THIS will be their first meeting na lima para pagusapan ang feasibility ng café na gustong itayo ni Odette sa tulong nila. Knowing Andrew is one of their business partners to be ay pinaghandaan niya ang afternoon meeting na yun. Tiniyak niyang magiging kaaya-aya siya sa paningin ng binata, presentable, elegant and beautiful.
Shecs wearing her best outfit amongst her wardrobe at siya ring pianakamahal. It’s a Christian Dior black fitted casual dress. Its neckline gives emphasis to her perfectly shapes bossom. She paired her dress with not too high heeled pumps. She let her hair down na abot hanggang sa kanyang baywang making her heart shape face smaller than it’s natural shape. Para sa isang business meeting ay tila sumobra ang attire niya pero kung para kay Andrew lang din ay okay nang maging O.A.
Nang dumating siya sa Italian restaurant na siyang meeting place nila ay naroon na ang kambal. Odette waved at her when she saw her samantalang siya’y sumusirko ang puso nang ngitian ni Andrew. Lumabas ang malalim nitong dimples na siyang weakness niya. Umupo siya sa tabi ng binata paharap kay Odette. Nagkatitigan silang magkaibigan, parang may mental telepathy na nagkaintindihan sila. Bakas sa makahulugang ngiti nito na sinadya nitong hindi tumabi sa kambal dahil baka sakaling mauna siyang dumating sa iba’y doon siya mapaupo. She made a mental note na pasalamatan ang kaibigan later that day kapag nasolo niya ito.
“Blooming ka ngayon, Rich!” puna ng binata, taking her eyes away from Odette. “In love ka ba?” diretshang tanong nito na kung sakaling may iniinom siya’y baka nabulunan siya.
She gathered her composure, “Nope. Wala nga akong boyfriend e, how can I be in love?” manganinganing sabihin niya nang ito ang lalaking dahilan ng pagtumbling ng puso niya.
“Sa ganda mong yan walang nanliligaw sa iyo?”
E kasi po, manhid yung lalaking mahal ko. Parang ewan lang nagagandahan sakin hindi naman ako ang mahal.
“Meron naman kaya lang I don’t like him and never will I,” makahulugan siyang nakipagsukatan ng tingin dito. Iyon ang unang beses na nagawa niyang titigan ng matagal ang mga mata nito. Para siyang ice cream na natutunaw sa mga titig nito.
“Why? Pangit ba?” umaarko pataas ang kilay niya. Gwapo naman si Marco may possessive attitude nga lamang na ayaw na ayaw niya. Tutugunin pa sana niya ang tanong nito pero naunahan siya ng pinsan sa pagsasalita.
“Hi, my darlings! Am I late?” pakikay na tanong ni Precious na kararating lang. Napangiwe siya ng makita ang attire nito. Paano’y naka-long sleeve turtle neck blouse ito at palda na halos umabot na sa sakong nito. She had her thick rimmed glasses on at sadyang ipinusod pa in a manang style ang buhok. Whew! Iba talaga ang fashion sense nitong pinsan niya. Ito ang pinakamayaman niyang pinsan at siyang maraming pambili ng damit. Odd pero hindi nito makuhang mamili ng mga modernong kasuotan. Ang madalas nitong i-shopping e mga tapes or CD ng koreanovelas.
“Nope, you’re just in time ate Pre,” ang magiliw na bati dito ni Andrew.
Nginitian nila ito ni Odette ng pilit pero alam niyang mamaya ay uusisain na naman siya ng kaibigan na pilitin ang pinsan niyang magpa-make over.
“Hi, ate!”
“Hi dear cousin,” ang panabay nilang wika ni Odette.
Napatawa ito ng mahina, “Hindi naman kayo nag-practice niyan ano?”
“A little,” pakikisakay ni Odette.
“Mga luka-luka. Anyway, aren’t we going to start? May date pa kasi kami ni Kenneth,” tukoy nito sa latest almost-boyfriend nito- more of a fling kung baga. Iyon ang isa pang odd sa pinsan niya, manang itong manamit pero maraming nahuhumaling na lalaki dito. Nang minsanang tanungin niya kung ano ang secret nito’y binigyan lang siya ng isang tawang pagkalandilandi na ikinataas ng mga balahibo niya sa katawan.
Tumingin si Odette sa wrist watch na suot. “We can’t pa ate. We’re still waiting for Lhyne,” imporma nito. Pasado alas dyes na at late na nga ito sa meeting nila.
“Oh, that’s Andrew’s girlfriend, right?” Nasipa niya ito sa ilalim ng upuan sa itinanong. “What? Why?” Clueless pa nga pala ito sa break up na naganap sa pagitan ng mag-ex-lovers.
