Dahil isang matalik na kaibigan lang ang turing ni July kay Farah ay kuntento na siya na hanggang sa pangarap lang ito maging boyfriend. Bagama’t mahal na mahal niya ito ay tinanggap na lang niya ang kabiguan. Sinisikap niyang maging masaya kahit hingahan lang siya nito ng problema at sama ng loob.
Hindi naman kasi lingid sa kanyang kaalaman na may babae itong pinapangarap. Babaing tanging hinahangad na maging first girlfriend. Na ni gatiting na katangian ay wala siyang binatbat dahil ito ay ang sikat na sexy star, si Mariah Zuares.
Pero isang gabi ay bigla na lang niyang ikinagulat ang biglaan nitong panliligaw. Guwapong-guwapo ang loko na may dala pang bouquet of fresh flowers.
Bakit?
Isang napakalaking bakit?
Dalawang bagay ang nabuo sa isip ni Farah.
Nagbago na nga ba ang tibok ng puso ni July o nais lang siya nitong paglaruan?
Dahil Siya Ay Pangarap Lang (One Shot Story)
Table of Contents
Dahil Siya Ay Pangarap Lang (One Shot Story)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Unrequited love? Sana naman hindi ito masakit sa puso…
May maganda pong ending ang story kaya pakibasa po. Sana po ay magustuhan ninyo. Maraming salamat sa pagbabasa.