LIMANG minuto nang naghihintay sa labas ng operating room si Allison at natawagan na rin niya ang ina ng binata sa phone nito. Napalingon siya sa nurse station nang may lumapit na babaeng nagtatanong sa nurse, para itong nag-aalala at nagmamadali habang nagtatanong sa nurse roon. Agad siyang tumayo at lumapit dito nang makaramdam siya ng kutob na iyon ang ina ng binata lalo na’t may pagkakahawig ito.
Tuluyan siyang nakalapit sa babae, nakasuot ito ng white trouser pants, lilac long sleeve polo shirt na nakatupi hanggang siko, may bag na nakasukbit sa isang kamay nito, napansin niya ang maputi nitong kutis at sandals nitong mamahalin.
“Excuse me, ma’am, kayo po ba si Euli?”
“Yes, it’s me, Euli Laurel-Hermana, ikaw ba yung tumawag kanina na sinugod ang anak ko? Kumusta na siya” Na saan na siya?” nag-aalalang tanong ng babae sa kanya.
‘Laurel, isa siyang Laurel, anong koneksyon niya sa mga Laurel at sa Laurel Agri Ventures?’ iyon ang unang pumasok sa isipan ni Allison nang marinig niyang banggitin ito ng babaeng kaharap nang magpakilala.
“Yes, ma’am, ako nga po, ito po pala,” saka inabot ang phone ng binata sa ina nito. “Magiging okay naman po ang anak ninyo pero nasa operating room pa po siya, lalabas din po siya.”
Nakahinga ng maluwag ang ina ng binata. “Thank you, mabuti na lang ang na andyan ka, naku! Ang anak ko talaga kung ano-anong kalokohan ang inaatupag, maraming salamat talaga, paano ko ba maibabalik ang pagtulong mo sa anak ko.”
“Huwag na po,” sabay iiling-iling and awkward laughing dahil nahihiya siya sa matanda.
“No, need ko sige na’t tanggapin mo.”
Ramdam naman ni Allison na sincere ang babae at mukha ring mabait. Sinuri niya isa-isa ang suot nito na branded ng famous names, dagdag pa roon na Laurel ang babae. Ayaw niyang maging impokrita at ma-pride dahil kailangan na rin niya ng trabaho.
“Kilala ninyo po ba ang may-ari ng Laurel Agri Ventures, kaapelyido ninyo po kasi.”
“Pagmamay-ari iyon ng parents ko, bakit? Ano bang pangalan mo, iha?”
Gustong sumigaw ni Allison sa tuwa nang makompirma niyang ang Laurel na kaharap ay may koneksyon sa kompanyang gusto niyang pasukan.
“Ako nga pala si Allison Gezmundo, licensure veterinarian po ako, baka po nangangailangan kayo ng bagong veterinarian sa farm po ninyo, gustong-gusto ko po talagang makapasok kung papalarin,” ayaw niyang maging mapilit pero nagpapasakali siyang matulungan ng kaharap.
Natigilan ang babae na nakatitig sa kanya habang gulat ang mukha nito.
“Sorry po, okay po kahit hindi na-” hindi siya pinatapos ng ginang.
“No, may naalala lang ako sa apelyido mo, by the way I can help mabuti at sinabi mo agad. I would glad to help,” yumuko ang babae at saka may kinuha sa bag.
Humarap uli ito kay Allison saka inabutan ng business card.
“Call me if you need help, pwede kang pumunta bukas sa opisina ko sa H&L para makakuha ka ng recommendation letter para madali kang makapasok sa LAV, I’ll promise na makakapasok ka, thank you, and I’m glad meeting you to help my son.”
Hindi mawala ang ngiti ni Allison habang maingat niyang hinahawakan ang business card na binigay sa kanya. Magsasalita pa sana siya nang may magsalita sa likuran niya.
“Jusko,” agad na lumapit ang ina nito sa anak na nakahiga sa hospital bed nang lumabas ito sa operating room.
