Iba’t iba ang mukha ng pagiging martyr. Unconditional o selfish love. Pero sa huli, kapwa may nasasaktan. Mayroon din tinatawag na marupok, iyon naman ay ang mga taong sinasaktan na, iniiwan na, niloloko na at itinataboy na, bumabalik at naghahabol pa rin. Gano’n daw talaga kasi ang pag-ibig, marupok, at kapag ikaw ang naging biktima, wala kang magagawa kung hindi ang tumaya.
Gyzer Santos, mahuhulog sa unang tibok. Iibig ng walang hinihinging kapalit. Sabihin nang tanga pero kakapit at ‘di mawawalan ng pag-asa na may patutunguhan ang pitong taong relasyon kay Cielo Hernandez. Isang relasyon na hindi matiyak ang estado. Isang pagtitinginan na hindi maituturing na relasyon. Sa madaling salita relasyong walang label.
Paano tatanggapin ni Gyzer ang katotohanang hindi seryoso si Cielo sa relasyong mayroon sila? Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kung hindi paulit-ulit na bumibitaw ang dalaga sa kanya.
Saan patungo ang walang katapusang paghahabol ni Gyzer? Hanggang kailan niya kayang isalba ang relasyong halos lunod na?
Magagawa kaya nitong ipaglaban at alagaan ang relasyong mayroon sakanila ni Cielo kahit nagdudulot ito nang sobrang sakit sa kanya?
Tunghayan ang kwento ng pag-ibig ni Gyzer, ang kwentong susubok sa inyong pasensya sa ngalan ng pag-ibig.
Next to: Break My Heart Right (Part 1)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Ayy sheesshh di lang talaga kau ang para sa isat isa yun lng un
Napakaswerte ng isang babaeng makakatagpo ng isang tulad ni Gyzer na umiibig unconditionally… I think may ganitong lalaki pa naman sa totoong buhay. Konti na nga lang sila.🤔🤔🤔