Kaya ganon na lang ang ngisi ng lalaking kausap ni William ay may sinabi ito kay Daniella habang nag-uusap sila kanina bago pa dumating si William at maka-alis si Daniella.
“Kung ako sayo uuwi na ako at baka nakalimutan na niya na may usapan pala kayo ngayon.”
Tumingin si Daniella sa mga mata nito. “Baka na late lang siya kaya mga isang oras pa siguro saka ako mag-decide kung uuwi na ba ako.”
Umiling-iling ang lalaki. “Malapit na ang tanghalian. Uunahin mo pa ba siya kaysa sa sarili mo?”
Impit na ngumiti si Daniella. “Ganon na nga.”
“Naku hindi dapat ganon, hindi ang babae ang dapat maghintay sa lalaki lalo pa at nag-iisa ka lang delikado.”
Pinaningkitan niya ito ng mata. “Paano mo nalaman na lalaki ang hinihintay ko ngayon?”
“Hindi naman babae ang hinihintay mo ‘di ba?”
“Hindi.”
“Kaya lalaki nga siya.”
“Paano kung bakla pala ang hinihintay ko?” Nakataas pa ang dalawang kilay niya rito.
Ngumisi ang lalaki. “Lalaki pa rin ‘yon at kailanman hindi magiging pusa ang aso.” Kumindat pa ito kay sa kanya.
Pinatong ng lalaki ang siko niya sa lamesa at pinagsalikop ang mga kamay. “May crush ka siguro sa lalaking hinihintay mo?”
“W-wala,” inosenteng sagot niya.
“Sus kunwari ka pa. Hindi ka maghihintay ng halos tatlong oras kung hindi siya especial sayo.”
“Bakit parang ang dami mong alam?” inis na saad niya.
Tumawa ito ng mahina. “Kung alam mo lang, pero baka gusto mo ng tips mula sa akin para bigyan ng leksyon ang lalaking hindi sumipot sa usapan niyo.”
Tiningnan niya ito na parang nanghuhusga. “Tiyak akong matutuwa ka sa sasabihin ko kung susundin mo lang. Ano, gusto mo bang marinig ang suggestions ko?”
Nag-aalinlangan man ay pumayag na din siya. “Okay sige ano ba ‘yang suggestion mo?”
Ngumiti ito ng pagkalaki. “Maganda ‘to huwag kang mag-alala. Sabado ngayon ‘di ba?” Tumango siya.
“Sa pagpasok mo ulit sa lunes maging ibang tao ka.”
Kunot noo niyang tiningnan ito at nagtataka sa mga sinabi ng lalaki. “Paanong maging ibang tao ang sinasabi mo?”
“Ang kabaliktaran ng ugali mo. Ang mga ginagawa mo noon ay babaliktarin mo. Halimbawa masiyahan ka magiging seryoso ka ganon.”
“Ano naman ang magagawa no’n sa aming dalawa ni William?”
“Pakiramdam ko kasi ay lagi kang nanghihingi ng atensyon mula sa kanya,” seryoso nitong sagot.
Nanlaki ang mata niya. “Hindi ah!” Pagsisinungaling niya.
Umiling ito sa reaction ni Daniella. “Diyan pa lang sa reaksyon mo halata na, kaya bibigyan kita ng dapat mong gawin para makabawi man lang kahit paano. Pag pasok mo sa eskwelahan maging isang tahimik at seryoso ka munang tao. Noon na bumabati kaagad, ngayon ay dadaanan mo lang siya at walang gagawin na hakbang. Sigurado ako na magtataka ‘yon at hindi matitiis na siya ang unang gagawa ng hakbang para tanungin ka at kausapin.”
“Sigurado ka? Ang manhid no’n baka hindi rin tumalab sa kanya ang pag-iinarte ko.”
“Huwag kang mag-alala pag ako ang nagplano nagtatagumpay.” Pilyo pa itong ngumiti.
Nag-aalinlangan man siya sa suggestion ng lalaki dahil baka may emergency o sobrang late lang talaga si William, pero halos magtanghalian na ay wala pa rin ito kaya kung ano man ang dahilan ni William ay susundin niya kung ano ang sinabi ng lalaki bahala na kung ano ang maging resulta.
“Sige gagawin ko,” sang-ayon niya.
