“A- ANO’NG mapapala ang ibig mong sabihin?” Inosenteng tanong ni Charisma. Hindi niya naiwasan ang mapangiti. Nagkakandautal – utal pa sa pagsasalita ang dalaga. Mataman niya itong tinitigan at sa puwesto nilang magkatabi sa hagdanang bato ay lalo niya itong napagmasdan nang malapitan.
“I mean, what can you offer me that the other two Eves don’t have?” Muling lumipad ang tingin nito sa kaniya.
“Binabastos mo ba ‘ko?” Tanong nito. He was amused and all of a sudden, he felt the urge to kiss her. Hindi niya alam kung saan nagmula ang pagnanais niyang iyon pero naramdaman na lang niyang ibig niya itong ikulong sa kaniyang mga bisig at manatili ito roon sa loob ng buong araw. He could even smell her hair and her scent. Hindi gaya ng iba niyang mga kakilala na halos ay ipaligo ang perfume just to smell nice, she was wearing her natural scent. This woman was very different.
“Actually, kung paanong may dahilan ka sa pagsali sa CE ay gayundin ako. I also have my own reasons for joining the search. One of those reasons is my grandmother. The rest, never mind. You wouldn’t understand me at all.” Aniya habang nakatingin sa mga mata ni Charisma. At bigla ay naalala niya ang minsang binanggit ni Britanny.
‘Her eyes alone can lure you, bro.’
Mukhang tama nga ito. Kahit mga mata lang nito ay samut – saring emosyon na ang idinudulot sa kaniya. Those eyes were very expressive and yet, deceiving. Hindi niya alam kung maiiyak ba ito, matatawa o magagalit. Napakaraming emosyon ang tila madaling mapagpalit – palit ng magagandang mga matang iyon.
“What about your gran?” Tanong nito habang nakapatong ang baba nito sa mga kamay na nasa ibabaw ng mga tuhod.
“When my parents died in a plane accident when I was twenty – two, I couldn’t believe they left me with a huge inheritance. Ako lang kasi ang nag – iisang anak na lalaki sa pamilya kaya ang halos seventy – five percent ng mga negosyo ng aking mga magulang ay ibinigay sa akin. Ang problema, hindi ko naman pala iyon makukuha unless I get married at the age of thirty. Noong una ay hindi ko iyon pinapansin until my granny who’s been acting as my guardian all these years told me she wants to see me marry. Natural ay hindi na dahil sa mana ang issue dito because I’m just twenty – seven.”
“At nag – aalala kang hindi mo mapagbibigyan ang lola mo kung pagtatagalin mo pa ang paghahanap ng babaeng pakakasalan, ganoon? Bakit, ilang taon na ba siya?”
“She’s turning seventy – eight this coming January. Natural, nag – aalala ako lalo ngayong sunud – sunod ang mga nagiging sakit niya. I’m getting worried everyday. Baka bukas ay huling araw na pala at hindi ko pa rin siya napagbibigyan sa gusto niya.”
“So, iyon ang reason mo for joining the search?”
“I can say yes. Suggestion ito ni Brittany, a close friend back in College who happens to be Glamorosa of Cyber Eve.”
“Oh, I see. Siya pala iyon at kaibigan mo pa. She encouraged you to join the site because she wanna make sure that you’re gonna fall fall with the right woman, Morris.” Napatango siya.
“Why not marry her, instead? Baka gusto ka niya at kaya sa CE ka niya dinadala ay para masiguro niyang kilala niya ang magiging date mo. Baka…baka…”
“Hey, what are you trying to imply? That Brit likes me? No freaking way, honey. She’s just a sister to me.”
Nakita niyang napangiti si Charisma sa narinig. At tila umiilaw ang mga mata nito nang muling nagsalita.
“Kung ganoon, si Monica na ang pakakasalan mo ngayon dahil lang nainis ka sa mga sagot ko?”
He smiled at her. Ang totoo ay hindi niya kasi nagustuhan ang paraan nito ng pagdadala ng sarili. She’s beautiful, all right. But life is not all about being beautiful. There’s more into it. There should be more into it. At sa nakikita niya, mukhang malayong maging si Charisma iyon. Ni hindi nito masakyan ang humor niya, gayundin naman siya sa mga sinasabi nito. They tend to collide every time. Paano silang magkakasundo nito kung sa simpleng biruan lang ay hindi na sila magkasalubong?
