Favorite Mistake (Chapter 2)

“Yes, sige! Inom pa!” sigaw ni Allison habang hawak ang bote ng beer habang chini-cheer niya ang kaibigan na tinutunga ang cocktail drinks nito.

Sumasayaw-sayaw din sila paminsan-minsan sa table nila, kanina lang umiiyak ang kaibigan niyang si Evony nang makipagkita ito sa kanya ngayon nakakailang baso na ng alak at halatang lasing na ito dahil sa pamumula ng pisngi.

“Sayaw tayo roon, daming boys!” pagyaya ni Evony sa kanya.

“Huwag na dito lang tayo—hoy! Evony!” tuluyang napabitaw ang kaibigan niya sa kamay niya at ilapag ang baso sa lamesa.

Para itong batang nagtatatalon patungo sa dance floor na puno rin ng mga customer ng bar na pinuntahan nila. Wala na rin siyang nagawa dahil gusto rin niyang makalimutan ng kaibigan niya ang nangyari rito at pakikipagtalo sa kasintahan. Suot pa ni Evony ang dress na suot sa pag-attend sa isang kasal.

Tinungga niya ang pang huling boteng hawak niya bago siya patakbong hinabol sa dance floor si Evony, ilang beses siyang nakasiko at nakatapak ng paa roon dahil sa siksikan. Sumingit din siya sa ilang grupo na nagsasayaw doon ngunit mabilis na nawala sa kumpulan ang kaibigan niya, nagtatalon ang mga naroon nang mapalitan nang mas malakas at mas rock remix song. Hindi na rin makahinga si Allison sa dami ng tao at naiinitan siya kaya mabilis siyang lumabas sa dance floor.

Habang tumatagal mas lalong umiinit sa loob kaya lumabas na muna siya ng bar kung labas-masok ang mga tao roon. Paglingon niya sa isang direksyon malapit sa parking lot napansin niya ang kumpulan, nagkakagulo roon dahil alam niyang dakilang chismosa siya agad siyang dumiretso roon para malaman kung anong meron at saka na lamang niya babalikan ang kaibigan.

“Siraulo ka ba?”

“Bitawan ka ninyo ako, may kailangan pa akong asikasuhin!”

“Hindi ka namin titigalan hangga’t hindi mo inaamin na niloko mo yung kapatid ko, gago ka eh!”

“Baka gusto makatikim!”

“You don’t know about me, baka makasuhan ko kayo ng harassment!”

“Kakasohan kita ng kamao ko gago ka!”

“I don’t know whose you’re talking about, gets mo ba yon o bobo ka?”

Nang makasingit si Allison sa kumpulan, bumungad sa kanya ang tatlong lalaki na para bang model ng underwear sa isang magazine sa tangkad ng mga ito, dalawa yung hinaharangan samantalang pinagtutulungan nila yung binatang may suot na Gucci shade kahit pa gabi.

Napahawak siya sa bibig sa gulat nang tinulak nong mas malaki ang katawan yung lalaki naka-shade kaya tumama ang likod nito at natumba. Pati ang nakikinood ay nabigla pero walang gustong umawat sa tatlo na tila pinagpupustuhan pa ang nangyayari.

“Fuck,” bulong sa inis nong binatang naka-shade nang tumayo siya agad niyang tinulak ang lalaking nakasuot ng bomber jacket.

Pero agad namang umatake ang kasama nito nang hilahin ang kamay niya, gagamitin niya sana ang isa niyang kamay nang mahawakan din ito ngunit hindi inaasahan ng binata nang biglang pilipitin ang kanan niyang kamay.

“AHHHH! Fuck! Get it off!” sigaw nito sa pamimilipit sa sakit.

“Hoy!” narinig nila ang pagpito ng mga bouncer malapit sa bar nang mapansin ang kumpulan.

