HINDI makapaniwala si Red sa narinig na salaysay mula kay Lola Milagrosa. Kaya pala biglang nagbago si Blue sa kanya ay dahil…pagak siyang tumawa. Ilang beses siyang nagtanong kay Blue kung bakit tila iniiwasan siya nito pero tikom lamang ang bibig nito parati. Hanggang sa nakulitan na siguro ito sa kanya at sinabi nitong wala ng dahilan para magpanggap ito na okay sila nito…na tanggap siya nito dahil patay na naman daw ang papa nila. Iyon pala ay hindi iyon ang totoong dahilan. Kung hindi iniisip nitong inagaw niya si Bea!
“Paano niyo nalaman, lola?” tanong niya.
“Minsang nalasing ang kapatid mo. Wala siyang bukam-bibig na inagaw mo daw sa kanya si Bea.”
“Pero hindi iyon totoo, lola,” naiiling na pakli niya. Paanong inisip ni Blue na magagawa niya ang bagay na iyon dito?
“Mawalang-galang na nga po,” singit ni Pepay na nasa hindi kalayuan sa puwesto nilang maglola. Katabi nito si Zach. “pasensiya na sa inyong dalawa, pero baka sakaling makatulong ang impormasyong alam ko.”
Nagkatinginan silang maglola. At nagsimulang magkuwento naman si Pepay. He was really shocked. Hindi siya makapaniwala. Ang daming taon na nasayang sa kanilang magkapatid nang dahil lamang sa maling akusasyon nito. Kung sana ay nagtanong ito. Kung sana ay naging totoo ito sa kanya. For three years, he tried reaching out to him pero parati itong umiiwas. Nagtanim ito ng galit sa kanya nang wala naman kabagay-bagay. Napapailing siya kasabay ng pagsilay ng mapait na ngiti. Who have thought that Blue Morgan known for being a playboy, was actually a coward? Takot humarap sa problema at sa halip ay tinakbuhan lamang.
“My God! Nine years ang nasayang dahil sa maling bintang ng kumag kong kapatid na iyon!” palatak niya. Somehow, he felt relief. It felt so good. At least, alam niyang hindi nagkunwari ang kapatid sa ginawa nitong pagtanggap at pakikitungo sa kanya. It was all real. It was real! Blue really accepted him as his brother! Ah, he was really happy.
“Ano ngayon ang balak mo?” tanong sa kanya ni Lola Milagrosa.
“Ako na ang bahala sa kapatid ko na iyon, lola. Bibigyan ko ng leksiyon.” Nakangiting sagot niya.
KINABUKASAN, pagdating sa komedor ay takang-taka si Blue sapagkat ang daming nakahain sa mesa. Sa isip ay tinatanong niya ang sarili kung may nakaligtaan ba siyang okasyon para sa araw na iyon.
“Tamang-tama, handa na ang lahat,” si Red na galing sa kusina. May bitbit itong malaking bandehado. Tila nakakalokong pinaamoy pa nito sa kanya ang laman niyon. Bigla siyang natakam. It was his favorite. Seafood friedrice. Marami na siyang napuntahang lugar at natikman niya ang seafood friedrice sa mga lugar na iyon pero paborito niya pa rin ang seafood friedrice na luto ni Red.
Akmang aalis na sana siya sa komedor subalit mabilis nitong naiharang ang isang hita nito kahit pa bitbit nito ang malaking bandehado.
“Ano bang problema mo?” kunot-noong tanong niya rito. Kagabi pa siya naiinis dito.
Sa halip na sumagot ay ngumiti ito sa kanya. Pagkatapos ay inilapag sa mesa ang hawak na bandehado. Nagulat pa siya nang ipaghila siya nito ng silya at sapilitang pinaupo. Nilagyan siya nito ng seafood friedrice sa platong nasa kanyang harapan.
“Ang aga kong gumising para lamang ipagluto ka, ha,” wika nito na kinindatan pa siya.
Kunot na kunot ang kanyang noo. Nagtataka siya sa kinikilos nito. Kung hindi siya nagkakamali ay nakahanda siya nitong suntukin kagabi dahil sa galit. Alam niyang nagseselos ito dahil may pagtingin ito kay Pepay. Sinadya niyang hilahin si Pepay kagabi at kunwari ay hahalikan niya ang dalaga. Ginawa niya iyon dahil alam niyang nakasilip si Red. Gusto niyang maramdaman nito kung ano ang naramdaman niya noon dahil sa panunulot nito sa kanya kay Bea.
“Where’s everybody?” sa halip ay tanong niya. Tila cue naman iyon dahil halos sabay-sabay na nagsipasukan sa komedor sina Lola Milagrosa, Violet, Pepay at si Zach.
“Bakit naririto ka pa? Hindi ba at may pasok ka sa school?” tanong niya kay Violet.
