Habang hinihintay ni Daniella si Bree sa isang mall.
“Hello! Bree, nasaan ka na?” tanong niya sa kabilang linya ng tawag sa phone.
“Malapit na ako, sandali lang mga ilang minuto na lang.”
“Okay sige.” At binaba na niya ang tawag. “Alam ko na ang ibig sabihin ng ilang minuto lang ni Bree. Ang tunay na kahulugan noon ay maghintay pa ako ng isang oras bago siya dumating.” Pumunta siya sa second floor ng mall dahil may parte na may garden doon at tanging mga payong lang ang bubong.
Umupo siya at pinagmasdan ang paligid ng biglang may umupo sa tapat niyang upuan na ang pagitan nila ay ang lamesa. Nanlaki ang mata niya ng makilala niya ito. “Mushroom?!”
Ngumiti ito sa kanya . “Kumusta ka na?” tanong nito.
“Okay naman ako.”
“Kumusta naman ang naging suggestion ko naging successful ba?”
“Medyo.”
Kumunot ang noo nito. “Medyo?”
“Oo, kasi mukhang alam naman niya na umaarte lang ako.”
Bahagyang napangiti ang lalaki. “Malaking improvement ‘yan.”
“Paano naman naging improvement kung alam niya agad na umaarte lang ako?”
Sumandal ito sa upuan. “Dahil ibig sabihin kabisado na niya ang kilos at ginagawa mo. Akalain mo bang mapapansin niya pa ‘yon kung hindi ka rin niya tinitingnan, ‘di ba?”
Napakamot siya sa ulo. “Hindi ko alam ang hirap kasing basahin minsan ni William kaya hindi mo alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig minsan.”
“Ganon ba, bakit narito ka may hinihintay ka ba?”
“Meron ‘yong kaibigan ko. Ikaw may ka date ka siguro rito?”
Mahina itong tumawa. “Minsan lang ako pumunta rito dahil may importante akong ginagawa sa lugar na ‘to.”
Biglang tumunog ang phone ni Daniella na ibig sabihin ay may nag-message. Binasa niya ito at si Bree pala ang nag-message na nasa ibaba na siya ng mall. “Nice seeing you again, pero kailangan ko ng umalis.”
“Okay.” Ngumiti siya sa lalaki at tuluyan ng umalis sa puwesto na ‘yon.
Pagbaba ni Daniella ay hinanap kaagad niya si Bree at nakita niya ito sa isang upuan sa gilid ng isang store. “Kanina ka pa ba diyan?” tanong niya.
“Hindi kararating ko lang, tara na para makauwi rin tayo kaagad.”
Pumasok ang dalawa sa isang store na mabibili ang pang summer suit katulad ng summer dress, hat at iba pa. Ang balak bilhin nila Daniella ay rashguard para hindi masyadong ma-expose ang balat nila sa ilalim ng araw. Parehas sila ni Bree na bumili at maging sleeveless top at short.
“Okay na siguro ‘to punta naman tayo sa store na puwedeng bumili ng proteksyon sa skin like sunblock,” suhestiyon ni Bree.
“Sige.”
Habang pumipili ang dalawa ng magandang sunblock. Nagtanong si Daniella, “Hindi ba tayo bibili ng snacks natin para kainin sa bus habang bumiyahe papunta sa lugar kung saan ang island tour natin?”
“Puwede kung magkatabi tayong dalawa. Alam ko may seating arrangement e.”
Kumunot ang noo niya. “Hanggang sa bus seat may seating arrangement?”
“Yes, pero puwede naman tayong bumili ang kaso kung hindi ako ang katabi mo at iba. Nakakahiya namang kumain ka tapos siya wala.”
“Problema ba ‘yon? Bigyan mo ng isa parehas na kayong kumakain.”
Kumunot naman ang noo ni Bree. “Baliw! Hindi mo ba alam na may ibang section tayong kasama sa bus?”
“Hindi at saka ang dami natin sa isang section bakit may kasama pa tayong ibang section sa bus?”
“Kasi nga hindi lahat ng kaklase natin ay sumama kaya kailangan magdagdag ng ibang estudyante sa isang bus.”
“Basta bili na tayo ng snack ang layo ng biyahe.”
“Ikaw bahala baka mamaya ikaw pa ang may katabing ibang section tapos hindi mo pa kilala tapos naubos na ang oras mo kakaisip kung paano mo siya aalukin ng dala mo.”
Napahawi na lang siya ng buhok. “Basta saka ko na magiging problema ‘yan pag nasa sitwasyon na ako.”
Napahinto si Bree sa isang lagayan ng sunblock. “Ito na lang mukhang maganda sa balat. Halika na magbayad na tayo sa cashier.”
Sa pagod ng dalawa ay kumain muna sila sa isang food court. “May nababalitaan ako Daniella.”
“Ano?”
“Meron daw tayong junior-senior prom, pero hindi ko pa alam kung kailan.”
Tinitigan naman niya Bree habang sumusubo ng pagkain pero natigilan siya. “Bakit ang dami mong alam tungkol sa activities ng school. Balak mo bang maging news caster?”
“Hindi, narinig ko lang naman sa ibang estudyante.”
“Puwede ka nga maging news caster kung ganon.”
“Kumain ka na nga lang ng maka-uwi na tayo.” Tahimik na kumain na lang ang dalawa.
Pagka-uwi ng dalawa ay agad inayos ni Daniella ang dadalhin niya bukas pati na rin ang snack niyang binili at pagkatapos ay natulog na.