“Ah, ate Pre we’ve broken up, but don’t worry I’m going to win her back,” ani Drew na tilang walang ilang sandaling tension na nadama.
“Gosh! Bakit pa? Nandyan naman ang dear cousin ko, e,” ubod ng tamis na nginitian siya nito samantalang siya’y pinanlakihan ito ng mata. Iilan lang naman ang nakaka-alam ng undying love niya para kay Andrew iyon ay si Odette, ang mama Simone niya, at ito ngang pinsan niya. Writer ito ng pocketbook sa isang sikat na publishing house and being a romance writer she has keen eyes. Nagawa nitong malaman ang damdamin niya para sa binata just by observing her actuation kapag kaharap si Drew.
Humarap siya sa katabing binata at mahinang tumawa, “Naku Drew ‘wag mong pinapansin yang cousin ko, may nakain yatang kung ano at kung anu-ano nalang ang sinasabi.
Mataman siyang tinitigan ng binata saka ngumiti “It’s okay. Maganda ka naman Rich kung hindi ko lang mahal si Lhyne baka naligawan na kita. But, Lhyne is the one I love.”
Ouch! para siyang tinarakan ng punyal noon. Pero may salahi yata siyang artista kaya ayon ubod ng tamis pa rin niya itong nginitian. “I know!” ang nagawa niyang bigkasin.
“Geeeeeeezz!” ekseharadang bulalas ni Precious.
Tumikhim si Odette. “Speaking of Lhyne here she comes,” dumako ang pansin nila sa bagong dating. Simple lamang ang ayos nito pero lalo iyong nagpalutang sa simpleng ganda nito. She let out a mental grunt. Alam niyang kahit hindi niya titigan ang katabi, na sa bawat paggalaw ng dalagang bagong dating ay nakasunod ito.
Dapat ay nagdala siya ng sun glasses upang di mairita ang mga mata niya. “Hi!” bati ng dalagang bagong dating. Sabay na nag-‘hi’ ang best friend at pinsan niya rito samantalang siya ay tumango lamang. Trumiple ang nakatarak na aspile sa puso niya ng tumayo pa talaga si Andrew sa kinauupuan at pinaghila ng silya ang ex. “Thanks,” anitong ngiting ngiti sa binata na tila ba wala silang pinagdaanang break up.
Umikot ang eyeballs ni Odette habang napa-ismid ang kanyang ate Precious. At least alam niyang kakampi niya ang dalawa. She cleared her throat matapos muling maka-upo ni Andrew. “So, shall we start?”
“Yes, we shall begin,” ani Odette na animo chairman nilang lahat. “I arranged this meeting to discuss my proposed business partnership. I asked Rich to make a sample feasibility study of the café I want to put up including the target market and the target sale income at the end of the first year of the café. As much as possible I want this café to be posh at the same time economical and maka-masa. Rich if you may,x binalingan siya nito in her casual business tone na ilang ulit na rin niyang narinig mula rito kapag may kliyente sa boutique shop nito.
Tinanguan niya ito at mula sa expandable envelope na dala ay inilabas ang limang black folder containing her sample feasibility study. Pinagpuyatan niyang gawin iyon. Halos 3 days din siyang walang tulog.
Isa-isang binistayan ng bawat isa ang folder. Matapos ang mahabang sandali ay napapalatak si Odette. “Great! Good job, Rich!” nasisiyahang kinindatan niya ito. Nang lingunin niya si Andrew ay nakakunot ang noo nito.
“Problem Drew?x nag-angat ito ng tingin mula sa binabasa.
“Thet population… I’m just wandering bakit mataas ang percentage ng couples at teenage group sa chart na ipinakita mo?”
Ah, akala ko pumalpak ako, eh! “That is- Well, you see Odette told me na since mga coffee lovers tayong lima our target population should focus with teenagers. This age group according to my research has higher consumption rate of coffee compared to the old adult bracket. About the couples, Odette told me that the ambiance of the café would cater a lovemospheric environment therefore catering a higher percentage rate to lovers who are coffee lovers as well,” mahaba at confident niyang litanya. Sa pagkakataong iyon ay si Odette naman ang kumindat sa kanya. Sa kanya nito binigay ang trabahong iyon kahit kaya naman nitong gawin iyon mag-isa dahil gusto nitong magpa-impress siya sa twin brother nito.
“I can’t say anything but wow dear. Surely, this would be a hit,” ani Precious.
“So, the main goal of the café is not just to cater good quality coffee taste but to render tender loving service to the customers as well, am I right?” paghinge ng clarification ni Lhyne na noon lamang umimik.
Sa unang pagkakataon simula ng makaharap niya ito ay noon lang niya ito binigyan ng genuine smile. “Yes, tama ka!”
