Book of Fate

Book of Fate (Chapter 34)

Nang nakalabas na ng tuluyan sila Daniella ay isang palakpak ang ginawa ni Bree. “Bakit?” tanong niya.

 “Tumatapang ka na ha, gusto ko ‘yan. Ayoko na ikaw ang nagiging talunan sa inyong dalawa.”

 Bumuntong-hininga siya. “Kailangan ko rin minsan maging matapang dahil kung hindi ko gagawin ‘yon ay iisipin nila na kaya nila akong wasakin sa simpleng salita lang. Gusto ko once na makita nila ang aura ko na ‘yon ay alam na nila na hindi na dapat sila magsimulang magsalita ng masasakit dahil pag binato nila ako ng bagay gagawin ko siyang pananggalang para may silbi naman.”

“Matalino ka nga masyadong malalim ang mga salita mo na kung hindi iintindihing mabuti magmumukha kang walang utak.”

 Ngumiti siya. “Sabi sayo matalino talaga ako hindi ko lang talaga nilalabas dahil baka maubos.”

 Tumatawa ang dalawa habang naglalakad papunta sa garden, pero sumulpot naman si William na ikinagulat ng dalawa. “Ay!” Sabay tingin sa gilid niya. “Ano ka ba naman William, bakit bigla ka na lang sumusulpot?” saad niya.

 “Puwede ba tayong mag-usap sandali.”

“Hindi pa kami nagmemeryenda ni Bree, bakit tungkol saan ba ‘yon?”

 Lumipat ang tingin ni William kay Bree. “Puwede bang ikaw na lang ang bumuli para kay Daniella, kumain kayo habang nag-uusap kami.” Ngumiti ng maliit si William kay Bree.

 “A..e.. okay sige. Alis na ko,” nakangiting saad ni Bree dahil madalang lang siyang kausapin rin nito at may bonus pa kahit maliit na ngiti.

 Si Daniella naman ay nakakunot na ang noo. “Bakit sa akin hindi mo pinapakita na ngumingiti ka?” tanong niya kay William.

 “Nakita mo na, kinalimutan mo na siguro ang araw na ‘yon. Sumunod ka sa akin.” Nag-umpisa ng maglakad ni William sa garden na may mga upuan.

 Pero nakatayo pa rin siya. “Kailan ba siya ngumiti sa akin hindi ko na maalala.” Sumunod na siya kay William habang inaalala ang araw na ‘yon.

 Umupo siya sa tapat na upuan nito. “Ano ba yung sasabihin mo?”

“Tungkol sa tutoring.”

 “O, anong tungkol do’n?”

 “Tuwing sabado ulit ay magkikita tayo sa plaza para sa tutoring mo. Wala ka ng dahilan para hindi pumunta.”

 “Wow sa akin pa talaga niya sinabi ‘yon, e siya ang may atraso sa akin nitong huling pagtu-tutor niya dapat,” bulong niya.

 “Narinig ko ‘yon,” saad ni William.

 Ngumiti naman siya na hindi na makita ang mata. “Narinig mo ba, buti naman,” pang-asar niyang saad.

 Dumating naman si Bree na may dalang biscuits at tubig na nasa bote. Mga apat na biscuits rin ‘yon dahil may balak alukin ni Bree si William. “William ohh, tinapay baka gusto mo.” Nasa ibabaw kasi ng lamesa ang mga plastik na may lamang biscuits.

 Kukuha na sana si William, pero sabay silang humawak sa isang plastik ng tinapay ni Daniella, kaya napatingin si Daniella kay William habang nakahawak pa rin sa plastik ng tinapay.

“Bitawan mo,” saad niya.

“Ito ang gusto ko, kaya ikaw ang bumitaw.”

“Nauna kang lumabas ng classroom kanina, so kumain ka na kaya bitaw!”

 “Gutom pa rin ako, saka inalok naman ako ni Bree, kaya okay lang na kumuha ako.”

 Sinamaan naman niya ng tingin si Bree na kumakain na habang pinapanuod silang mag-away sa isang biscuit eh halos dalawa pa ang nasa lamesa dahil isa lang ang kinuha ni Bree.

