Book of Fate

Book of Fate (Chapter 50)

Lahat ay nakakain na maging sila Bree. Alam din naman ni Alexander ang nangyari kaya pumunta siya kaagad kung nasaan si Daniella. Kaya naman salitan sila kung magbantay habang kumakain ang isa.

(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Si Bree, Alexander at William ay na sa iisang kwarto ngayon at binabantayan si Daniella dahil nagkaroon ito ng lagnat dahil sa sugat kaya walang natulog sa kanila kahit si William.

Habang si Alexander ay napipikit na at si Bree na busy sa phone niya. Si William naman ay nakatingin lang kay Daniella at napansin na gumalaw ang talukap ng mata nito na ibig sabihin ay anumang oras ay ibubukas na ang mga mata nito. At tama si William unti-unting binukas ni Daniella ang mata niya at bahagyang napakunot ang noo ng mapatingin ito sa paligid.

Sinubukan nitong tumayo na inalalayan naman ni Bree na sumandal sa pader. “Kumusta?” tanong ni Bree.

“Yung tulog ko? Okay naman,” sa mababa na boses niyang sagot.

“Yung pakiramdam mo ang kumusta?”

Kumunot ang noo niya. “Okay naman, bakit anong meron?”

Tumingin si Bree kay William. “See, sabi ko sayo daig pa niya ang may amnesia.”

Biglang ginalaw ni Daniella ang paa niya na may sugat, kaya isang mahigpit na pagkapit sa braso ni Bree na halos bumaon ang kuko niya sa braso nito.

“Ang sakit Daniella!” Nakakagat na sa labi si Bree. “Ano magkukunwari ka pa, alam mo ang lahat ng nangyari sayo ‘di ba?”

Umiwas lang siya ng tingin at napagawi kung saan nakaupo banda si William, kaya bumalik muli ang tingin niya kay Bree. “Anong pinagsasabi mo diyan?”

Sumingkit ang mata ni Bree. “Huwag mo ng balakin na wala kang alam Daniella dahil kasalanan mo kung bakit nawala ka at nagkaroon ng sugat.”

Napanguso siya. “Oo na kasalanan ko na pumasok ako sa bawal na lagusan sa kweba.”

Napailing si Bree. “Ang sabi maghanap ng bagay hindi ikaw ang hahanapin. Tingnan mo tuloy ang nangyari sayo kailangan pang tahiin ang sugat mo.”

Nanlaki naman ang mata niya. “Talaga? Bakit kailangan pang tahiin gagaling naman ‘to pag uminom ako ng gamot?”

“Malalim kasi masyado ang sugat mo at hindi puwedeng hindi tahiin dahil hindi magsasara, kaya hindi ka muna makakalad ng one week siguro pero hindi ko pa sigurado ‘yon.”

“So, absent ako sa sports fest?” sambit niya habang pinipigilang huwag ngumiti.

Sinilip naman siya ni Bree. “Mukhang nakalusot ka ngayon Daniella.” Napailing na lang si Bree sa kanya.

Pamaya-maya ay parang nanghina na ulit ang katawan niya, dahil wala pa siyang kinakain. “Humiga ka muna. Gusto mo bang kumain?” tanong ni Bree.

“Wala akong gana na kumain bukas na lang siguro.”

“Sigurado ka?”

“Oo.” Umayos siya ng higa at muling pinikit ang mata at ilang minuto lang ay nakatulog na muli ito.

Sumenyas si Bree sa dalawa na lumabas at sa paglabas nila sa kwarto. “Puwede na kayong bumalik sa kwarto kung saan kayo natutulog. Ako na lang ang magbabantay sa kanya.”

“Sige, inaantok na rin kasi ako,” sagot naman ni Alexander. Nauna na itong lumakad paalis pero si William ay nakatayo pa rin sa tapat ng kwarto kung nasaan si Daniella.

“Ikaw, William?”

Nilagay nito ang kamay sa bulsa ng pantalon niya. “Ikaw na lang ang matulog na Bree, ako na lang ang magbabantay sa kanya.”

“Kaya ko naman.”

“Sige na ikaw na lang ang matulog. Bukas ng umaga bago siya magising ay ikaw na ang pumalit sa akin dahil ihahanda ko pa ang gamit ko sa pag-uwi.”

Bumuntong-hininga si Bree. “Okay sige aayusin ko rin nga pala yung gamit ni Daniella. Una na ko.” Lumakad na paalis si Bree at si William naman ay pumasok muli sa kwarto na ‘yon at umupo sa tabi ni Daniella habang tinitingnan ang sugat nito.

“Hindi ko alam kung sadyang may pagka-clumsy ka talaga at nalagay ka sa sitwasyon na ‘to.” Napailing siya at inaayos ang buhok ni Daniella sa gawing leeg nito bago ipinatong ang ulo niya sa gilid ng higaan nito para matulog sandali.

Kinabukasan wala na si William sa loob ng kwarto, si Bree na ang naroon ng magising si Daniella. Handa na rin ang lahat para umuwi maging ang gamit nila Daniella at Bree. Pumasok si Alexander sa loob at siya ang nagpresinta na buhatin si Daniella papunta sa bus nito. “Ako na lang ang magbubuhat kay Daniella. Hindi naman siya puwedeng gumalaw.” Akma na sanang lalapit ni Alexander ng dumating si William at tuloy-tuloy na pumasok sa loob hanggang sa tabi ni Daniella.

(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Nagtaka si Daniella dito. “Ako na lang. Parehas naman kami ng bus na sasakyan at magkatabi ang upuan,” saad ni William.

Napatango na lang si Alexander at hinayaan si William na buhatin na si Daniella na tahimik pa rin habang naka-kunot ang noo na nakatitig sa mukha ni William

Habang palabas na sila ng kwarto. “Huwag mo kong titigan baka mahipan ng hangin ‘yang mata mo at hindi na makapikit.”