“Perhaps…”
“No way!” Marahas siyang napalingon nang marinig ang sigaw ni Charisma. At napatingin siya sa kaniyang braso nang makaramdam ng hapdi roon. Unti – unti ay may lumitaw na maninipis na linya ng pulang marka sa braso niya. And when he looked at her, he saw the woman checking her nails. At saglit lang ay nagtatarang na ito.
“My goodness, Morris! See what you did to my nails! Kapapagawa ko lang nito!”
He opened his mouth to say something but decided to close it again after few seconds. He couldn’t believe her kind. Kung inisip niya noong unang nararapat ito para sa kaniya, ngayon ay ibig niyang ipagpasalamat na hindi ito ang pinili niya. She was kinda weird at siguro ay tama ang tiyahin nito sa mga ibinibintang dito.
Nang muli niyang tingnan ang braso ay tuluyan nang bumukas ang tatlong guhit na naroon at unti – unting dumudugo. Narinig niya ang pagsinghap ni Charisma nang makita ang mga iyon.
“Oh my, I’m sorry, Morris! I’m sorry! I’m sorry, I’m, really, really sorry!”
Hindi siya nakakilos nang bumaba ang mga kamay ni Charisma sa suot nitong palda. Marahas nitong pinunit ang laylayan ng tela at saka kumuha ng kapiraso mula roon. Inilapit nito ang tela sa kaniyang braso at unti – unting pinunasan ang mga guhit sa braso niya.
“Sorry talaga, Morris. Hindi ko sinasadya. Malinis ang bahaging iyan ng damit ko ha, baka isipin mo naman ay…”
“Stop!” Naririndi na ang tainga niya sa kasasalita nito at hindi na siya magtataka kung maya – maya lang ay magka – damage ang ear drums niya. Maingay pala ang babaeng ito. Her aunt was wrong when she told her she was boring and cold. She was far beyond the words. Dahil maingay rin ito, taklesa at may pagkabayolente. No wonder she had no boyfriend. Tuloy ay napag – iisipan itong tomboy ng mismong tiyahin nito.
“Sorry ulit, Morris. I’m really…”
“Okay na. Apology accepted.”
“Paano, tutuloy na ‘ko. Wala rin naman akong mapapala sa pagpunta ko rito. Sige, goodluck sa magiging kasal mo.” Tumayo ito at napasunod na rin siya.
“Wait…” Natagpuan niya ang sariling hawak sa kamay ang dalaga. When she tilted her head to look up on him, he could swear he was mesmerized by her gaze.
“What?”
“You came here because you want me to change my mind, right? Gusto mong ikaw ang piliin ko sa Adam’s Eve?”
“Sana. Pero naisip ko ngayon, paano pa bang mangyayari iyon kung may napili ka na?”
“You seem not so familiar with the rules, honey. Any Adam is entitled to change her date weekly. Kung si Monica man ang napili ko ngayon, I can have you on the second week.”
“And have Marie on the next?”
“Puwede. Iyon ay kung pareho kayong hindi papasa ni Monica sa mga pamantayan ko.”
“Wow, ang humble…”
“Lahat ng tao ay may angking yabang, Charisma. The only difference is that I am on the position to flaunt it.”
“Okay. Point taken. So you are now telling me that you are asking me for your next week’s date, tama?”
“Tama.”
“Kung papasa ako sa taste mo, will I be your third week’s date?”
“Yep.”
“What about for the last and final week of the month?”
“The Eve to be chosen on the final week will be the Monthly Eve. According to Brit, the couple will be given a grand dinner date. Documented ang lahat ng mangyayari sa first hour ng date dahil may isang CE member na kukuha ng videos and pictures for the website. But after that, the couple is free to go anywhere they want.”
“Nice.”
“But of course, we’re not after the dinner date here, aren’t we?”
