Tumayo na si Alexa at magpapa-alam na kay Victor. “Maraming salamat po ulit na naka-usap ko kayo ngayon, pero kailangan ko na pong umalis.”
Maging si Victor ay tumayo na rin. “Mag-iingat ka at sana ang kwento mong ginagawa ngayon ay maging matagumpay na.”
Ngumiti siya at naglakad na paalis. “Meron ng pumasok sa isipan ko na susunod na kabanata at isusulat ko na siya lahat hanggang sa wakas,” saad ni Alexa at tuluyan ng nakalayo sa park.
Nang nakarating na siya at pumasok sa kwarto niya. Umupo siya sa upuan at tiningnan ang libro. “Mukhang pagsusulat ang gagawin ko ng ilang araw, kaya maglalaba muna ko ng damit, maglilinis ng bahay at tingnan kung sapat na ba ang stock ko ng pagkain para hindi na ako maistorbo pa.” Tumayo siyang muli at hinanda ang mga damit na kailangan ng malabhan sinama na rin niyang labhan ang damit ni Lexie na naiwan na marumi pa.
Halos dalawang araw na hindi nakapagsulat si Alexa, pero ang character niya sa libro ay may kalituhan ng nagaganap, kaya habang hindi nagsusulat si Alexa sa libro ay walang nagkokontrol sa kanila.
Ito ang nangyari pag hindi nagsusulat si Alexa sa libro. Si William na hindi pinapansin si Daniella, si Daniella na ginagawa pa rin ang dati niyang ginagawa pag gusto niyang magpapansin kay William at ibang-iba ang ugali nito kaysa sa tuwing nagsusulat sa libro si Alexa dahil ang sinulat ni Alexa na attitude ni Daniella ay isang matapang pero mabait, pero kabaliktaran pag wala ng nagkokontrol dito. Isang childish na estudyante si Daniella na hindi kayang ipagtanggol ang sarili dahil na sa tabi naman niya si Bree na laging nandiyan sa tuwing may gustong umaway kay Daniella. Si Charice na dapat nasa ibang bansa talaga at hindi umuwi kung nasaan si William. Ang mga nangyayari na hindi dapat sa tuwing sumusulat si Alexa. Ibig sabihin ang napiling character ni Alexa sa libro ay sadyang magkakakilala na, pero ng nahawakan at sumulat siya sa mahiwagang libro ay nagulo na ang takbo ng buhay ng mga ito, kaya dapat ng matapos na ang kwento ni William at Daniella ni Alexa, para walang kalituhan pagdating sa hinaharap.
Halos pagod pa si Alexa sa ginawang general cleaning sa buong bahay, pero sadyang gusto na niyang matapos ang istorya niya at subukan na mag-apply muli, pakiramdam niya kasi ay matatanggap na ito, kaya wala na siyang sinayang na oras at hinawakan muli ang panulat at nagsimula ulit igalaw ang kanyang kamay.
Sa ilang araw na pamamalagi ni Alexander sa eskwelahan ni Daniella ay laging nakamasid si William at ginagawa niya ito ng palihim, pag kasama na ni Daniella si Alexander ay doon na papasok sa eksena si William kahit pa puro bangayan ang nangyayari sa pagitan nila ni Daniella.
Ngayon araw ay may project na dapat gawin sila Daniella at dapat ay by partner ito. Bumunot ang mga babaeng estudyante sa isang box na may pangalan ng mga lalaki nilang kaklase at kung sino ang nabunot ay ‘yon na ang partner nila.
“Okay class sabay-sabay niyong buksan ang papel at huwag muna kayong maingay, maliwanag ba?”
Sumagot ang mga estudyante at nagsimula ng buksan ang papel. Si Daniella ay si Alexander ang nabunot, pero binaba niya muna saglit sa desk niya ang maliit na papel. Nakita ito ni Bree na si Alexander ang magiging partner ni Daniella, si Bree naman ay ang nabunot ay si William. Habang hindi nakatingin si Daniella ay kinuha ni Bree ang papel sa ibabaw ng desk nito at pinagpalit ang papel, pero ang papel na nakasulat ang pangalan ni William ay sinadya niyang ihulog sa sahig para hindi siya paghinalaan ni Daniella. Ngayon ang hawak na papel ni Bree ay ang pangalan ni Alexander, nagkunwari siyang nakatingin sa ibang estudyante ngayon. Si Daniella naman ay akma ng kukunin muli ang papel sa ibabaw ng desk niya ng hindi nakatingin ay kumunot ang noo niya ng wala siyang mahawakan na papel kaya binaling niya ang tingin sa ibabaw ng desk pero walang papel na naroon.
Naramdaman na ni Bree na hinahanap na ni Daniella ang papel kaya patay malisya na lang ang ginawa niya. Yumuko si Daniella at hinanap ng hinanap ang papel at nakita niya ito sa paa ng upuan niya na malapit ng hindi makita. Kinuha niya ito at binuksan muli, pero nagsalubong ang kilay niya ng hindi Alexander ang nakasulat sa papel.
Sa isip niya, “Alam ko ay Alexander ang nabunot kong pangalan, paanong naging William?” Lito niyang tanong sa sarili, kaya naman kinalabit niya si Bree para magtanong. “Bree sino ang nabunot mo?”
“Hindi ko pa alam, hindi ko pa binubuklat e,” pagsisinungaling ni Bree.
“Patingin nga ako kung sino ang nabunot mo.” Ibinigay naman ito ni Bree at nagtataka siya kung bakit Alexander ang na sa papel nito.
