Aniesha’s POV
KASALUKUYAN AKONG nandito sa Café na nabanggit ni Jaxson upang pag-usapan ang tungkol sa aming mga anak. Marahil ay wala pa siyang alam kung para sa’n ba ang pagkikita namin ngayon. Hindi ko maialis ang bahid ng takot sa aking puso dahil sa mga posibleng mangyari pagkatapos ng pag-uusap namin na ‘to pero wala na itong atrasan. Kailangan siya ng mga anak ko at kung ang paglunok ko ng pride ang kailangan kong gawin para sa kasiyahan ng aking mga anak ay gagawin ko.
Alas diyes y medya nang makarating ako sa tagpuan namin ni Jaxson. Napaaga ako dahil mahirap nang ma-late at sa tingin ko’y importante sa kaniya ang oras. Maayos naman ang huli naming pagkikita ni Jaxson at sa tingin ko’y hindi na muli pang magiging maayos ang pagkikita namin lalo na kapag nalaman niyang itinago ko sa kaniya ang kanyang mga anak.
Magugustuhan nga ba taaga niyang malaman na may anak siya sa akin? Tatanggapin ba niya sila Riri at Ruru? Muli kong naalala si Israel. Marahil ay kung buhay siya magiging masaya siya dahil sa wakas ay nakapag-desisyon na akong ipakilala ang kambal sa tunay nilang Ama.
Natigil ako sa pag-iisip ng maraming bagay nang biglang magsalita sa aking likuran si Jaxson. Nakasuot siya ng shades kahit hindi naman gano’n ka-tirik abg araw at seryosong awra ang ibinibigay niya sa ‘kin.
Nang makaupo siya sa aking harapan nang hindi man lang inaalis ang kanyang salamin ay tsaka siya nagsalita. “What’s the important matter that you want to talk about with me?” Diretsong tanong niya.
Kunot-noo akong tumingin sa kaniya nang makita kong may pasa siya sa gilid ng kanyang labi. Agad ko namang kinagat ang pang-ibaba kong labi bago ako nagsalita. “Anong nangyari d’yan?” Takang tanong ko dahilab para itago niya sa aking paningin ang kanyang pasa sa pamanagitan ng pag-lingon ng kanyang mukha sa kung saan.
“Are you gonna interrogate me? Because if yes, I’d rather leave you and do my own thing rather than waste my time while you’re asking me nonsensical questions,” aniya.
Bumuntong hininga ako at panandaliang ipinikit ang aking mga mata at agad naman ‘yong idinilat.
Hindi ko alam kung pa’no ako magsisinula subalit bahala na kung saan ako dalhin ng aking bibig. Natatakot man at nanginginig ay pinilit kong maging matatag upang huwag akong mapiyok dahil sa kaba habang nagsasalita.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Jaxson. Anak mo si Amari at Amaru. A-anak mo sila sa akin. P-pero hindi ko naman ipagpipilitan ang mga anak ko sa ‘yo kung ayaw mong masira ang pamilya mo. Handa rin akong itago sila at manahimik upang hindi malaman ng asawa mo na may anak ka sa ‘kin,” wika ko.
Jaxson chuckled and shook his head. “How dare you? How dare you take away my children from me? Akala mo ba na sa tinagal-tagal ng panahon ay hindi ko malalaman?” Makahulugang aniya.
“A-anong ibig m-mong sabihin?” Utal utal na tanong ko.
Anong ibig niyang sabihin? Naguguluhan ako sa mga salitang binitawan niya. Tila ba may nais siyang iparating sa ‘kin.
“Matagal ko nang alam ang tungkol kila Amari at Amaru. Now that you’re already decided to introduce me to them, I guess it’s now my time to spend the rest of my life with them. I wanna know them more. Ililipat ko sa akin ang custody ng mga bata.” Seryosong aniya na siyang naging dahilan ng pagbagsak ng aking mga luha.
Alam ko kung gaano makapangyarihan si Jaxson at kayang kaya niyang gawin ‘yon sa isang pitik lang. Bakit parang gusto niyang ilayo sa akin ang aking mga anak gayong ako na nga ang gumawa ng paraan upang maglapit ang kanilang mga landas?