Napapikit naman ng ilang beses si Daniella, pero hindi nagsalita. Pagpasok nila sa bus ang ibang estudyante na hindi nila kaklase ay napatingin sa kanila. Dahan-dahan naman na binaba ni William si Daniella sa upuan at iniwasan na hindi matamaan ng anumang bagay ang paa nito.

Pumasok ang teacher nila sa loob. “Daniella sa hospital ka na tutuloy okay para matahi na rin ang sugat mo agad. Iyon kasi ang sabi ng mangagamot kagabi, don’t worry kasama mo naman ako hanggang hindi pa dumadating ang nanay mo.”

“Okay po.” Bumaba na muli ang teacher nila mula sa bus at ilang minuto lang ay bumibiyahe na sila pauwi.

Tahimik ang lahat ng estudyante sa loob dahil ang iba ay mga tulog na. “Ano ang nangyari at nagtamo ka ng sugat?” biglang tanong ni William pero diretso lang ang tingin niya.

“Gusto ko kasing makahanap ng bagay na pinapahanap ni ma’am kaya napunta ako sa bahagi ng kweba na hindi na puwede ang mga turista,” sagot niya habang nakatingin sa bintana ng bus.

“Bakit nagkasugat ka kung ganon?”

“May nakita kasi akong kuminang at naisip na baka isa ng bagay na puwede kong kuhanin. Hindi ko naman alam na may bato na patulis sa daraanan ko sa halip na maiwasan nabaon ko ang paa ko.”

Napangiwi naman si William sa salitang nabaon dahil kung iisipin niya, napaka-sakit ng nangyari kay Daniella. “Puwede ka naman ng sumuko sa paghahanap kung wala ka naman ng makita, hindi ka sana nagkaroon ng sugat na kailangan pang tahiin.”

Bahagyang napangiti siya. “Sinabi ko naman sayo pag-gusto ko ay gagawin ko. Hindi naman ako takot ng pumunta ako roon pero bakit nasaktan pa rin ako kahit kampante naman akong pumunta at tanging isang bagay lang naman ang gusto kong kuhanin.”

“Ang alon na kalmado ay nagiging hindi kalmado, may araw pero biglang uulan, ang matapang na tao ay umiiyak rin. Hindi porke’t kampante ka ay wala ng mangyayari, hindi mo hawak ang kapalaran ng mangyayari sa isang tao Daniella. Sa isang paligsahan ng pagtakbo alam mo ng malapit ka na sa finish line at halos isang dangkal na lang ang layo pero hindi mo napapansin na may nakahabol na pala sayo at siya ang tinanghal na panalo. Nangyayari ang lahat ng hindi mo inaasahan huwag mong ibase ang lahat sa gusto mo lang.”

“At least ginawa ko ang gusto ko matalo man o manalo ako, nandoon ako sa sitwasyon na ako mismo ang pumili. Umiyak man o maging masaya ‘di ba?”

“Pero kung sakaling pipili ka ulit, doon ka na sa magiging masaya ka, hindi sa masasaktan ka ulit.”

Malungkot na tinatanaw lang ni Daniella ang dinaraanan nilang mga puno. “Huwag kang mag-alala sa susunod na pipili ako pag-iisipan ko munang mabuti kung ‘yon na ba ang makapagpapasaya sa akin.” Sumandal siya sa bintana ng bus at pumikit.

(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Tiningnan lang siya ni William at hindi na rin nagsalita pa ulit. Sa ilang oras na biyahe ay sa isang malapit na ospital hininto ng bus driver na malapit rin sa lugar kung nasaan ang bahay nila Daniella. Binuhat siya muli ni William at inupo sa isang wheelchair. Isang nurse ang nagtulak rito dahil hinihintay pa niya ang teacher nila na kausap ang driver ng bus na mauna na sa eskwelahan kung saan doon magsisibaba ang mga estudyante.

Umupo lang si William sa waiting area habang hinihintay ang nanay ni Daniella at wala pang isang oras ay dumating na ito. “Nasaan si Daniella?!” tanong nito kay William.

“Nasa operating room po at tinatahi na po ang sugat niya.”

“Gaano kalalim ang usgat at kailangan pang tahiin?”

“Mga one inches po kasi ang lalim at kasing laki ng barya ang laki kaya kailangan daw pong tahiin. Hintayin niyo na lamang po ang sasabihin ng doctor tungkol doon. Kailangan ko na rin pong umalis at umuwi sa amin.”

“Sige, maraming salamat sa iyo.” Ngumiti ito kay William.

“Walang anuman po. Aalis na po ako.” Pagkatapos magpa-alam ay umalis na rin kaagad si William dahil naroon naman na ang nanay ni Daniella at teacher nila.

Lumabas ang teacher ni Daniella mula sa isang kwarto at nakita nito ang nanay ni Daniella. “Mabuti po narito na kayo. Okay na po ang sugat ni Daniella, natahi na rin po uto. Mga one or two weeks daw po siyang hindi pa puwedeng maglakad. Nag suggest rin po ang doctor na puwede namang gumamit ng saklay, pero nag-decide po akong magpahinga na lang si Daniella sa bahay para hindi na magalaw ang sugat niya. Ako na rin po ang magbabayad ng bill hindi naman po kalakihan at bilang adviser nila ay may kasalanan rin po ako sa nangyari dahil hindi ko po sila nabantayan na mabuti.”

“Naku! Maraming salamat ma’am.”

Nang natapos ng bayaran at magbigay ng reseta ng gamot ay umuwi na rin sila Daniella na nakasakay sa isang emergency vehicle.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Book of Fate (Chapter 50)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.