“Bakit?” tanong ni Bree.
“Kanina kasi ng binuklat ko ang papel kong nabunot ay Alexander ang nakasulat, pero bakit naging William?”
Kumunot ang noo ni Bree. “Paanong magiging Alexander? Ako ang nakabunot sa kanya. Ikaw pa nga ang nagbuklat ng papel kong nabunot,” mas lalo pa niyang pinagbuti ang pag-arte na wala siyang ginawa sa mga papel.
“Pero kasi—” Hindi na siya pinatapos ni Bree na magsalita. “Namalikmata ka lang siguro Daniella, ayaw mo bang partner si William?”
“Gusto rin naman pero nagtataka lang ako sa papel.”
“Huwag mo ng alalahanin kung ano ang nakita mo dahil baka unang tingin Alexander pero William pala,” palusot pa ni Bree kahit ang layo ng Alexander at William sa spelling at sa first letter, pero pinanindigan niya ang ginawa niya.
“Baka nga,” sagot na lang niya kay Bree.
Nagsalita muli ang teacher nila, “Ang project niyong gagawin ay puwedeng bahay o ano pa man ang gusto niyong design na gagawin. 2 weeks niyo naman siyang puwedeng gawin kaya mahaba ang araw niyo. Pagkatapos ay ipapasa niyo na sa akin.”
“Yes ma’am.”
“Puwede na kayong lumapit sa partner niyong lalaki para mapag-usapan niyo na ang gamit na gagamitin niyo. Huwag lang kayong masyadong maingay, dahil may gagawin ako.”
Si Bree ay hindi na tumayo dahil na sa harapan lang naman ng desk ni Daniella si Alexander, saka may nakaupo sa tabi nito kahit pa tig-isa sila ng upuan. Ang ilan ay katabi na ang kanilang partner, pero si Alexander at William ay wala pang pumupunta sa kanilang dalawa. Napansin ito ni William at binalingan ng tingin sila Daniella, si Bree at Daniella na lang ang hindi pa tumatayo kaya naisip ni William na isa sa kanila ang nakabunot ng pangalan niya.
Lumingon si Alexander at nakita silang dalawa ni Bree ang wala pang pinupuntahan na partner. “Daniella ako ba ang nabunot mo?” tanong ni Alexander.
Tumaas naman kilay ni Bree. Isang iling lang ang sinagot ni Daniella at tinuro si Bree. Tumingin naman ito kay Bree. “Ikaw pala, wala naman na ‘yong katabi ko puwede ka ng lumipat dito para pag-usapan ang project,” mahinahon na saad ni Alexander.
Ayaw sanang tumayo ni Bree pero isang pasimpleng kurot ang natanggap niya mula kay Daniella, kaya tamad na tumayo at lumapit kay Alexander nang biglang may umupo sa upuan ni Bree.
“Bakit nandiyan ka?” tanong niya kay William.
“Lahat na meron ng partner pati na rin si Bree, kaya tayo ang magka-partner ngayon.”
“Paano mo nasabing ikaw ang nabunot ko?”
Kinuha nito ang papel sa palad niya. “O ito ebidensya at hawak mo pa, huwag mo ng tangkain na magsinungaling.”
“Okay sige na ikaw na ang nabunot ko. Anong material ang gagamitin natin sa paggawa ng bahay?”
“Popsicle stick ang gagamitin natin.”
“Anong klaseng bahay ang gagawin natin.”
“Palasyo.”
Nanlaki ang mata niya. “Ano!” bahagyang napalakas ang sigaw niya buti na lang busy ang kaklase niya at teacher nila kaya hindi nito napansin. “Ang hirap naman ng naisip mo dpaat nga simple lang at maliit e.”
“Ako ang masusunod sa ating dalawa kaya wala ka ng magawa.”
“Bakit ikaw lang ang masusunod sa ating dalawa, dapat parehas tayong magdesisyon.”
Tiningnan siya nito sa gilid ng mata. “Ikaw anong naiisip mo?”
“Simpleng bahay lang puwede na, kahit walang bintana,” mayabang pa niyang suggestions.
“Sa tingin mo magkakaroon tayo ng mataas na score kung susundin natin ang gusto mo?”
Lumikot ang mga mata niya at nag-isip ng mabuti. “Sa tingin mo rin ba magkakaroon tayo ng mataas na score sa sobrang hirap ng gusto mo?” Pinaningkitan pa niya ito ng mata.
Ngumisi ito. “Basta ba maganda ang kinakalasan ay sigurado ako, at saka kung marunong kang gumamit ng glue sa pagdidikit ng popsicle stick.”
Tiningnan niya ito ng hindi makapaniwala. “Anong akala mo sa akin hindi marunong gumamit ng glue?”
“Oo,” saad ni William na seryosong nakatingin sa harapan.
Kinuyom niya ang kanyang kamay. “Hintayin mo ipapakita ko ang galing ko sa arts kahit pati ‘yang kilay mo kaya kong pag-isahin gamit ang glue,” bulong niya at mabigat na ang paghinga niya.
May sumilay na munting ngiti kay William sa narinig niya mula kay Daniella, pero bigla rin nawala.
“Sabado at linggo na tayong magkikita, isasabay ko na rin ang tutoring sayo dahil matagal rin gumawa ng isang palasyo.”
Sa isip niya, “Pag talaga kami hindi nakatapos sa palasyong sinasabi niya, bahala na siya sa buhay niya. Parehas kaming may zero score pagnagkataon.” Umiling-iling siya.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





