Cold Night of December
by Petaledlotus
“Pasko na sinta ko, hanap-hanap kita—” naririnig kong tugtog sa radyo.
The Christmas season is here again, and almost all the radio stations plays different Christmas songs to truly feel the season.
I decorated my room with Christmas theme; small Christmas tree near to my study table, and some red Christmas socks in my mini library.
Christmas season made me very happy because of the traditional things that we need to do, like having get together, family reunion, karaoke bonding and many more. But all of those traditions, the one I loved the most is joining group of youth singing Christmas songs in every blocks.
Christmas has been very memorable to me, since it always bring me back to the day I met my husband, Lance. He was my boyfriend for almost 5 years until we get married. One thing that always made me grateful to God is having Lance in my life. He is the type of man that girls every dreamed— Aside frem his good look and good body build up, he is also a good partner. He has a very lovable characteristics, he is a very kind person, he treated everyone well, especially elders and the street childrens. We both joining some charities for the oldies and youth.
—————-
“Honey?” he said while knocking the door.
“Wait” I replied and open the door.
Tumambad sa akin ang lalaking tanging minamahal ko at mamahalin ko hanggang dulo, ang tanging best man ko.
“Here,” sabi niya sabay abot sa akin ng isang basket na prutas.
“Come, I have something for you to see,” sabi nito saka hinila ang kamay ko papunta sa terrace ng condo unit na inuupahan ko.
Kaagad naman ako sumunod sa kanya.
Tuloy-tuloy na bagsak ng mga meteors mula sa kalangitan ang naabutan ko nang makarating kami sa terrace kong saan ako dinala ng aking boyfriend.
“Its so nice, ang ganda!” Komento ko sabay pinagmasdan ang mga nagbabagsakang mga meteors mula sa kalangitan
“Paano mo ‘to nalaman?” tanong ko sa kanya na siya naman nagpatawa sa aking nobyo.
He waved his phone.
“Have a sit here and I will get some hot chocolate drink,” sabi nito sabay inalalayan ako sa pag-upo.
“Thanks,” sabi ko. Kumindat lamang ito sabay umalis.
Napangiti na lang ako habang inaalala ang lahat lalo na ang araw kung paanong nangyaring may Lance at Ginger na nagtagpo.
FIVE YEARS AGO. . .
Nakatayo ako noon sa harapan ng aming chapel, wearing red dress and cute doll shoes. Im attending simbang gabi, it was then the last simbang gabi that year because it is already Christmas.
“Hey Ginger you look so gorgeous huh? Napaka fashionable mo talaga,” sabi ni Alexa, my friend na kasama ko sa simbang gabi for almost 6 years.
“Wag mo akong bolahin Alex,” natatawang sabi ko sa kanya sabay inaya siyang pumasok sa loob ng simbahan.
“Ano bang wish mo this Christmas?” tanong sa akin ni Alex.
“Have a good health, career and also partner in life,” sabi ko na ikinatawa niya.
“Partner in life huh?” tanong pa niya.
“Hayst, tama na tara na pasok na tayo sa loob,” sabi ko sabay aya sa kanya sa loob ng simbahan.
“Magbigay ng tanda ng kapayapaan, peace be with you,” sabi ng pari. Nag bow ako sa harap at sa likod.
Umagaw ng pansin ko ang isang lalaki na napaka-ayos ng suot; Naka suot ito ng polo na plansyadong-plansyado. Napansin ko rin ang suot nitong relo na nagpadagdag ng kaniyang kisig. Napakadesente niyang tignan.
“Hoy Friend peace be with you” sabi sa akin ni Alex. Tumango naman ako saka tumngin sa lalaki na nasa likod.
Nakatingin din pala ito sa akin. May maamo itong mga mata at may magandang hubog ng mukha, nakakadagdag appeal sa kanyang decent gestures.
Masayang natapos ang simbang gabi, everyone in the church is happy including me and my bestfriens. Dumeretso na kami sa bahay nila Tita Josel dahil doon daw kami mag nonoche buena. Tita Josel is my mother’s bestfriend. Mommy siya ni Alex.
“Hi Ginger,” bati nito sa akin saka hinalikan ako sa pisngi.
“Hello po tita, here is my gift for you,” masayang sagot ko saka inabot ang isang box na naglalaman ng regalo ko.
“You’re so sweet Ginger” sabi niya sa akin saka inilapag ang regalo ko sa isang table.
