Carrying the Mafia’s Twins (Chapter 11)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Aniesha’s POV

AGAD KONG minulat ang aking mga mata dahil sa hagikghikan ng aking mga anak. Mabilis ko silang hinanap at nang makita kong pareho silang naglalaro ng kanilang mga laruan ay kumawala ang ngiti sa aking labi.

Napaka-bait at napaka-lambing na mga bata. Nang maramdaman nila ang paningin ko ay sabay silang lumingon sa aking gawi pagkatapos ay sabay na tumakbo papalapit sa akin.

“Good Morning, Mom,” ani Amari habang si Amaru naman ay sumabit sa aking balikat habang hinahalikan ako sa aking buhok.

[mycred_sell_this]

“Okay, enough na po. Gising na si Mama at magluluto na ng baon niyo,” nakangiting wika ko.

Nang makapagluto ako ng pagkain at baon nila ay agad ko silang tinawag maging ang aking bunsong kapatid na si Simon.

“Mom, where’s Uncle Israel?” Tanong ni Amaru habang nasa hapag kainan kami.

Ibinaling ko ang paningin ko sa ‘kanya pagkatapos ay ngumiti bago ako nagsalita, “Nasa work pa siya, baby eh.”

Kita ko ang pag-nguso ng kambal at hindi ko mapigilang huwag mapangiti. Kuhang kuha nila ang expression ni Israel bagay na ikinakatuwa ko.

Sila Israel at Simon ang kaagapay ko sa pag-aalaga ng kambal. Nagawa nilang magpalit ng diapers nila  Amari at Amaru, mag-hele t’wing umiiyak ang kambal at nagawa nilang paliguan ang mga bata lalo na t’wing abala ako sa pagta-trabaho.

Alam ko may kaunting tampo sa akin ang mga anak ko dahil madalas ay abala ako sa pagta-trabaho pero mabuti na lang at naiintindihan nila ang pinanggagalingan ko.

“So, you’re saying that he’s not coming with us?” Biglang tanong ni Amari kaya napatingin kaming tatlo nila Simon at Amaru sa ‘kanya.

Akmang magsasalita na sana ako subalit biglang may nagsalita sa aking likuran. “Who told you that I’m not coming? Both of you are going to school kaya dapat nando’n ako para sa inyong mga anak ko,” nakangiting ani Israel patungkol sa kambal na siyang ikinatigil ko sa pagkain.

Kita ko ang nang-aasar na tingin ni Simon sa ‘kin at ang palihim nitong pag-ngiti dahilan para samaan ko siya ng tingin samantalang ang kambal naman ay nagsitakbuhan papunta kay Israel at nagmano’t hinalikan ito sa pisngi.

“Bakit paranf kulang ang lumapit sa ‘kin upang halikan ako sa pisngi?” Tanong ni Israel subalit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain.

“Mom, it seems like Uncle Israel is pertaining to you,” natatawang turan ni Amaru.

I faced Israel then smirked at him that made him laugh. “Kidding! So, let’s go?” Tanong niya.

“Kumain ka na muna dito, Israel habang hindi pa tapos kumain ang mga bata para sabay sabay tayong umalis,” wika ko habang nagpepre-para ng pagkain ni Israel.

Agad siyang umupo sa silya. Nang matapos ko siyang pag-hainan ay agad siyang kumain at nakipagkwentuhan sa aking kapatid at mga anak.

Mahal ko si Israel.

Mahal ko siya bilang isang matalik na kaibigan at alam ko sa sarili kong hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa ‘kanya bagay na hindi ko masabi dahil natatakot akong masaktan siya.

Alam kong mali ang ginagawa ko dahil dapat umpisa pa lang ay sinabi ko na sa ‘kanya na tanging pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa ‘kanya pero humahanap pa ako ng tamang tyempo para sabihin sa ‘kanya.

“Mauuna na ako, Ate,” paalam ni Simon pagkatapos ay nakipag fist bump siya sa mga bata at kay Israel.

“Take care, bro!” Ani Israel.

Nang maiwan kaming apat ay agad na ibinaling ni Israel ang kanyang paningin sa akin. Nakangiti siya subalit ramdam kong may tinatago siyang kalungkutan sa kabila ng tingin niyang ‘yon.

“May problema ba?” Kunot-noong tanong ko sa ‘kanya.

Sabay na umkyat ang kambal sa itaas upang kunin ang mga gamit nila sa school dahilan para kaming dalawa ni Israel ang matira sa kusina.

“W-wala,” kamot ulong ani Israel.