“I see. So anong magiging name ng café?” Noon lamang niya naiisip ang bagay na iyon.
“I suggest na Coffee Lovers nalang since iyon naman ang theme ng café at pareparehas din naman tayong coffee lover,” ani Odette na lalong naging excited.
“I disagree!” maagap na sabad ng pinsan, “Masyadong direct ang lovers, my darling. Naming a business property is like writing a romance novel; you need to tease the reader para bumenta ang storya mo. In this case we need to tease the customer para pumatok sa kanila.” Paliwanag nito
“How about something synonymous with Love or a symbolism perhaps,” dagdag suhestyon ni Lhyne.
“Drew, what do you think?” baling niya sa nanahimik na binata.
“I agree with Lhyne,” anitong lihim na ikina-ismid niya ng wala sa oras. Tuloy ay muntik ng mahuli ni Lhyne ang matalim niyang pag-irap dito. Aba’y syempre mag-aagree ka. Mahal mo yang bruhang ‘yan e,’ himutok niya sa sarili.
Tumikhim si Odette na tila nagpabalik sa kanya sa realidad. “So, we need something catchy na magsisymbolyze sa pagiging coffee lovers natin. Five owners na kapwa mahihilig sa kape. Any suggestions?” tumaas sa ere ang isang kamay ni Odette. Bumalik na naman ang excitement nito. “Yes, Odette?”
“What about heart? Heart symbolizes love right?”
“That’s what exactly on my mind,” segunda ni Precious.
“I don’t know…”
“Okay, let’s put it into a vote then. Who agrees with Coffee Hearts Café?” ani Odette na siya ring unang nagtaas ng kamay. Tatlong kamay pa ang tumaas sa ere maliban sa kanya. “Rich? What’s your vote?”
Agree siya sa suhestyon nito pero nag-isip pa siya ng matagal. Ewan ba niya, tila may hinihintay siyang mangyari. Bigla na lang walang sabi-sabing itinaas ni Andrew ang isa niyang kamay sa ere. “Ayan, agree na tayong lahat,” sinalubong nito ang tingin niya ng isang matamis na ngiti. Napangiti na rin siya.
“It’s settled then,” pagtatapos ni Odette sa botohan.
“Ah, we also need to discuss the cafés structure, designs and interiors,” aniya ng maibaba ni Andrew ang kamay niya. His touch still lingers at kung nagkataong siya lang mag-isa ang taong naroon ay baka nahalikan pa niya sa tuwa ang kamay na hinawakan ng binata.
Napatayo si Odette sa kinauupuan na ikinagulat nilang apat. “Oh my look at the time! Sorry, but I need to go. May seminar pa pala akong pupuntahan. Sorry girls. Kayo nalang muna ang bahala rito.”
Mula sa kinauupuan ay napatayo rin si Lhyne, “I have to go, too. Ma-may importante din kasi akong lakad.” Napatingin siyas pinsan na nakaupo sa kanyang kanan.
“Don’t look at me like that dear. I told you may date kami ni Kenneth. Sasabay na rin akong umalis sa kanila,” agad itong tumayo sa kinauupuan at sumunod sa nauna ng dalawa papalabas ng Italian restaurant.
Napalingon siya kay Andrew na prenteng nakasandal sa kinauupuan nito’t sumisimsim ng brewed tea.
“Want some tea?” alok nito.
“Don’t tell me iiwan mo rin ako?” sa halip ay tanong niya rito.
“Mukha ba akong may lakad?” Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito kasabay ang pagsalakay ng kilig. Thank you Lord ‘di niya ako iniwan take note solo ko pa siya! Napahalakhak siya sa sarili.
MATAPOS ang mahaba-haba nilang discussion tungkol sa designs ng café na ito mismo ang gagawa, dahil isa naman itong architect, at mag-aasikaso ay nag-aya na ang binata na umuwi.
Nasa parking lot na sila ng bigla nalamang itong huminto sa nilalakaran. “Bakit?”
“Sheesh! Kotse pala ni Odette ang ginamit namin papunta rito. I don’t have any rides,” tila helpless itong napatingin sa kanya.
“Yun lang pala e. Bakit hindi ka nalang sumabay sa akin iyon ay kung okay lang sa iyo na dumaan muna sa dati kong work. Saglit lang naman.”
Nagkibit balikat ito. “Okay lang!”
Nasisiyahang nagpatuloy na siya sa paglalakad papunta sa nakaparada niyang mini cooper. Mahal na mahal niya ang sasakyang iyon dahil ayun sa kanyang mama Simone ay pagmamay-ari pa raw iyon ng namayapa niyang ama.
“Anong gagawin mo sa SML?” usisa nito ng nasa daan na sila.
