How to Heal a Broken Heart (Chapter 4)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

HANNAH pushed Alex, and she did not care if Alex fell to the floor. She angrily fixed herself and pointed her finger at him. “What do you think of me? A toy? Barbie doll? Nabili mo ba ako para sabihin mong “YOU’RE MINE!” Nawala lalo sa mood si Hannah.

“Hindi nga kita nabili, but you’re on my property. Why don’t you just behave and stop complaining. Yes, it’s true! I’m trying to be nice, para sana walang gulo dito sa loob ng pamamahay ko. But you’re pushing me to—“

“Stop!” awat ni Hannah kay Alex. 

“Tell your uncle, I’m out! Maghanap na lang kayo ng ibang gagawa sa restaurant bar mo,” dagdag pa ni Hannah at seryoso ang kanyang mukha. Alex took a deep breath when Hannah walked out the door again. She even bumped Alex’s shoulder. When she was finally out, kinuyom ni Alex ang kanyang mga palad. Natapatan kasi ang kanyang ego.

“Woman, wala pang tumanggi sa akin!” bulong ni Alex sa kanyang sarili. Tsaka niya hinabol si Hannah na hirap na hirap hilahin ang kanyang traveling bag sa may buhangin.

“Wait, Miss Foss!” sigaw ni Alex habang patuloy niya itong hinahabol. Tumigil naman si Hannah at lumingon siya kay Alex.

“What do you want now?” tanong ni Hannah habang ang kanyang kaliwang kilay ay nakataas. Nakakalokong ngiti lang ang naging tugon ng binata.

“May nakakatawa ba sa sinabi ko?” Pinagkrus ni Hannah ang kanyang mga kamay sa kanyang katawan.

“Nothing. But I think this will be fun!” Alex suddenly attacked her. He lifted Hanna’s body which caused her confusion.

“Put me down!” sigaw ni Hannah habang pinagsusuntok niya ang balikat ni Alex.

“No! I said, you’re mine! Ang tigas ng ulo mo! Kung ako lang kay Uncle Ramuel, matagal na kitang pinalayas sa trabaho,” sumbat ni Alex kay Hannah. While they were busy arguings, a car parked behind them. They stopped the awkwardness they were doing.

“Ibaba mo ako,” bulong ni Hannah kay Alex. Maingat naman siyang binaba ng binata. Nang bumukas ang pinto ng sasakyan, lumabas ang kaibigan ni Alex na isang Engineer. At ang kaibigan niyang ito ang tutulong kay Hannah sa proyekto. 

“Christian?” Sabay pa sina Alex at Hannah sa pagbanggit ng pangalan ng lalaki. Alex turned to Hannah, and he noticed that she looked different. Hannah’s reddish cheeks turned pale. Her eyes controlled the tears that wanted to fall. When Alex’s eyes moved to her body, Hannah’s hands trembled. Alex’s eyes suddenly narrowed because he was curious about Hannah’s strange behavior.

“Do you know him?” simple at mahinang tanong ni Alex pero hindi sumagot si Hannah. She remained silent and just stared at Christian. The other car door opened, and a woman came out. The eyeballs of her eyes rolled as she gazed at the surroundings. There aren’t as many establishments and structures around. Sisimulan pa lang ni Hannah sana ang proyekto.

“I knew it, this place is boring!” lumabas sa bibig ng babae. 

“Babe, watch your word!” Naglakad si Christian papunta sa babae at inakbayan niya ito.

“It’s nice to see you again, Hannah,” bati ni Christian habang ang kanyang ngiti ay abot hanggang tenga. Patuloy lang naman ang pagmamasid ng mga mata ni Alex kay Hannah. Nababasa ni Alex ang galit na nakaguhit sa magandang mukha ni Hannah. Lalo na, panay ang paghinga nito ng malalim.

“Well, it’s nice to see you too,” mahinang sagot lang ni Hannah at nagawi ang kanyang mga mata sa babaeng kasama ni Christian.

“Babe, who is she? I don’t like her,” usisa agad ng babae kay Christian. 

