Lunes na at nakita ni Daniella si Bree na nakakunot na agad ang noo sa harap ng isang papel na hawak niya.
Tuluyan na siyang pumasok sa loob at tinanong si Bree. “Ang aga nakakunot na agad ‘yang noo mo. Ano ba ang meron sa papel na ‘yan?”
May kalakasan ang pagbaba ni Bree ng papel. “Ang dami nating gagawin dumagdag pa ‘tong island tour na ‘to meron pa tayong sports fest.”
Kumunot ang noo niya. “Island tour?”
“Oo magkakaroon tayo ng tour sa isang island at meron pang activities na gagawin, bago pa tayo makapagpasyal sa island na ‘yon.”
“Sosyal naman sa isang island ang tour. Akala ko sa isang mall lang.”
Padaskol na tumingin sa kanya si Bree. “Kahit ikaw mismo kaya mong pumunta sa mall Dan, at elementary lang ang merong tour na ganon.”
“Bakit puwede naman, pero sa island tour sigurado akong mahal ang ibabayad lalo pa’t may activity pala tayong gagawin doon.”
“Kaya nga, bakit ganitong ilang buwan na lang ang pasukan ang dami nating kailangan gawin at gastusin.”
“Mag-enjoy ka na lang , tutal last year naman natin ‘to bilang isang high school student.” Nakangiti siya habang nakatingin sa kawalan. “Ang sarap siguro lumangoy sa dagat tapos makikita yung ilalim tapos may mga isda na makikita sa pinaka-ilalim ng tubig.”
“Huwag mo ng balakin na pumunta ng ilalim ng dagat at baka hindi ka na maka-ahon dahil kinuha ka na ng pamilya mong isda.”
Nakakatakot na tingin ang binigay niya kay Bree. “Panira ka ng moment ko, pero teka bakit ikaw lang ang nandito sa classroom nasaan yung iba?”
“Maaga pa kasi kaya wala pa ‘yong iba natin na kaklase.”
Nalilito siyang tumingin kay Bree dahil alam niya na malapit ng mag-alas-otso. “Late na sila malapit ng mag-bell.”
“Anong malapit na, 6:30 pa lang ng umaga! Alas-otso pa ang bell ngayon.”
Napatayo siya bigla. “Paanong 6:30? Umalis ako sa amin mga 7:20 na, naglakad pa ako dapat tumunog na ang bell ngayon.”
“Tingnan mo yung oras sa phone mo 6:30 pa lang.”
Mabilis niyang kinuha ang phone niya at totoo nga ang sinabi ni Bree. “Pero bakit ang aga naman atang mag-alarm ang orasan sa amin?” Pamaya-maya ay na realize niyang kagagawan ng nanay niya kung bakit napa-aga ang gising niya.
“Mukhang ginalaw ni nanay ang alarm clock ko.”
Napangisi si Bree. “Okay lang ang ginawa ni tita. Ang hirap mo kayang gisingin kaya siguro ginawa niya ‘yon.”
Habang nag-uusap ang dalawa ay may ilan ng estudyante sa loob pati na din si William at Alexander hanggang pumatak ang alas-otso ng umaga.
Pumasok ang math teacher nila na si Sir Salvador na ayaw na ayaw ni Daniella sa tuwing pumapasok ito ng classroom dahil halos siya na lang ang nakikita nito at laging pinapasagot sa harap ng blackboard.
“Good morning class!”
“Good morning, sir!”
Tumayo ito sa harap ng estudyante at parang may hinahanap. “Palagay ko ako na naman ang hinahanap ni Sir Salvador, kainis tuwing math subject na lang lagi akong napapahiya kay sir.” Napapikit siya dahil sa tuwing pumapasok ito sa classroom nila ay laging siya ang napapansin.
Napatingin ito sa kanya at may ngiti na parang nay binabalak. “Mayroon akong surprise quiz para sa inyo, kaya get one sheet of paper.” Pumunta na ito sa table at umupo.
“Sabi ko na nga ba kung hindi test na sobrang haba, quiz naman ngayon na surprise pa at walang review na naganap,” saad niya ng mahina.