Ngumisi ang lalaki sa sagot niya. “Mabuti kung ganon.”
Tumayo na siya at inayos ang gamit niya sa mesa, pero habang sinisilid niya ito sa bag niya ay napahinto siya saglit. “Ano nga pala ang pangalan mo?”
“Tawagin mo na lang akong mushroom.”
“Mushroom?” litong pag-ulit pa niya.
“Oo.”
Nagkibit-balikat na lang siya sa weird na pangalan nito. Sinukbit na niya ang bag niya at handa ng umalis. “Aalis na ko. Maraming salamat at may naka-usap ako habang hinihintay siya.”
“Walang anuman.” Ngumiti si Daniella bago tuluyan na umalis. “Huwag naman sana na sa huli ikaw ang masaktan dahil masyado kang mabait,” sambit nito hanggang sa nawala na sa paningin ng lalaki si Daniella.
Nakauwi na sila William at Charice at ng na sa tapat na sila ng bahay ni William ay walang paalam itong bumaba na sinundan naman ni Charice kaagad. “William, sandali lang!”
Seryosong lumingon si William na may bahid na pagka-irita sa kanyang mukha. “Ano!”
“G-gusto ko lang sana na magpasalamat,” mahinang sagot ni Charice.
Bumuntong-hininga naman si William. “Puwede ka ng umuwi. Mag-ingat kayo sa daan.” At tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay si William.
Sa isip ni Charice, “Bakit ganon na lang ang reaksyon niya ng hindi niya nadatnan si Daniella sa plaza? May pagtingin na rin ba siya, pero hindi maaari. Umuwi ako dito, ayokong masayang ang effort ko dahil lang kay Daniella.” Muli niyang sinulyapan ang pintuan kung saan pumasok si William bago lumakad at sumakay na ng kanyang sasakyan at umalis.
Nasa kwarto na niya si Daniella habang nakaharap sa isang malaking salamin at kinakausap ang sarili. “Kailangan natin umakting Daniella,” kausap niya sa kanyang repleksyon sa salamin. Umarte siya ng seryoso ang mukha at mga matang parang walang interes sa kung sino man ang nagsasalita sinanay niya ang mukha niya na parang walang pakialam sa tao sa paligid.
Pagkatapos ng ilang minuto na ganon lang ang ginagawa niya ay bigla siyang napa-isip, “Ang hirap palang aralin magsinungaling kung hindi naman ‘yon ang totoo. Puwede silang maniwala at puwede ring hindi. Parang totoong alahas, palabasin mang totoo ang peke ay lalabas at lalabas rin kung ano nga ba ang tunay sa hindi.” Kumunot ang noo niya kalaunan at ginulo ang kanyang buhok. “Ano ba naman Daniella kung ano-ano na naman ang sinasabi mo nababaliw ka na!” sigaw niya.
Biglang kumatok ang nanay niya sa pinto ng kwarto niya. “Daniella okay ka lang ba may kasama ka ba diyan?!” tanong nito.
“Wala po nay!” sigaw niyang sagot.
“O kinakausap mo na naman ang sarili mo. Konti na lang ipapadampot na kita.”
Binuksan niya ang pinto ng kwarto niya. “Ano bang pinagsasabi mo diyan nay. Wala akong sakit.”
“Anak baka mamaya may problema ka na ayaw mo lang sabihin sa akin. Bakit naman ang sarili mo ang kinakausap mo ha? Hindi naman ‘yon sasagot.”
Nakanganga siyang tumingin sa nanay niya. “Nay ikaw ata ang baliw sa ating dalawa.” Agad naman siyang binatukan ng nito.
“Pag ‘yang repleksyon mo sa salamin ay nagsalita, sige ka.” Panakot pa ng nanay niya.
“Nay, naman!”
“Ano ba kasing ginagawa mo?”
“Nagpa=practice lang po akong umakting. May acting activity po kasi kami sa isang teacher namin.”
Tiningnan siya ng nagdududa nito. “Sigurado ka?” Tumango siya bilang sagot. “O siya pagkatapos mo diyan ay pumunta ka na ng kusina kakain na tayo.”
“Sige po.” Umalis na ang nanay niya at sinarado muli ang pinto ng kwarto at humarap muli sa salamin. “Humanda ka sa akin William,” seryosong saad niya sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