Kinabukasan maagang na sa eskwelahan ang mga estudyanteng kasama sa island tour nila. Ang ilan ay na sa kanilang mga bus na, pero si Daniella ay na sa labas pa ng bus dahil hinihintay niya si Bree at tanungin kung ano ang number ng bus nito.
“Daniella!” sigaw ni Bree.
Napalingon naman siya rito. “Buti narito ka na. Ano ang number ng bus mo?” tanong niya.
“Huh! Bakit?”
“Titingnan ko kung parehas lang tayo ng bus na sasakyan.”
Kinuha ni Bree ang isang papel. “Number 2 ang bus na sasakyan ko.”
Dismayadong tumingin siya dito. “Number 1 naman yung sa akin.”
“Hindi pala tayo parehas ng bus, pumasok ka na sa loob at pupunta na rin ako sa bus na sasakyan ko. Malapit na ang time na aalis na tayo.” Lumakad na si Bree at pumunta na sa bus na sasakyan niya.
Siya naman ay dahan-dahan pang pumasok sa loob at tiningnan ang mga estudyante sa loob, pero tama nga si Bree may nakita siyang hindi pamilyar na mukha at alam niyang sa ibang section ito. Hinanap niya ang kanyang upuan na may number rin at nakita niyang sa gitna ng bus ito malapit sa bintana, kaya naman umupo na siya kaagad pero wala pa ang katabi niya.
Lumipas ang 30 minutes ay inaantok na si Daniella at narinig na niyang pinaandar ang makina ng bus na handa na itong umalis pero wala pa rin siyang katabi. Hindi na niya hinintay pang maka-alis ang bus at sumandal na lang at nagtakip ng mukha gamit ang panyo para matulog. Malapit ng lumalim ang tulog ni Daniella ng may naramdaman siyang umupo katabi niya at tuluyan ng nakatulog.
Two hours na ang nakakalipas ng nakatulog si Daniella habang naka-sandal ang ulo niya sa bintana ng bus at ngayon na mukhang gising na siya base sa galaw ng mata niya kahit pa nakapikit. Unti-unti niyang idinilat ang mata niya, pero natulala siya saglit dahil hindi na bintana ang sinasandalan ng ulo niya kung hindi isang balikat. Bigla siyang napabalikwas at tumingin agad sa katabi niya na may bucket hat sa mukha kaya hindi niya rin alam kung sino ang tao na ‘yon pero lalaki siya.
Umayos na siya ng upo at tumingin na lang sa labas ng bintana na parang walang nangyari dahil nahihiya talaga siya kung sakaling gising ang katabi niya. Nang biglang nag-ingay ang tiyan niya hudyat na nagugutom na siya. Napahawak siya rito at tumingin muli sa katabi niya, nag-alinlangan man ay kinuha niya ang tinapay sa loob ng bag niya at dahan-dahan pang binuksan para lang hindi magising ang kaabi niya at ng success niyang nabuksan na hindi nagising ang katabi ay napangiti siya.
Halos kalati ng tinapay ang na sa bibig ni Daniella nang nagsalita ang katabi niya. “Hindi ka ba mabibilaukan diyan sa pagkain mo?”
Sa sobrang focus ni Daniella sa pagnguya ng tinapay sa bibig niya, nagulat siya ng nagsalita ang katabi niya kaya naman ubo siya ng ubo dahil ang ibang nanguya na niyang tinapay ay bigla niyang nalunok. Napailing na lang ang katabi niya na hindi pa rin niya tinitingnan. Biglang may bote ng tubig sa harap niya kaya agad niya itong ininom at walang natira kahit isang patak ng tubig.
Napahinga siya ng maluwag pagkatapos sa sobrang kaba niya. Sabay lingon sa katabi niya. “Salamat nga pala dito —” Pero unti-unting nanlaki ang mata niya ng makita kung sino ang katabi niya. “William?”
Tumingin sa kanya ito ng nakataas ang dalawang kilay bago lumipat sa hawak niyang supot ng tinapay na kalahati pa ang laman. Bigla itong kinuha ni William at kinain.
Napakunot ang noo niya. “Teka! Bakit mo kinuha ang pagkain ko?”
“Sa akin na lang kapalit ng pag-ubos mo sa tubig ko.”
“Kasalanan ko bang maubos ang tubig mo bakit kasi ibinigay mo sa akin?”
“Anong gusto mo panoorin kitang nawawalan ng hininga, puwede naman kung gusto mo. Ulitin mo ulit ang ginawa mo kanina.”
Pinaningkitan niya ito ng mata. “Hindi ko alam kung mabait ba siya ng lagay na ‘yon o hindi,” sambit niya sa isipan niya.
“Ito ba ang bus mo bakit magkatabi tayo?” tanong niya. Hindi nagsalita si William at hinarap lang ang papel na may number 1 sa kanya. “Dito rin ang upuan mo sa tabi ko?” Tumango ito bilang sagot.
Napatulala siya saglit. “Coincidence ba ang lahat o talagang gumagawa ang tadhana ng paraan?” Napangiti siya.
“Mukha kang baliw.”
Galit naman siyang tumingin rito. “Huwag kang maki-alam kung ngumiti ako ng parang baliw.” Umayos na siya ng upo at tumingin na lang sa labas ng bintana.
Samantalang napailing na lang si William kay Daniella at sumandal muli sa sandalan ng upuan.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





