May posibilidad kayang mauwi into reality ang nabuong pagmamahalan online?
ALIYAH
Where in Vigan?
Isang malaking katunangan sa isipan ko, pagkatapos kong bumababa sa van na sinakyan ko mula Maynila hanggang sa rito sa mala-paraisong lugar na ito sa norte. VIGAN.
Actually, ang plano ko lang naman talaga ay makapag-unwind, makapag-detox at ma-i-flush lahat ng stress na nakatago mula sa kasingit-singitan ko sa katawan. Pero ngayon kasing nakaapak na ako dito sa flooring ng Callè Crisologo at sinasampal ng romantic vibes in the air, bigla akong umasa. Sumagi sa isipan ko si Miggy.
Where in Vigan? Where ba dito si Miggy ko? Mag-meet kaya kami?
Alam kong malabo. Pero wala naman mawawala kung susubukan kong buwagin ang napagkasunduan naming rule#5.
No meet up.
MIGGY
I paused. Close my eyes and massage my temple. Monday pa lang, but it feels like I’m already dragged to hell dahil sa tambak na trabaho dito sa opisina. Sigh.
Napamulat ako ng mga mata nang bigla siyang sumagi sa isipan ko. Kapag ganito kasing stress na stress ako sa trabaho, siya lang ang nagpapawala ng pagod ko. Si Aliyah.
My Aliyah…
I grabbed my phone from the side of the table na halos natambakan na ng mga papeles and I check her on twitter. Dito kasi siya madalas online. Dito kami madalas magkausap. At dito kami nagmahalan.
After several scrolls and tap on my phone screen, browse here and there on my timeline, biglang nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang post niya five minutes ago.
Aliyah🌻 @_lei02
The place where our love story… VIGAN!
10:05AM 05 April 18
“What the-! It can’t be. Hindi siya pwedeng nandito!” I exclaimed habang tinatambol ng kaba ang puso ko. This can’t be happening. Hindi kami pwedeng magtagpo. Not now, not very soon.
Would their online love be enough, if reality hits them hard?
━━━━━━ ◦ ❖ ◦ ━━━━━━
Continue to Dying Inside To Hold You – Chapter 1
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