“Jaxson, u-utang na loob. H-huwag mong ilalayo sa akin ang mga anak ko,” lumuluhang pakiusap ko.
Hindi ko kayang mawala sa akin ang aking mga anak. Sa kanila ko binuhos ang buong buhay ko dahil gano’n ko sila ka-mahal. Hindi ko kayang mawala sila sa akin dahil sila ang buhay ko.
“Hindi ba ganyan ang ginawa mo sa akin noon? Inilayo at ipinagkait mo sa akin ang ilang taong lumipas para makasama ko sila.” Tiim bagang na aniya.
“Stop being unfair and unreasonable, Jaxson!” Lumuluhang sigaw ko.
Hindi porke’t alam niyang makapangyarihan siya ay may karapatan na siyang gipitin ako ng ganito. Kung tutuusin nga dapat hindi niya ginagawa sa ‘kin ‘to!
“Ako pa?!” He sarcastically asked. ” Ako pa ang tinawag mong unfair at unreasonable?! What the hell, Aniesha! You took away my children from me because you were being unreasonable! Stop acting like a victim! Ako at ang mga anak ko ang mga biktima dito dahil sa pansarili mong kagustuhan!” Aniya.
Akmang tatayo na sana siya subalit agad kong kinuha ang dalawa niyang kamay at marahan pinisil ang mga ‘yon.
“Utang na loob, Jaxson. Huwag mo silang ilayo sa ‘kin,” lumuluhang pakiusap mo.
“You don’t want to lose them? Let’s make a deal, then.”
NANG makarating na kami sa mansyon ng pamilyang Montenegro ay gano’n na lang ang kapit nila Riri at Ruru sa aking kamay. Alam kong kinakabahan sila dahil base sa pag-uusap namin kagabi ay natatakot sila na baka hindi sila matanggap nila Jaxson at ng kanyang pamilya.
Agad kaming pinapasok ng mga kasambahay nila sa loob ng kanilang mansyon. Hindi ko mapigilang huwag humanga dahil sa taglay na ganda ng kanilang mansyon! Mula sa mga furnitures at mga materyal na ginamit sa kanilang napakalaking bahay ay talagang wala ka nang mahihiling pa.
“Where’s my princess? Artemis’ brothers are here,” biglang tanong ni Jaxson sa isang kasambahay dahilan para sumagot ito.
“Nasa kwarto niya, Sir. Natutulog po,” ani kasambahay.
Patago kong kinagat ang pang-ibaba kong labi. Alam ko na maya maya lang ay ipapakilala niya na sa ‘min ang kanyang asawa. Handa naman ako sa trato na ibibigay sa akin ng kanyang asawa pero ‘wag niya lang subukang saktan ang mga anak ko mapa-pisikal ‘man o emosyonal dahil iba akong magalit lalo na kapag mga anak ko na ang usapan.
“Young men, shall I accompany you to your younger sister?” Tanong ni Jaxson pagkaluhod niya sa harap ng aking mga anak upang magpantay ang kanilang mga mukha.
Napatingin sa ‘kin ang aking mga anak dahilan para ngumiti ako sa kanila at dahan-dahang tumango.
Agad namang tumayo si Jaxson mula sa pagkaka-luhod pagkatapos ay hinawakan ang kambal gamit ang kanyang magkabilaang mga kamay pagkatapos ay iginayak ang kambal papunta sa itaas ng mansyon.
Akmang tatalikod na sana ako para umupo sa likuran kong couch subalit biglang lumingon si Jaxson sa akin at nagsalita. “What are you still doing there? Don’t tell me that you’re not coming with us?” Kunot-noong tanong niya na siyang naging dahilan ng pagkamot ko sa aking ulo.
Sumunod naman ako agad sa kanila at tahimik na nakinig na lang sa usapan nilang mag-aama. Gusto kong tanungin si Jaxson tungkol sa kaniyang asawa subalit sa tingin ko’y hindi pa ngayon ang tamang oras at pagkakataon.
Pagkapasok ko sa kwarto ng anak ni Jaxson ay hindi ko mapigilang mapahanga dahil sa taglay nitong ganda. Kulay pink ang buong kwarto maging ang ibang mga gamit sa kwarto.