Tumayo si Sir Salvador at sinulat ang question na kailangan ng solution para makuha ang sagot. “Sa tingin ko ay tama na ang ten questions, dapat sa ten questions na ito ay may solution, naiintindihan niyo ba?”
Ilang estudyante lang ang sumagot sa mahinang boses pa. Halos karamihan sa estudyante ay sa math subject nahihirapan kahit pa tinuro na ito sa kanila.
“May galit ba sa estudyante si sir, surprise na nga ang quiz with solution pa dapat,” bulong niya, pero kanina pa pala nakamasid si Sir Salvador sa kanya.
“Ms. Sanchez, gusto mo atang maging zero ang score mo sa quiz. Bakit hindi ka pa nag-uumpisa at mukhang kanina ka pa may sinasabi baka gusto mong i-share sa amin?”
Napatingin naman siya sa buong classroom at lahat ng kaklase niya ay nakatingin sa kanya. Ngumiti siya ng alanganin bago bumalik sa pagsasagot ang mga kaklase niya. Nagsagot na lang siya para hindi na siya mapansin pa ng kanilang teacher.
“Pag ako talaga na perfect ko ang quiz na ‘to,” saad niya sa isip habang nakatutok talaga sa solution ng mga questions.
Kalahating oras ang lumipas at tapos na ang mga estudyante na magsagot, pinasa nila ito sa teacher nila at naghintay kung ano ang score.
Ibinaba ni Sir Salvador ang ballpen at muling tumingin sa mga estudyante. “Lagi naman, pero nakakuha ng perfect score si William at ang exchange student na si Alexander.” Namangha ang lahat kay William at Alexander.
“Pero sa isang estudyante talaga ako napahanga ngayon.” Nagtataka naman ang ilan. “Congratulations Ms. Sanchez, dahil nakakuha ka rin ng perfect score.”
Napangiti naman siya dahil perfect ang nakuha niyang score sa math ngayon.
“Mukhang effective ang pag-tutor sayo ni William, at mabuti ‘yan para hindi ka na bumalik dito at maka-graduate ka.”
Ang ngiti sa labi niya ay bahagyang napawi. “Si sir talaga laging may side comment, hindi na lang maging masaya na perfect score ako sa quiz niya.”
“Nalalapit na ang graduation niyo, at sa huling exam ay dapat makapasa kayo. Meron akong nakita na iba sa inyo ay hirap pa ding intindihan ang mga questions na kailangan ng solution, kaya hangga’t maaga ay intindihin niyo pang mabuti ang mga lesson na pinasulat ko sa inyo.”
Handa na itong lumabas ng tumingin ito kayo Daniella. “Good job, Ms. Sanchez.” At tuluyan na itong umalis sa classroom.
Si Bree naman ay lumapit kay Daniella. “Mukhang proud sayo si Sir.”
“Sobrang mababa talaga ng grades ko sa kanya noon kaya ganon na lang ang naging reaksyon niya ng makakuha ako ng perfect score ngayon.”
“Akala ko nagbibiro ka lang na matalino ka, hindi pala.”
Nagsisimula na namang sumingkit ang mata niya. “Hindi ka talaga naniwala kahit noong una pa lang. Ikaw pa ‘tong kaibigan ko na mukhang basher ko pa.”
“Hindi tayo matuturing na kaibigan kung laging magagandang salita ang maririnig mo sa akin, dapat yung totoo lagi kahit sa pabirong paraan ‘di ba?”
Napangisi siya. “Talaga? Kung ganon simula ng nakilala kita ang pangit mo na pala, Bree.”
Nawala ang ngiti sa labi ni Bree at humarap bigla sa kanya. “Anong sabi mo?!”
“O parang galit ka ata, ‘di ba sabi mo hindi tayo matuturing na magkaibigan kung laging magagandang salita ang maririnig?”
Tinikom na lang ni Bree ang bibig niya dahil hindi magpapatalo si Daniella sa usapan nila ngayon.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





