2 | Rebound
Dear Self,
Smile.
Life can be hard sometimes and you might feel lost as you continue your journey. Keep walking, keep a piece of positive thought in the corner of your mind and don’t lose your smile. Maybe you won’t know it, but there are people out there who wanted to see you smile.
And remember, it’s the best revenge for those who eagerly wanted to see you cry.
Love,
Savannah
- – = = –
“Ano’ng gagawin ko dyan?” tanong ko habang nakatingin sa mga tsokolate.
Dahil maagang natapos ang klase namin, nagpalipas kami ng oras sa parking lot habang hinihintay ang susunod na subject. Pinatay ni Migs ang radyo ng sasakyan niya at binigyan ako ng madiin na tingin.
“Madam, kinakain ang chocolates, may iba ka pa bang balak gawin d’yan?” pagtataray na sagot ng bestfriend ko habang nakataas ang isang kilay.
Huminga ako ng malalim. “Bakit niya ba kasi ako binigyan niyan?” Tanging titig lang ang nagawa ko sa malaking Ferrero Rocher, Hersheys at Toblerone na nakatali sa pulang ribbon.
“Matagal nang may gusto ‘yon sa iyo. Naunahan lang siya ni Carl na manligaw. Di ba na-chika ko na ‘yon sa ‘yo before? Now that you’re free, aba, mukhang binakuran ka na ni Keith.”
“Ayoko muna ng mga ganyan, Migs.” Umiwas ako ng tingin sa kanya.
Hinawakan niya ang pisngi ko at pilit na hinarap sa kanya. “Bakit ayaw mo? He’s nice naman, ah?”
Pumiglas ako at dumistansya sa kanya.
“Una, ayoko muna magkaroon ng boyfriend. Gusto ko muna ma-enjoy ang single life ko. Alam mo ‘yon, almost three years kami ni Carl at ngayon ko lang mararamdaman ulit ang freedom. Pangalawa, wala akong gusto kay Keith.”
Pinitik ni Migs ang noo ko. Lokong bakla ‘to. Bully.
“Una, isa sa pinakagwapo si Keith. Tall, dark and handsome. Mabait. May kotse. Matalino naman siya. Pangalawa, parang patay na patay ‘yon sa ‘yo. Pangatlo, maganda ka, Savannah, bagay kayo.”
Napakunot ako ng noo, masama ang tingin sa chocolates na bigay niya. “Ah basta. Ayoko.”
“Ay hard to get si Madam,” komento niya.
“Ang ideal relationship ko, iyong mahal na mahal namin ang isa’t isa. Yung tipong lahat ng oras niya ibibigay niya sa akin. Yung relasyon nakakakilig. Perfect. ‘Yong hindi ako masasaktan. Okay lang kahit walang kotse o hindi mayaman. Basta mahal namin ang isa’t isa.”
Biglang nagising si Kaye at kumportableng umupo. Mula sa back seat ng sasakyan, lumitaw ang ulo niya sa pagitan naming dalawa ni Migs.
“Ano yang pinagtatalunan niyo? Sino ang nanliligaw kay Savannah?”
Bago pa man ako makapagsalita, sumabat na si Migs. “Si Keith. Pagsabihan mo ‘tong bestie mo, choosy na nga, nangangarap pa ng gising! Hoy, yang ideal relationship mo kahit saang nobela mo hanapin, hindi mo matatagpuan yan.”
Ramdam kong tumitig sa akin si Kaye. “May point si Migs,” pagsang-ayon niya. “Malapit na din ang Valentine’s Day, ang lungkot naman na single ka no’n, Savy. Dapat by then, ready to mingle ka na.”
Umiling ako. “Alam n’yo, panahon na para i-set aside muna natin yang mga boys. Hindi naman required magkaroon ng date or boyfriend kapag V-day di ba? Isa pa, mas magandang mag-focus muna ako kung paano ako ga-graduate,” madiin kong sinabi.