Hindi kaagad sumagot si Christian, tiningnan niya si Hannah mula ulo hanggang paa. Napayuko na lang si Hannah dahil si Christian lang naman ang huling lalaking nanakit sa kanyang damdamin ng husto. Si Christian ang lalaking minahal ni Hannah. Na halos lahat ng kanyang buhay ay ibinuhos niya sa binata. 

Wala na ngang natira para sa kanyang sarili kaya siguro nahihirapan siyang buksan muli ang kanyang puso. Nasira na rin ang paningin niya sa mga lalaki. Para sa kanya, iisa lang ang pinanggalingan ng mga ito— ang kaharian ni Satanas.

Naintindihan kaagad ni Alex ang sitwasyon ni Hannah kahit walang lumalabas na salita sa bibig nito. Biglang hinablot ni Alex ang bewang ni Hannah. Nagdikit ang kanilang mga katawan. Nagtama ang kanilang mga mata at pinandilatan siya ni Hannah. Ngunit, mas lalo pang sinisiksik ni Alex ang katawan ni Hannah sa kanyang katawan.

“Isn’t too obvious? Nadatnan niyo kaming naglalambingan, right? Now lady, who do you think she is?” Pagkasabi ni Alex sa bagay na ito biglang nawala ang pagka-akbay ni Christian sa babaeng kasama niya. Napawi din ang ngiti sa mga labi nito. Biglang naging seryoso ang mukha ni Christian.

“Your girlfriend?” sagot naman ng babae kay Alex.

“Nope!” Umiling ang ulo ni Alex. 

“What are you trying to do?” mahinang bulong ni Hannah kay Alex. 

“Just watch, I want to prove something,” mahinang sagot din ni Alex.

“Your wife?” tanong muli ng babae kay Alex.

“Soon to be my wife,” diretsong sagot ni Alex. Bumilog ang mga mata ni Hannah. Saka nagsimulang maglambing si Alex. Kinurot niya ang magkabilang pisngi ni Hannah. Nalukot na parang papel ang noo ni Hannah.

“Umayos ka, smile!” bulong at utos ni Alex habang nakangiti ang kanyang mga labi. Pinilit ni Hannah ang kanyang sarili na sumunod. Kumislap ang mga mata ni Alex nang makita niya ang magandang ngiti ng dalaga.

“Oh, look at her, she’s really beautiful, right Christian?” biglang tanong ni Alex sa kanyang kaibigan. Napapikit na lang ang mga mata ni Christian. Sinakmal niya ang kanyang mga kamao. Hindi kasi niya inaasahan ang kanyang nalalaman. Nang makita niya kasi si Hannah, dahil alam niya ang propesyon ni Hannah, buong akala niya ay related lang sa trabaho. 

“Hey babe, your best friend asking you,” sabi ng babae kay Christian. Nagmulat muli ang kanyang mga mata at pinagmasdan niya si Hannah.

“Yeah!” matipid na sagot ni Christian.

“Now, I’m curious. Do you know each other? Kailan pa?” diretsong tanong ni Alex kay Christian. Pero hindi inaasahan ni Alex na ang sasagot sa kanyang katanungan ay si Hannah.

“Honey, nakasama ko lang siya sa trabaho. Remember, I’m an Architect and Christian is an Engineer,” nakangiting sabi ni Hannah.

“Tinawag niya ba akong, honey?” tumakbo sa isipan ni Alex habang nakatitig siya kay Hannah. 

“Well, this is nice! You know each other already, hindi na tayo mahirapan sa gusto kong itayo sa aking lugar,” sabi na lang ni Alex, pero nagulat siya nang biglang haplusin ni Hannah ang kanyang pisngi. Gumapang pa ang daliri nito hanggang sa kanyang dibdib. Tumindig ang balbon ni Alex sa katawan. Pati yata ang kanyang alaga ay nanigas dahil inamoy-amoy pa ni Hannah ang leeg niya. Gustong abutin ng bibig ni Hannah ang tenga ni Alex para bumulong.

