Kinabukasan ay abala ang mga estudyante sa kani-kanilang mga ginagawa para sa project na ibinigay ng teacher nila para sa art noong isang linggo kaya may kanya-kanyang mga dalang lapis, bond paper, color, water color ang mga kaklase ni Daniella.
Habang abala ang mga estudyante sa kanilang mga drawing. Si Daniella ay nakatulala lang kaya napansin ito ni Bree. “Hoy! Daniella. Bakit hindi ka pa nag-uumpisa? Kailangan matapos ang project na ‘to ngayon din.”
Bumuntong-hininga siya. “Wala akong maisip na subject na drawing kaya nakatulala ako. Nag-iisip ako kung ano.” Habang ang mga kamay ay na sa kanyang baba.
Kumunot ang noo ni Bree. “Ang daming puwede subject, puno, bulaklak, bahay at iba pa.”
“Patingin nga ng sayo.” Sumilip siya sa bond paper ni Bree at nakita niya na isang bulaklak na rosas ang drawing nito.
Bumalik siya sa pagkaka-ayos ng upo. “Sigurado ako na karamihan sa atin iisa lang ang drawing katulad ng sa iyo.”
Umingos si Bree. “At least meron. Ikaw nga kahit tuldok wala ka pa diyan sa bond paper mo.”
“Huwag mo kong alalahanin ipagpatuloy mo na lang ‘yang drawing mo habang nag-iisip ako,” saad niya habang mahinang pinapatama ang lapis sa desk.
Ilang minuto na ang nakalipas ng hindi pa rin talaga kumikilos si Daniella at sa hindi malamang dahilan ay tumingin siya sa gawi ni William habang abala ito sa pag-drawing. Biglang tumigil ang pagpapatama niya ng lapis sa desk niya ng may pumasok na sa isip niya. Mabilis siyang kumilos at nag-drawing at sa bawat pagkilos ng kamay niya ay parang kabisado na niya kung ano ang detalye dahil hindi na siya gumagamit ng pambura kahit isang beses ay hindi siya nagkamali. Hindi na siya gumamit ng anumang pangkulay tanging lapis lang.
Tumingin ang teacher nila sa orasan sa pader at ilang minuto na lang ay matatapos na ang oras ng klase niya. “Okay class finish or not finish pass your work with your name.” Ang iba ay nagrereklamo pa, pero si Daniella ay kalmado lang na pinasa ang kanyang bond paper sa teacher nila.
Nag-umpisang i-check ng teacher nila ang drawing pero nagtagal ilipat muli ng teacher nila ang mga bond paper at doon siya nagtaka. “Mukhang meron sa inyo ang may talent sa arts.”
May isang estudyante ang nagsalita. “Sino po ma’am? Puwede pong makita ang gawa niya?”
Iniharap sa kanila ang drawing na babaeng nakatalikod na parang naglalakad sa kalsada at tama nga ang teacher nila ang ganda ng drawing. “And kay William itong drawing.” Namangha ang kaklase niya. Sino bang hindi, bukod sa matalino ito magaling pang mag-drawing.
Ibinaba na ng teacher nila ang bond paper ni William. “Pero may isa pa.” Biglang saad ulit nito. “Ang galing din niya dahil mas mahirap ito, sa maliliit na detalye pa lang ng drawing ay mahirap na kung wala talagang talent, pero siya ang dali lang niyang na drawing ‘to.”
Naghihikab pa si Daniella habang itinaas ng teacher nila ang mismong drawing niya. Isang necklace ito, at ang drawing sa bond paper ay ang necklace na balak niyang iregalo kay William na may pendant na letter D at isang singsing. “Ito naman at kay Daniella.” Tumingin sa kanya ang teacher nila. “Ang galing puwede ka ng maging isang sketchers para sa mga jewelry, Daniella.” Ngumiti pa sa kanya ito.
Siya naman ay ngumiti lang sa kanilang teacher pero nahihiya siya sa papuri nito. Lumapit si Bree sa kanya. “Akala ko ba wala kang maisip na i-drawing, pero tingnan mo ang galing mo pang mag-drawing ba’t hindi ko alam ‘yon?”
Ngumiti siya. “Madalang ko lang ilabas ang talent ko sa pag-guhit kaya hindi mo alam, kahit ilang taon na tayong magkaibigan.”
“Kainis ka! Nakita mo ba ‘yung drawing mo ang ganda-ganda. Siguro naman last na paglilihim mo sa akin ‘to.” Pagbabanta pa ni Bree.