“Kukunin ko lang ang mga naiwan ko pang gamit doon. Sayang kasi e baka magamit ko pa.”
“I see. Kung ganun tutulungan na kita,” napailing siya.
“Naku, ‘wag na I can handle that.”
“Come on ayaw mo noon may gwapo kang alalay,” giit nito.
“Iyon nga e, napaka-gwapo para lang maging alalay,” boyfriend na lang kasi, pipi niyang usal.
“E di gwapong boyfriend nalang.”
Napatapak siya sa preno ng mariin sa sinabi nito. Gulat na napatingin siya rito. “Grabe naman itong maka-preno. Mabuti’t naka-strap itong seat belt ko. May nasabi ba akong mali?” Nangunot ang noo nito. Napailing siya.
Shit ka Rich, nagbibiro lang siya sa sinabi niya kung maka-react ka naman e parang totoo na.
“Ah, wala naman. May ano… may dumaan kasing pusa. Sorry,” napatango ito.
“Okay ka lang?”
“Ah, oo!” muli niyang ini-start ang kotse. Sa buong durasyon ng byahe ay hindi na muli pang nagsalita ang binata. Gusto niyang batukan ang sarili. Panira ng momentum ang pagkagulat niya.
Pagdating sa Sandoval Motor Lane ay tinotoo nga nito ang sinabing tutulungan siya sa paghahakot ng mga naiwang gamit. Pagpasok na pagpasok sa dating opisina ay sinalubong siya ng mga mapanuring tingin ng mga dating office mate. Ang ilan ay may paghangang sinusulyap-sulyapan ang binatang naka-agapay sa kanyang paglalakad.
“Rich, what a pleasant surprise,” salubong sa kanya ni Maggie na balita niyang pumalit sa kanyang pwesto. At alam niyang matagal ng may tagong inggit sa kanya.
“I’m here to get my things,” taas noong wika niya.
“Ah, yun bang mga gamit mo? Nandoon sa stock room pinaligpit doon ni Sir Sandoval sagabal daw kasi sa bago kong cubicle at isa pa mukha namang basura ang mga ‘yun e,” taas kilay na wika nitong tila hinahamon siya. Inismeran nalamang niya ito’t tinalikuran na. Nakasunod pa rin sa kanya si Drew.
“Is she your enemy?” maya maya’y tanong nito.
“Ha? Sino?” nalingunan niya si Maggie na kandahaba pa rin ang leeg sa pagsunod ng tanaw sa kanila. “Ah, si Maggie, hindi ko naman siya kaaway hindi lang kami close at saka hindi magkasalubong ang ugali namin.” Kibit balikat niyang turan. Hindi na ito muling nag-usisa pa.
Pasakay na sana siya sa mini cooper matapos nila mahakot ni Drew ang mga gamit niya nang may humablot sa kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat ng mapag-sino ang pangahas na iyon. “Marco!”
Nang mga sandaling iyon ay nasa kabilang side ng kalsada si Andrew. Paano’y nagprisenta itong ibili siya ng mocchaccino na siyang paborito niya.
“Miss me?” ngising asong tanong nito. Hah! The nerve!
“Hindi ko ma-mimiss kahit kailan ang taong ayaw ko naman.”
“Pakipot ka talaga. Sinong pinagmamalaki mo? Yung lalaking kasama mo kanina? Walang binatbat iyon sa mga muscles ko sa katawan,” mayabang na turan nito.
Bakit ba kasi ang tagal mo Drew?
“Ang mga katulad mong mayabang ang ayaw na ayaw ko,” bara niya dito na tila naman hindi tinablan.
“Babe, bibigay ka rin lalo na kapag natikman mo na kung paano ako magpaligaya,” lalong lumapad ang mala-demonyong ngiti nito.
“Bastos! Ngayon lumalabas ang tunay mong kulay. Ano pa bang kailangan mo sa akin, hah?” singhal niya rito habang pilit pa rin sa pagkawala mula sa mahigpit na hawak nito sa kanya.
“Ikaw! Ang maganda mong katawan, ang buong pagkatao’t pagmamahal mo,” tinangka nitong ilapat ang mga labi nito sa kanyang labi pero mabilis niyang naiiwas iyon.
“Pakipot ka talaga, hah!” walang sabi sabing sinuntok siya nito sa sikmura. Para siyang masusuka sa sensyasyong nararamdaman. Pinaghalong hilo at sakit ang hatid ng suntok na iyon sa kanya. Impit siyang napadaing.
“Ngayon sasama ka na sa akin,” kinaladkad siya nito patungo sa itim na kotseng nakaparada di kalayuan sa kanyang cooper.
“ANDREEEEEEEEEW!” nagawa niyang maisigaw ng malakas bago tuluyang panawan ng ulirat.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