“She’s Artemis Jayda Montenegro, your younger sister.” Nakangiting pakilala ni Jaxson sa kaniyang bunsong anak sa amin.
Napakagandang babae. Kahit baby pa lang siya ay nakikita ko na ang taglay nitong kagandahan. Namana niya ang maraming parte ng mukha ni Jaxson lalo na ang mga mata ng kanyang Ama.
“She’s so little!” Manghang wika ni Amari habang nakatingkayad upang makita ang kanyang nakababatang kapatid.
“Mama, can you help me see my sister? I’m starting to feel irritated cause I can’t see her face properly,” nakangusong ani Amaru dahilan para magkatinginan kami ni Jaxson at sabay na natawa dahil sa reaksyon ni Amaru.
“Don’t you want Papa to carry you instead of Mama?” Nakangiting tanong ni Jaxson dahilan para mabilis na sumagot si Amaru. Agad naman siyang binuhat ni Jaxson maging si Amari at sabay sabay na tinignan ang kanilang nakababatang kapatid.
KASALUKUYAN kaming nakaupo sa harap ng isang napakahaba at napakagandang lamesa dito sa mansyon ng pamilyang Montenegro. Hindi ko maiwasang huwag mailang dahil sabay sabay kaming kumakain ni Jaxson kasama ang kanyang Ina at ang aking mga anak.
Iilan lang kami at ramdam ko ang ilangan sa pagitan naming lahat. Hindi ko alam kung ramdam din nila ang awkwardness na nararamdaman ko o sadyang ako lang talaga ang naiilang sa kanila.
Nagtataka man kung bakit hindi namin kasama ang asawa ni Jaxson ay hindi na lang ako nag-abala pa na magtanong dahil sa tingin ko’y personal na kagustuhan naman ‘yon ng asawa ni Jaxson kung ayaw niyang kasabay kami ng aking mga anak sa hapag.
“I’m so happy now that I finally had a chance to meet you two my grandchildren. You can call me Mamita, Amari and Amaru.” Nakangiting bati ni Ma’am Madonna sa aking kambal.
Mahahalata sa mga mata ng mga bata ang hiya at takot dahilan para tignan ko sila na kung saan ay nais kong iparating na huwag silang matakot. Agad namang na-gets ng mga bata ang nais kong iparating dahilan para ngumiti sila at sabay na binati ang kanilang Mamita.
“Good evening po, Mamita!”
“Hello po, Mamita!”
Amari and Amaru spoke in chorus that made their grandmother smile widely.
“Now that we’re already together, I want to spend my vacation with you, young men. Ilang taon din ang lumipas na hindi ko kayo nakikita at nakakasama kaya gusto kong makasama kayo at makausap.” Nakangiting ani Jaxson.
Agad na ngumiti ang kambal at nagsimula nang mag-kwento ng kung ano-ano sa kaniyang Lola at Papa. I don’t know but I feel so happy and contented seeing them laughing together. The happiness on Amari and Amaru’s faces are so genuine. They’re comfortable whenever they’re talking to their Lola and Papa.
Natapos ang gabi at magpapaalam na sana ako sa pamilyang Montenegro subalit biglang nagsalita si Jaxson dahilan para sa kaniya mapabaling ang aking buong atensyon.
“The room of the kids are now ready. They can sleep together tho if they’re not comfortable sleeping alone.” Turan ni Jaxson.
“N-naku! Hindi ako nakapagdala ng sapat na damit, J-jaxson,” kagat labing wika ko dahil sa ka-t*ngahan ko.
I heard him heaved a deep breath then he spoke, “I can buy you clothes. There’s nothing to worry about,” pinal na saad ni Jaxson pagkatapos ay nilapitan ang kanyang mga anak.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa inasal niya. Hanggang ngyaon ay hindi pa rin siya nagbabago. Kapag gusto niya ay gusto niya.
Nagdesisyon akong lumabas muna sa garden at lumanghap ng sariwang hangin. Natatakot man subalit alam kong ito ang tama.
Kamusta na kaya si Israel?