Mas nilakihan pa niya ang ngiti para kay Bree. “Promise last na ‘to at kung meron man sasabihin ko na agad.”
Ngumiti naman sa kanya si Bree bago bumalik muli sa ayos ng pagkaka-upo. “Okay class sa susunod na klase ko na lang ibibigay ulit itong mga drawing niyo with score wala na akong oras para i-check lahat. Hintayin niyo na lang ang susunod niyong teacher.” Kinuha nito ang lahat ng gamit sa table at lumabas na ng classroom nila.
Si Charice naman ay hindi matanggap na hindi nabigyan ng papuri ang drawing niya kaya palihim siyang tumingin ng masama sa likod, kay Daniella.
Tanghali na at tapos ng kumain sila Daniella ng biglang sumakit ang tiyan ni Bree kaya nagpa-alam ito na pupunta ng C.R. Siya naman ay lumabas ng canteen at naglakad-lakad at napadpad siya sa court kung saan may naglalaro ng basketball. Huminto siya saglit at pinagmasdan ang mga naglalaro. Habang siya ay nasa labas na may screen na nakaharang.
Sa sobrang focus niya sa naglalaro ng basketball, hindi niya napansin na may tumabi sa kanya at nanuod din. “Kumusta ang pagpa-practice mo?”
Nagulat siya ng may biglang nagsalita kaya nilingon niya ito kaagad at nakita niya si William. Noong una nagtaka pa siya kung bakit ito naroon pero kalaunan ay sinagot na lang niya ang tanong nito. “Okay naman.” At hindi na nasundan pa ang pag-uusap nila ulit.
Napag-desisyonan na niyang umalis at iwan na lang si William ng walang paalam pero. “Galit ka ba?” bigla nitong tanong.
Napahinto siya pero nakatalikod na siya kay William. Bumuntong-hininga siya. “Hindi,” sagot niya.
“Bakit iba ata ang kinikilos mo simula ng hindi ako dumating agad noong nakaraang na sabado?”
Napapikit siya. “Magiging artista lang sana ako ng ilang araw sana, pero nagbago ang isip ko ng malaman kong si Charice ang kasama mo no’n,” saad niya sa isip at hindi niya sinagot gamit ang bibig. “Akala mo lang ‘yon,” sambit na lang niya kay William at lalakad na sana ulit pero muli na naman itong nagsalita.
“Hindi ko alam na may talent ka pala sa arts?”
Halos ihahakbang pa lang niya ang paa niya. “Ano ba naman ‘tong si William mukhang na miss ata ako. Sa pagkaka-alam ko wala naman siyang paki-alam sa akin,” saad niya sa sarili. “Hindi mo kasi tinanong kaya hindi mo alam,” pilosopo niyang sagot.
“Bakit hindi mo sa akin sinabi kung ganon? ‘Di ba lahat naman ay sinasabi mo sa akin noon.”
Napapikit na lang siya dahil hindi matuloy-tuloy ang pag-alis niya, kaya naman humarap siya at handa na sanang sagutin ito ng may halong inis nang napahinto siya sa gulat.
Si William kasi ay naglakad na pala papunta sa likuran niya habang nagsasalita, kaya naman halos dalawang dangkal na lang ang pagitan nila. “Mukhang sumusuko ka na ata sa akin,” saad ni William.
Naging mailap ang mata niya dahil hindi niya kayang tingnan ito sa mata. Hindi na rin siya nagsalita. “Subukan natin kung wala na talaga.”
Biglang inilapit nito ang mukha sa kanya na ikinagulat niya kaya napa-bend ang katawan niya at ngumiti pa sa kanya at doon na siya nawalan ng balanse at napa-upo. “Sinong may sabing lumapit ka ng gano’n kalapit ha!” reklamo niya.
“Sinubukan ko lang naman kung wala na talaga. Hindi ko naman alam na ganyan ang magiging reaksyon mo.” Ngumisi pa ito sa kanya bago tumalikod na may ngiti sa labi.
Hindi makapaniwala na sinundan niya ng tingin si William. “Saan niya natutunan ang mga moves na ‘yon? Nakakainis paninindigan ko na sana ang pagiging best actress ko tapos—grrrh.” Gigil siyang tumayo at lumakad na sa direksyon kung nasaan ang room nila.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






One Response
Mga da moves ni W ehh 🤣