“Fine.” Pagsuko ni Migs at saka binuksan muli ang radyo. “Okay ako sa sinabi mong yan, support kita. Sige, studies muna. At dahil single tayo, ikaw ang katulong ko maglagay ng decorations para sa V-Party. Won’t take no for an answer, unless pumayag kang magpaligaw kay Keith.”
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya. “Whatever you say, Migs!”
Malutong na tawa lang ang naisagot niya sa akin.
- – – –
Friday.
Narinig kong umurong ang upuan sa tabi ko.
Si Keith.
“Hi,” bati niya sa ‘kin.
“Hello.” Matipid na ngiti lang ang naibigay ko. Nagpatuloy ako sa pagco-code dahil wala naman akong maasahan sa mga kasama ko sa thesis na ‘to maliban kay Kaye.
“Busy ka?” malumanay na tanong ni Keith.
Obvious ba? “Hindi naman. May kailangan ka ba?”
Napaiwas siya ng tingin, may nahihiyang ngiti. Kung ikukumpara sa ex ko, mas malinis tingnan si Keith. Plantsado ang t-shirt, para bang hindi nalulukot ang damit.
“Nabanggit mo na ikaw ang magcocover ng game, magkakaroon kami ng practice game with Accountacy team. Parang friendly game before ‘yong official opening ng finals.”
Natigil ako sa pagco-code. Alam ko rin naman na kailangan ko ng tulong mula sa Google at Stackoverflow para sa program na ‘to.
“Kailan ‘yong game?” sabik kong tanong.
“Later, 4pm.”
“Thank you. I’ll be there,” sabi ko sa kanya. “Galingan niyo, ha.”
Ngumiti si Keith. Mukha pala siyang inosenteng lalaki kapag nakangiti. Ibang-iba kapag naglalaro na sa court. Pansin ko rin na may maamo siyang mga mata.
“Oo naman, Savy, para sa ‘yo.”
Hindi ko napigilan at nahawa na lang ako sa ngiti niya.
Sabay na kaming pumunta sa covered court ng Mandra University. Halos lahat ng estudyante na walang klase ng oras na iyon ay kumportableng nakaupo sa bleachers. Ang karamihan sa mga babae roon ay nanonood para sa crush nila, panay ang sigaw ng pangalan ni Carl. Hindi naman nagpapatalo ang mga HRM students kung saan buong puso nilang hinihiyaw ang pangalan ni Dax at Keith.
Saglit akong nakipag-usap kay Sir Mondel, ang coach ng Accountancy basketball team. Mabait siya at mapagbiro. Ang sentro nila ang itinulak niya sa akin para sa interview imbis na si Carl. Gaya ng sabi ko, mabait si Coach Mondel.
“Wooot, bye-bye, ex,” narinig kong asar ng isang teammate ni Carl nang paalis na ako sa pwesto nila. Ngumisi naman ang magaling na lalaki. “May bago ka na ba?”
Nag-init ang pisngi ko sa ginawa nila. Pero nagpanggap akong walang narinig at nakita, at saka dumiretso kay Migs. Minsan talaga, asal bata pa rin ang ibang tao.
“Are they harassing you?” taas-kilay niyang tanong nang marating ko ang pwesto niya. Halatang nakita niya ang nangyari.
“Hayaan mo na sila,” asiwa kong sagot kay Migs. “Hindi na dapat pinapansin ‘yong mga ganoong klaseng tao.”
Tumayo si Migs at sumulyap sa bench ng kabilang team.
“Cuz,” tawag niya sa pinsang si St. Peirre. “Siguraduhin mong matatalo sila ngayon ha. Lalo na si Carl. Parang gago eh.”
Saglit sumilip sa kabilang team si Dax. Bahagyang naka-taas ang isang niyang makapal na kilay, tutok sa akin ang mapungay niyang mata.
“Why? Are they harassing you?” pag-uulit niyang tanong.
Umiling na lang ako para matapos na. Hindi naman dapat maging big deal ang break up. Sadyang kulang lang sa pansin ang mga kaibigan ni Carl.