I heaved a deep breath then smiled at him. “Lagi mong tatandaan na nandito kami ng mga bata palagi na handang makinig at suportahan ka sa mga bagay na hinahangad at dinidibdib mo,” nakangiting turan ko.

Akmang tatalikod na sana ako subalit bigla akong niyakap ni Israel sa aking bewang habang nakatalikod ako sa ‘kanya.

“Can we stay like this even just for a second?” Tanong niya at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

Hindi ko alam pero tila ba nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Bakit pakiramdam ko ay iiwan niya kami?

Nag-unahang bumagsak ang aking mga luha pababa sa aking pisngi dahilan para agad kong punasan ang mga ‘yon.

Humarap ako kay Israel at lumuluhang nagsalita, “Bakit parang nagpapaalam ka? Hindi ka naman mang-iiwan ulit ‘di ba?” Halos humihikbing tanong ko.

“I’ll be gone for a month. I need to focus on our company in China.”

“You’re leaving us again, Uncle?” Kunot-noong tanong ni Amari habang bitbit ang kanyang bag na nakasabit sa ‘kanyang likuran.

Agad kaming lumingon ni Israel sa mga bata. Kasalukuyang nakakunot ang noo ni Amari habang si Amaru naman ay halatang naguguluhan sa ‘kanyang nakikita.

I heard Israel heaved a deep breath then smiled to my children and immediately went towards them.

“You know..” panimula ni Israel pagkatapos ay lumuhod sa harap ng kambal pagkatapos ay muling nagsalita.

“I need to go back to China, Riri and Ruru. Pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi na ako babalik sa inyo. You know how much Uncle loves the three of you, right? Whenever you feel like you guys want to hug me, always wear this necklace as a sign of my love and hug.” Lumuluhang ani Israel pagkatapos ay may kinuha sa ‘kanyang bulsa.

Kita ko ang gintong kulay ng kwintas at isinuot niya ang mga kwintas na ‘yon sa leeg ng mga bata. Puno ng iyakan ang naganap sa pagitan naming lahat.

“Uncle, promise me that no matter what happens you’re going back to us. That no matter what trials and pain you face, we will always be your reason to keep fighting. Whenever you feel like giving up always look at the stars. Those stars will be the sign of our love and trust in you, Uncle. Babalik ka po ha?” Umiiyak na turan ni Amaru.

Niyakap nila ang isa’t-isa habang ako naman ay nanonood sa kanila habang takip takip ang aking bibig upang pigilan ang hikbi ko.

Ni isa sa amin ay hindi nakapagsalita. Puro hikbi lang ang namutawi sa pagitan naming lahat. Natigil ang lahat nang muling magsalita si Israel. “Whatever happens always put in your hearts and minds that Uncle Israel loves you. That I’m happy because you gave me a chance to be part of your family. Please don’t forget Uncle when you grow up alright? Please don’t forget me… Thank you for the memories that we’ve shared wherein I’ll treasure until the last breath of my life.”

“Why does it feels like you’re leaving us for good? Why does it feels like you will be gone for good?” Umiiyak na tanong ni Amari.

“I promise, I’ll get back to you guys soon. I promise.”

“WHEN ARE you leaving?” Tanong ni Amaru habang nasa loob kami ng sasakyan.

“Tonight, Ruru,” malungkot na nakangiting ani Israel habang nakatingin sa rearview mirror.

“Ayoko sumama sa paghatid sa ‘yo sa airport, Uncle,” nakangusong ani Amari.

Bahagyang natawa si Israel pagkatapos ay nagsalita, “But I wanna be with you before I leave.”

Natigil ang lahat sa pagtatawanan at pagku-kwentuhan nang biglang makarinig kami ng isang malakas na putok ng baril. Halos lahat kami ay nagulat dahil sa nangyari pero nang ibaling ko ang aking panigin kay Israel ay hindi manlang makita ang kaba sa awra ng kanyang mukha. Nakakunot ang kanyang noo habang matalim ang tingin sa side mirror ng sasakyan.

“What’s happening??!” Nanginginig na tanong ko. “Amari and Amaru, dumapa kayo!” histerikal na utos ko at agad naman nilang sinunod.

Muli na namang umalingawngaw ang tumog ng baril sa labas ng sasakyan ngunit gano’n na lang ang gulat ko nang hindi manlang pumasok sa loob ng sasakyan ang bala ng baril.

“This car is bulletproof.” Kalmadong ani Israel.

“Ano bang nangyayari? D*mn it! Please explain everything to me, Israel!!” Mangiyak-ngiyak na wika ko.