Alam kong masaya siya dahil nasa itaas na siya. Nawa’y gabayan niya ako sa mga desisyong gagawin ko kasama ang pag-gabay sa akin ng Panginoon.
Muli na namang tumulo ang aking mga luha. Buong akala ko ay tanggap ko na ang pagkawala ni Israel subalit hindi pa pala.
Napakaraming magagandang ala-ala ang iniwan at tinatak niya sa puso naming mag-iina na kahit sino ay hindi matutumbasan. Mabuti nga kahit papaano ay nako-control na ng mga bata ang kanilang emosyon t’wing naa-alala nila si Israel. Noon kasi ay hindi talaga nila matanggap. Na ultimo kaunting bagay na may kinalaman kay Israel ay maiiyak sila at magwawala. Ganu’n ka-grabe ang epekto ni Israel sa mga bata at ganu’n siya ka-mahal ng mga anak ko.
“So deep,” ani nag-mamay-ari ng baritonong boses sa aking likuran dahilan para agad kong punasan ang aking magkabilaang pisngi.
“Ha?” Takang tanong ko sa kaniya habang pinipigilang suminghot dahil sa pag-iyak.
“Hatdog.” Aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“You’re thinking deeply. Baka malunod ka,” turan niya.
Ni hindi manlang magawang ngumiti nito. Bakit kasi napaka-seryoso niya? Hindi naman siya ganito kasungit noon. Mas lumala ang pagiging masungit niya ngayon. Psh!
“May naalala lang,” pilit na nakangiting wika ko.
Panandalian siyang natahimik at tila ba nangangapa ng salitang bibitawan. Ilang minuto ang lumipas bago siya muling nagsalita, “Artemis’ Mom and I decided to walk on different paths.” Seryosong aniya habang nakatingin sa buwan.
Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita at agad na naisip si Artemis. Bakit sila naghiwalay? Paano na si Artemis? Mahirap lumaki na hindi buo ang pamilya dahil maaari niyang maramdaman ang kakulangan ng pag-aaruga ng isang Ina.
“P-paano si Artemis?” Takang tanong ko.
“She’ll surely understand the situation when she grows up.” Siguradong ani Jaxson.
Hindi na lang ako umimik pa. Nang maramdaman ko ang lamig ay tumayo ako mula sa pagkaka-upo pagkatapos ay nagpaalam kay Jaxson.
“Mauuna na ako, Jaxson. Medyo malamig na rin kasi, eh. Doon na lang ako sa maid quarters matutulog,” nakangiting paalan ko sa kaniya.
Wala pa sa kalahati ang nailalakad ko ay bigla siyang nagsalita dahilan para maalingon ako.
“You can sleep on my room,” nakangiting suhestyon niya na siyang agad kong ikina-iling.
“Naku! Hindi na. Nakakahiya naman.”
Kung puwede lang na magpakain ako sa lupa dahil sa kahihiyan ay matagal ko nang ginawa. Bakit ba lumiliit ang boses ko t’wing kausap ko siya?! Nakakahiya!
“No, it’s okay. Inaayos pa kasi ‘yong guestrooms.” Aniya.
As if may iba pa akong choice at magpabebe pa ako sa kaniya, hindi ba?
Tumango na lang ako bilang pag-sang-ayon at nagsimulang umakyat ng hagdan. Iginayak naman ako ni Jaxson papunta sa kwarto niya at itinuro ang kanyang kama. “You’re gonna sleep there. Don’t worry, I’ll sleep on the couch,” wika niya na siyang ikinahinga ko nang maluwag.
Akala ko ay magtatabi kami sa iisang kama! Jusko!
Agad na kumuha si Jaxson ng kanyang unan at comforter upang maging kumot niya pagkatapos ay ihiniga ang kanyang katawan sa couch. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti dahil may parte sa kaniya na hindi pa rin nagbabago. Alam ko na sa kaibuturan ng puso niya ay siya pa rin ‘yong Jaxso
n na nakilala ko. ‘Yong Jaxson na minahal ko.
“Salamat, Jaxson. Maraming salamat.” Nakangiting wika ko pagkatapos ay humiga na at natulog.
to be continued…
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




