Book of Fate

Book of Fate (Teaser) – COMPLETED

Bookmark (1)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

AUTHOR'S NOTE

Maaari niyo ng basahin ang "Book of Fate" ng tuloy-tuloy dahil completed na ang istorya. Salamat!

•───────•°•❀•°•───────

Si Alexa, ang babaeng may pangarap na maging successful writer na sumusulat ng mga kwento mula sa kanyang imahinasyon. Isang gabi habang pauwi ng kanyang bahay ay bumuhos ang malakas na ulan, kaya napilitan siyang huminto sa harap ng simbahan, ngunit sa pagtigil niya sandali para sumilong ay may makikita siyang isang lumang libro. Kinuha niya ito at dinala pauwi.

Ang libro na napulot ni Alexa ay hindi ordinaryo dahil ito ay mahiwaga. Ang nagmamay-ari nito ay hindi din tao, sila ay mga immortal na may mga kapangyarihan na nasa mundo ng tao. Nang pinili ni Alexa na sumulat ng panibagong istorya sa libro na iyon, ay iyon na din ang oras na makakagawa siya ng kasalanan dahil ang bawat salita, pangyayari, pagsasalaysay, at diyalogo na isusulat niya ay nangyayari sa mga totoong tao at hindi lang sa libro. Ang libro na nakuha niya ay ang “Libro ng Tadhana.” Sa libro na ‘yon sinusulat ang mga tao na nakatakda ng magtagpo, ngunit ang dapat lang na gumamit ng libro na ‘yon ay ang kanang kamay ng Diyos ng Tadhana lamang, at hindi si Alexa.

Dalawang istorya ang magaganap dahil sa mahiwagang libro na iyon. Ang kwento ni Alexa, ang writer, at ni Daniella, ang bidang babae sa istorya na sinusulat ni Alexa na may pamagat na “Book of Fate.”

Sa kamalian na nagawa ni Alexa, ang tadhana nilang dalawa ay magugulo. Sa huli, parehas nga ba na magiging maganda ang kahahantungan ng kanilang kwento, o may isang kwentong magtatapos sa masakit na wakas?


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Book of Fate (Teaser) – COMPLETED

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

Leave a comment to earn D2

2 Responses

  1. Wow ang astig pero dapat maparusahan jan ung kapabayaan ng may hawak ng book of fate hahahaha burara siya nd siya masinop hahahaha okay nxt chap para makahabol sa lateast uds 😝

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Use the form below if there is a problem in accessing this chapter

Need Help?