“Anong hindi?!” inis na tugon ni Migs, nakapamewang. “Dax, basta, makapal ang mukha niyang si Carl eh. Kala mo tutang inabandona. E kung tutuusin siya pa nga tong- “
Hinawakan ko siya sa braso at mabilis na tinakpan ang bibig niya. Masyado talaga siyang madaldal kapag mainit ang ulo. Hanggang ngayon, mas galit pa siya at mas emotional kaysa sa akin.
Shut up! Pinandilatan ko siya ng mata. Agad naman siyang tumigil at tumahimik.
Isang tapik ang naramdaman ko mula kay Dax. “Kaming bahala, Sev.”
Tumango na lang ako. Hindi nagtagal, nag-umpisa na ang laro.
- – – –
“Uuwi na ako, Migs,” nagmamadali kong tugon sa kanya. Siguradong gutom na ang kapatid ko sa kahihintay sa akin. Hindi pa man din marunong magluto ‘yon.
“Kumain na muna tayo, sayang ‘yong order na pizza, Madam,” pagpipilit niya.
Madalas ay inihahatid ako ni Migs pauwi sa bahay. Hindi dahil sa gentleman siya kundi dahil sa ayaw niya umuwi sa kanila ng maaga. Simula noong umamin siya sa tunay na nararamdman, madalas na silang magkasagutan ng kanyang ama. Hindi mahilig sa drama si Migs kaya naman siya na lang ang umiiwas.
Gustuhin ko man makiisa sa kasiyahan nila pero may responsibilidad pa akong dapat gampanan sa bahay. Ako lang naman ang matuturing na ‘guardian’ ng kapatid ko kaya naman madalas ay school-bahay lang ang ritmo ng buhay ko. Kadalasan ay sa bahay na lang tumatambay sina Migs at Kaye para raw hindi ako malungkot.
Kitang kita ko kung paano ginalingan nila Keith at Dax ang laro kanina. Sagot ni Keith ang rebound samantala puro puntos naman ang ginawa ni Dax. Sa huli, panalo sila sa friendly game laban sa kabilang team.
“Oh, sige, dito ka na lang muna, pero mauuna na ako. Alam mo naman mag-isa lang si Sabel sa bahay. Hindi pa ‘yon kumakain.”
Pinigilan niya ako at humawak sa aking braso. “Savy naman, e di nakonsensiya pa ako kung may nangyari sa ‘yo?”
Natatawang hinawi ko ang kamay niya sa braso ko. “Tigilan mo nga ako. Anong akala mo sa akin, kinder na pwedeng utuin kapag binigyan ng kendi?”
“Savy, ako na ang maghahatid sa ‘yo,” sabat ni Keith.
May kung anong pintig akong naramdaman. Dahil noong sandaling iyon, hindi ko magawang tumanggi sa pakiusap ni Keith.
Nilakihan ako ng mata ni Migs at Kaye na noon ay tahimik kaming pinagmamasdan, sinasabing pumayag na ako.
Bigla naming sumulpot si Dax sa kaibigang lalaki at inakbayan ito, may ngiti sa labi. “Good luck, Paps,” pabulong niyang sinabi kay Keith.
Tumingin siya sa akin. “Bye for now, Sevannah, ingat kayo.”
Para na rin makauwi na agad, pumayag na akong magpahatid kay Keith.
Hindi ko maintindihan kung bakit mula pag-upo ko sa passenger seat hanggang sa makaalis kami sa school e halos marinig ko ang tibok ng dibdib ko. Bakit nga ba ako kinakabahan?
“Savy,” mabagal na tugon ni Keith habang nagmamaneho, tutok sa daan. “May sasabihin sana ako…”
Sabin ni Migs, matagal na akong gusto ni Keith. Magco-confess na ba siya ng nararamdaman niya? Pwede ko ba siyang mapigilan? Please, wag kang magtapat ng feelings. Please! “Ano yun?” kabado kong tanong.
“Matagal na kasi akong may gusto sa ‘yo. Since first year natin. Since nagpakilala ka sa harap ng klase. Simula noong naging partners tayo sa computer lab. Iba ka kasi sa karamihan e. Simple ka lang, hindi pabida, hindi maarte, pero maganda.”