Nagtakbuhan ang mga nakikinood doon dahil ayaw nilang mahuli. Agad namang binitawan ng lalaki ang binata kaya natumba na lang ito paupo sa sahig. Hinihila ng kasamahan niyang naka-bomber jacket ang kaibigan para makatakas.

“Halika na! Dali!”

Tanging si Allison lang ang naiwan doon, nang tuluyang mawala ang naroon ay agad siyang lumapit. Sigaw pa rin nang sigaw sa sakit ang binatang naka-shade, napapangiwi si Allison dahil alam niya kung gaano kasakit ma-dislocate ang buto. Hahawakan niya sana ang binata nang sigawan siya nito.

“Don’t touch me!”

“Kaya kitang tulungan,” sabi niya at tila ba nawala ang kalasingan ni Allison.

Tuluyan namang nakalapit ang bouncer galing sa bar. “Anong nangyari dyan?” tanong ng isa.

“Need ko ng ice na-dislocate kasi yung arm niya bago siya madala sa hospital,” wika ni Allison.

Agad namang kumilos ang isa sa bouncer, kinuha naman ni Allison ang phone niya saka tumawag sa emergency number para sa ambulansya. Nang makatawag siya’y binalik niya sa bag ang phone niya.

“Huwag ka kasing galaw nang galaw para hindi lumala ang sakit,” pinaunan niya ang binata sa bag niya na nagkukulit pa rin kaya hinawakan niya ang noo niya habang maingay na inaangat ang kamay nitong pinilipit kaya ramdam niya ang bigat nito.

Doon lang kumalma ang binata kahit mabigat ang paghinga nito.

“Doctor ka ba?” tanong nito sa kanya.

Tinignan niya ito kahit may shade pa ring suot.

“Doctor, doctor ng mga hayop.”

“Mukha ba akong hayop sa ‘yo?”

Napatitig si Allison sa binata sasagutin niya sana ito para asarin nang dumating ang ice compress na kailangan niya, maingat niya itong nilagay sa dislocated part arm ng binata para ma-ease ang pain na nararamdaman nito.

Makalipas ng labing limang minuto dumating na rin ang ambulansya. Nang maisakay ang binata hindi pa rin naalis ang ambulansya at nakatingin sa kanya ang isa sa paramedic doon na lalaki.

“Hindi ka ba sasama?” tanong nito.

Paglingon niya sa direksyon ng binata nakaangat ang ulo nito habang nakahiga habang nakatingin sa kanya.

“Yeah, you need to come siya naging saksi sa nangyari sa akin witness ko siya.”

“Oo, sumama ka na, miss,” pagyaya sa kanya ng paramedic.

Hindi na siya nakipagtalo at sumakay na rin sa ambulansya.

 

ILANG minuto lang makalipas nang makarating sila roon, dadalhin sana ang binata sa loob ng operating room para makita ang dislocated nitong braso at kamay ngunit pinigilan ng binata nito ang nagtutulak ng hospital bed.

“Hey, you,” tawag niya kay Allison.

“Anong kailangan mo?” tanong ng dalaga.

Nilabas naman ng binata ang mamahalin nitong phone saka inabot kay Allison, nagtataka man ay agad na kinuha ni Allison at first time makahawak ng ganu’n kamahal na gadgets. Hinubad din nito ang shade na suot kaya roon lang nakita ng buo ng dalaga ang mukha ng binata. Hindi maiwasan mamangha ni Allison lalo na’t bumabagay ang makapal nitong kilay sa brown monolid eyes nito.

‘Gagi, ang gwapo,’ bulong ni Allison habang pabilis nang pabilis ang pagtibok ng puso niya.

“Call my mom, sa contacts ko pakihanap yung name na Euli Hermana, mom ko yan and pakisabi kung na saan ako para hindi siya mag-alala, okay?” pagmamakaawa nito.

Napatango na lamang siya. “Oo, tatawagan ko siya.”

Tuluyan nang naipasok ang binata sa loob ng operating room.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Favorite Mistake (Chapter 2)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.