“Come on lets eat,” sabi niya saka hinila ako papunta sa dinning area. Ganito kami ka close ng family ni Alex. Pamilya na rin ang turing ko sa kanila, even ang family ko close din sila sa family nila Alex.
Habang kumakain kami ng noche buen, hindi maiwasan na mag kwentuhan at tampulan ng tukso si Alex with her boyfriend na nasa tabi niya.
Naputol ang usapan nang biglang may mag-door bell.
“Ako na,” sabi ni tita Josel.
“Lance!” sabi niya.
Sumilip naman kaming lahat sa pinto.
Doon ko nakita ang lalaking nakita ko sa simbahan kani-kanina lang.
“Hello po tita,” bati nito saka niyakap si tita Josel.
“Kuya lance? ” tanong ni Alex saka pumunta kay Lance.
“Ikaw ba yung nakita ko sa chapel kanina? ‘di kita nakilala, ah,” sabi ni Lance kay Alex.
“Halika, Kuya Lance ipapakilala ko sayo ang napaka-gorgeous kong kaibigan, siya si Ginger,” sabi ni Alex saka hinatak ako papunta doon
“Hi hi po kuya Lance,” saad ko naman sa binata saka ngumiti.
“Hello Ginger, you look so gorgeous,” wika nito habang nakatitig sa akin.
“Salamat po, Kuya,” saad ko naman saka ngumiti rin sa kanya.
“Tara na sa hapag kumain na tayo,” sabi ni tita saka nauna na sa kusina. Agad naman kaming sumunod.
Tahimik na akong kumakain na kanina todo ingay dahil sa presensiya ni Lance, Nasusulyapan ko kasi itong nagnanakaw ng tingin sa akin. Kapag nahuhuli ko ito ay umiiwas kaagad.
“So, mauna na po ako tita, uuwi pa po kasi ako ng province, eh,” saad ko kay tita matapos naming kumain.
“Ah, sige anak soon kami rin ang makikigulo sa bahay niyo,” biro nito sa akin.
“Oo naman po tita, welcome na welcome po kayo sa bahay,” nakangiting sabi ko.
“Si Lance na lang mag hahatid sayo anak,” sabi ni tita Josel.
“Ah tita wag na po nakakahiya kay kuya Lance,” sabi ko rito saka ngumiti.
“Gusto ka rin makilala ni Lance wag kang mag-alala mabait yan,” sabi ni tita Josel na kinatawa ko.
“Tita wag na po nakakahiya kay kuya Lance, bagong dating pa naman,” sabi ko saka ngumiti.
Lumabas na ako ng gate nila tita Josel habang kumakaway naman silang lahat sa akin maliban kay Lance na wala doon.
Nag-aabang na ako ng masasakyan ko ng biglang may humintong kotse sa harapan ko
Umatras na ako ng kaunti dahil naisip ko na baka holdaper or kidnapper ang mga na sa loob ng sasakyan. Ayaw ko pa mamatay, dahil gusto ko pa mag karoon ng forever kaya.
Nagulat ako nang bumaba ang salamin ng sasakyan.
“Come, ride on,” Si Lance ang nasa driving chair ng sasakyan.
“Ah, ‘wag na po kuya, kaya ko naman po umuwi,” sabi ko rito saka naglakad ako papalayo dito.
“No! Pagagalitan ako ni Tita Josel kapag hindi kita hinatid,” sabi pa nito.
“Ako bahala kay Tita Josel, Kuya bumalik kana po doon,” sabi ko pa saka humakbang ulit.
“No come na kasi,” sabi ulit nito.
“Wag na po, Kuya,” sabi ko pa ulit.
“Sige ka, may mga addict sa banda diyan, baka may mangyari sayo,” sabi pa ulit neto.
“Kuya kita mo ‘to?”sabi ko sakanya, saka pinakita ang muscle ko.
“Muscle ko palang tiklop na sila kuya,” pagyayabang ko sa kanya saka nag lakad ulit.
Napahalakhak tuloy si Lance.
“Halika kana, hindi kita lulubayan hanggat hindi ka sumakay,”
Wala na akong nagawa kundi sumakay dahil mukhang wala yatang balak si Lance na lubayan ako.
Habang nagda-drive ay nagkwentuhan din kami ni Lance sa loob ng sasakyan nito. Sa sarap ng kwentuhan namin ay parang antagal ng aming naging byahe.