“Gusto ko rin ‘to, iba na lang ang kunin mo. May dalawa pa dito.”

 “Ayoko ng ibang tinapay ito lang ang gusto ko.”

 “Bitawan muna, akin ‘to!”

 “Hindi sa akin ‘to.”

 Halos mapangiwi na lang si Bree sa tunog ng tinapay sa loob ng plastik sa sobrang diin ng pagkakahawak ng dalawa, kaya naman kinuha na lang niya ito na kinagulat ng dalawa. “Sa akin na lang ‘to halos durog na ‘tong tibapay sa pag-aagawan niyong dalawa. Kaya ito ang sayo Daniella at ito naman ang sayo William.” Inabot niya ang natitirang biscuits sa dalawa para hindi na ito mag-agawan at tuluyang hindi makakain sa ginagawa nilang dalawa.

 Pero habang binubuksan ni Daniella ang sa kanya ay nakatingin siya ng masama kay William na ngayon ay kinakain na ang binigay ni Bree. “Hoy! Ikaw. Akala mo okay na tayo. Hindi pa, kaya huwag kang feeling close sa amin ni Bree.”

“Talaga? Akala ko okay na tayo simula ng nagkita tayo sa labas ng basketball court, napaupo ka pa nga dahil hindi mo kinaya ang presensya ko.” Maangas itong tumingin sa kanya.

 Nanlaki naman ang mata niya. “Nawalan lang ng lakas ang mga paa ko,” palusot pa niya pero nagawi ang tingin niya kay Bree na ang tingin sa kanya ngayon ay parang nanghuhusga.

“Pero ang alam ko dahil ‘yon sa pagla—” Hindi na natuloy ni William ang sasabihin niya dahil nagsalita agad si Daniella. “Tapos ka ng kumain puwede ka ng umalis.”

 Mukhang curious naman si Bree sa sasabihin ni William kaya tinanong niya ito. “Ano ‘yon William? Pagla—”

“Paglalakad kaya ganon ang nangyari,” sabat niya.

 “Bakit parang hindi naman ‘yon ang sasabihin niya?”

 Pinanlakihan niya ng mata si Bree. “Bakit mas marunong ka pa sa akin, e sa akin nangyari ‘yon.” Lumipat ang tingin niya kay William na nakatingin pala sa kanya. “Bakit?”

 Kinuha nito ang bottle water niya na nasa harap na nakapatong sa lamesa bukas na ito at nakainom na siya ng konting tubig, pero hindi naman niya inaasahan na doon din ito iinom sa mismong bottle water niya. Balak na sana niya itong pigilan sana pero nailapit na nito ang bibig sa bunganga ng bote.

 Tahimik na lang na pinanuod nila Daniella na uminom si William na halos kalahati ang nabawas sa tubig. Pagkatapos uminom ay binaba niya ulit ito sa harap ni Daniella na hindi na gumalaw habang bahagyang nakanganga ang bibig.

” Thank you!” saad ni William bago tumayo at tuluyang umalis.

 Natauhan naman siya at hinawakan ang bote. “Uminom ba talaga siya sa bottle water ko?”

“Oo at naghalo na ang laway niyong dalawa sa bote na ‘yan,” sagot naman ni Bree. “O huwag kang makangiti ng ganyan, Daniella, akala ko ba galit ka pa sa kanya pero uminom lang sa tubig mo ay parang nakakain ka na ng asukal.”

“Sa ngayon hindi muna ko galit ibabalik ko na lang ulit.” Ngumiti na naman sa harap ng bote. Umiling na lang si Bree sa pag-iiba ng mood niya.

 Samantala sa office ng adviser nila Daniella ay may isang teacher na lumapit rito. “Teacher May, ito ang record ng batang magiging estudyante mo pansamantala.”

 Kunuha ito ni Teacher May at binasa ang details tungkol sa estudyante. “Alexander Montemayor, 17 years old, at mukhang mayaman ang mga magulang nito. Ceo ng isang company ang kanyang ama at may sariling sikat na clothing line ang ina niya.” Pagkatapos basahin ang lahat ng record details ng estudyante ay itinabi na nito ang file sa kanyang drawer.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Book of Fate (Chapter 34)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.