Sabi ko wag ka magtapat ng feelings, e! Parang nakakangilo marinig na matagal na siyang may gusto sa akin. Sa totoo lang, hindi naman mahirap magustuhan si Keith. Naalala ko pa nga na siya rin ang una kong naging crush simula pagpasok ko sa Mandra University.
“Savy?”
“Huh?”
Napangiti siya. “Narinig mo ba ang sinabi ko?”
Naubo ako. Pakiramdam ko lalagnatin ako. “Thank you dahil na-appreciate mo ako,” panimula ko. “Pero gusto ko na rin linawin na hanggang kabigan lang kasi yung kaya kong ibigay. Ang pangit din naman dahil kung itutuloy mo, di ba’t magmumukha kang rebound? At ayoko naman ng gano’n. At sa totoo lang, wala pa akong oras para sa more than friends relationship.”
Nakita ko ang paghigpit ng kapit sa manibela ni Keith. Sorry kung nasaktan ka. Pero ayokong mag-paasa. “Safe bang sabihin na hindi ka pa nakakapag-move on kay Carl?” mahinahon niyang tanong.
“Sabihin na lang natin na wala pa akong interes para sa gano’n.” Nagkibit-balikat na lang ako.
Tumango-tango siya, animo’y ninanamnam ang mga sinabi ko. “It’s okay. Kaya kong maghintay hanggang sa magkaroon ka ng interes at oras.”
Huminto siya sa tapat ng bahay namin. Nakita ko ang kapatid ko sa terrace, nakasimangot na naghihintay.
Patay ako nito!
“Keith, alam kong gasgas na ‘tong rason ko, pero seryoso akong magtatapos muna ako ng pag-aaral. Ayokong maghintay ka.”
Napapikit siya saglit. “Ouch.” Hinawakan niya ang dibdib niya, umaarteng nasasaktan. O baka nga totoong nasaktan ko siya. “Isa yan sa nagustuhan ko sa ‘yo, Savy, straight to the point.” Ngumiti siya at napa-iling ng ulo. “Pero okay lang. At least nasabi ko sa ‘yo. No regrets na sa part ko.”
“Thank you, Keith. And sorry.”
Umiwas siya ng tingin, may nahihiyang ngiti. “Okay lang. Pero hindi naman ako basta-basta susuko. Siguro para sa ‘yo, hindi maganda ang rebound. Pero para sa akin, kung hindi mo kukunin ang bola, kung hahayaan kong ma-box out ako ng iba at sila ang kumuha ng rebound, ako ang matatalo.”
Ugh, so stubborn!
Nakapamewang na ang kapatid ko habang nakatitig sa nakaparadang sasakyan ni Keith.
“Sige na, Keith, galit na yung kapatid ko. Ingat sa pag-drive,” paalam ko at bumaba na ng kotse niya. “Thank you sa paghatid!”
“See you, Savy.”
Ngumiti ako kay Sabel, ang bunso kong kapatid, pagpasok ko sa gate.
“Sino ‘yon?” masungit niyang tanong, sinusundan ng tingin ang papaalis na kotse ni Keith.
“Uh… Wala, schoolmate ko lang.”
Nagtaas siya ng kilay. “Nanliligaw ba siya sa ‘yo, ate?”
Napabuntong hininga ako at marahan siyang tinulak papasok sa loob ng bahay. “Nope.”
“Binilhan mo ba ako ng adobong mani?”
“Hindi, nakalimutan ko.”
“Ugh, ate Savannah, sabi ko wag mong kakalimutan, e!”
Tinitigan ko siya. “Naglilihi ka ba sa mani?”
Kumunot ang noo niya at inirapan lang ako.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Simpleng babae hahaha kaso siga ako samin hahaha
Hahaha ang kulit sana all simple kaso ako pabidang jabee hahaha🤣🤣🤣 tsaka nakikipag sapakan ako hahaha sana all simple hahaha