Gusto niyang lumapit sa dalawa para magpasalamat pero hinayaan na lamang niya ang mag-ina. Namilog ang mga mata niya nang maalala niya si Evony na naiwanan niya sa bar. Kaya hindi na siya nakapagpaalam pa.
ISANG oras ang biniyahe niya pabalik sa bar at pagbalik niya roon halos pauwi na ang mga customer. Pumasok pa siya roon ngunit wala siyang Evony na nakita. Kinuha niya ang phone niya para tawagan ang kaibigan ngunit out of coverage ito
“Sana okay ka lang kung na saan ka man,” bulong niya nang muli siyang lumabas ng bar.
*
“Hindi ka na talaga nagtatanda, Saxon! Ano bang gusto mong mangyari sa akin? Papatayin mo baa ko sa nerbyos?”
Nakatitig lang ang binata sa kisame habang hinihintay na matapos ang panenermon sa kanya ng ina. Simula nang mailipat siya ng private room ito na ang bungad sa kanya ng ina niya. Lumingon siya sa ina habang ramdam pa rin niya ang pananakit ng pinilipit niyang braso.
“Tapos ka na ba, ma?”
Lumapit ang ina niya sa kanya. “Saxon, naman grow up, magtanda ka naman, be matured enough, ano na lang ang sasabihin ng abuela mo kung malaman na naman niya ito? Ikaw ang susunod na tagapagmana ng H&L kaya sana huwag mong sayangin ang pinaghirapan ko para sa ‘yo.”
“Sinabi ko na sa ‘yo hindi nga ako ang may kasalanan, eh hindi ko nga sila kilala sinugod nila ako kaya dapat sa kanila kasuhan.”
“Dyan ka magaling, Saxon Alfred Hermana! Puro ka kaso, kung nabubuhay pa ang papa mo baka hindi ka magiging ganyan, jusko!” lumayo ang ginang at saka overreacting na nahiga sa sofa naroon.
Napabuntong-hininga na lamang si Saxon.
Muling naupo ang ina niya at humarap sa kanya. “Alam ko na kung anong gagawin ko sa ‘yo nang magtanda ka, sabi ko kasi sa ‘yo na tigil-tigilan mo na ang pakikipag-date sa mga models natin, dyan ka nakakakuha ng kaaway. Please, stop playing with their hearts…”
“Hindi ako nagpa-fall in love sa kanila, kasalanan ko ba? Never ko nga niyaya ang mga iyon sa date kaya paano nila nasabing naging girlfriend ko sila?” inis na tanong ni Saxon, hindi niya maintindihan kung bakit na misinterpret ng ibang babaeng nakakasalamuha niya ang pagiging friendly niya sa mga ito and hindi naman niya na-feel na makipag-date sa mga ito. Hindi niya maintindihan kung bakit siya na lang ang sinisisi sa mga nangyayari.
Napasapo na lamang si Euli sa kanyang anak gamit ang isang kamay. “Hangga’t hindi ka nagtatanda, mapipilitan akong ipadala ka sa Casiguran and help your abuelas sa farm nila, hindi ka babalik dito hangga’t hindi ka nagtatanda,” naging seryoso na ito para sa kanyang anak na si Saxon.
Nabigla ang binata, gusto niyang tumayo para lumuhod sa ina pero sumasakit lalo ang braso niyang may sinimentuhan. “Ma, you can’t do this to me, ayoko roon ni wala nga akong hilig sa halaman at mas lalo naman sa hayop. Do you remember allergic ako sa cats?”
Napailing ang ginang at desidedo ito sa plano niya. “No! Gagawin mo iyon sa ayaw at gusto mo, final na yan, pagkagaling mo sasama ka sa tito mo sa Casiguran at huwag kang magbabalak na tumakas dahil may magbabantay sa ‘yo roon, maliwanag ba?”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





