Wala rin akong
hilig magpicture.]
[Sige na kahit isa lang. May
webcam ka naman hindi ba?]
[Ayoko.]
Hindi ko na lang siya pinilit. Alam ko naman kasing hindi siya magpapapilit sa akin. Isa pa, baka mamaya pag-awayan pa namin ‘yon. Kapag nagkataon magiging 2 down, 1 to go na lang ang drama ng deal namin ‘di ba? Ayokong mangyari na mag-hihiwalay kami dahil lang nag-away kami sa mga walang kwentang dahilan.
***
So, this is it pansit. Bukas mag-iisang buwan na nga kami. Ang bilis ng araw. Parang kailan lang nang masilayan ko ang kagwapuhan niya. Feeling ko ang ganda-ganda ko tuloy kahit na hindi naman. Ilang araw din kaming hindi nagkausap dahil siguro nawalan na siya ng load pero I don’t mind dahil alam ko namang kapag nagkaload siya ay kaagad siyang magte-text sa akin at kukumustahin ako.
Good morning!
Message sent.
Basta may load ako ay hindi ako nagmimintis ng kaka-text sa kaniya, mag-reply man siya o hindi. Siguro nakasanayan ko na rin na ganoon or siguro ganoon lang talaga siya kahalaga sa akin.
Nagbukas ako ng tindahan at pinagmasdan ang sikat ng araw. Araw-araw alas otso na ako nakakapagbukas dahil na rin sa katotohanang ang sarap matulog. Hindi rin naman nagrereklamo si Mama dahil late naman na rin ako nagsasara sa gabi.
“Pabili po.”
O ‘di ba? Hindi pa ako tapos magbukas at mag-ayos ng paninda may buyer na agad.
“Sandali. Ano ‘yon?” tanong ko.
“Cream silk pink,” sabi ng babaeng hindi katangkaran at may mahabang buhok. Mukhang kagigising lang niya.
“Eto o.” Pagkaabot niya ng bayad ay siya namang abot ko sa kaniya ng binili niya.
Inabot na ako ng tanghali ngunit hindi na nasundan ang bumili na iyon.
“Ang panget naman niya mag-buena mano,” sabi ko sa sarili. Idagdag mo pa na mainit ang panahon at walang text si Kai, nakakapang-init ng ulo. Aantukin ka na lang sa tumal ng araw na ito.
Naisip kong kutingtingin na lang ang cellphone ko at magbasa-basa ng text conversations namin ni Kai, pampa-good vibes man lang. Naroon at napapangiti ako sa kilig na bumabalik dahil sa matatamis na salitang ibinigay niya sa akin through text. Ang sarap sa pakiramdam na tumagal kami ng apat na linggo at bukas nga ang first monthsary namin. Naisip ko pa ngang gumawa ng love letter para sa kaniya. Natatandaan ko pa noong hiningi ko ang complete address niya noon just in case na susulatan ko siya or kapag ibibigay ko na ang regalo ko para sa kaniya. Malapit na rin naman ang birthday niya kahit na sa totoo lang ay sa August pa ‘yon at month pa lang ng May ngayon. Imagine isang taon na rin pala kaming magkakilala ni Kai. Bakasyon din noong unang ma-meet ko siya sa K.O.K. at ngayon eto kami at going great, going strong pero akala ko lang pala ‘yon.
1 Message received.
Kai
May sassabihin ako?
Kinakabahan pa ako nang mabasa ko ang text niya matapos ko itong tingnan nang tumunog ang cellphone ko. Is it some kind of surprise? Tama, marahil ay ganoon nga. ‘Di ba nga first month na namin bukas so, I think eto ang naisip niyang pakulo. Siguro sasabihin niya ulit sa akin ang magical 3 words.
Ano ‘yon?
Message sent.
Nakangiti pa ako habang tina-type ang reply ko sa kaniya. But then totoo nga, it is a one of a kind surprise. Nasorpresa talaga ako ng bonggang-bongga to the highest level sa nabasa kong text niya. Halos hindi ako makahinga sa sobrang pagkabigla. Hindi ko akalain na ganito siya kagaling sa pag-iisip ng kakaibang sorpresa. Tila may bumagsak bigla na atomic bomb sa kinatatayuan ko. How I wish ganoon na lang nga sana. Sana pinatay niya na lang ako. Sana mali ang nababasa ko. Sana mali ang lahat ng iniisip ko ngunit hanggang sana na lang ang lahat nang unti-unting bumagsak ang mga luha ko mula sa aking mga mata kasabay ng pag-asa kong magkikita kami at tatagal kami hanggang sa aming pagtanda.
1 Message received.
Kai
Let’s break up
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






3 Responses
Pero condolence sayo rei🤣😝
Haha dahil sa book na to namiss ko mga kalokohan ko hayskul days namin partida taga quezon province pa si hubby at kalokohan q pa siya that time nakakatawa lang isipin 🤣😝
Haha ikaw lang kasi nag eeffort haha palibhasa kami nun pag walang load ang isa loadan nalang para tuloy2 usapan vice versa bwahahaha kahit lokohan lang nung panahon na yun 2005 haha friendster fever pa kasi nun 🤣😝