“So ba-bye na Ginger bread,” sabi nito sa akin saka humalakhak nang makababa na ako mula sa kanyang sasakyan.
“Tumigil ka diyan, Lancelot,” sabi ko riot saka tinawanan din siya.
“Goodnight Ginger, Merry Christmas,” sabi nito na ikinagulat ko.
“Ah? Uhm, Goodnight din, Lance and Merry Christamas,” sagot ko rito. Nagkatitigan kami ng mga ilang sigundo bago ako tuluyang humakbang papasok sa building kung saan ako tumutuloy.
BUKOD sa unang pagkikita namin ni Lance at ang date namin in the midst of Meteor showers, ang kasal namin ang isa rin sa hinding-hindi ko makakalimutang sandali namin ni Lance.
One year after our first meeting ni Lance, naging magsyota na kami. It was December then, Christmas season. The following December, Christmas season too, we decided to get married, until Lance was diagnosed of Brain cancer.
Hindi ko lubos maisip na iyon ang kahihinatnan ng lahat. Masyadong madaya ang tadhana.
——————–
“Lance lumaban ka, ipo-postpone ko muna ang kasal para makapag pagaling ka,” sabi ko rito habang nasa hospital kami naghihintay na isalang sa operasyon si Lance upang tanggalin ang tumor sa kanyang utak.
Hinawakan lang ni Lance ang aking kamay. “Hindi, Ginger, itutuloy natin ito, everything is being ready na,we need to continue,” sabi nito habang hawak ang kamay ko.
“No! magpagaling ka muna,”
“Itutuloy natin please,” pagmamakaawa pa nito na siyang ikinahulog ng aking dibdib.
“Ma’am, si Sir na po ang susunod sa OR (Operating room),” sabi ng nurse sa akin. Hinila na nila ang strecher na kinahihigaan ni Lance.
Hawak ko pa rin ang kamay nito at hindi binibitawan hanggang sa makarating kami sa harap ng OR.
“Magpakatatatag ka, Lance. Hindi para sa atin kundi para sa pamilya mong naghihintay sayo,” saad ko rito bago ito tuluyang lamunin ng pintuan ng OR.
Tumango naman ito, saka binitawan ang kamay ko.
Ipinasok si Lance sa OR around 1:30 Am at halos buong magdamag nasa chapel ako ng hospital, nagdadasal na sana maging successful ang operation niya. Hindi matanggal ang kaba sa aking dibdib na baka hindi maging positive ang operasyon.
“Lord please guide Lance. Patatagin niyo po ang loob niya. Lord please ibalik niyo ang Lance na ibinigay niyo sa akin, Lord. Wala na akong mahihiling pa sa darating na pasko kundi ang makasama siya,” saad ko habang lumuluha.
“Lord please save Lance,” sabi ko pa ulit habang patuloy na umiiyak sa chapel.
3:30 Am na nang matapos ang operation ni Lance. Sa awa ng Diyos, successful naman ito, higit kumulang isang fist ang nakuhang tumor sa utak ni Lance na halos sumakop sa ulo niya at may maliliit pang mga tumor ang nasa paligid nito.
Grabe ang hirap at sakit na naramdaman ko nang malaman ko yon.
Nang malaman kong success ang operation ay nagpasya muna akong umuwi, nasa hospital din kasi ang mga magulang namin, at sila din ang nagpumilit na umuwi muna ako upang makapagpahinga dahil wala na raw akong tulog.
Pagdating ko sa condo, agad kong hinanap ang envelope kung nasaan ang tatak ng isang logo ng hospital.
Doon ulit lumandas ang lahat ng luha ko nang makita ang CT scan ni Lance. Tumor na halos ang laman ng buo nitong utak.
“Lance bakit andaya mo hindi mo sinabi,” sabi ko habang tinitignan ang resulta.
It was December 15, the same year, nagising na si Lance. success ang operation ngunit may iniinda parin itong sakit galing sa operasyon. Sinabi rin nang Doktor nang araw na iyon na hindi pa rin ligtas si Lance dahil nga cancerous ang tumor na nakuha sa ulo nito.
Halos manlumo ako sa mga nangyayari sa amin ngunit mas minabuti kong maging malakas para kay Lance, para sa amin.