Muling napatingala sa kaniya si Charisma. Sa pagkakataong ito’y inilapit niya nang husto ang sarili sa dalaga. Nanlaki ang mga mata nito nang maisip na hahagkan niya. He was tempted but he didn’t kiss her. At para masaway ang sarili ay matinding pagpipigil ang kinailangan niyang gawin.
“Of course. I want to prove something for Tita Maita. How about you?” Tugon nito sa pautal na paraan.
“I’d like to help you do that, honey.” Aniya sabay ngisi nang makahulugan. Napangiti nang malapad si Charisma at hindi niya maiwasan ang matulala sa mga ngiting iyon. May ilang sandali rin niyang kinausap ang sarili upang makapagpigil.
“Tutulungan mo ‘ko?”
“Yes. Because you will also help me.”
Napangunot ang noo ng dalaga sanhi ng pagtataka.
“Help you what?”
“Get married, my sweet…”
‘Oh, my veggies…’
“HINDI ko maintindihan ang logic ng sinabi mo, girl…” Kasalukuyan silang nakaupo ni Jaja sa veranda nila at ikinukuwento niya rito ang mga pinag – usapan nila ni Morris.
“Simple lang. In-inform na niya ang Cyber Eve na ako ako na ang date niya next week. Ang kailangan ay pagbutihan ko lang para ako ang piliin niyang date sa third at final week, friend.”
“Tapos?”
“Tapos, mutualism mode na kami. Help ko siya to please her gran and he’ll help me as well to prove myself to Tita Maita.”
“Wow! Ang gandang script sa pelikula. Puwedeng – puwede, girl!” Kinutukan niya ng isa ang kaibigan.
“Seryoso ako, ano ka ba?! Totoong usapan namin iyon ni Morris. Magtutulungan kaming dalawa at gagamitin namin ang Cyber Eve para maisagawa iyan.”
“Will you inform the CE admin about this?”
Umiling siya. Iyon kasi ang bilin ni Morris. Hindi dapat malaman ni Glamorosa ang plano nila. Mas makabubuti raw na sila na lamang dalawa ang nakakaalam ng bagay na iyon. Isa pa ay respeto na rin sa kaibigan nito dahil malalapastangan ang polisiya ng Cyber Eve sa gagawin nila. Natural ay maisasakripisyo ang dalawang kalahok sa naturang search dahil hindi pa man isinasagawa ang second part ng selection ay may lihim ng panalo sa likod nito. Ang kailangan lang niya ay umarte para hindi naman mahirap papaniwalain ang mga tao na siya ang pipiliin nito sa third and final week.
“Kung buo na ang pasya ninyo, eh ‘di lumarga na kayong dalawa. Kaiingat lang kapatid dahil mahirap nang ma – in love ka sa lalaking ‘yan ha.”
Napatingin siya rito. Oo nga. Bakit hindi iyon sumagi sa isip niya?
“Dalawang date plus the grand dinner date itself, baka bago matapos ang buwang ito ay mahal mo na si Morris.”
Tama. At matapos ang search ay doon pa lang magsisimula ang totoong pag – arte nila ng lalaki. Nangangahulugan iyon ng mas maraming pagkakataon na magkikita sila. Paano na?
“I don’t think so, Ja. You know me.”
“Ah, yeah. Hindi mo nga pala type ang isang gaya ni Morris. Dahil ang type mo ay ‘yung mga tipo ko.” Nanlaki ang kaniyang mga mata sa sinabi ni Jaja. Isinampal lang naman nito sa mukha niya ang ‘tomboy issue’ na hindi niya kailanman matatanggap. Muli ay kinutusan niya ito nang mahina sa ulo. Natawa lang ang kaibigan sa iginawi niya. Alam naman niyang nagbibiro lang ito.
WEDNESDAY eve. Ang unang gabing magkasama sa isang dinner date si Morris at Monica. Kinakain siya ng matinding kaba. Paano kung magbago ang isip ni Morris kapag nakasama si Monica? Baka sa huli ay umatras ito at ang babaeng iyon na lang ang kausapin para isagawa ang plano nito?