“Honey, ako naman ang curious ngayon, paano kayo naging magkaibigan ni Christian? Bakit hindi ko alam?” Hindi makapag-concentrate si Alex dahil sa ginagawang paglalambing ni Hannah sa kanya. Samantala, naging masama naman ang naging titig ni Christian kay Hannah.

“Babe, look at them, ang sweet nila!” sabat naman ng babae na kasama ni Christian.

“Rose, ganyan talaga kapag hindi pa sila nagsasawa sa isa’t isa,” inis na sabi ni Christian sa kanyang kasintahan. Hindi ito nagustuhan ni Rose.

“So, it means kapag nagsawa ka sa akin, itatapon mo na lang ako na parang basura?” Pinagpapalo niya ang balikat ni Christian.

“Maybe,” tawang sagot ni Hannah kay Rose. Tiningnan ng masama ni Rose si Hannah. Kulang na lang sugurin niya ito.

“I’m just joking!” Sa pagkakataon na ito humalakhak pa si Hannah.

“It’s not funny!” sigaw ni Rose kay Hannah.

“Okay, that’s enough! Pumasok na tayo sa loob ng bahay ko and I think we need to celebrate,” sabat na ;ang ni Alex sa kanila.

“By the way, HONEY!” diin na sabi ni Alex.

“What?” 

“Christian and Rose will stay also here,” paliwanag ni Alex kay Hannah. Sasagot sana si Hannah sa pagkagulat, nang pigilan ni Alex ang labi nito gamit ang hintuturo niya. Dinikit ni Alex ang kanyang daliri sa mga maninipis at kulay rosas na labi ni Hannah.

“No worries, my dear. May dalawang kwarto sa resthouse ko. Ayaw ko rin silang mahirapan na pabalik-balik sa lugar ko, right Christian?” Sabay halik ni Alex sa noo ni Hannah. Kumukulo na ang dugo ni Hannah sa mga pasimpleng kilos na ginagawa ni Alex.

“You’re a pervert! Babasagin ko mga balls mo e!” galit na bulong ng isipan ni Hannah. Ngunit, wala naman siyang magawa kundi ang sumakay sa palabas. Paghihiganti kasi ang naghari sa kanyang puso. Gusto niyang ibalik ang sakit na naranasan niya sa piling ni Christian. 

“We’re staying here? I can’t believe this! Tsk!” inis na sabi na naman ni Rose.

“I don’t really like her,” dagdag pa niya sabay turo niya kay Hannah.

“I don’t really like you either! And if you don’t like it here, you can go! Yayain mo ang boyfriend mo, right Engr. Christian Torres?” gigil na sabi ni Hannah.

“Honey, let’s go inside!” anyaya niya rin kay Alex.

Unang naglakad si Hannah papunta sa loob ng resthouse ni Alex. Napangiti naman ang binata dahil nais niyang makasama talaga si Hannah upang mas kilalanin niya ang dalaga. Sa lahat ng babaeng nakilala niya kasi, si Hannah lang ang kakaiba. Gusto niyang paibigin ito. Magagawa kaya niya? Isa pa, bago sila sumunod kay Hannah. Kinausap ni Alex si Christian at Rose. Kahit matalik silang magkaibigan, nagbigay pa rin siya ng patakaran para sa ikabubuti ni Hannah. Malakas kasi ang kutob ni Alex na may namagitan kay Hannah at Christian sa nakaraan.

“Let’s start the show!” bulong ng isipan ni Alex habang pinagmamasdan niya sina Christian at Rose papasok sa kanyang bahay.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

How to Heal a Broken Heart (Chapter 4)

4 Responses

    1. Hahaha! Tawang-tawa ako sa hinayupak na ex! Hahaha! Enjoy reading po at wag masyadong kiligin sa mga susunod na kabanata, hihihi!

  1. Hahahaahhaha ‘yan kasi. Isip-isip din muna huh Christian? Halatang mahal mo pa si Hannah bee. Have fun ang gusto mo? Sige pagbigyan hahahaha!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.