“Duh! Tapos na ang finals namin. Wala ng kuwenta ang pasok. Hintayin ko na lang kung kailan kami magpapa-clearance,” sagot ni Violet. Pagkatapos ay nakangiting bumaling ito kay Pepay. “Makakapag-bake na tayo, Pepay,” bakas sa excitement ang tinig na kapatid.
“Yown! Gawa tayo ng marami para makapag-supply ka nasa Cups of Coffee & Chat Cafe,” sabi naman ni Pepay.
Tumikhim si Red. “Kain na tayo.” Nakangiting wika nito. Pagkatapos ay kinindatan siya nito. Inasikaso siya nitong mabuti sa pagkain. Panay ang dulog nito sa kanya ng seafood friedrice. Pati na ang mga paboritong ulam na naroroon. Nang tikman niya ang lutong ulam na nilagay nito sa plato niya ay natigilan siya. Alam niyang ito ang nagluto niyon.
“Kain ka ng kain. Nasa mood akong magluto kanina kaya exempted na muna ang araw na ito sa diet mo, okay?” anito.
Nagtataka talaga siya. Ibang-iba ang mood ni Red ngayon. Ito iyong Kuya Red na kilala niya noon. Masiyahin at laging nakangiti sa kanya. Hindi niya maiwasan na mapangiti. Nang tingnan niya ang mga naroroon, ay nakangiti ang mga ito. Bigla siyang tumikhim.
“May photo shoot ulit ako sa isang araw,” wika niya sabay aalisin sana ang seafood rice na inilagay sa kanya ni Red subalit pinandilatan siya nito. Iiling-iling na hinayaan na niya lamang ito. Pero naubos niya rin naman ang lahat ng inilagay ni Red sa plato niya. Tangka sanang lalagyan ulit siya nito pero tumanggi na talaga siya. “I am so full na talaga. Hindi ko na kaya,” tanggi niya habang hinihimas ang kanyang tiyan.
“Nabusog ka ba?” nakangiting tanong ni Red sa kanya.
Tumango siya.
“Ang daya mo naman, Kuya Red,” may himig hinampo na wika ni Violet. “Bakit si Kuya Blue lang ang inaasikaso mo? Ako kaya ang bunso,” nakalabing bigkas pa nito.
Nagkatinginan silang dalawa ni Red. Pagkatapos ay sabay na napatawa.
“Haist, ang sarap niyo kayang tingnan.” Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig na komento ni Lola Milagrosa.
MASAYA ang pakiramdam ni Red. Nagawa niya ang unang hakbang para muling mapalapit sa kapatid na si Blue. Alam niyang lahat lutuin ang mga paborito nitong pagkain. At natuwa siya sa outcome nang maganang kumain si Blue at naubos pa talaga nito ang inilagay niya sa plato nito.
Kasalukuyang si Violet naman ang inaasikaso nilang magkapatid nang bumungad si Bea sa komedor. Napatingin siya kay Blue. Napansin niyang nag-igting ang mga bagang nito. Nahilot niya ang kanyang sintido.
“Nagkakasiyahan yata kayo, ah,” komento ni Bea.
“Mauna na ako. May lakad pa ako,” paalam ni Blue sa kanila. Pilit niyang hinuli ang mga mata nito subalit sadyang iniiwasan siya nitong tingnan.
“Blue…” tawag niya rito. Subalit dire-diretso lamang ito sa paglabas sa komedor. Hinabol niya ito. Hindi niya pansin ang ginawang pagtawag sa kanya ni Bea.
“Sandali lang, Blue,” aniya nang mahawakan si Blue sa braso nito.
“Ano pa ba ang kailangan mo? Pumayag na ako sa trip mo kanina doon sa loob dahil nakita ko ang tuwa sa mga mata ni Lola Milagrosa. For years, ilang beses niya din naman sinubukan na pag-ayusin tayo, hindi ba? Kaya maano ba ang isang umagang maayos tayong nag-aalmusal.” Dire-diretsong wika nito.
“So, katulad ba noon ay nagpanggap ka lamang ulit?” taas ang kilay na tanong niya rito.
“Ano pa nga ba?” he snorted.
Ilang sandaling namayani ang katahimikan. Maya-maya pa ay tinalikuran na siya nito.
“Iniisip mo ba na inagaw ko sa iyo si Bea?”
Nahinto ito sa paglalakad pero hindi siya nito nilingon.
“Tapos na iyon. Damage has been done.” Iyon lamang at tuloy-tuloy na itong lumabas ng kabahayan.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





2 Responses
Bat kaya di magtayo Ng seafood resto si red para bongga laki kitaan dun tas may sarili din siyang supply Ng mga seafoods naku hahaha
Grabe Ang tigas ni Blue pakipot masyado hahaha