Inalagaan ko lang si Lance habang nasa hospital kami, lagi siyang pinapaalalahanan na kakayanin namin ang lahat ng pagsubok sa buhay na aming kinakaharap. Paborito naming bonding ang pagkakantahan lalo na at Christmas season na rin. Kapag hindi Christmas song ang aking ikinakanta, ang mga favorite songs naman niya ang inaawit ko rito. Isa na roon ay ang ‘Byahe’ ng
“Grabe ang naging byahe natin,” sabi nito habang hawak ko ang kamay niya.
“Lance kahit na mahirap ang byahe natin wag kang matutulog hah? samahan mo ako wag kang magpahinga,” sabi ko habang pilit na tinatago ang sakit.
“Hindi ko na ata kaya pabigat na ako sa inyo,” sabi nito kaya tiningnan ko siya.
“Lance wag kang sumuko, dahil kami, hinding-hindi kami susuko para sa ‘yo,” sabi ko saka hinawakn ang kanyang mukha.
“Salamt Ginger at lagi kang nandiyan para sa akin, kung wala ka baka matagal na akong sumuko sa byahe,”
December 20 nang taon na iyon, kung kailan nakatadhana na kaming maging isa ni Lance. Hiniling namin sa hospital na doon gawin sa mismong chapel nila ang kasal namin ni Lance upang hindi na ito bumeyahe pa nang matagal dahil baka makasama ito sa kanyang kalagayan.
While I’m walking going on the aisle, nakaramdamdam ako nang kakaibang kaba sa aking dibdib.Kabang hindi ko pa nararamdaman.
Hindi ko rin maiwasang malungkot habang pinagmamasdan ang mga bisita. Nakikita ko sa kanilang masasayang mukha ang lungkot na nakukubli rito at ang sakit na nararamdaman ng bawat isa na nagmamahal kay Lance.
Mas lalong nagpahirap sa akin nang makita ko ang lalaking minamahal ko na nakaupo sa wheel chair; Matamlay na matamlay at pinipilit na maging masaya ang araw na ito para sa amin.
Hinawakan ko ang kamay nito saka humarap sa altar. Malapit nang matapos ang ceremony nang maramdaman ko na unti unting nanghihina si Lance.
“I pronounce you husband and wife—You may now kiss the bride,” sabi ng priest.
Matapos akong halikan ni Lance. Niyakap niya ako nito nang mahigpit. Yumakap din ako nang mahigpit sa kanya, without knowing na iyon na pala ang huling yakap ko sa kanya.
Nagulat ang lahat nang makitang lupaypay nang nakayakap sa akin si Lance.
“Lance?” tanong ko rito. Nabalot na nang iyakan ang buong chapel, halos pati ang priest at doctors napaluha narin sa nangyari.
Nang hawakan ko ang kamay nito. malamig na ito. Doon tuluyan nang lumandas ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilang lumabas.
Nang tingnan ang Doktor ang kalagayan ni Lance. Malungkot itong umiling sa amin.
“Time of death, 12 noon.”
“Condolences,” Maluha-luhang saad ng mga nurses habang nagpupunas sila ng mga mata.
Hindi ako lubos na makapaniwala sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na tuluyan nang nagpaiwan sa byahe si Lance, hindi na niya ako hinintay, natulog na nang mahimbing ang lalaking mahal ko. Halos hindi ko rin lubos maisip na nakayanan pa niyang umabot sa araw kung saan magiging isa kami, ako ang asawa niya at siya ang asawa ko.
HALOS hindi ako makagalaw nang makita ang mukha ng lalaking minamahal ko na nasa tulugan nito. Mukha siyang anghel na natutulog, napakagwapo nito at nakikita ang ngiti sa kanyang mukha.
“Salamat sa limang taon, Lance, salamat sa five years na pagmamahal. Hindi ko man kayang bitawan ka pero kakayanin ko para sa ‘yo. Hindi kita makakalimutan mahal ko,”
Matapos ang libing ni Lance nawala na ang lahat sa akin. Naging matamlay ang buhay ko lalo sa tuwing sumasapit ang desyembre.
Every cold night of December, the past is coming back; Every cold night of December, I feel the presence of Lance hugging me very tight; Every cold night of December, the pain get deeper. Every cold night of December is the proof that once in my life came the best man I ever had.
The End
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






4 Responses
Support lods! keep writing!
ang ganda ng story nato! I feel the cold night of Christmas… keep writing! Goodluck!
Ang Ganda!!! Keep writing a wonderful story…. Goodluck
Good luck lutos