“They’re here becauae of me. There’s only one way in order for us to survive,” maluha-luhang wika niya.

Kunot noo akong tumingin sa ‘kanya at pilit na iniisip kung ano ba ang ibig niyang sabihin.

Inihinto niya ang sasakyan at agad na tinanggal ang kanyang seatbelt. “Aniesha, I love you. I love you so much. I want to ask you a favor. Once I get myself out of this car… please. Please save your lives. Save the kids for me. Save yourself. Drive the car as far and as fast as you can,” aniya at tuluyan nang lumabas ng sasakyan.

“Israel!!!!!” Sigaw ko nang makarinig ako ng putok ng baril!

Nanginginig ang aking buong katawan. Nakatingin lang ako sa ‘kanya habang ang kanyang mga labi ay nakangiti. He whispered ‘I love you’ then smiled at me…. happily. Nabalik lang ako sa wisyo nang makarinig akong muli ng putok ng baril at bumagsak ang katawan ni Israel sa sahig dahilan para imaneho ko nang mabilis ang sasakyan.

“KAILANGAN mong kumain, Aniesha,” wika ni Kuya habang nasa harapan ko ang kabaong ni Israel.

Lumuluha akong tumingin kay Kuya. Hanggang ngayon ay puno pa rin ng katanungan ang aking isip. Tila ba ang bilis ng lahat nang pangyayari. Parang kailan lang ay nakangiti pa siya sa ‘kin.

“Mom, please wake Uncle up. I miss him. I wanna play with him,” umiiyak na wika ni Amaru.

Natigil ako sa pag-iyk nang may ibigay sa akin si Amari na sulat. “I saw this inside my bag, Mom. The penmanship si same as Uncle’s penmanship,” aniya.

Agad kong binuksan ang sulat. Nanginginig ang aking kamay. Muli na namang nag-unahang bumagsak ang aking mga luha pababa sa aking pisngi.

Dearest Aniesha,

I don’t know why I feel like writing a letter for you and the kids. I just wanna thank you for giving me a chance to be a father of your kids. For giving me the chance to experience a rollercoaster emotions. I remember, when the first time I held the kids when they finally got out inside your womb. That time, I promised to myself that I needed to take care of these babies not because I feel pity for you, but because my heart wanted to.

Thank you for all the memories and for all the happiness that you’ve shared with me. Thank you for letting the kids acknowledge me as their father. I am part of an organization where there are so much complications because of the law of China. They’re hunting me down.

Maybe one of the reasons why I’m writing this is because I feel like this will be the last day of my life. However, I’d like to say to please take care of the kids for me…. please let them meet their real father. Don’t take away their chance to meet their father. I know what you’ve been through but don’t let that as an excuse to stop the kids from knowing their REAL FATHER.

I love you, Aniesha. Whenever you feel like missing me, know that I’m always at your side guiding you, protecting you and loving you invisibly. I love you and the kids.

You know what I’m afraid of? I’m afraid that as years go by, the kids will forget me. But despite that, I already prepared myself for that day.  I’m wishing you all the best and whatever happens after this day I hope that you will never stuck yourself in darkness. Always look for the brighter side in order for you not to drown. Again, thank you and I love you three!

Yours truly,
Israel

Hindi ko mapigilang huwag mapahikbi at umiyak nang mabasa ko ang sulat ni Israel. Naalala ko ang huli niyang sinabi sa mga bata patungkol s kwintas. Na kahit anong mangyari at kapag nami-miss nila si Israel ay ang kwintas na ‘yon nag magiging simbolo ng kanynag pagmamahal.

Hanggang sa huling hininga niya ay kaming mag-iina ang inisip niya kaysa ang kanynag sarili. Gano’n ba ang pagmamahal? Handa kang isakripisyo ang buhay mo para sa taong minamahal mo? Na kung tutuusin ay kaya mo namang iligtas ang sarili mo mag-isa pero pinili mo pa ring ipain ang sarili mo para sa kapakanan ng ibang tao pero hindi mo ginawa.

Nang makapasok ako sa kwarto naming mag-iina ay tulog na ang mga bata. Nandito ako sa balcony at kasalukuyang nakatingin sa bituin at doon inalala lahat ng ala-ala ko kay Israel.

Pinapangako ko na pagbabayaran ng kung sino ‘mang tao ang gumawa nito sa ‘yo, Israel. Makukuha mo rin ang hustisya ng pagkawala mo. You will be missed and will be remembered. Thank you so much.

[/mycred_sell_this]


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Carrying the Mafia’s Twins (Chapter 11)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.