Hindi maaari. Hindi puwedeng basta na lamang siya nito isasantabi pagkatapos ng naging pag – uusap nila. Hindi siya papayag ng ganoon lang. She had to do something. Bago pa magbago ang isip niya ay iniangat na niya ang numero ng telepono ng Cyber Eve.
“WHAT are you doing here?” Nagulat si Glamorosa nang makita siya. Kasalukuyan itong nagbibigay ng instructions sa lalaking sa tingin niya ay siyang tatayong photographer sa dinner date na iyon. Nasa Park and Dine in Haven sila na nakatunghay sa kaakit – akit na bahagi ng Manila Bay. Isa itong restaurant na seafood ang isinisilbi.
“Where’s Morris?” Sa halip ay tanong niya. Nang hindi ito agad nakasagot at nagpalinga – linga lang ay humakbang na siya upang lampasan ito subalit madali nitong iniharang ang sarili sa pinto.
“Miss dela Serna, hindi ka puwede rito. Nagkaintindihan na tayo kanina hindi ba? I didn’t tell you we’re here, how come…”
“Morris did. See, he wants to see me!”
“Oh, no! Bakit hindi mo na lang hintaying ikaw ang piliin niya para sa second week? Nakakahiya kay Monica, huwag mo naman sanang sirain ang gabing ito para sa kaniya.” Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Bakit, war freak ba siya? Hindi naman siya ang tipo ng taong gagawa ng gulo para lang mapansin. Pero ano nga ba ang ginagawa niya ngayon doon kung hindi siya manggugulo?
Kaninang tinawagan niya si Glamorosa ay hindi niya ito nagawang paaminin. Ayon dito ay confidential ang nasabing date hanggang sa maisagawa iyon. Hindi maaaring magpunta roon ang kahit sinong Eve lalo pa at kalahok siya ng naturang search. Hindi siya sumuko at sa halip ay tinawagan si Morris na kasalukuyang nasa daan papunta sa restaurant. Tinanong niya itong kung saan ito pupunta at wala sa loob na sinagot naman nito ang tanong niya. Nagbiro pa nga ang lalaki na mas maganda sa lugar na iyon ang pagdadalan sa kaniya nito at hindi niya naiwasan ang makaramdam ng kasiyahan sa sinabi ng binata.
Lingid dito ay pinuntahan niya ang mismong lugar. Ibig niya kasi itong makausap ng personal bago man lang ito makipagdate kay Monica. Mahirap na. Baka mapendeho pa ang plano niya at malusaw ang Ferrari ng Tita Maita niya.
“Glamor, kailangan kong makausap si Morris. Hindi pa naman kayo nagsisimula so I don’t see any reason why you wouldn’t let me talk to him.”
“Reason? We all have the reasons in the world to stop you from talking to Morris, Charisma. Ginugulo mo ang plano namin. Masisira ang Cyber Eve kapag nag – eskandalo ka rito.”
“Why would I do that? Hindi ako gagawa ng eskandalo. Kakausapin ko lang talaga si Morris, promise!”
“Hindi mo ba ‘yan magagawa mamaya o bukas? Kailangan ba talagang ngayon?”
“Oo! Kailangang ngayon bago magsimula ang date na ‘yan!” Nanggigigil na tugon niya sa naiinis na ring si Glamorosa. Ngani – nganing tawagin niya ito ng Britanny upang malaman nitong totoong nagkausap na sila ni Morris pero hindi na lang at baka ikagalit pa iyon ng lalaki.
“Okay. Ipapatawag ko siya but I am giving you only three minutes to talk to Morris, okay? Is that clear, Miss dela Serna?” Three minutes? Ano ang mangyayari sa three minutes? Upang lumabas na lang ng restaurant ang lalaki ay tumango na rin siya. Pagkuwa’y sinenyasan ni Glamorosa ang isang babaeng nakaupo sa couch na nasa isang sulok ng reception area ng hotel. Tumayo ito upang tawagin si Morris.
Next to: CE Series: Charisma dela Serna (Book 1/Chapter 4)
Previous: CE Series: Charisma dela Serna (Book 1/Chapter 2)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






One Response
Grabe, Charisma iba ka hahaha. Praning ka bes? Talagang maninira ka ng date ah hahahaha😂